Chereads / Ang Pag-ibig ni Lester / Chapter 5 - Kabanata 5

Chapter 5 - Kabanata 5

"Lester, kumusta na ang iyong pakiramdam? Mayroon bang masakit saiyo?"

Inilibot ni Lester ang paningin sa paligid at napuno siya ng pagtataka. Hindi niya makilala ang mga tao sa kanyang harapan.

"Sino ho kayo? Nasaan ako? Bakit ako naririto? Nasaan si ina?!" naghihisterya niyang sigaw.

Napatingin siya sa nagulat na matandang lalake at magandang dilag sa kanyang harapan. Nakita niya rin ang pagkalito sa mukha ng mga ito.

"Sino kayo? Magsalita kayo!"

"I will call the doctor!" Nagpapanic na tumakbo palabas ang dalagang nasa harapan niya.

Kumirot ang ulo ni Lester at napahiyaw siya sa tindi ng sakit. Halos iuntog niya ang ulo sa pader. Narinig niya ang kumosyon matapos pumasok ang ilang tao sa silid at hinawakan siya ng mga ito upang makontrol sa paggalaw. Maya maya pa'y naramdaman niya ang turok sa kanyang bisig na nagpawala sa kanyang kamalayan.

Nagising si Lester makalipas ang tatlong araw. Ayon sa doctor ay nagkaroon siya ng selective amnesia. Napag-alaman niyang nahagip siya ng humahagibis na motorsiklo kumakailan at bumagok ang ulo niya sa sementadong kalsada. Ang masaklap ay hindi niya natatandaan ang mga naganap sa nakalipas na anim na taon. At wala siya ngayong ideya na nasa America siya. Sinabi rin ng doctor na maaaring hindi naman iyon magtatagal at huwag niyang puwersahing alalahanin ang mga nawala. Kusa iyung lilitaw sa kanyang isipan.

Matiyagang pinaliwanagan siya ng nagpakilalang tiyuhin ng maraming detalye sa kaganapan ng kanyang buhay sa kasalukuyan. Ang kanyang ina ay nananatili sa malayong probinsiya sa Pilipinas habang siya ay kasalukuyang nasa America bilang manager sa kompanya ng kanyang tiyuhin.

Matapos ang tatlong linggo at natiyak ang kaayusan ng kalusugan ni Lester ay bumalik siya sa opisina.

Subalit...

Tila mayroong mali.

"Babe, it's weekend already. Let's have a date this weekend. What do you think?" nakangiting wika ni Aubrey. "Let's go to the nearest beach resort, it's good for your health, it can help you strengthen your body."

Ayon kay Miss Aubrey ay girlfriend niya ito at sekretarya. Hindi niya matandaan subalit ramdan niyang may hindi tama.

At halos panindigan siya ng balahibo sa batok at katawan sa tuwing nagdadantay ang kanilang balat.

Nang oras na iyon ay hinaplos ni Aubrey ang kanyang pisngi at tila gusto niyang lumayo dito. Kundi nga lamang ay alam niyang kawalang-asal iyon.

"You're so gorgeous, Babe. I like you so much!"

Halos mabilaukan si Lester ng sariling laway ng idampi nito ang labi sa kanyang nanlalamig na labi.

'Bakit... bakit pakiramdam ko ay hindi sanay ang labi ko sa kanyang halik??' nauutal maging ang kanyang isipan.

Nang bigla na lamang napatid si Aubrey at napaupo ito sa sahig. Akmang lalayuan niya sana ang mga labi nito subalit nagulat siya sa bigla nitong pagtumba sa sahig. Mabilis niya itong inalalayan upang itayo.

"Anong nangyari?! Bakit napaupo ka sa sahig?"

Takang-taka si Lester.

Kunot-noong nakasimangot si Aubrey ng tumugon, "Hindi ko alam, it's weird though. I felt someone kicked my feet."

Maging siya ay nalito subalit isinantabi niya ang isiping iyon at nakonsensiyang tumugon kay Aubrey, "Ok babe. Let's have a date and go to the beach tomorrow. I'll pick you up around seven am?"

"Ohhh ohhh! No need to pick me up, Babe. Let me do the driving. I don't want you to feel dizzy. Gusto kong alagaan ka. Ok?"

"Ahm alright. It's settled then."

Pero weird. Hindi pa rin siya sanay tawagin itong 'Babe'.

