Chereads / Ang Pag-ibig ni Lester / Chapter 11 - Kabanata 11

Chapter 11 - Kabanata 11

"Here's your coffee, Babe. Just tell me if you need something else."

"Sure. Thanks, Babe," wika ni Lester.

Nakita niya sa mukha ni Aubrey ang tila pagkalito at pagtataka habang nakatingin sa kanya subalit hindi ito nag-usisa pa at bumalik na lamang sa kanyang sariling mesa.

Hinarap niya si Zeke at mahinang tinanong ng pagalit, "May kahina-hinala ba sa aking itsura?!"

Pigil ang tawang sumagot ang lalake, "You look haggard... masyadong halatadong galing ka pa lamang sa pakikipagtalik," mahinang-mahina ang tinig nito subalit tila bomba iyon sa kanyang pandinig.

"Napakabulgar mo talagang hinayupak ka! It's your f*ckng fault!"

"Hindi ko pinagsisisihan iyon tsaka huwag nga ako, akala mo naman napilitan ka lamang diyan! Gusto mong paungulin kita sa mismong harapan niya?"

"Go to hell!"

Namumula ang kanyang pisngi dahil sukol siya ng lalake.

Naramdaman niya ang mabining haplos sa kanyang pisngi at mabilis siyang ninakawan nito ng halik.

Tumayo si Zeke at kinuha ang kapeng nasa kanyang harapan at tinignan ito ng maigi. Nakita niya ang pag-iling nito at pagdilim ng mukha.

"That bitch!"

Narinig niya ang tinig ni Zeke kahit hindi iyon nagsalita. Ngayon ay sigurado na siya sa sarili. Naririnig nga niya ang iniisip nito.

Bigla na lamang may lumitaw na maliit na bote sa kamay ni Zeke at inilagay niya doon ang kapeng laman ng tasa. Matapos ay naglaho din itong muli sa kanyang mga palad.

Gumamit man ito ng mahika ay hindi na siya nagulat pa. Mukhang marami pang kakaibang ipapakita sa kanya ang lalake at mukhang tanging siya lamang ang may permisong makita ang mga iyon.

"Ipagtitimpla kita ng kape," madilim ang mukhang wika nito.

"Ok I prefer..."

"I know what you like."

Pinutol nito ang kanyang sinasabi at mabilis ng lumayas sa kanyang harapan.

"Weh! Alam daw ang gusto kong timpla ng kape?"

Makalipas ang sampung minuto ay may dala na itong tasa ng kape at mga supot na hindi niya makita ang laman.

Taas-kilay niya itong tinignan at kita niya ang pigil-pigil nitong pagtawa.

"Here is your coffee my master."

Inilapag ni Zeke sa kanyang harapan ang black coffee na hindi niya inaasahan. Alam niya nga pati ang gusto kong timpla ng kape!

"At ano naman iyang mga bitbit mong supot my guardian?"

"Hahaha! Your crazy staffs outside gave me these. Sobrang kisig ko daw kasi kaya dapat ay hindi ako magutom. Mga pagkain iyan, gusto mo?"

"Kainin mong mag-isa!"

Mataas na naman ang kanyang presyon!

"What? Sayang naman kung hindi ko ito tatanggapin. Masama ang tumanggi sa grasya hindi ba?"

"Isaksak mo sa baga mo!"

Tatawa-tawa itong tumayo bitbit ang mga supot at nagtungo sa kabilang parte ng silid, "Hey Miss Aubrey, snacks for you."

"Ohh my! Thank you so much Mr Xiao."

"Walang anuman Miss Aubrey. Anyway, can I ask you a little favor?"

"Sure Mr Xiao. What is it?"

Halos paliparin na ni Lester ang mga papeles sa mesa at ibato kay Zeke dahil halatado namang lumalandi ang kasintahan niya sa lalake base sa tono ng pagsasalita ng kasintahan. Hindi niya napigilang tumayo at silipin ang dalawa.

Nakita niya ang paglitaw ng ilang piraso ng papeles sa kamay ni Zeke na nasa likuran at ipinakita kay Aubrey, "Can you please make a copy of this Miss Aubrey? Twenty pieces each page please. Thank you."

"Ok."

