Pagkatapos ng klase habang binabalik ko yung notebook ko sa bag ko, may tumapik sa likod ko, paglingon ko nagulat ako dahil.....ang tumapik sakin ay wala ng iba kundi si Felix Guino, the heartthrob in our campus at ang aking pinakamamahal na asawa, Ah I mean 'crush'. "B-bakit? A-ano yun?" Nauutal kong tanong "Mayroon kase akong gustong sabihin sayo, at matagal ko narin 'tong kinikimkim" sabi niya, nagulat ako sa mga sinasabi niya agad na nakaramdam ng kilig ang aking puso na parang gusto kong sumigaw, "u-uhmm A-no yung gusto m-mong sabihin?" Tanong ko sa kanya habang ako'y pinagpapawisan "I like...your Best friend, gusto ko sanang ipakilala moko sa kaniya" agad na ako'y nasaktan sa mga sinabi niya, nakaramdam ako ng kirot saking dibdib, gustong lumuha ng mga mata ko pero pinipigilan ko "Okay ka lang ba?" Tanong niya saken "So, pwede mo ba akong ipakilala sa Best friend mo at ikaw yung maging way para maging close kame?" Tanong niya sakin "u-uhmm S-sure" sa Una parang nagdadalawang isip ako pero hayaan mo na, kung san siya masaya dun ako.
During lunch, kumakain kami ng Best friend ko, di ko alam kong paano ko sasabihin sa kaniya yung sinabi ni Felix sakin kanina, pero naglakas loob ako "Babe..." Sabi ko sa kaniya, yan ang tawagan namin "hmm ano yun babe?" Di nako nagpaligoy ligoy at agad ko nang sinabi sa kaniya "Kilala mo si Felix diba, nasabi ko na siya noon sayo na crush ko siya, pero...gusto...I mean hindi ko na siya crush ngayon" I lied "Dahil tanggap ko na siguro hanggang kaibigan lang kami at gusto ka niyang makilala" dagdag ko, ano bang katangahan 'tong ginagawa ko?! "Dimo na siya crush?! Eh halos mabaliw ka na sa kaniya, at anong sabe mo gusto niyang makilala ako? Huh? Di kita maintindihan" sabi niya sakin "Gusto ka lang niya makita at makilala ng personal" sabi ko naman "Bakit?!" Tanong niya " Ahh Basta! Pumunta ka nalang sa xxxx xxxx restaurant" Sinabi ko sa kaniya at nagmadaling umalis "Hoy! Teka lang" sigaw niya.
Nandito na kami ni Felix sa Restaurant, hinihintay namin si Mina, sana nga di siya dumating.
"Loraine!" Sigaw palang alam ko na, na si Mina yun "Buti nalang umabot pako, ang traffic babe!" Sabi niya habang humihingal "Nandon siya oh, puntahan mo na" Sabi ko sa kaniya " Anong ibig mong sabihin, ako lang?!" Tanong niya, "Oo! Ikaw lang!" Sinabi ko sa kaniya at Tinulak ko siya sa lamesa kung saan nasan si Felix.
Pumunta ako sa ibang lamesa habang tumatagal mas lalo akong nasasaktan.
Haysss...Sobrang tanga ko! Tinitignan ko lang sila na magka-usap at as I can see ang close na nila. Grabe yung mga ngitian nila sa isa't isa, how I wish I could be Mina. Siguro ganito talaga kapag nagmahal ka, masasaktan ka.
It's been 2 weeks nung nangyare yun, at it's been 2 weeks narin na di kami nagkikita or nagba bonding ng Best friend ko. Sila na lagi yung magkasama, halos di na nga ako pinapansin ng kaibigan ko, siguro nagkakahulugan na sila ng loob.
Nandito ako sa classroom mag-isa, gusto kong mawala 'tong sakit na nararamdaman ko kaya naisipan kong pumunta sa library para magbasa ng libro.
Pagdating ko sa Library walang katao tao, pero parang may naririnig akong nag-uusap sinundan ko yung mga boses na yun, napaka chismosa ko talaga. Habang palapit ako ng palapit mas lalong sumisikip ang dibdib ko at ang bilis ng tibok ng puso ko. Yung dalawang boses parang familiar, at nakita ko na nga sila sa isang silid sa library, nakita ko silang naghahalikan at wala ng iba kundi ang Best friend ko at Crush ko...