Chereads / Ang Pag-ibig ni Lester / Chapter 7 - Kabanata 7

Chapter 7 - Kabanata 7

Wala pa rin sa huwisyo si Lester matapos niyang pagbuksan ng pinto ang kasintahan. Masyadong nayanig ang pagkatao niya sa inasal ni Zeke. Bago ang lahat ng iyon sa kanyang pandama.

Nagtuloy-tuloy siya sa kusina upang uminom ng malamig na tubig. Mabuti na lamang at may mga laman na ang  refrigerator nang sila ay dumating. Marahil ay nilagyan iyon noong caretaker na naglilinis doon tatlong beses kada linggo.

Nagpaubaya na lamang siya kay Aubrey kung saan siya nito hilahin. Windang pa din ang kanyang isipan.

Namalayan niya na lamang na naroon na sila sa dalampasigan.

"Oh my God, it's so beautiful, Babe! Napakalinis ng tubig! Gusto mo bang maligo na tayo?" Nagpaikot-ikot sa tuwa ang dalaga habang nakangiti ng maluwang. Tinanggal niya ang suot na sandalyas pati ang nakapatong na maiksing bestida at maingat na ipinatong sa buhangin. "Hindi na ako makapaghihintay pa! Haha!"

Nalaglag ang panga ni Lester sa buhangin.

"Hala! Nag two-piece siya!!! Papatayin ba ako sa nerbiyos nitong dalawa kong kasama?!"

Pulang two-piece bikini ang suot ng dalaga na lalong nagpatingkad sa kaputian ng kanyang kutis. Hindi sanay si Lester makakita ng ganoon sa personal. Tanging sa television niya lamang nasisilayan ang mga ganoon.

Aminin niya man sa hindi ay talaga namang nakakaakit ang kasintahan. Nagtuloy-tuloy itong naglakad hanggang umabot na sa taas ng mga tuhod ang tubig. Sa sobrang linaw ay tanaw na tanaw niya ang magandang alindog na halata namang halos ialay na sa kanya. Nakatalikod ito kay Lester at nakaharap sa kalawakan ng karagatan.

Napako na sa kinatatayuan si Lester at hindi magawang alisin ang tingin sa dalaga nang bigla na lamang mag-iba ang itsura nito.

Matangkad, makinis at pantay na tiyan na may anim na mala-pandesal na abs at may mumunting damo sa gitna, pababa, pababa...

May makisig na mukha at mala-pilak na mga matang nakatitig sa kanya ng matiim.

"F*cking bullshit!" napamura si Lester matapos mapagtantong ibang tao na ang iniisip niya imbes na ang kasintahang nasa harapan. Masaklap ay lalake iyon!

Hindi niya mawaglit sa isipan ang tagpong iyon at ramdam niya ang kakaibang pintig sa sentro ng kanyang katawan. Ramdam niya rin ang paninigas ng kanyang pagkalalake.

"F*cking bullshit! What am I thinking!"

Walang malay sa mga iniisip niya ang patuloy sa paglulunoy sa tubig na  kasintahan.

Nang bigla na lamang naramdaman ni Lester ang mga kamay na pumulupot sa kanyang bewang mula sa likod. Kung hindi niya nakilala kaagad ang pabango nito ay baka nakarate niya ang tampalasan ng wala sa oras.

"Enjoying the scene huh?" mariin ang bawat katagang bigkas ng tao sa kanyang likuran. Sa sobrang lapit ay ramdam na ni Lester ang init ng hininga ng lalake sa kanyang batok.

Hindi siya maaaring magkamali ng dinig, galit ang tinig na iyon.

"Bitawan mo ako Zeke bago pa kita mapaslang na hayop ka! Feeling mo, boyfriend kita?" pinilit niyang magpanggap na galit upang pagtakpan ang kakaibang sensasyon na dumadaloy sa kanyang katawan sa pagkakadikit nila sa pamamagitan ng pagsiko sa lalake.

