Chereads / Lihim na Pagtingin✨ / Chapter 3 - Friendship Over

Chapter 3 - Friendship Over

Naghahalikan sila?! So, sila na?

Hindi nako nagpakita sa kanila, tumakbo nalang ako palabas ng library,pumunta sa classroom at umiyak pero di ko masisisi yung Best friend ko kasalanan ko rin naman eh Ako yung nagtulak sa kaniya pero di ko alam kahit sila na umaasa parin ako, mahal ko parin si Felix eh at yung pagmamahal na yun yung di ko maalis. May pagtingin parin ako sa kaniya kahit masaktan man ako, siguro nga napakatanga ko.

Wala naman akong karapatang masaktan dahil ako ang nagmahal sa kaniya, ako yung nanakit sa sarili ko.

Pagkatapos ng mga ilang araw, ganun parin sila masaya at laging magkasama pero kahit ganun sinubukan ko parin...umasa parin ako.

Binibigyan ko parin si Felix ng mga love letters pero tinatapon niya lang ito.

Kapag maglalaro sila ng mga kaibigan niya ng basketball, nandoon parin ako palihim na sumusuporta sa kaniya. Habang nandoon naman si Mina na nagchi cheer sa kaniya, kitang kita ko na masaya silang dalawa at wala akong balak na sirain yung relasyon nila.

Sorry Felix, Sinasabi ng isip ko pakawalan na kita pero di ka kayang iwan ng puso kong mahal na mahal ka, Patawad di kita kayang ipaubaya.

Pagdating ko sa bahay, pumunta ako agad sa kwarto kinuha ko yung gitara at kumanta, mahal na mahal ko ang musika kaya Arts and Design yung kinuha ko dahil gusto kong maging musician at composer. Habang kumakanta ako dumadaloy ang mga luha ko, pinipilit kong kumanta ng masaya pero mas lalong bumibilis ang daloy ng mga luha ko. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa may kumatok sa pintuan agad ko namang pinunasan ang mga luha ko "Sino yan?" Tanong ko "Ate mo 'to" Sigaw niya "Sige Pumasok ka ate" sinabi ko at sabay na binuksan ang pinto "Oh bakit ganyan ang mga mata mo? Umiyak ka ba? May problema ka ba?" Tanong niya saken "ha? Hindi ate napuwing lang ako" ayokong sabihin sa kaniya ang pinagdadaanan ko "Wag kang magsinungaling, may problema ka no?" Di ko napigilan ang luha ko at sinabi ko sa kaniya lahat ng sakit na nararamdaman ko "Ate, ano bang kulang saken? Bat lahat nalang ng tao ayaw saken? Sina Mama at Papa ikaw lagi yung gusto kase ikaw 'tong maganda, matalino pero bakit ako, di nila kayang ipagmalaki...Tapos lagi akong binubully sa school at yung kaibigan ko di nako pinapansin kase masaya na siya eh Sila na nung taong pinakamamahal ko, Ate, Kulang ba ako?" Sinabi ko lahat ng sakit at pighati na nararamdaman ko at yinakap niya ako ng mahigpit "Sige lang, ilabas mo yung sakit nandito ako, at gusto ko lang sabihin sayo, hindi ka kulang at mahal na mahal ka ni Ate, mahal na mahal na mahal" Ngayon ko lang maramdaman ang may karamay sa lungkot na pinagdadaanan ko.

Kinabukasan pumasok na ako sa school, nalate akong pumasok dahil ang traffic.

Pagpasok ko sa school, pinagtinginan ako ng mga kaklase ko pati na yung Best friend at... boyfriend niya pero di ko nalang sila pinansin "Ma'am, I'm very sorry, I am late, ang traffic po kase" sinabi ko sa Professor ko "It's okay Ms. Arellano, take your sit" sabi niya saken "Thank you ma'am!"

Pagkatapos ng klase may tumapik sa likod ko, lumingon ako at nakita ko ang Best friend ko "Hi!" Sabi niya saken "Hi, naalala mo pa pala ako?" Sabi ko naman "Look, Lorina I want to end our friendship" Di na ako nagulat sa sinabi niya "Diba dati pa naman Wala na yung friendship natin" Sagot ko "Get away from my boyfriend, wag kanang magbibigay sa kaniya ng love letters at ano mang bagay" Sabi niya "Sige titigilan ko na, okay ka na?" Wala nakong sinabing iba, umalis nalang ako.

Inaamin ko namimiss ko na yung gagang yun, at inaamin ko rin na ine expect kong makikipag kaibigan siya ulet saken. Tinatawag ko parin siyang Best friend kase mahal ko yun eh but I guess it's official she's my ex best friend now. Imagine, siya lang yung nagtatanggol saken noon, nag-aadvice saken noon kung paano magpapansin kay Felix na boyfriend niya na ngayon... Hayss...

Habang nasa malalim na pag-iisip ako may "Hi! Ako nga pala yung transferee sa ibang classroom!" Sabi ng isang lalake, infairness gwapo siya, pero mukha bang may pake ako "Hi den" pilit ngiti kong sinabe "I'm Miguel, what's yours?"

Gago ba 'to? Bigla bigla nalang susulpot sulpot, nakita ko si Felix nakatitig sa amin kaya...