Alam niyang may ginawa ang taga-bantay sa kanyang kasintahan dahil sa tila wala sa sariling pagtayo nito at paglabas sa kanilang silid. Napaigtad siya ng bumulong ito sa kanyang tainga kahit na hindi ito lumilingon man lamang sa kanya.

"Come here and take a look."

Pumuwesto si Zeke sa harap ng computer ni Aubrey.

Lumakad siya palapit sa lalake at pinagmasdan niya ang ginagawa nito. May mga binuksang documents ito sa mga files ni Aubrey at ipinasa sa isang email account. Dahil sa kanyang photographic memory ay malinaw na tumatak sa kanya ang email account na nakita, 'lesterandzekeforever69@hotmail.com'.

Tinampal niya sa puwet si Zeke at asar na sinita, "Ano na namang kabulgaran iyang email account mo?!"

"Bulgar ka diyan, ang sweet ko nga!"

"Sweet?! Bilisan mo bago pa siya bumalik dito."

Bumalik na din siya sa kanyang mesa na hindi mapigil ang ngiti sa labi. Sa isip-isip niya'y puro kamanyakan ang naiisip ng lalake. Haha.

Hindi nagtagal ay sumunod na din si Zeke sa sarili niyang mesa at maya-maya pa'y pumasok na si Aubrey.

Tahimik na lumipas ang mga oras dahil lahat sila ay subsob sa kani-kanilang dokumentong hawak hanggang mapukaw ang kanilang pagiging abala nang tumunog ang alarm ng lunch break.

Nag-unat ng mga braso at binti si Lester upang mawala ang pangangalay niya nang lumapit sa kanya si Aubrey.

"C'mon, Babe, let's have a lunch outside." Nakangiti ang kasintahan ng ubod-tamis sa kanya.

Wala siyang dahilan upang tanggihan ang babae kahit pa nga tutol ang kanyang kalooban.

Tumayo siya upang samahan ang kasintahan ng magsalita si Zeke, "Miss Aubrey, ayaw ko mang pigilan si Mr Wang subalit hindi ko pa tapos i-install ang lahat ng kailangan ko dito sa aking computer. Hindi siya maaaring lumabas na hindi ako kasama kaya naman, please have your lunch alone for now. I'm sorry. Hindi ko maaaring iwanan ang aking ginagawa. Mag-oorder na lamang ako ng pagkain para sa aming dalawa."

Nakita ni Lester ang pagmamaktol at pagtutol sa mukha ng kasintahan subalit alam niyang hindi nito magagawang suwayin si Zeke.

"Hmmmpp!" walang paalam itong lumabas ng opisina.

Muli siyang naupo at inikot ang kanyang upuan paharap sa lalake, "Ano na naman ang drama mo ngayon my guardian?"

Ngumiti ito sa kanya ng may pang-aasar, "I want to eat my very delicious lunch, without anyone seeing it..." Pinaglaro nito ang dila sa mga labi.

Nauunawaan niya ang iniisip ng lalake subalit pinigil niya ang pagngiti. Tumayo siya at lumapit sa telepono, "What do you want me to order?"

Naramdaman niya ang pagyakap ni Zeke mula sa kanyang likuran, "I want to eat you..."

Humagod ang magaslaw na kamay ng lalake sa kanyang katawan.

"Tss. Ang init mo..." bulong niya bago nagsalita sa telepono. "Hello Ana, Please bring us two order of chicken adobo, and my favorite fried fish and four order of...ohhhh," Sh*t! Hindi niya mapigilan ang pag-ungol dahil sa ginagawa ni Zeke sa kanya!

Tinakpan niya ang mouth piece ng telepono, "D*mn Zeke, let me finish ordering!" angal niya sa lalake.

Tumawa lamang ang huli ng mahina.

"Four order of rice and orange juice please. Thank you."

Binagsak ni Lester ang telepono at sinalubong ng mga labi niya ang nag-aalab na labi ni Zeke.

"So this is why you didn't allow me with Aubrey huh?"

Binuhat siya ni Zeke at inupo sa mesa, "Teka, let me lock the door first!"

"I locked it already..." mahinang usal ng lalake.

