Chereads / CHASING CARS / Chapter 31 - chapter 29

Chapter 31 - chapter 29

Magkatabi nga silang matulog ng gabing iyon. Hindj naman malikot matulog si Lander kaya agad niyang nakuha ang tulog ng gabing iyon. Bukod sa may tiwala kase na siya kay Lander, ay hindi rin siya magdadalawang isip na ibigay ang kanyang sarili sakaling gustohin man niya ito pero laking gulat nya ng bigla na itong humilik habang nakayakap sa kanya. Nakikiliti si Via at gustong gusto niya ang amoy ni Lander na napaka-manly ang scent na may halong beer kaya wala sa loob ni Via na hinalikan niya ito sa labi. Haist! di bale at tulog ka naman, at nangingiti pa rin siyang ipinikit ang kanyang mga mata. Nag-usal siya ng konting dasal bago siya tuluyang natulog na rin.

Naalimpungatan si Via na wala na sa kanyang tabi si Lander, at agad kumalam ang kanyang sikmura nang maamoy niya ang paksiw na alam niyang niluluto ni Lander sa kusina. At dahil sa naiihi na rin siya kaya napilitan na rin siyang bumangon at pumunta sa ibaba. Good Morning doc Lander, ang sarap naman po niyang niluluto mo sir, ang masiglang bati ni Via sa kanya. Nakow, gising na pala ang future Ms Universe, ang ganting bati naman ni Lander. Siyempre, sinarapan ko para hindi ako mapahiya sayo, attorney... ang sagot naman ni Lander.

Parehas silang busog ng matapos na sila sa pagkain. Napagdesiayonan nilang mag road trip maya-maya. Bago sila magroadtrip, pumunta muna sila sa department store upang mamili ng first aid kits at groceries para ibigay sa mga makikita nilang mga mangangailangan ng tulong sa kanilang pagroadtrip mamaya. Likas na sa kanilang dalawa ang may mabuting kalooban, at ito rin ang dahilan na mas lalo silang nahuhulog sa bawat-isa.

Tara na sir, ang masuyong anyaya ni Atty. Via kay Lander. Okay, let's go, sabay ngiting tugon naman ni Doc Lander sa kanya...