Dahil sa kailangan pa niyang bumalik sa DepEd division office nitong hapon para sa mga iba pang requirements ay hindi na siya nag abala pa na dalhin ang kanyang sariling kotse. Nakisakay na lang siya sa sasakyan ni Doc Lander at heto nga na kuwentuhan to da max ang dalawa at agad na nagkagaanang loob. Isa sa mga pinakamaligayang sandali sa buhay nilang dalawa sa mga oras na iyon. Nang i-check ni Via ang kanyang cellphone ay mga limang missed calls siyang natanggap mula sa iisang unregistered na number. At laking gulat niya nang mabasa niya ang mensahe mula rito:
The Binibining Pilipinas organization on Sunday, August 8, announced its top 100 candidates. We are happy to inform you that you are one of the top 100 finalists. Over a two-week period, fans voted for the candidates' headshots and video introductions via the Binibining Pilipinas Charities organization. For more details, kindly open the link of Binibining Pilipinas Charities organization. Congratulations and be ready for the next challenge. Thank you.
Hindi niya napigilang napasigaw sa sobrang tuwa at ibinahagi ang natanggap na mensahe kay Lander. Natutuwa rin ito sa kanya at sinabing handa din siyang maging mentor para sa napipintong laban nito sa Binibining Pilipinas. At siyempre itong si timang naman, ay ngiting tagumpay na naman hanggang sa makarating na sila sa isang kainan.
Sa isang simpleng sanitary restaurant sila tumuloy ni Doc Lander. Nag order siya ng munggo beans, adobong baboy at crab soup sa kanyang pananghalian. Dinagdagan naman ito ni Lander ng saging at cucumber juice at umorder na rin ito ng paksiw na dalagang bukid at pinakbet para sa kanilang tanghalian.
Let's celebrate! Congratulations, Atty Via, newly appointed Attorney lll position of the DepEd division office and of course, for being one of the top 100 qualifier sa Binibining Pilipinas... at nag usal sila ng isang maikling dasal ni Lander bago sila tuluyang kumain.
Pagkatapos ng limang minutong katahimikan ay heto na ulit sila at nagsimulang magkwentuhan at mag-asaran, hindi rin nakaligtas ang pasimpleng pogi points ni Doc Lander sa kanya at bigla niya itong isinuot ang isang perlas na singsing kay Atty Via na simbolo daw ito ng kanyang pagtatangi. At sumunod na eksena ay walang humpay na kuwentuhan at tawanan hanggang sa napagdesisyonan na nilang dalawa na bumalik na sa kanilang opisina.
Sige mamaya Doc Lander, sa bahay na lang tayo maghahapunan, at buti naman at may makakaramay nako sa afternoon routine ko ang buong ngiting sinabi ni Atty Via kay Doc Lander bago sila bumalik sa kani-kanilang mga departamento.
Attorney Via Alvarado, sa lunes ka na po magsisimula. Good luck po and welcome to the DepEd family! Ang natutuwang sabi sa kanya ng kanilang HR officer. Salamat ule Ms. ang simpleng tugon ni Atty. Via sa kanya...
Si Doc Lander naman sa mga oras na iyon ay busy rin siya sa pag-aayos ng kanyang pertinent papers for ranking para sa School Governance and Operations Division (SGOD) Chief. Gusto niya kasing siya ang unang magpapasa ng application para sa naturang posisyon. Hi! antayin na lang kita dito sa labas, tapos na ako dito...ang message sa kanya ni Via kaya dali-dali siyang lumabas at inanyayahan niya ito sa kanyang opisina tutal dadalawa lang naman sila ng kanyang messenger sa opisina kasi naka field lahat ng kanyang mga kasamahan sa departamento.
At tinulungan na rin niya si Doc Lander sa pag-aayos ng kanyang pertinent papers at hindi niya maiwasang mamangha sa mga nakita niyang achievements at mga parangal na kanyang natanggap. No wonder talaga kung bakit siya ang inilagay na OIC chief ng SGOD department, ang naibulong ni Via sa kanyang sarili at lalong humanga siya rito...