Tila hayuk na pinakawalan nito ang kanyang gising na gising ng pagkalalake.

"It's good that you're always ready for me..."

"I'm not, just awaken by your caress..."

Nahihiya siyang amining tama ito.

Hindi na sumagot pa si Zeke at itinaas niya ang suot na polo ni Lester upang marating ang dalawang tila kapiranggot na tsokolate sa magkabilaang dibdib ni Lester na kapwa nag-aabang ng mainit niyang halik.

Sa tuwina'y halos ikapugto ng hininga ni Lester ang bawat sensasyong rumaragasa sa bawat dampi ng labi ni Zeke sa kanyang balat. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya sa mga sandaling iyon. Subalit hindi siya nagsasawang namnamin ang sarap na hatid ng lalake sa kanya.

Doon mismo sa mesang iyon ay naging parte ito ng kanilang saksi sa mainit nilang pagtatalik.

Kinagabihan ay magkakasalo silang kumain ng hapunan, ang kanyang Tito, Tita, si Zeke at siya. Ang anak ng Tito niyang si Grace at Arnold ay kapwa may mga asawa na at may kanya-kanyang sariling buhay at ni isa ay hindi ginustong sumunod sa yapak ng ama na alagaan ang sariling negosyo kaya naman sobra ang pasasalamat ng kanyang tito kay Lester, ang tanging mapagkakatiwalaan nito sa kanyang kompanya at maaaring maging isa sa tagapagmana ng matanda kung sakali.

Subalit hindi naman iyon ang hinahangad ni Lester. Ayon sa kanyang ina ay ginusto ng kanyang ama na maparoon siya upang magkaroon silang mag-ina ng maayos na pamumuhay kaya naman buong pagsisikap siyang nag-iipon para sa kanilang hinaharap. Matanda na rin ang kanyang ina at nais niya itong bigyan ng kaligayahan.

Matapos ang hapunan ay nagtungo silang tatlong lalake doon sa balkonahe sa unang palapag ng bahay upang mag-tsaa.

"Ano na ang iyong nakakalap na impormasyon Mr Xiao?" panimulang paksa ng kanyang Tito.

"Maaari bang Zeke na lamang po Mr Wang? Isa pa ay pamangkin mo din ang isa ko pang ginagampanan dito sa iyong tahanan. Haha."

"Kungsabagay nga. Siya sige, Zeke ano na ang lagay ng iyong pag-iimbestiga?"

"Saglit lamang Mr Wang at kukuhanin ko ang aking laptop."

Tumayo si Zeke at nakatingin lamang si Lester ng magsalita ulit ang kanyang tiyuhin, "Hindi ba dapat ay Tito rin ang itawag mo sa akin?"

Muntik ng mabilaukan si Lester ng tsaa sa narinig. Pakiramdam niya ay bagong magkasintahan sila ni Zeke at tinanggap pa lamang ito ng kanyang Tito.

Namumulang napayuko siya sa hiya dahil sa iniisip niya. Hehe.

"Sure Tito! Sandali lamang po."

Bumaling sa kanya ang tiyuhin, "Mayroon akong sekretong saiyo ko lamang sasabihin Lester."

Lumingon ang Tito niya upang masigurong sila lamang ang makakarinig noon. Napuno tuloy siya ng kuryusidad.

"Ano ba iyon Tito?"

Dahan-dahan niyang sinipsip ang tsaa sa kanyang hawak na tasa.

"Alam mo bang isa akong fujushi? Pero syempre ayaw kong malaman iyon ng Tita mo at malalagot akong sigurado!"

"Ano naman ang fujushi?" taka niyang tanong at humigop muli siya ng tsaa.

"Ano ka ba namang tao ka?! Iyon yung mga fans ng mga palabas na boylove. Iyong dalawang makikisig na lalaking hindi sinsadyang nakaramdam ng pag-ibig sa isa't isa!"

Kung kanina ay muntik lamang maibuga iyong iniinum niyang tsaa, ngayon ay halos tumalsik na iyon sa mukha ng kanyang Tito. Nabilaukan si Lester ng wala sa oras.

Nagmamadaling lumapit si Zeke kay Lester na may bitbit na laptop at hinagod siya sa kanyang likuran matapos makita ang kalagayan niya.

