Chereads / Ang Pag-ibig ni Lester / Chapter 9 - Kabanata 9

Chapter 9 - Kabanata 9

Masakit ang katawan ni Lester kinabukasan. Pakiramdam niya ay nakipagsuntukan siya nang nagdaang gabi. Napakunot-noo siya ng hindi mahagilap ng kanyang kamay ang katabi at napabangon siyang bigla ng mapagtantong nag-iisa na lamang siya sa silid-tulugan.

"Nasaan kaya siya?"

Napatingin siya sa kanyang cellphone sa gilid ng kama, alas dyes na pala ng umaga. Tumalon siya sa kama at nagmadaling nagtungo sa banyo. Base sa hapdi ng kanyang pang-upo at balakang, nasisiguro niyang hindi panaginip ang naganap kagabi. Napatingin siya sa salamin at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang maraming mapupulang nakamarka sa kanyang buong katawan. Napakagat-labi siya at wala sa sariling hinaplos ang mga markang iyon. Muli ay nakaramdam siya ng pag-iinit ng katawan. Bumalik sa kanyang ala-ala kung paano siya nagkaroon ng mga markang iyon, kung paano lamutakin ni Zeke ang kanyang balat.

Nagmadali siyang tumapat sa dutsa bago pa man tuluyang magising ang kanyang pagkalalake. Kailangan niyang maging mahinahon lalo pa't haharap siya sa kasintahan.

Ang problema niya ngayon ay ang susuutin. Maging ang mga braso niya kasi ay may marka. Alangan namang mag-suot siya ng kamisetang may mahabang manggas? Subalit may pagpipilian ba siya?

"Kung bakit naman kasi halos markahan niya ang buo kong katawan?"

Sinisisi niya nga ba si Zeke?

Pigil na pigil ang kanyang pagngiti ng maalala kung paano siya sambahin ng kaniig kagabi.

Kamisetang itim na may mahabang manggas ang napili niyang isuot at tinernuhan ng itim ding jogging pants. Huminga muna siya ng malakas bago nagkalakas-loob pihitin ang seradora ng pinto.

Bumungad kaagad sa kanya ang matinis na halakhak ng kasintahan. Nagsalubong ang kanyang mga kilay habang sinusundan ang kinaroroonan ng tinig. Naroon ang kasintahan sa cottage na nasa labas ng bahay. Nakasuot ito ng dilaw na maiksing bestida na halos lumuwa na ang dibdib at lantad ang mga hita. Naroon din ang tampalasang si Zeke at malawak ding nakangiti sa dalaga.

Tumataas na naman ang kanyang presyon!

Hindi niya alam kung dapat ba niyang lapitan ang dalawa o hayaan na lamang maglandian.

Akmang tatalikod na siya ng marinig niya ang tampalasang lalake, "Good morning Sir Lester, please come here and eat your breakfast."

Nangingislap ang mga matang nakatitig sa kanya ang lalake.

"Babe! Good morning!" Tumakbo palapit sa kanya si Aubrey at hinalikan siya sa mga labi. "Kumusta ang pakiramdam mo? Sabi ni Zeke ay lasing na lasing ka daw kagabi kaya hinayaan ka naming huwag gisingin ng maaga." Hinaplos nito ang ulo niya, "Are you alright?"

"I'm fine. Medyo masakit lamang ang aking katawan." Huli na ng maisip ang pagkakamali sa sinabi, "Nahulog ako sa kama kagabi," nagkakamot sa ulong maagap niyang dugtong.

Nagsisinungaling na naman siya.

"Oh my goodness! Saan ang masakit sayo babe?!" akmang hahawakan siya ni Aubrey ng iniwas niya ang katawan at lumapit sa cottage.

"Masakit ang aking pang-upo." Gusto niyang isagot pero syempre hindi maaari iyon.

"I'm fine babe, masakit lamang ng kaunti ang aking balakang."

Oops! Mali pa din ang kanyang sagot! Narinig niya ang mahinang tawa ng tampalasang kaniig kagabi.

"I mean tumama kasi sa kanto ng kama ang aking balakang. Hindi ko matandaan ng husto basta masakit."

Sinamaan niya ng tingin ang natutuwang si Zeke sa mali-mali niyang sagot.

"Papaslangin kitang hayop ka! Makikita mo!" Kung nakamamatay ang tingin ay bumulagta na sana si Zeke sa buhanginan.

Naibaling niya kay Aubrey ang iritasyon. "Bakit ganyan ang iyong kasuotan? Halos ilantad mo na ang iyong alindog. Nagpapapansin ka ba kay Mr Xiao?"

May karapatan siyang magpakita ng selos!

Ang tanong ay para kanino?

