Chereads / Kung Buhay Mo Ay Ako / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

"Haystt!!!! Umuulan na naman, ayaw ko talaga sa ulan, anlamig ng hangin, sana uminit na bukas" nakahiga habang nagseselpon 

Sya si Garete, labing anim na taong gulang nakatira sa Samboan, Cebu sa Pilipinas, medyo mataba at katamtaman ang taas. Mahirap lang si Garete, tumutulong sya sa mga gawaing bahay, hindi sya pabigat, mabait si Garete.

Kinabukasan 

"Sa wakas tumigil na din ang ulan" sigaw ni garete.

"Oh anak, nakabili kana ba ng mga school supplies? Sa susunod na linggo na ang pasukan baka plano mong tumigil nalang sa pag aaral?" ratatat ni mama sakin 

"Mommy naman eh! Eh ang layo pa nun tsaka mommy wala ka pang binibigay na pera pambili para sakin" iwan ko dito kay mama, ano ba tingin nya sa tindahan? Nagbibigay ng libre? Pero kahit ganyan yan si mama mahal ko yan ikaw ba naman binigyan ng magandang mukha may reklamo ka pa ba?

"Oh eto pera pambili ng school supplies at tsaka wag mokong matawag tawag na mommy hindi tayo mayaman"

"Oo naman sis hahaha" binato ako ni mama ng kutsilyo iwan ko ba sa mga nanay kung ano mapulot yun din ibabato 

"Joke lang naman yun mommy eh, di mabiro"

"Wag mo nga akong matawag na mommy" binato na talaga ako ng upuan mabuti nalang mabilis ako tumakbo 

"Nay bibili po ba ako ng school supplies?" sigaw ko sa malayo 

"Subukan mong bumili ng kutsara isasaksak  ko talaga yan sa utak mo" sigaw ni nanay na galit 

"Good mood na naman ngayong araw si nanay, hirap talaga maging mabuting anak"

Sa totoo lang sobrang hirap talaga ng buhay namin, si Nanay taga pag asikaso ng bahay tapos si tatay naman mangingisda lang ang hanap buhay mabuti nalang medyo malapit lapit kami sa dagat, mayroon akong kapatid na babae nasa elementarya palang. Haysttt! Pero kahit mahirap lang kami masaya naman kami, kontento lang kung sa anong meron kami, gusto ko talaga makapagtapos ng pag aaral para makatulong sa aking mga magulang at aking nakababatang kapatid na iyakin.

"Oh Garete saan punta?" Tanong ng kaibigan kong si Kate pero di nya pa alam na magkaibigan pala kami

"Oy Kate ikaw pala yan? Lalo kang gumanda ah?.... Haha may bibilhin lang ako"

"Bolero ka talaga kahit kailan"

"Eh ikaw san punta mo?" tanong ko kay Kate

"Eh ako?"

Siraulo pala tong babaeng to eh kami lang naman dalawa nandito, tika2 baka may kasama kaming multo dito tas sya lang nakakakita nakakatakot tong babaeng to I need holy water shit 

"Haha lumalanghap lang ng sariwang hangin" sabi nya

Hay salamat akala ko talaga may multo hirap pag overthinker 

"Oh bat ka humihinga malalim?" tanong nya sakin

"Lumalanghap din ng maraming sariwang hangin bawal ba?" kasalanan mo to gagu 

"Nakita ko pala mga kaiban mo kanina dun sa may pier" sabi ni Kate

"Sino? Sila Abdul na naman ba?" tanong ko kay Kate

"Oo"

"Cge salamat mauna na muna ako ingat ka baka ma over oxygen ka" paalala ko

kay Kate

"Sge ikaw din ingat"

Haysss ang aga2 daming sasakyan na dumadaan ang hirap tumawid, ano na naman kaya trip ng mga kaibagan ko ngayon, ma chat nga sa messenger ay nakalimutan ko pa dalhin selpon ko, ang malas naman. Nakatawid din, napakaboring talaga mag lakad mag isa, feeling ko talaga nakatingin mga tao sakin hayyy nakoo nakarating din sa pier, asan na kaya yung mga gagong yun?