Maagang gumayak si Lester para sa kanilang lakad ni Aubrey kinaumagahan. Naghanda siya nang isang maliit na bag na lalagyanan ng ilang pirasong damit at ilang personal na gamit. Nakasuot siya ng maluwang na beach colored polo shirt at itim na hanggang tuhod na short. Tenernuhan niya ito ng puting tennis shoes at nagsombrero din siyang puti.

Hindi nagtagal ay dumating si Aubrey na nakabestidang puti na hindi aabot sa tuhod ang haba. Kaakit-akit ang mapupulang labi nito at makinis na balat. Nakasuot ito ng mataas na sandalyas at malaking sombrero.

Napalunok si Lester sa kagandahang nasa kanyang harapan. Natitiyak niyang maraming kalalakihan ang maiinggit sa kanya dahil dito.

"Hello, Babe! Kanina ka pa ba nag-aantay?" Hinagod nito ng tingin si Lester mula ulo hanggang paa, "So handsome!"

Nangingislap ang mga mata ng babae sa tuwa habang pinagmamasdan siya.

Nag-iinit tuloy ang kanyang pakiramdam.

"Good mornin, Babe! Ano let's go?" nagawa niya ring magsalita sa kabila ng panunuyo ng lalamunan.

"Lester! Miss Aubrey! Are you going somewhere?"

Bago pa man makalabas ng bahay sina Lester ay napuna nila ang nagmamadaling tiyuhin na pababa ng hagdan. Tinawag sila nito.

"May lakad yata kayo, Lester?" tanong iyon subalit isa ring kompirmasyon.

"Ohh yes Mr Wang. Balak namin pumunta ni Lester sa beach upang mapadali ang kanyang paggaling," si Aubrey ang maagap na sumagot sa matanda.

"Good morning, Tito. It's weekend pero nagmamadali ka yata, something urgent happened?"

Umiling ang kanyang tiyuhin at kinaway-kaway pa ang dalawang kamay.

"Before I explain, Lester, Aubrey, please take a sit first at may susunduin lamang ako sandali sa labas. We have something very important to talk to. You cannot leave without knowing it."

Matapos iyon ay halos patakbong lumabas ng bahay ang tiyuhin ni Lester. Subalit hindi ito nagtagal, ni hindi pa nga nag-iinit sa upuan ang kanyang puwetan ay bumalik na ito.

May kasama itong matangkad na lalake.

Lalakeng napakakisig!

Mukha siyang artista!

Tila nawala sa puwesto ang puso ni Lester at nahulog yata sa sahig..? Maging si Aubrey ay natulala din sa nakita.

Nakasuot ng long sleeves black shirt ang lalaking bisita at maong na kupasin. Hapit ito sa kanyang mga binti na tinernuhan ng high-cut sports NIKE shoes at may sombrerong itim na tatak NIKE din. May maletang maliit na hila-hila ang kanang kamay.

"Ok guys..." umpisang wika ng kanyang tiyuhin, "This is Zeke Xiao, half Filipino half Chinese. Isa siyang undercover agent na kinuha ko upang bantayan ka Lester!" Pagpapakilala ni Mr Wang at paliwanag na rin.

Napatayo sa gulat si Lester. "What the heck is going on, Tito? Why do I need to have a bodyguard?!" nanlalaki ang matang tugon niya.

"Ohhh relax Lester. This is the case..." Nilingon nito ang nagngangalang Zeke, "Please have a sit Mr Xiao."

"I made an investigation regarding the accident happened months ago about you Lester..."

"Let's talk about it privately Tito, please excuse us for a while guys." nanlalaki pa rin ang mga mata ni Lester na pinutol niya ang paliwanag ng tiyuhin.

Nagtungo sila sa kusina at pinagpatuloy ang usapan.

"Nakakuha kami ng ebidensiya mula sa cctv-footage ng lugar, at napag-alaman namin that that accident was not an accident at all! We found out that it wasn't an accident but rather planned. Based sa cctv, yung motorsiklong humagip sayo ay nakatambay na doon halos isang oras bago ka dumaan sa intersection patungo sa opisina. Which is very suspicious dahil wala namang traffic within the area but only the stop light. Mapaghahalatang may inaabangan ang salarin. At dahil mukhang wala ka rin sa sarili habang tumatawid ay lalong naging pabor iyun sa suspect. Mabilis na pinaharurot nito ang sasakyan ng may makasabayang kotse at dire-diretsong hinagip ka ng walang kalaban-laban. Sa lakas ng pagbangga sayo ay tumalsik ka ng halos tatlong metro at nabagok ang ulo mo sa lakas ng impact ng pagbagsak mo sa sementong kalsada. Base sa aksiyon ng suspect, balak kang kitilan ng buhay! But you survived!"

