Hindi alintana ni Lander ang lakas ng buhos ng ulan, nagpatuloy pa rin sila ni Via sa kanilang instant misyon at roadtrip. Mas ganado naman kasi siya lalo na't kasama nya ang pinakamamahal nya. May nakita silang gymnasium na parang mistulang may magkakamping doon at kinutuban si Lander na baka mga evacuee na mga iyon at hindi sila nag alinlangan na pumunta doon at kumustahin ang kalagayan ng bawat pamilyang anduon.
Magandang araw po sa inyo, maaaring magsiupo kayo para malaman namin ng sitwasyon ng bawat isa sa inyo, ani ni Lander sa mga tao doon. Mabilis namang nagsikilos mga tao doon at nagsikilos sila na parang mga maamong tupa. Kaya sa pagkakatala ng mga nagsilikas doon, 27 pamilya at nasa 85 na katao ang kabuuan ng taong andun kaya LAHAT ng pamilya ay nabigyan ng first aid kits, grocery items at isang libong piso. Nagbigay na rin silang dalawa ng workshop seminar sa first aid at legal advices sa mga taong andun kaya inabot sila ng halos apat na oras pero di nila alintana ang pagod dahil sa kasiyahan nilang dalawa na makapaglingkod sa kapwa.
Sobrang gaan ng pakiramdam nilang dalawa ng lisanin ang lugar na iyon. Dahil palakas na palakas na naman ang buhos ng ulan, napagdesisyonan na lang nilang dumiretso sa mall para doon na lang maghapunan at manood ng sine. Sulit na sulit ang pakiramdam ng bawat isa sa kanila. Dahil mas malapit ang bahay ni Lander sa mall, at sa sobrang lakas pa rin ng buhos ng ulan, na may kasamang malalakas na hangin, kulog at kidlat kaya napagdesisyonan na lang nilang sa bahay ni Lander sila magpapalipas ng gabi.
At syempre itong si ateng Via ay kilig to da bones na naman at sobrang saya ng kanyang pkakiramdam. Sa wakas, mapapasok ko na rin ang bahay ng isang Hari ng kaguwapuhan, katalinuhan at magiging kabiyak ko balang araw, ika nya sa kanyang sarili na may ngiti sa labi...