"Brooooo!" sigaw ng mga kaibigan ko 

"Oh kayo pala, ano gawa nyo dito sa pier?" tanong ko sa kanila

"Ah plano kasi namin maligo, nag chat na kami sayo pero walang reply" sabi ni Lou isa sa mga kaibigan ko 

"Oo nga bat di ka nagrereply kanina pa kami nagchachat sayo para sabay tayo maligo" sabi naman ni Godfrey sakin

"Ah? Eh haha si nanay kasi alam nyo na uminit na naman ulo ayon nakalimotan ko selpon ko hinabol kasi ako ng upuan buti nalang naka sprint ako" 

"Ikaw naman kasi puro ka kalokohan" sabi ni Abdul na feeling mabait 

"Sya nga pala pumunta pala ako dito dahil may gusto akong ipaalam sa inyo" sabi ko sa kanila 

"Ows? Ano na namang kalokohan yan?" tanong ni Godfrey 

"Sinabi ko na ang gusto kong sabihin, ano pa hinihintay natin tara na?" sabi ko sa kanila na medyo excited 

"Anong sinabi? Wala ka namang sinasabi eh, nako2 sinasabi ko na nga ba eh kalokohan na naman to" nagtatakang tanong ni Godfrey

"Malalaman nyo pag nandun na tayo" sabi ko sa kanila with a weird face 

"Hindi kami sasama pag di mo sasabihin samin kung ano yung trip mo" sabi ni Abdul 

"Okey okey fine fine, kagabi kasi medyo maulan tas nag facebook lang ako tamang scroll2 lang, react2, sharedpost tas inantok ako, matutulog na sana ako buti nalang di ko na off agad yung data ng phone kasi biglang may nag chat sakin, tas ayon nireplyan ko agad maganda kasi hahahaha, lumalim yung conversation namin habang lumalalim din ang gabi mga bro hanggang sa sabi nya sakin meet up daw sa may JP store ngayong araw 10 ng umaga, oh anong oras na? Alas nuebe imedya na malilate nako nito, samahan nyoko pls nakakahiya kasi pag ako lang mag isa" nagmakakaawang sabi ko sa kanila 

"Okey okey dahil kaibigan ka namin sasamahan ka namin basta maliligo tayo ng dagat mamaya ha?" sabi ni Lou, maintindihin talagang tao to si Lou 

"Tara na" sabi ko 

"Let's go boyz" sigaw ng mga tropa ko na para bang pupunta ng gyera 

Sobrang saya talaga pag kasama ang tropa bibili ng school supplies ng biglang nagtanong si Godfrey sakin 

"Ano pala pangalan ng babae bro?"

"Basta baby tawagan namin bro" sabi ko kay Godfrey 

"Ang sweet nyo namn bro" sabi ni Godfrey

"Ako pa! basta wag kayo magseselos pag nakita nyo na ang kanyang ganda ha?"

"Aba aba magkaibigan tayo, supportado ka namin bro" sabi ni Lou 

"Walang magagalit ha?" Sabi ko sa kanila 

"Siempre, bat naman kami magagalit eh di naman namin kilala kung sino yang babaeng yan" sabi ni Lou 

"What if di sya magpakita? What if niloloko nya lang ako" sabi ko sa kanila 

"Think positive bro" sabi ni Adbul feeling mabait

"Wag kang mag alala kung di sya darating ilibre ka nalang namin para di kana malungkot pa" sabi ni Lou 

"Oo nga kami bahala sayo mamaya" sabi ni Abdul feeling mabait 

"Salamat mga bro" sabi ko sa kanila na medyo nalulungkot 

5 minutes later....

"Andito nadin tayo sa wakas, asan na yung babae na sinasabi mo?" tanong ni Gofrey 

"Wait lang wala pang alas jes wag masyado excited" sabi ko 

Nakatayo lang kami na parang poste, nag aabang ng wala hanggang sa nag alas jes na hindi parin dumarating ang wala, nagtsatsaga parin sila sa pag hihintay 

"Mukhang niloloko lang ata ako ng babaeng yun eh, sayang di ko nadala selpon ko tatawagan ko sana" sabi ko sa kanila na para ba akong nalulungkot

"Okey lang yan bro diba sabi namin kanina kami bahala sayo?" sabi ni Abdul feeling mabait