Tulala lamang siyang nakikinig at hindi makapaniwala. Hindi rin naman niya matandaan ang nangyari bago ang aksidente.

"But one thing is unclear to me..." Kunot-noong dugtong ng Tito niya.

"What do you mean, Tito?" Kinakabahan siya sa susunod nitong sasabihin.

"Looks like the suspect was targeted you because of your position in the company, which made me decide to give you a bodyguard while we are investigating. But Mr Xiao will work for you in the office so that walang maghihinala na isa siyang bodyguard mo. In short, he will do an undercover as your staff rather than bodyguard and also as my nephew."

Tumaas ang kilay ni Lester pero hindi siya sumagot.

Pinisil ng Tito niya ang baba nito na parang may iniisip na lubhang kataka-taka. Nagsalubong din ang mga kilay nito.

"What makes me bothered was after your accident, a long-haired person from nowhere suddenly appeared right beside you and sat next to you, and put your bloody body in his arms. Then the footage suddenly triggered which was also unexplainable. We cannot detect who was that person and wala din makapagsabi mula sa hospital na pinagdalhan sayo. Based on their statement, tinakbo ka sa hospital pero walang makapagsabi kung sino ang nagdala sayo, sa bilis ng pangyayari, pinasok ka sa emergency room immediately at nakuha na lamang nila ang information mo mula sa ID na nasa bulsa mo. That's when they called me but no one there stayed for you before I came."

"Long haired person...?"

Nanuyo ang lalamunan ni Aster. My pumintig sa kanyang sentido at mahapdi iyun. Nahilot niya ang ulo at napapikit siya sa kirot. Nanghina din ang mga tuhod niya. May mga malabong alaalang dumaloy na hindi niya maunawaan.

"Tubig! Inumin mo itong tubig Lester and don't think too much. I will do my best para mahuli natin ang nasa likod nito!"

Galit ang tinig ng kanyang tito at maging siya ay nag-umpisang makaramdam ng galit.

"What about the person who hit me?"

"Wala pa ring balita kung sino ang hayop na iyon!"

"Ahmm. So, do you think we should go to the beach? Seems that it wasn't safe at all."

"Ohh! Ohh! Of course you should. Tamang-tama din ang pagdating ni Zeke, he can start the work right away!"

Well, in fact nagbabakasakali siyang magkaroon ng dahilan upang hindi matuloy ang lakad nila ni Aubrey. Hindi niya maunawaan subalit para bang gagawa siya ng kasalanan kapag nagkasama sila ni Aubrey na silang dalawa lamang. Hindi siya komportable.

Inakbayan siya ng tiyuhin at giniya pabalik sa salas. "I don't know na nagkakamabutihan na kayo ng sekretarya mo but I'm happy for you. Still, please take precautions." Nilapit nito ang labi sa kanyang tainga at bumulong, "We don't know who are our enemies, who knows if some of them are pretending to be a good friend? Who knows."

"I will take care, Tito. Don't worry."

"Don't trust too much Lester."

"Can I trust that Mr Xiao?"

"Of course. He is the best detective in their agency at wala siyang maruming record kaya napakamahal din ng kanyang presyo. Which is better. The more expensive, the more trusted."

"Hmm. Alright then."

"I'm telling you, don't trust anyone but him."

"I won't and thank you for caring me."

Narating nila ang salas at naratnang nagpapalitan ng usapan ang dalawang kasama.

"Are you really a detective, Mr Xiao? You could be a model or a celebrity, you know? You're so handsome! And I won't believe if you say you are single." nangingislap ang mga mata ng dalaga sa hantarang pagpuri sa makisig na detective.

Tumaas ang kilay ni Lester dahil sa tinig ng kasintahan niyang napakalamyos.

'Yung kasintahan ko'y kumekeringkeng agad sa iba! Saglit lamang akong nalingat! Mga babae nga naman!'

Nag-iinit ang ulo niya!

"You're right, Miss Aubrey. I'm not single anymore. I am taken since a very long time ago," nakangiting wika ni Zeke. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan sa pagbanggit ng tungkol sa karelasyon.

Mas lalong nag-init ang ulo ni Lester!!!

Maasim na rin ang kanyang pagmumukha at halos iisa na lamang ang kanyang mga kilay sa pagkakadikit nito.

Tumataas ang presyon niya!

Kung ano ang dahilan. Wala siyang ideya!

Nagtama ang paningin nina Lester at Zeke. Nag-aapoy ang mga titig ni Lester samantalang pigil na pigil naman ni Zeke ang pagtawa.