Nang makarating na siya sa bar house ay kinuha niya rin ang kanyang dalang pocket wifi at lap top at tsaka pumuwesto siya sa may VIP section tutal mangilan-ngilan pa lang naman ang mga tao dito. Konting ayos lang naman sa application form niya at tsaka na niya ito ipinadala sa Binibining Pilipinas. wala pang isang oras ng matapos na niyang sagutin lahat ang katanungan dito. Haist, ang raming puwedeng makuhang korona, kahit isa lang dito: Ms. Universe-Philippines, Bb. Pilipinas,- International, Supranational, Grand International, Intercontinental at Globe tapos yung 1st Runner Up at 2nd Runner Up.
Kahit isa lang sa mga ito ang makuha ko, ang natutuwang sabi ni Via sa kanyang sarili.
Kahit medyo nagulat siya sa maagap na pagtugon ng Bb. Pilipinas Organization sa kanyang application ay natutuwa na rin siya kahit papano na isinama na raw ang kanyang application para sa susunod na screening.
Saktong natapos na siya sa pagpasa ng kanyang application ng iginala niya ang kanyang sarili sa loob ng bar.
Tila may pamilyar siyang naaninag sa may bandang dulo ng VIP section at hindi nga siya nagkamali, nakita niya doon si Doc Lander na titig na titig rin ito sa kanya. Kumunot ang noo kasi nito at tsaka lang din niya napansin ang kanina pa palang nag vi-vibrate na kanyang cellphone at nang chineck na niya ito ay 36 missed calls na pala at 6 new messages. Paano kasi busy siya kanina sa kanyang pag-aayos ng application form niya para sa screening ng Binibining Pilipinas.
1st message: wow! you're here!
2nd message: alone?
3rd message: busy much? sanaol dinadala ang laptop sa bar house. busy person be like....walang pinapatawad na oras.
4th message: kapag lumingon ka, akin ka..
5th message: kung wala kang bf, pwedeng mag-apply attorney?
6th message: By the way, Lander Anthony Aldana here, cheers!
____at dito na biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. OMG! si Doc Lander pala! at nang biglang tumunog ulit ang kanyang cellphone ay agad na niya itong sinagot.
Lander: Finally, sinagot mo rin... talagang walang pinapatawad na oras attorney Via ah! wala bang magagalit kapag pupuntahan kita diyan attorney? coz l want to know you better... ang diretsong sabi ni Lander kay Via.
Via: sure po sir, my pleasure... basta po ikaw...and don't worry po, tama ang narinig mo kanina sa interview that I am 100 percent single kaya wala pong magagalit unless kung sa mga kasamahan mo po diyan kung may magagalit diyan kung iiwan mo na sila...sabay halakhak na sabi ni Via kay Lander.
Lander: hahahaha! wala rin attorney hehe wait lang at magpapaalam na ako dito sa tropa ko, at wala pa ngang limang minuto kahit alam niyang kinakantyawan siya ng kanyang tropa nang siya'y nagpaalam ay nandito na si Lander at katabi na niya ngayon... parang dream come true naman at nasa heaven ang pakiramdam ni Via sa mga oras na iyon.
Wala ring lusot sa kanila ang vocalist ng live band at binigyang pugay din ang kanilang presensiya sa sobrang eye-catching nilang pareho at lalo na rin at sikat si Via sa mga beauty pageant noon at itong si Lander din ay dati na rin palang titleist ng kanilang probinsya kaya awtomatikong hiyawan na rin sa loob ng bar na iyon..at ito nga, hindi na rin niyang naiwasang ibunyag na sasali siya sa Binibining Pilipinas at ikinampanya na niya ang kanyang sarili kasi ang pagkakaalam niya ay may labanan din ng fan vote sa naturang kompetisyon. Umabot pa ng halos isang oras na interview bago sila tuluyang nilubayan ng vocalist.
Wow! ngayon pa lang, i-cocongratulate na kita, sabay nakaw na halik sa kanyang kaliwang pisngi na agad naman niyang sinang ayunan. Para, hindi siya mahuli sa kanyang pag bi blush, kaya kinuha niya ang isang bote ng san mig apple at sabay sabing kampay!
At agad nilang itinumba ang laman ng boteng kanilang mga hawak...
Isa pang bucket please! ang tawag uli ni Via sa guwapong waiter. Ewan ba niya pero pakiramdam niya ay secured siyang maglasing ngayon, kasi nga katabi na niya ngayon ang matagal na niyang pinapangarap... Sana nga Lander, ikaw na ang Mr. Right ko....my man of my dreams...ang piping bulong ni Via sa kanyang sarili.