"Pati ba naman sa tsaa ay maaaring mawalan ka rin ng buhay?!" sita ni Zeke na halatadong nag-aalala.

Hindi niya malaman kong tatawa o iiyak o magagalit sa mga naririnig.

Napasulyap si Lester sa Tito niyang nagkakamot ng ulo at nahihiya. Hindi malaman ang gagawin.

Inayos ni Lester ang sarili at pilit na kinalma ang damdamin saka bumaling sa tiyuhin, "Paanong pag-iibigan naman iyon ng dalawang lalake, Tito? Sa paanong paraan sila nagkamabutihan?"

Nakita niya ang lalong pamumula ng mukha ng matanda ng mapasulyap kay Zeke.

Doon na siya tumawa.

"Hahahahahahahaha! Huwag mong alalahanin si Mr Xiao, hindi naman iyan magsusumbong kay Tita. Nasasabik akong marinig ang iyong kuwento Tito, dali na."

Wala sa loob na nilagyan ng tsaa ni Lester ang tasa ni Zeke at inilapag sa puwesto nito at nilagyan niya rin muli ng tsaa ang kanyang tasa.

May pagdadalawang-isip man ay nag-umpisang magkuwento ang tiyuhin.

"Napanood ko iyong palabas na Bishonen, ang bida noon ay isang gigolo sa HK. Arogante, magandang lalake, sexy, at halos lahat ng kababaihan ay nahuhumaling sa kanyang kakisigan subalit ni minsan ay hindi pa siya umibig. Hanggang nakilala niya ang isang pulis na ubod ng kisig at maskulado. Mula noon ay may nagbago sa kanyang pakiramdam at nagbago din ang kanyang mga kinasanayan. Naging mabait siya, malambing, malinis at matapat upang mabihag lamang ang pulis na si Sam. Subalit sa huli ay siya rin naman ang nahulog sa sariling bitag dahil umibig na nga siya ng tuluyan sa pulis na iyon."

Kinabahan bigla si Lester at halos maubos niya iyong tsaa matapos marinig magkuwento ang tiyuhin.

"At ano namang nakakatuwa makita ang dalawang lalakeng nag-iibigan Tito...?"

"Ahhh! Kaya nga ako isang fujushi kasi ang mga katulad lamang namin ang nakakaunawa sa mga ganoong klase ng pag-iibigan! Kumbaga, hindi na kailangan pa ng eksplinasyon, awtomatikong naiintindihan namin ang mga posibilidad na ganyan!"

"Eh anong gagawin mo Tito kung mangyaring ang pamangkin mong si Lester ang umibig sa isang makisig na lalake? Magiging fan ka rin ba niya?"

Kita ni Lester ang pigil na pigil na pagtawa ni Zeke at tila binabad naman ang mukha niya sa suka dahil sa pamumutla.

'Ano kayang isasagot ni Tito..?' kabado tuloy siya.

Uminum ng tsaa ang Tito niya bago sumagot, "Ibang usapan naman iyan kung pamangkin ko na pero siguro ay hindi ko naman siya hahamakin. Isa pa, kung tanggap ko nga ang ibang tao, pamangkin ko pa kaya di ba?"

Bumaling ito sa kanya, "Pero malabo naman sigurong mangyari iyon 'di ba, Lester? Mukhang tipo mo naman ay kasingganda ni Aubrey."

"Eh paano kung ako ang magkagusto sa iyong pamangkin, Tito? Tututol ka ba?"

Sinipa ni Lester sa ilalim ng mesa ang paa ng tampalasang taga-bantay niya.

'Sira-ulo ka talaga!'

Nahihiya siya sa takbo ng usapan.

"Malalim na ang gabi, bakit hindi mo pa i-report kay Tito ang mga nakalap mong impormasyon?" pag-iiba niya sa paksa upang maputol na ang nakakahiyang usapan.

"Pag-iisipan ko ang sagot kapag nagkatotoo na Zeke. Hahahaha!" banat ng Tito niya na lalong nagpapula sa kanyang mukha.

Naramdaman ni Lester ang mahinang pagpisil ni Zeke sa kanyang hita tanda na huwag niyang seryosohin masyado ang mga naririnig matapos ay nag-umpisa ng mag-report ang lalake ng mga nalalaman.

