"Ma! Pa! Pasok Nako! Nasan po yung baon ko?" Pasigaw na sabi at tanong ko, Lumapit sakin si Mama at binigyan ako ng 300 pesos habang si ate 500 pesos mag rereklamo sana ako kaso sanay nako sa ganito, hindi naman kase ako yung 'PABORITO'. "Sige Ma!Salamat!" Wala akong narinig na sagot niya, what a beautiful life!
After a long ride in the jeep, finally! Nakarating nako sa aming campus, Mabuti naman at hindi ako late ngayon.
Pagpasok ko sa classroom namin, bigla nalang akong nadulas at may natapon na arena sa mukha ko, nahulog pa yung salamin ko. Ikinagagalad ko pong sabihin sa inyo, isang panibagong Kamalasan na naman nangyare.
Lahat ng classmates ko ay nakatingin sa akin at pinagtatawanan ako, tinulungan naman ako agad ng Best friend ko na si Minalyn na bumangon at pinagsabihan ang mga kaklase ko "Wala na ba talaga kayong good manners and right conduct?! Porket mahina siya pwede niyo nang gawin to sa kaniya" pero pinigil ko siya "Hayaan mo na sila, pumunta nalang tayo sa CR para mapalitan ko na 'tong damit ko"
Ginawa na naman nila ito dati saken kaya araw-araw nagdadala ako ng extra kong uniform baka kase mangyare ulet, at nangyare nga talaga. At walang alam ang mga magulang ko na ganito ang kalagayan ko pagdating dito sa campus. Napakaganda ng buhay ko diba?
Pagkatapos kong palitan ang aking uniform na natapunan lang naman ng arena agad na kaming bumalik ng best friend ko sa classroom.
Habang nagdidiscuss si Ma'am, ako naman ay nakatitig sa aking Crush, hayyy ang gwapo niya talaga. Tinititigan ko lang siya nang lumingon siya saken pero agad naman akong tumingin sa ibang direksyon para di niya mahalata "Putek! Muntik niya na akong nakita na nakatitig sa kaniya!" Bulong ko saking sarili.
At binalik ko na naman ang pagtitig sa kanya habang nagpapantasya na ako'y gusto niya rin, kami ay nagyakapan, bigla niya akong binuhat at sinabing mahal niya ako at...."Ms. Arellano? Ms. Arellano?! Are you listening?!" Tanong ng aking Professor sa English"Ah Y-yes M-ma'am!" Nauutal king sagot "Then, can you explain to the class, about our lesson that I've been explaining a while ago?" Sabi ng aking Professor...Patay... "U-uhmm" at agad na pinagtawanan ako ng mga kaklase ko "It's okay Ms. Arellano, you may sit down and class stop laughing, next time Ms. Arellano pay attention to the class" Sabi ng professor ko, buti nalang napakabait ng professor ko sa English kesa sa Professor ko sa math"I'm very sorry ma'am and I will pay attention to your class ma'am, thank you ma'am"
Pagkatapos ng klase habang binabalik ko yung notebook ko sa bag ko, may tumapik sa likod ko, paglingon ko nagulat ako dahil.....