Ganunpaman...

"Handa akong paslangin mo anumang oras na iyong naisin mahal kong Lester..."

Hindi man lamang natinag ang binata sa malakas na pagsiko ni Lester.

Kasabay ng tugon ni Zeke ay ang pag-kagat niya ng mahina sa balat ni Lester sa balikat na nakalantad sa labas ng kamiseta. Dumaloy ang rumaragasang init sa buong katawan ni Lester sa ginawa ng lalake at muntik na siyang mapaungol sa kakaibang sarap.

"Babe! C'mon, maligo ka na rin habang malamig pa ang tubig!"

Halos mawalan ng kulay si Lester sa biglaang lingon ng kasintahan sa kanya. Kumaway-kaway pa ito at nakangiting tinatawag siya. Doon siya napaisip at nagtaka.

"Teka, imahinasyon ko lamang ba ang naganap?!"

Kumaway-kaway din siya kay Aubrey at alanganing ngumiti saka pa lamang niya nagawang lingunin ang bandang likuran niya. Nakita niya si Zeke, mga pitong metro ang layo sa kanya at nakasandal sa puno ng niyog na naroroon.

Nagtama ang kanilang paningin, puno siya ng katanungan sa isipan.

'Nanaginip ba ako? Nilapitan niya ba ako? O imahinasyon ko ang naganap?'

Marahas niyang nilingon muli ang kasintahan at hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon upang mag-isip. Kailangan niyang maglunoy sa tubig upang mapawi ang init ng kanyang katawan dahil sa 'di kakatwang naganap kanina lamang.

Nagmamadaling hinubad ni Lester ang suot na pang-itaas at basta niya na lamang ipinatong sa damit ni Aubrey na nasa buhanginan at saka mabilis niyang tinungo ang kinaroroonan ng kasintahan. Nababaliw na ang kanyang pakiramdam.

Mula nang magtagpo ang landas nila ni Zeke, wala pa ngang isang araw iyon ay nabalot na siya ng samu't-saring nakababaliw na pakiramdam at mga sensasyon. Nagdadalawang-isip tuloy siya kung may mali sa kanyang pagkalalake o normal lamang ang ganoong reaksiyon ng katawan. Napatigil lamang siya sa kanyang pag-iisip ng maramdaman ang malamig na tubig na isinaboy sa kanya ni Aubrey.

"Are you alright, Babe? Kanina ka pa parang lutang diyan. Huwag mong sabihing may ibang babae kang naiisip?" nakataas-kilay ang kasintahan at matamang nakatitig sa kanya na puna nito.

'Hindi ibang babae kundi lalake...' hindi niya maiwasang makonsensiya.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan babe? Haha. Natutulala lamang ako dahil hindi ko pa rin lubos maisip na napaka-sexy ng kasintahan ko. Ang swerte ko nga eh."

Nakonsensiya si Lester sa kanyang kasinungalingan at wala sa sariling napahawak sa leeg niyang dinampian o imahinasyon niya lamang kanina ng mga labi ni Zeke...

"Teka, may insekto bang kumagat sayo? Namumula ang iyong balat, Babe!"

"Huh?" Naguluhan siya sa sinabi ni Aubrey.

Nang lapitan siya nito at tinanggal ang kanyang kamay na nasa balikat ay nanlamig siya.

"Look! Namumula ang iyong balat. Parang kinagat ng kung ano!" Mabilis itong nagsalok ng tubig sa mga palad at binasa ang kanyang balikat.

"Hindi ko makita, namumula ba talaga?" paniniguradong tanong ni Lester.

"Oo ah. Saan ka ba nagsususuot at nagkaroon ka niyan?" nakataas-kilay na naman ang dalagang tanong nitong may pagsususpetsa kay Lester.