"Isang araw pa lamang akong naghahalungkat ng mga files at iilan pa lamang ang mga nakukuha kong impormasyon. Inuna ko kanina ang sekretarya ni Lester at isa nga siyang spy."

Nagulat si Lester sa sinabi ni Zeke.

"Paano ka nakakasiguro Mr Xiao?"

"Ano ba kayong dalawa, dapat ay Lester at Zeke ang tawagan ninyo lalo pa't andito naman kayo sa bahay."

"Fine Tito. Zeke, do you have a proof?"

"Here, look at this."

Pumunta siya sa likuran nito at yumuko upang tignan ang mga dokumento. Sumilip din ang kanyang tiyuhin sa kanyang tabi. At naroroon nga ang mga mensahe ni Aubrey sa isang email account, hinahayag ng babae ang pagkainis dahil sa pagdating ni Zeke at hindi siya makalapit-lapit kay Lester dahil binabakuran daw masyado. Galit din siya dahil mukhang hindi ininum ni Lester ang itinimpla niyang kape. Iritado siya kay Zeke.

Bumaling sa kanya si Zeke at halos gusto niyang sunggaban ang lalake dahil sa amoy nitong kumapit na yata sa kanyang ilong.

"Napakabango niya talaga..." Nawawala na naman siya sa konsentrasyon.

"Tungkol diyan sa kape, hindi ako nagkamali ng hinala. May kimekal nga siyang inilagay doon subalit hindi ka noon papatayin ng agaran."

May binuksang isa pang files si Zeke.

"Ito ang resulta ng eksaminasyon doon sa kape mo kanina. Base sa resulta, ay may lason iyon subalit kaunti lamang ang inilagay niya, ang lason na iyon ay maaaring magdulot ng pagkasira ng iyong isipan o pagkabaliw kung mapasobra ka ng gamit, sisirain nito ang iyong utak hanggang mabaliw ka at tuluyang mamatay."

Napakuyom siya ng mga palad, "Hindi ko lubos maisip na magagawa niya sa akin ang mga ganoong bagay!" puno ng pagkasuklam ang tinig ni Lester.

"Mag-iingat ka sa kanya Lester. Isa siyang hudas sa likod ng kanyang maamong mukha!" Galit din ang kanyang tiyuhin.

"Bakit hindi nalang natin siya patalsikin o ilagay sa ibang departamento?" naguguluhang tanong niya.

Mabilis siyang dinampian ni Zeke ng halik sa pisngi bago ito sumagot, "Sapagkat siya din ang susi upang matunton natin ang kaaway."

Bigla siyang napatayo at napalingon sa tiyuhin sa pag-aakalang nakita nito ang ginawa ni Zeke subalit nasa Pluto yata ang isipan nito dahil mukhang wala ito sa sariling nakatingin lamang sa kawalan.

"Tito, are you alright?"

Bumuntong-hininga ang matanda bago nagwika, "Mag-iingat ka Lester, ayaw kong mapahamak ka," puno ng pag-aalala ang tinig ng tiyuhin.

Tumayo na rin si Zeke at itiniklop ang laptop, "I will take care of Lester, Tito, don't worry too much. Kung gusto niyo eh doon na rin ako matulog sa kwarto niya upang mapanatag kayo," seryoso ang tinig ni Zeke subalit mabilis niyang inapakan ang paa nito.

"Ligtas ako dito sa bahay, huwag kang ano diyan!"

"Who knows. Gusto ko lamang naman ay makasiguro..."

Palihim siyang kinindatan ng hinayupak na taga-bantay niya at namumulang naglakad na siya paalis doon.

"Good night Tito. Maaga pa tayo bukas. Let's have a rest. Good night Mr guardian."

Walang lingon-lingong dumeretso na si Lester sa kanyang silid. Subalit ang totoo ay nais niya ang suhestiyon ni Zeke na doon sa silid niya matulog. Pero syempre, hindi siya ulit aamin. Haha.

"Paano ko ngayon huhulihin si Aubrey o mapapaamin?"

Malalim siyang napaisip hanggang gupuin na siya ng antok.