Chereads / CHASING CARS / Chapter 25 - chapter 23

Chapter 25 - chapter 23

kring! kring! kring! tunog iyon ng kanyang cellphone. Ayaw sana niyang sagutin ni Via sa umagang iyon kasi nga new number ito, baka mang good time lang o di kaya'y new client na naman kasi ipinangako niya sa sarili niya na huwag muna siyang tatanggap ng panibagong kaso hangga't wala pang resulta yung mga inihabla ni Via sa court of appeals. Pero sa kabilang banda naman ng kanyang isip ay baka importante nga ang tawag na iyon at pinayapa niya muna saglit ang kanyang sarili bago niya sagutin ang kanyang tawag na iyon at nang maisip niya na baka siguro tungkol ito sa kanyang application sa Binibining Pilipinas kaya nakangiti na siya at wala na siyang pag aalinlangan pang sagutin ang tawag na niyang iyon. Yes hello po. Sino po sila? nang sinagot ni Via ang tawag.

Yes hello Attorney Via. Good morning! This is Ms. Feliz Bilgera of HR department of the Department of Education, division office. Congratulations for being the rank number 1 in the Attorney lll position so please come to the DepEd division office any time of the day para po mainform na po kita attorney yung list of requirements and pertinent papers for the attorney lll position and also for your salary requirements po. Ang tugon naman ng kabilang linya.

Wow! Thanks Ms. okay expect to see you anytime of this day. Have a wonderful day. God Bless! ang paalam ni Via bago na niya ibinaba ang tawag. Haist! salamat naman at natanggap na ako bago pa maubos ang aking budget, at isa pa, syempre makakasama ko na rin sa iisang opisina si Doc Lander! Ang piping dasal ni Via nang tumunog ulit ang kanyang cellphone.

Yes hello, good morning! ang abot tengang ngiting sagot ni Via sa tawag. May hangover? or kaya pa ng alcohol tolerance? mamaya ulit? ang pabirong sagot naman ni Lander kay Via. Kaya pa naman Doc... ang tugon naman ni Via at nagkuwentuhan pa sila saglit bago siya magpaalam na maliligo na tutal pupunta naman siya sa kanilang opisina at magkikita rin sila maya-maya.

Opo Doc Lander, basta ikaw muna ang taya sa lunch date natin mamaya ha..at pass muna tayo sa inuman kasi nga, may pasok ka pa nyan Doc. Anyway, I miss you too, ang huling tugon ni Via sa kakulitan ni Lander bago niya tuluyang ibinaba ang kanyang tawag.

At saktong ibinaba na niya ang kanyang tawag ay tsaka na siya nagtatalon-talon sa tuwa na animo'y parang nanalo siya sa lotto. Yeheyyy! Salamat po ng marami talaga Diyos Ama at dininig mo na naman ang panalangin ko po. Nag usal muna siya ng konting dasal bago n a niya ginawa ang kanyang morning routine. Simpleng royal blue na outfit ang kanyang isusuot ngayon at syempre paparisan niya ito ng prada high heel shoes kasi naisip niyang after ng orientation niya mamaya s HR department ay may lunch date sila mamaya ng kanyang future boyfriend, at kung talagang susuwertehin, future husband to be...

Nag light make up lang siya at kulay peach na lipstick para lalabas ang kanyang natural na pagkamestisa. Nang matapos na siyang magbihis ay nag 5 minutes catwalk muna siya, Via Alvarado, 25, Philippines! at isinuot niya ang isa sa kanyang mga napanalunang korona at sabay sabing, your Miss Universe-Philippines! Medyo na-shock man siya sa kanyang itsura sa harap ng salamin pero parang nakutuban niyang mangyayari din iyon. Haist, dream on Via pero as of this moment, good luck na sa akin sa panibagong career at syempre, sa love life na rin...at tuluyan na siyang lumabas patungo sa kanyang sariling kotse... what a lovely day today!