Namula si Aubrey sa kanyang tinuran. "Syempre nagpapaganda ako para saiyo! Nagkataon lamang na si Zeke ang naunang nagising at ayaw niya namang gisingin ka," nagmamaktol ang tinig ng dalaga.

Nakatawa pa rin si Zeke ng mapatingin siya dito.

Binalingan niya muli ang kasintahan, "Mr Xiao, he is Mr Xiao. Don't call his name casually." Malamig na babala niya sa dalaga.

Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ng babae. Bihira siya magpakita ng iritasyon pero ng mga sandaling iyon ay hindi niya maitago ang pagkainis.

Siya lamang ang maaring tumawag ng Zeke sa kanya!

"I'm sorry, Babe." nakatungong sambit ni Aubrey.

"Did you wake up in the wrong side of the bed Mr Wang? Masyadong mainit ang iyong ulo. Come here please, ipinaghanda kita ng almusal," seryoso ang tinig ni Zeke at ramdam niya ang awtorisasyon sa mga tinig na iyon.

"Don't talk to me casually too, Mr Xiao!"

Napatakbo sa loob ng bahay si Aubrey dahil sa takot kay Lester.

Tumayo si Zeke at lumapit sa kanya, walang babalang hinila siya nito sa batok at siniil ng maalab na halik, "Calm down baby."

Napalingon siya sa gawi ng bahay sa pag-aalalang nakita ni Aubrey ang ginawa ni Zeke subalit hindi niya ito natagpuan.

Hinila siya ni Zeke sa kamay at pinaupo sa bakanteng upuan. Nakahanda na rin ang kanyang pagkain.

"Gusto mong subuan kita?"

"Shut up!"

"O gusto mong ako ang gawing almusal?" nakangisi ang hinayupak sa kanya.

"Sapak gusto mo?" iniamba niya ang hawak na tinidor dito.

"Ahh, you want it rough? Mukhang masaya iyon sa aking palagay..." malambing ang bawat bigkas ni Zeke ng mga salitang iyon.

"Shut the f*ck up Zeke!" gigil niyang sita sa lalake.

"Kaya kong patulugin ng ilang oras si Aubrey, just tell me if you badly need me now. I can give you all that you want."

Sinamaan niya lamang ito ng tingin at inumpisahan niyang kainin ang pagkain sa mesa. Nakailang subo na siya ng sinangag at itlog ng mapuna niyang tila bagong hain ang pagkain dahil sa init nito. Hindi ba't kanina pa siya nakikipagsagutan sa kaharap at kanina pa iyon nakahain?

"Kataka-takang mainit pa rin itong mga pagkain na tila bagong hain lamang. Hindi ba't kanina pa ito nakahain dito?"

"Pati ba naman iyan ay napuna mo pa? Haha. Kumain ka na lamang at may iinumin ka pang gamot."

"Nanay ba kita?"

"Hindi. Asawa."

"Sapak gusto mo?"

"Sure basta may kasamang ungol mo," nagkagat-labi pa ang bwisit at napalunok si Lester sa mapupulang mga labing iyon.

"Tss. Napakabulgar mo!" mahinang sita niya at sumubo na muli siya ng pagkain.

"Haha. Naalala ko tuloy yung palaging nagsasabi sa akin na bulgar daw ako." iiling-iling na wika ni Zeke. Mali ba siya ng tingin o talagang may lungkot sa mga mata nito?

Nakaramdam siya ng panibugho sa kung sino man iyon.

"Ex mo?"

"Wala akong ex at wala akong magiging ex," seryoso ang mga salita ni Zeke.

Napaisip siya sa mga katagang iyon. At ramdam niya ang tila malamig na tubig na bumuhos sa kanyang katawan.

Anong ibig niyang sabihin? Parausan lamang ba ako?

Nawalan siya ng ganang kumain kahit pa nga masarap ang nasa hapag kainan. Ininum niya na lamang ang tubig na nasa katabi ng plato pati na din ang gamot niyang naroroon na din sa katabi.

"Tapos na akong kumain," malamig niyang turan at umalis na siya sa kinauupuan.

Hinila ni Zeke ang kamay ni Lester at nalilitong nagtanong, "May nasabi ba akong mali?"

"Babe!" sigaw ni Aubrey mula sa malayo.

Mabilis niyang hinila ang kamay kay Zeke at bumaling sa papalapit na kasintahan. Nakasuot na ito ng mahabang bestidang puti.

"Hmm."

"Kung tapos ka ng kumain, maglakad-lakad tayo sa tabing dagat."

"Sure." Hindi na siya nag-atubiling lumingon pa kay Zeke.