Alanganin niyang tinuro ang kinatatayuan kanina, "Andoon lamang ako habang pinagmamasdan ka ng maramdaman kong may kumagat na kung ano," pagsisinungaling niya. "Baka may dumapo lamang na insekto hehe," dagdag pa ni Lester. Subalit tila naging hungkag ang kanyang pakiramdam ng hindi niya makita sa kinaroroonan nito si Zeke kanina.

"Hayaan mo, mawawala din ito dito sa tubig-dagat." Hinila niya sa kamay si Aubrey at magkasabay na lumublob sila sa tubig. Naramdaman niya ang pagpulupot ng mga braso ng dalaga sa kanyang katawan.

"Let me kiss it to ease the redness." usal ng kasintahan. Nilapit nito ang mukha sa kanyang balikat.

"No! I mean I'm fine, Babe. You don't need to worry about it."

Maingat niyang inilayo ang kanyang katawan at inikot niya si Aubrey upang maitalikod sa kanya. Wala sa loob niyang niyakap ang kasintahan mula sa likod, katulad nang kung paano siya yakapin kanina ni Zeke. Napalunok si Lester. Naroon na naman ang kakaibang pintig sa kanyang kaibutaran isipin lamang ang lalake.

'Kung ganun ay hindi iyon imahinasyon lamang? Subalit paanong wala siya sa aking tabi kanina ng ako'y lumingon?'

Hindi niya na namalayan kong gaano sila katagal naglunoy sa tubig. Subalit ang isipan niya ay lumilipad pa rin.

'Akala ko ba ay binabantayan niya ako? Bakit  lumayas siya sa kinaroroonan niya kanina?' himutok ni Lester sa kanyang isipan.

Hindi niya na nakita si Zeke sa buong maghapon na iyon. Maging lng magbanlaw siya at magpalit ng damit sa kanilang silid ay hindi niya rin ito natagpuan doon.

Alas-syete ng gabi, hindi niya na maitago ang kanyang iritasyon.

"Where is Mr Xiao, Babe? Hindi ba dapat ay binabantayan ka niya dito?"

"Don't ask me. I'm with you."

"Pamilyar ba siya sa lugar na ito at malakas ang loob magliwaliw? Hindi kaya nawala na iyutn sa daan?" napapaisip din si Aubrey.

"Tell me, Babe, if I am not your boyfriend, magkakagusto ka ba kay Mr Xiao?" wala sa loob niyang naitanong sa kasintahan.

"Honestly, maybe yes. He's so handsome nakita mo naman, but..." kumunot ng noo ang dalaga.

"What?"

"He said na may karelasyon na siya di ba and it looks like he loves her very much. Nakita ko sa mga mata niya kanina ang pangingislap niyon noong sinabi niyang he's taken for a very long time already."

Tila nilakumos ng kung ano ang puso ni Lester. Hindi niya maunawaan ang hapding naramdaman sa kanyang kaibutaran. Palagay niya pa nga ay nagbabadya ang luha sa kanyang mga mata.

'Yeah. He f*cking said that he was taken already!'

Ininum ni Lester ang tubig na nasa boteng nakapatong sa mesa. Naroroon sila sa maliit na cottage sa labas ng bahay at inaantay ang inorder nilang pagkain sa katabing restaurant.

"Speaking of the devil..."

Napatingin siya sa tinitignan ni Aubrey. Nakita niya ang lalaking laman ng kanyang isipan sa buong maghapon na iyon. May dala-dala itong ilang pirasong supot sa magkabilaang kamay.

Masayang sinalubong ni Aubrey ang binata, "Hey Mr Xiao. Where have you been? Akala namin ay nawala ka na. Hahaha."

