Sa shoppers mart pa sila unang dumiretso. Pumunta sila sa meat section para kumuha ng isang kilong karne ng baboy at mga seasonings na pampasarap dito. Bumalik si Lander na may dalang dalawang bote ng red wine pero napasimangot siya kasi wala siyang dalang san mig apple na kanyang paborito. O bakit? ang medyo nag-alalang tanong ni Lander sa kanya. San Mig apple please...ang nagmamakaawang may hagod na turan ni Via sa kanya. Hahaha! okay attorney, your wish is my command! at agad ring bumalik ule si Lander sa liquor section para kumuha na rin ng San Mig apple. Nang matapos na silang mamili ay pumunta na sila sa counter para magbayad ng may maalala si Doc Lander. Pumunta siya sa Men's wear at kumuha dun ng kanyang pamalit mamaya kasi baka doon na siya makikitulog just in case maaabutan ng curfew hours mamaya. Tsinelas, isang boxer brief at towel, sando at shorts, tapos kumuha na rin siya ng tooth brush, toothpaste at Nivea soap for men na siyang hiyang niya.
Nang makita ito ni Via na inilagay sa basket nila ay agad niyang naalala na kahit huwag na siyang bumili ng shorts kasi may ibibigay naman siya dito kaya ipinaiwan na lang nila nang shorts nang sila ay magbabayad na.
Ooops! ako na! ang deklara ni Lander ng makita ang presyo ng kanilang binili.. Tutal ikaw naman ang taya sa pagluluto at paghuhugas mamaya! sabay kurot sa malambot na pisngi ni Via.
Hmp! e di meow! Ang sagot na may pagpa cute ni Via kay Lander. At hindi nila maiwasang magtawanang dalawa.
Saktong alas siyete ng gabi ng sila ay makarating na sa bahay ni Via.
Welcome sir Lander dito sa munti kong tahanan! Ang deklara ni Via kay Lander. isa itong dating bungalow na pinarenovate nya na kamodelo ng isang modernong bahay sa Camella Homes. Ang kaibahan lang dito ay ang kulay nito na dark grey at tinted ang mga bintana nito.
Wow! may ideal house! ang galing naman ng pagka design Attorney! sabay thumbs up na tila namamangha pa ring sagot ni Lander sa kanya. Salamat! ang simpleng tugon ni Via kay Lander bago sila tuluyang pumasok sa kanyang bahay.
Dumiretso muna siya sa kanyang kwarto at kumuha ng isang bagong tuwalya sabay abot kay Lander bago siya tuluyang pumunta sa kusina para maghanda na sa kanyang pagluluto. Hinubad na ni Lander ang kanyang mga sapatos at tsaka siya nag tsinelas at doon na rin siya mismo nagtanggal ng kanyang uniporme. Ang tanging iniwan lang niyang suot ay ang kanyang brief at tsaka itinapis ang ibinigay ni Via na tuwalya.
Itong si timang naman ay hindi niya gaanong pinansin kasi nga busy siya sa paghahanda ng kanyang lulutuin na adobong baboy. Buti na lang at pina chop na nito kanina kaya mas madali niya itong lutuin.
Saktong natapos na si Lander sa kanyang paliligo nang siya ay naghahain na rin.
Let's eat! and deklara ni Via kay Lander.
Pero mukhang nagsisi siya sa pagtapon niya ng tingin kay Lander. Paano kasi, nakatapis pa lang ito ng tuwalya at sobrang napakaguwapo nito sa kanyang hitsura na parang batang wala pang kamuwang-muwang sa mundo. Hahahahahahahahahahaha! napakainosente mong tignan Doc Lander, parang birhen at parang bagong silang na sanggol! napaka fresh! At hindi na niya naitagong kiligin sa mga sandaling iyon.
Simpleng ngiti lang ang tugon naman ni Lander at sabay sabing, maligo ka na rin muna para mas presko ang pakiramdam mo Attorney...At tuluyan na ngang pumasok si Via sa banyo.
Tapos na silang kumain sa mga oras na iyon. Napagdesisyonan na lang nila na mamaya ng konti pa lang sila iinum kahit light dinner lang ang kanilang kinain kasi nga parehas silang self-conscious at lalo n a ngayong may pinaghahandaang laban si Via sa beauty contest.
Kaya heto sila ngayon at kino-coach niya si Via para sa kanyang napipintong photoshoot at video streaming. Talagang taglay mo na talaga ang lahat, Attorney, nasa iyo na ang lahat! Duling na siguro sila kapag hindi ka nila pinanalo... Ang konklusyong-komento ni Doc Lander sa kanya. Salamat Doc Lander..let's drink na! ang ubod ngiting tugon naman ni Via sa kanya...