"Eto selpon, gamitin mo muna para malaman mo kung nasan na sya" sabi ni Lou sabay bigay ng selpon

"Salamat mga bro"

"Walang problema yan basta ikaw, magkaibigan naman tayo eh" sabi ni Lou

"Wala bro, naka offline" 

"Teka lang bro, nakabili na ba kayo ng school supplies?" tanong ko sa kanila change topic 

"Aba oo nakabili nako" sabi ni Lou 

"Same sakin" sabi ni Godfrey 

"Matagal nakong nakabili excited na kasi ako sa pasukan, eh ikaw ba?" sabi ni Abdul sabay tanong parang mabait 

"Ah eh haha di pa ako nakakabili eh, bibili muna ako dito wait nyoko" 

Bumili lang ako ng school supplies nadamay ko pa tropa ko hahaha! Medyo nakonsenya na ako ah?

"Tara uwi na tayo, nakibili nako" sabi ko 

"Bagal mo naman eh, malapit na maging bato mga paa ko kakatayo dito ang init pa" reklamo ni Godfrey

"Sorry sorry, ano tara na?" 

"Tara na ang init na grabi" reklamo na naman ni Godfrey 

"Ay teka lang, pahiram muna selpon tingnan ko lang messenger ko baka nag chat yung ka meet up ko" 

"Okey sge basta dalian mo lang dyan aantayin ka namin dun sa may bakery" sabi ni Abdul feeling mabait 

Tiningnan ko saglit messenger ko tas message lang ng barkada ko nakita ko ano pa ba ini expect ko? At naglakad nako papunta sa may bakery at nilibre nila ako ng pandesal at soft drinks 

"Oh ano tara sa dagat?" sabi ni Godfrey 

"Tara na" sabi ni Lou 

"Ay oo nga pala nag chat si mama, pinapauwi na pala ako, sa susunod nalang siguro ako mga bro" 

"Ay sayang naman, pero sge sa susunod nalang"

Umuwi nako agad ng bahay 

"Maaaa!!! Andito na ang pinaka cute nyong anak hahahahaha!!! 

"Nakabili ka ba?" 

"Oo naman Ma, ako pa?" 

"Oh sha sha, dami mo pang sinasabi magsaing kana darating na tatay mo mamaya" 

"Roger that mommy" 

"Gusto mo mahampas? Mommy ka dyan" 

"Mama naman eh, kinikilig agad" 

"Pag nagsalita ka pa talaga...."

"Opo Ma! Magsasaing na po" 

Matapos ang ilang minuto at tapos na din ako magsaing, dumating na din si Papa mga ilang minuto ang lumipas galing nangisda 

"Oh han andito kana pala, nakahanda na tanghalian" sabi ni mama kay papa 

"Nasan na aking baby girl?" tanong ni papa 

"Tawagin mo nga yung kapatid mo Garete" sabi ni mama 

"Hoyyyy Beaaaa, tanghaliannnn naaaa, bumabaaa kanaaaa" sigaw ko sa kapatid kong iyakin  btw may second floor pala bahay namin 

"Bababa naaaa po kuyaaa" ang cute

Kumain na kami 

"Ano ba gawa ng baby girl ko ngayon?" tanong ni Papa kay Bea 

"Nag dodrawing po Papa" 

"Pagpatuloy mo lang yan anak, proud sayo si Papa"

"Okey po Papa" 

"Oh sha nga pala? Nakibili kana ba ng school supplies Garete?" 

"Opo pa" 

"Mabuti naman, ayusin mo lang pag aaral mo, ikaw ang pundasyon nitong bahay pag dating ng panahon" 

"Opo pa hinding hindi ko po kayo bibiguin ni mommy" 

"Siguraduhin mo lang" 

Pagkatapos ng tanghalian ay naghugas ako ng pinggan at pagkatapos pumunta ako sa kwarto para magpahinga, asan na ba yung selpon ko? ay nasa ilalim lang pala ng unan, ay shit nakalimotan ko di ko pa pala nasasabi sa mga kaibigan ko na wala talaga ako ka meet up kanina, ma chat nga mga kaibigan ko, mabuti naman at di sila masyadong galit sa ginawa ko. Haystt malapit na pasukan, mukhang panahon na naman para maging seryuso.