Magkasunod na pumasok sa bahay ang dalawa at wala siyang narinig na tugon mula sa lalake. Nang mga oras na iyon ay hindi niya malaman ang gagawin. Halos maghapon niyang inaasam masilayan ang lalake subalit ngayong naririto na ito ay nagkaroon siya ng kakaibang takot sa dibdib. Higit sa lahat ay takot sa sariling damdamin. Takot kung bakit kakaiba ang kanyang nararamdaman sa tuwing nagdidikit sila ng lalake. Takot na mayroon ng nagmamay-ari dito. Takot na pareho silang lalake.

Hindi mapakaling yumuko si Lester at nilaro-laro ang mga daliri sa paa doon sa buhangin. Hindi niya na namalayan kung gaano siya katagal sa ganoong posisyon hanggang marinig niya muli ang tinig ng dalawang palabas sa bahay.

"Hindi ko lubos maisip na naisipan mong magluto ng ganito Mr Xiao. At talagang nag-effort kang makigamit ng kusina! Hahaha!" masayang-masaya ang tinig ng kasintahan niya.

"Yeah. Matagal ko na kasing hindi natitikman ang ganitong luto, isa pa, tingin ko naman ay maayos kayong dalawa at wala naman akong gagawin kaya naman naisipan kong maghanap ng maihahapunan."

Pinakamahabang litanya yata iyon ni Zeke na kanyang narinig buhat ng makilala ito. May dalang tig-isang tray ang dalawa at puno ng mga pagkain. Nakatingin lamang si Lester at pinagmamasdan ang dalawang magkatulong na inilapag sa mesa ang mga pagkain.

'Pakiramdam ko sa mga sandaling ito, sila talaga ang magkasintahan at sabit lamang ako sa lakad na ito.'

Kung ano-ano ang naiisip ni Lester.

"Babe! Would you believe it?! Si Mr Xiao ang nagluto nito lahat. Na-miss niya raw ang Filipino foods kaya naki-rent siya ng kusina para makapagluto at makigamit na rin ng mga kasangkapan sa pagluluto. Haha. God nakakainggit naman maging girlfriend niya!"

Huli na upang bawiin ni Aubrey ang kanyang nasabi. Nasaktan na siya nito.

"I'm sorry, I didn't mean it that way, Babe..." akmang magpapaliwanag si Aubrey subalit hindi na ito nagpatuloy dahil sa pananahimik ni Lester.

Hindi kumibo si Lester at tahimik niyang ibinalik ang tingin sa mga paang nasa buhanginan pa rin.

"Here, I cooked this for you. Para gumaling ka na kaagad," senserong wika ni Zeke kay Lester.

Napa-angat siya ng tingin at nakita niya si Zeke na ipinagsasandok siya ng...

Namilog ang kanyang mga mata!

"Ginataang manok na may maraming luya at sili?? At sinampalukang karne??" Lumuwa ang mata ni Lester sa mga pagkaing nasa harapan niya. Takam na takam siya sa pagkaing kinagawian.

"Walang baboy kaya naman karneng baka iyan. Pero sa palagay ko naman ay kasing-sarap din naman." napapakamot sa ulong tugon ni Zeke.

"Teka. Looks like these are your favorite foods, Babe?" naniniguradong tanong ni Aubrey sa kasintahan.

"Yeah. My mother loves to cook this for me."

"Paano mo nalamang paborito ito ni Lester Mr Xiao?" takang napatingin si Aubrey kay Zeke at may paghihinala sa mga titig nito.

"I called Mr Wang and asked him. And goodness these are also my favorite foods. So yeah, kaya nagluto ako."  Nagkibit-balikat lamang si Zeke at ipinagpatuloy ang pagsasandok ng pagkain para kay Lester.

"Oh ok now I get it. Pero teka, will you please stop it? Ako dapat nagsasandok ng pagkain ng kasintahan ko di ba?"

Napapaisip ang mukha ni Aubrey.

"Haha. Wala na. Finish na. Naipagsandok ko na siya. Alangang ibalik ko ito sa mga mangkok. Haha."