Alas-singko ng hapon nang magpasya silang umuwi. Tahimik lamang si Lester sa sasakyan at wala pa rin siyang ganang kausapin o tignan man lamang si Zeke na siyang nagmamaneho. Nakaidlip tuloy si Aubrey sa kanyang balikat dahil sa katahimikan niya. Bandang alas-syete y media ng gabi nang makarating sila ng bahay. Inuna nilang ihatid si Aubrey bago sila tumuloy sa kanyang tahanan. Nagmamadaling kinuha niya ang kanyang mga gamit at halos liparin na ang papasok sa bahay.

"What are you doing here?" kunot-noong tanong ni Lester kay Zeke ng makita niya ito sa kusina.

Bumaba siya bandang alas-nuebe ng gabi upang maghanap ng makakain at naroroon ang hinayupak, may nilalantakang pizza sa mesa.

"I'm staying here. Hindi mo ba narinig yung sinabi ni Mr Wang noong ipinakilala ako sayo? I will be your personal guard and his nephew. So it means..." ngumiti ito ng may pang-aasar, "Dito din ako titira dahil pamangkin nga 'di ba?"

Naalala nga niya, "Porke ba pamangkin ka eh wala ka ng sariling tahanan o tutuluyan?"

Mataas pa rin ang presyon niya.

"I prefer to stay here para mabantayan ka kesa mag rent pa ng hotel eh kay laki-laki naman nitong tahanan niyo. It's senseless you know..." Kumunot noo ito, "Teka nga, don't you want to see me? Kanina ko pa napapansing galit ka sa akin?"

'It means magkikita kami sa loob ng bahay at maging sa trabaho? Bullshit!'

Walang paalam siyang tumalikod at wala na din siyang ganang kumain pa.

Hindi na siya lumabas pang muli ng kanyang silid at ginugol na lamang ang mga oras upang basahin ang mga dokumentong naroroon sa study table niya.

Hanggang may naalala siya...

"I made an investigation regarding the accident happened months ago about you Lester."

"Nakakuha kami ng ebidensiya mula sa cctv-footage ng lugar, at napag-alaman namin that that accident was not an accident at all! We found out that it wasn't an accident but rather planned. Based sa cctv, yung motorsiklong humagip sayo ay nakatambay na doon halos isang oras bago ka dumaan sa intersection patungo sa opisina. Which is very suspicious dahil wala namang traffic within the area but only the stop light. Mapaghahalatang may inaabangan ang salarin. At dahil mukhang wala ka rin sa sarili habang tumatawid ay lalong naging pabor iyun sa suspect. Mabilis na pinaharurot nito ang sasakyan ng may makasabayang kotse at dire-diretsong hinagip ka ng walang kalaban-laban. Sa lakas ng pagbangga sayo ay tumalsik ka ng halos tatlong metro at nabagok ang ulo mo sa lakas ng impact ng pagbagsak mo sa sementong kalsada. Base sa aksiyon ng suspect, balak kang kitilan ng buhay! But you survived!"

"But one thing is unclear to me..." Kunot-noong dugtong ng tito niya.

"What do you mean tito?" Kinakabahan siya sa susunod nitong sasabihin.

"Looks like the suspect was targeted you because of your position in the company, which made me decide to give you a bodyguard while we are investigating. But Mr Xiao will work for you in the office so that walang maghihinala na isa siyang bodyguard mo. In short, he will do an undercover as your staff rather than bodyguard and also as my nephew."

Pinisil ng tito niya ang baba nito na parang may iniisip na lubhang kataka-taka. Nagsalubong din ang mga kilay nito.

"What makes me bothered was after your accident, a long-haired person from nowhere suddenly appeared right beside you and sat next to you, and put your bloody body in his arms. Then the footage suddenly triggered which was also unexplainable. We cannot detect who was that person and wala din makapagsabi mula sa hospital na pinagdalhan sayo. Based on their statement, tinakbo ka sa hospital pero walang makapagsabi kung sino ang nagdala sayo, sa bilis ng pangyayari, pinasok ka sa emergency room immediately at nakuha na lamang nila ang information mo mula sa ID na nasa bulsa mo. That's when they called me but no one there stayed for you before I came."

"Long haired person..." naalala niya ang usapan nilang mag-tiyo noong nakaraan.

Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Anong aking atraso? Bakit kinakailangan akong patayin? Dahil sa aking posisyon? Hindi ba't nararapat din naman iyon sa akin bilang pamangkin ng may-ari o...? Hindi kaya hindi matanggap noong tinanggal ni Tito sa posisyong si Mr Han ang pagkakalagay sa akin sa dating puwesto niya? Kaya ba siya nag-resign? At sino ang misteryosong mahaba ang buhok na iyon? Biglang lumitaw? As in from invisible to visible?

Grrrr! Naipilig niya ang ulo sa isiping iyon.

Sumasakit ang ulo niya. Kailangan magkaroon siya ng plano kung ganoon.

