Chereads / Lihim na Pagtingin✨ / Chapter 4 - Move On...

Chapter 4 - Move On...

Nakita ko si Felix na nakatingin sa amin kaya ang gagawin ko pagseselosin ko siya, wala lang trip ko lang "Oh Hi, I'm Lorina" Sinabi ko while offering a handshake at nakipag handshake naman siya "Lorina, what a beautiful name for a beautiful girl like you" Sinabi niya at kumindat, Aba! Malande! Pero syempre nakatingin si Crush eh so I hit his chest in a flirty way too hahaha katangahan... Habang nag-uusap at nagtatawanan kami ng Miguel na 'to, Si Felix naman ay....Wala na umalis na.

Lagi na kaming nag ha hang out ni Miguel, lumipat rin siya ng classroom so classmates na kami and I guess I can call him my boy best friend, Mabait si Miguel kapag kasama ko siya nakakalimutan ko lahat ng problema ko, he's just a little bit flirty but he knows his limitations. Ngayon lang ako nagkaroon ng boy best friend, na naiintindihan ako, nadadamayan ako, na-aapreciate ako, at natutulungan ako. Miguel is smart lalo na sa math kaya minsan pumupunta kami sa library at nag-aaral kami dun ng mga libro, he's not a destruction in my studies in fact he even helped and encouraged me to study kaya tumaas yung mga grades ko, and sa wakas naging proud sina Mama at Papa sakin, nasabi ko narin sa kanila lahat ng sakit na naramdaman ko nung isang gabi, we cried a lot in that night, Kaya ngayon mas lalo akong magsisipag na mag-aral, I won't fail my Mom and Dad expectations for me.

Hindi narin ako nagpapapansin kay Felix, sa ngayon, sarili ko muna yung uunahin ko, I want to make a better version of myself. So, Yes! I am now totally moved on walang labis walang kulang! Lubos ko nang ipinapaubaya si Felix kay Mina and I wish them a healthy and strong relationship.

"Ma! Pasok Nako! Tapos na po akong kumain" Sinabi ko, "Sige anak, heto baon mo, mag-aral kang mabuti anak ha? Mahal na mahal kita anak" Sabi ni Mama, ackkk ang ganda ng buhay! "Thank you ma! Mahal na mahal din kita don't worry ma, I will make you proud!" Sabi ko naman, at yinakap ko na siya ng mahigpit "Paano naman ako anak?" Sabi ni Papa "Ako den!" Sabi din ni Ate "Halinga kayo dito!" Sabi ni Mama at nagyakapan kaming lahat.

Pagpasok ko sa school, agad na lumapit si Miguel "Hi!" Sabi niya while raising his eyebrows "Hi hahaha, ang saya mo ngayon ha!" Sinabi ko habang umuupo sa upuan ko "Syempre, nandito kana eh" Sabi niya, I admit I think I'm falling for him, di ako sumagot at ngumiti nalang ako dahil nandyan na yung professor namin.

Pagkatapos ng klase, pumunta kami ni Miguel sa Canteen naghahanap kami ng upuan pero wala ng mauupuan, meron dalawang space pero nandoon sina Mina at Felix, "Sige dun nalang tayo, wala na naman akong ibang choice pa" Sinabi ko kay Miguel "Sure ka?" Tanong niya saken, "Oo Tara na! Gutom nako hahaha" sabi ko "Don't worry nandito lang ako" sabi niya, ahhh I'm so glad I have a Boy Best friend like him "Thank you Miguel!" Sabi ko habang ngumingiti.

At pumunta na nga kami sa lamesa kung saan nandon sina Mina at Felix. Di ko maiwasang tumingin sa kanila, ang saya saya nila "Babe, paabot ng tubig pweasee" sabi ni Mina "Kiss mo muna ako" sagot naman ni Felix, bat ganito 'tong nararamdaman ko, naka move on nako diba? Bat parang nasasaktan parin ako? nakita ako ni Miguel na nakatingin sa kanila kaya "Babe kumain ka na, Halika dito sa lap ko, subuan kita" nagulat ako sa sinabi niya, napatingin naman sila Mina at Felix....

To be continue...