"Shut up you both and eat." malamig niyang banat sa dalawa. Hindi malaman ni Lester kung nag-aaway ba ito dahil sa kanya o nagpapapansinan lamang sa kanyang harapan. Naiirita siyang dinampot ang mga kubyertos at walang pakialam na kumain.

Hindi makapaniwala si Lester. Sobrang sarap ng luto ni Zeke. Huling-huli ang kanyang panglasa. Tinignan niya ito at matapat na nagsabi, "Masarap. Salamat." maiksi man ay bukal iyon sa kanyang kalooban.

"I know. I'm happy."

Napakurap si Lester. Narinig niya ang tinig ni Zeke sa kanyang tainga subalit dilat ang kanyang mga matang nakatitig dito at sigurado siyang hindi niya nakitang bumuka ang bibig ng lalake upang sumagot. Ngumiti sa kanya ang binata at yumuko upang sumubo din ng sariling pagkain.

Nilingon niya si Aubrey na nakatingin pala sa kanya, "Why aren't you eating? Hindi mo ba gusto ang pagkain? Teka nasaan na pala iyong inorder natin kanina?"

"I cancelled it." maiksing sabat ni Zeke na patuloy lamang sa pagkain.

"Huh?" panabay nilang tugon ni Aubrey.

"Doon kayo umorder sa restaurant na pinaglutuan ko. Sinabihan ko sila na huwag tatanggapin ang order mula sainyong dalawa." Nilingon nito si Aubrey, "You don't like the food? Ipagbibili ba kita ng pagkain?" may pang-unawang sambit nito kay Aubrey.

"Of course not. I like the food. Masarap ang luto mo walang halong biro. Napapaisip lamang ako..."

"Of?" tanong ni Lester.

"Hindi ko rin maintindihan. Para bang kung titignan ay hindi kayo ngayon lamang nagkakilala. Looks like you're actually comfortable with each other in unexplainable reason."

"Masyado yatang masarap ang luto ko at naghahalusinasyon ka na. Haha." pambabara ni Zeke kay Aubrey.

"Mahangin ka talaga." hindi niya mapigilang sagot sa kahanginan nito.

"Hahahahahaha!"

Tinangay ng hangin ang masayang tawa ng lalake at kita niya ang pagkislap ng kulay pilak nitong mga mata. Masaya nilang inubos ang pagkain.

"Bumili din ako ng uling at may ibinabad  akong manok upang gawing barbecue. May nakita ako sa tagiliran ng bahay na ihawan. Bumili na rin ako ng alak upang maging lubos ang pamamalagi natin dito. Masarap uminom sa tabing-dagat."

"Sang-ayun ako diyan, Mr Xiao. Lalo na kapag bilog ang buwan. Pero mas masarap ihawin iyong bagong huling isda mula sa dagat." nakangiting pagsang-ayun ni Lester.

Nang may biglang dumaang eksena sa kanyang isipan. Binatilyo pa si Lester at nakaupo sa tumbang puno sa gilid ng dagat. Kaaahon niya pa lamang mula sa tubig at may dala siyang huling isda. Sa harapan niya ay may tambak na ilang pirasong mga kahoy at sa magkabilaang-gilid nito ay may tig-dalawang patpat na naka-ekis. Sa ibabaw ay may patungan naman ng mahabang patpat na tuhugan ng isda. Sinindihan ng kanyang kasama ang mga kahoy at tinuhog niya naman ang dalawang malaking isda sa patpat. Nang magkaroon ng mahinang apoy ay ipinatong niya na ang patpat. Tumabi kay Lester ang kasamang mahaba ang buhok at sumandal sa punong kinauupuan niya. Nakaupo lamang ito sa buhangin kaya naman bumaba siya upang makapantay ang kasama at walang-anupamang hinalikan ni Lester ang mga labi ng katabi na mainit namang nakatanggap ng maalab na tugon. "Masaya na akong ganito habang-buhay basta kasama lamang kita." Narinig niya ang kanyang tinig.