Dinampot niya ang cellphone sa mesa at naghanap ng pangalan upang tawagan ng may maalala siya, "Hindi ko pa pala nakukuha ang numero niya!"

Mabilis siyang tumayo at lumabas ng silid upang hanapin ang kinaroroonan ng hinayupak na bantay niya.

"Saang silid naman kaya siya inilagak ni Tito?" bubulong-bulong siyang naglakad sa pasilyo sa unang-palapag ng kanilang tahanan.

"I'm in the fourth room."

Napalingon si Lester sa likuran at napahinto siya sa paglalakad.

"Sino iyong nagsalita??" wala naman siyang nakitang tao.

Nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad hanggang narating niya ang ikaapat na silid. May nakakabit na 'Zeke's Sanctuary' sa pintuan. Gusto niyang matawa sa kabaliwan nito subalit naisip niyang galit nga pala siya sa lalake.

Nagdalawang-isip tuloy siya kung kakatok o hindi dahil nga galit nga pala siya.

"Hayys!" tumalikod na lamang siya at balak niyang bumalik na lamang ng sariling silid.

"You missed me?"

Napako sa kinatatayuan si Lester matapos marinig ang malambing na tinig na iyon buhat sa silid. Napalunok siya bago nagawang lumingon, "Masyadong makapal ang..." naiwan sa ere ang tinig niya.

Tumambad sa mga mata ni Lester ang naka-boxer lamang na taga-bantay niya. Ang magandang katawan nito ay nakabandera muli sa kanyang mga mata habang nakatayo ito at nakataas-kilay na nakasandal sa pintuan.

"Bakit nakahubad kang tampalasan ka?!"

Hindi niya maiwasang mairita muli. Paano kung may ibang makakita dito?!

"I'm in my own room and I'm about to sleep that's why. Buti nga nagsuot pa ako ng boxer bago kita hinarap. I prefer to sleep naked you know?" may kasama pang kindat ang halatadong pang-aakit ni Zeke.

"Napaka bulgar mo talaga!"

"Why? I'm just telling the truth." inosenteng sagot nito. "Beside, alas-dos na ng madaling araw. Unless you're here dahil nasasabik ka sa aking katawan?"

Nagulat siya sa sinabi nito. Masyado siyang nasubsob sa ginagawa at hindi na namalayan pa ang mga oras.

"D*mn. Let's talk tomorrow."

Tumalikod na siyang muli at hahakbang na sana pabalik ng kanyang silid ng maramdaman niya ang paghila sa kanyang kamay buhat sa likuran.

Hindi niya naunawan ang bilis ng pangyayari. Natagpuan na lamang ni Lester ang sariling nakasandal sa pader sa loob ng silid ni Zeke at sarado na din ang pintuan!

"Just what the h*ll exactly happened?!" Litong nawala siya sa pokus.

Nasa harapan niya si Zeke at hawak pa din ang isa niyang kamay, isinandal ito sa pader upang hindi siya makagalaw. Ang isa niyang kamay naman ay nakalapat sa dibdib ng lalake sa paraang patulak subalit ang isang kamay ni Zeke ay nasa kanyang mga labi.

"Nalulungkot akong hindi ka nasasabik sa akin gayong sabik na sabik akong mahagkan kang muli..." bakas sa pilak na mga mata ni Zeke ang kalungkutan sa bawat bigkas niya ng mga salita.

Hindi maapuhap ni Lester ang sasabihin. Aaminin niya bang nasasabik siya dito at nasasaktan siyang baka gawin lamang siyang parausan habang naroroon ito?

Hindi niya maaaring ibaba ang kanyang dignidad. Siya pa rin ang amo nito.

"I'm here to discuss about why you're here to guard me and I'm sorry dahil hindi ko namalayan ang oras. Nasubsob ako sa pagbabasa at pag-aanalisa ng mga dokumento. Let's talk again tomorrow. Please let me go." malamig niyang turan.

Pilit na pilit niyang kinakalma ang sariling kalooban samantalang halos gustong-gusto niya ng hawakan si Zeke at dalhin ito sa kanyang mga labi.

Ilang minutong tumitig lamang si Zeke sa kanya. Wala na rin ang emosyon sa mukha nito. Hindi niya magawang basahin kung apektado ito sa kanyang sinabi. Sa huli ay siya rin ang nasaktan nang bitawan siya ng lalake at binuksan ang pintuan matapos ay dumiretso na ito sa higaan.

"Please lock the door when you leave."

At namatay ang ilaw sa silid. Hindi na napagmasdan pa ni Lester ang lalake. Wala sa sariling lumabas siya ng silid at bumalik sa sarili niyang silid. May pagsisisi siyang naramdaman.

Pinilit niyang matulog ng gabing iyon kahit hirap na hirap siyang ipikit ang mga mata.