"Babe! Tulala ka na naman diyan!"

"Hindi ko matandaan ang kanyang itsura." magulo ang isipan niyang sagot.

"Huh??"

Natauhan si Lester.

"Ah wala. May naalala lamang ako noong aking kabataan. Pasensiya na."

"Kanina pa ako nakakahalata babe ah! Kanina pa lumilipad iyang isipan mo." mapang-akusa ang tinig ng kasintahan niya. Hindi rin naman niya masisisi iyon.

"I'm sorry. Mukhang may mga nalimutan din ako mula sa kabataan ko at hindi lamang sa mga nakalipas na taon. May mga sumasaglit kasing alaala na malabo naman sa aking gunita."

Nakita niya ang tila pangamba sa mukha ng dalaga. O takot ba iyon?

"Let's not spoil the night, Babe. Look, tulungan natin si Zeke na ihanda iyong ihawan. Huwag nating sayangin ang gabi." pag-iiba ng dalaga sa paksa.

Tumango lamang si Lester at sumunod sa kasintahan.

Masaya ang gabi at panay kuwento ng dalaga. Sa totoo lamang ay halos hindi iyun pumasok sa kanyang isipan. Tahimik lamang siyang umiinum ng alak na binili ni Zeke. Si Zeke ang manaka-nakang sumasagot sa kanyang kasintahan. Para bang nauunawaan nito ang pinagdadaanan ng kanyang kalooban.

"Excuse me guys. Sasaglit muna ako sa banyo." paalam ng babae.

"O, kaya mo pa bang tumayo? Ihahatid na kita?" sensero niyang tanong sa kasintahan.

"She can," mariing bigkas ni Zeke at inalalayan niyang makatayo ang dalaga. Iyon bang tila ayaw nitong magkalapit sila ng kasintahan.

Napataas ng kilay si Lester. Nakaramdam siya ng panibugho ng makita ang magkahawak nilang mga kamay habang inaalalayan ni Zeke si Aubrey upang makatayo. Tiim-bagang niyang ininum ang alak sa kanyang baso. Sa totoo lamang ay nahihirapan na si Lester na pakalmahin ang sarili ng mga oras na iyon. Lalo pa't lasing na din siya.

"Gusto niya ba ang kasintahan ko?!"

Lumayo siya sa tagpong iyon upang hindi niya na makita pa kung ano ang susunod na eksena sa dalawa.

"Bahala kayo sa buhay niyo!"

Dala-dala ang bote ng alak, walang takot niyang tinungo ang alunan. Umaabot naman doon ang sinag ng ilaw mula sa bahay-bakasyunan. Naninikip ang dibdib niya. Kung sana ay hindi siya dumating ay hindi siya magkakaroon ng kalituhan ng damdamin.

"What made you so sad like this?"

Tinatangay ng mabining hangin ang malamyos na tinig ni Zeke na nagsalita mula sa kanyang likuran.

"Why are you here? Why don't you take care of my girlfriend?" bakas na sa tinig ni Lester ang panibugho. Hindi niya na iyon maitatago pa o baka dala na rin iyon ng alak kaya nagkalakas-loob siyang ipakita ang damdamin.

"Why? Are you jealous that I'm taking care of her for you, or are you jealous that I possibly like her?"

Malamig ang bawat kataga ni Zeke. Walang emosyon.

"What are you talking about?!"

Hindi alam ni Lester ang sagot sa tanong na iyon. Tinungga niya ang alak sa kanyang bibig.

Hindi niya nga ba alam ang sagot o natatakot lamang siyang umamin?

"Tell me, Zeke, do you like my girlfriend?"

Subalit ayaw niyang marinig ang katugunan nito.

"Tell her I'm resting already at lasing na ako."

Natatakot siyang marinig ang kasagutan.

Iniwan niya ang binata at nagtuloy-tuloy na siyang nagtungo sa loob ng bahay.