Chereads / Ang Pag-ibig ni Lester / Chapter 4 - Kabanata 4

Chapter 4 - Kabanata 4

Tulalang nakatitig sa kawalan ang kanyang ina matapos niya itong datnan buhat sa bukid. Nakaupo sa kanilang salas at may hawak na papel.

Nagmamadaling ibinaba ni Lester sa kusina ang mga bitbit at puno ng pag-aalalang kinausap ang ina.

"Mayroon po bang remalaso, Ina? Bakit ganyan ang iyong itsura?" Hinagod ni Lester ang likod ng ina.

"Lester, anak. Ang sulat na ito ay nagbuhat pa sa Amerika. Mula sa kapatid ng iyong yumaong ama. Nais niyang ika'y magtungo doon upang magtrabaho sa kanyang kompanya. Ayun sa iyong tiyuhin, huli na ng dumating doon ang telegrama ng iyong ama. Ang iyong ama ay nakiusap na tayo ay tulungan kung sakaling siya ay mabingit sa panganib na tila baga alam nito na siya ay lilisan. Nang sa ganun ay magkaroon tayo ng mas maayos na pamumuhay. Bilang pag-alala at pagbibigay katuparan sa kahilingan ng iyong ama, nais ng iyong tiyuhin na tayo ay matulungan."

Napalunok si Lester. Ramdam niya ang kung anong bumara sa kanyang lalamunan. 'Hindi maaari! Marami pa siyang inaalam!' Tumatambol din ang kanyang dibdib at nanlalamig ang mga paa.

"A...ano po ba ang iyong nais, Ina? Hindi kita maaaring iwanan dito mag-isa!" Sinubukan niyang magprotesta.

"Sa makalawa ay darating dito ang inatasan ng iyong tiyuhin upang sunduin ka."

"Bakit naman ganoon Ina?! Bigla-bigla na lamang na ako'y kukuhanin dito? Paano na ang aking mga pananim? Paano ka sa iyong pag-iisa! Hindi ako papayag! Maayos naman ang ating pamumuhay. Hindi naman tayo nagugutom dito!"

Subalit hindi lamang iyon ang kanyang punto.

'Paano na ang aking mga katanungan? Paano si Ezekiel?! Paano ko tutuklasin ang lahat kung ako ay lalayo?!" Isipin pa lamang ay namumuhi na siya sa kanyang pag-alis.

Subalit mayroon ba siyang pagpipilian? Maaari niya bang suwayin ang kahilingan ng ama?

Nagdadabog na nagtungo siya sa papag sa labas ng kanilang tahanan. Pilit pinakalma ang sarili. Malalim siyang bumuntong-hininga at nag-isip.

"Lester! Lester! Ako ba'y iyong iiwan?"

Ramdan ni Lester ang lungkot sa mga tinig na iyon. Subalit hindi siya maaaring sumuway. Alam niyang ginawa iyong ng kanyang ama para sa kanyang kapakanan.

"Babalik ako. Babalikan kita!" bulong ni Lester sa hangin at naramdaman niya ang malamig na haplos sa kanyang katawan.

America.

Anim na buwan ng naroroon si Lester at halos mabaliw siya sa kalungkutan. Nagbago ang lahat ng kanyang kinasanayan mula sa pananamit, pakikipag-usap at trabaho. Ang tanging ipinagpapasalamat niya ay ang mabait na pakikitungo ng pamilya ng tiyuhin. Mabuti na lamang ay matalas ang kanyang isipan, o dahil iyon sa kanyang photographic memory. Katunayan ay mataas ang kanyang mga grado noong nag-aaral pa siya sa elementarya at sekondarya kaya naman mabilis siyang natuto ng lengguwaheng banyaga. Kunsabagay, pamilyar na siya sa wikang English. Hindi si Lester nakapag-kolehiyo subalit sa mataas niyang IQ, ang kanyang kakayahan ay naaangkop sa kompanya. Upang hindi makuwestiyon ang kanyang edukasyon, kumuha siya ng eksaminasyon sa kolehiyo matapos niyang ilang linggong aralin ang mga aklat ng Accounting and Business Management sa tulong ng pribadong maestrong inilaan sa kanya ng tiyuhin. Matagumpay niyang nasagot ang mga katanungan sa eksaminasyon ng kolehiyo, saka pa lamang siya tumuntong sa kompanya. Makalipas iyon ng dalawang buwan.

Maiging itinago ni Lester ang gintong kwintas sa loob ng damit at inayos ang kurbatang suot.

'Ito ay iyong alaala na hindi maaaring mahiwalay sa aking katawan,' mataimtim niyang pangako sa sarili.

Sinulyapan niya ang puting garapon na may ukit ng kanyang pangalan, katabi nito ay larawan nilang mag-anak, naroroon sa mesitang katabi ng kanyang kama. Matapos noon ay gumayak na siya upang magtungo sa trabaho.

Sa opisina.

"Lester, mula ngayon ay magkakaroon ka ng sekretarya upang hindi ka mahirapan sa iyong trabaho. Labis ang aking pasasalamat dahil saiyong photographic memory, ni hindi mo na kailangan pang aralin ng matagal ang maraming bagay. Subalit kailangan mo pa ring makabisado ang pasikot-sikot sa kompanya."

Matapos ang wika ng tiyuhin ni Lester, si

Mr. Wang, ay bumukas ang silid ng kanyang opisina. Bumungad doon ang napakagandang binibini na nakasuot ng pang opisinang bestida at may mataas na takong na sapatos.

"Good morning Mr. Wang. Good morning Mr. Wang Lester," nakangiting bati nito sa kanya at sa tiyuhin.

Napakurap si Lester at napabulong, "Napakaganda niya!"

Biglang nahulog ang ilang libro na nasa estante sa tabi ng dingding. Sa lakas ng bagsak nito ay para bang may bumalibag sa mga aklat.

Nagulat silang lahat at nagtatakang napatingin sa mga aklat. Mabilis na tumayo si Lester at dinukot ang mga libro sa sahig. Habang nakayuko ay tumaas ang sulok ng kanyang bibig. Ayaw niyang mag-isip subalit may nais siyang gawin at patunayan.

Masiglang ibinalik ni Lester sa estante ang mga libro bago bumalik sa kanyang mesa at magiliw na nakipag-usap kay Miss Aubrey, ang kanyang sekretarya ayun sa tiyuhin.

"Oh so you're a Filipina! Salamat naman at pilipit na ang dila ko kakawika ng salitang banyaga!" wika niya sa babae.

Malawak ang ngiti ni Lester ng naramdaman niyang tila may mabigat na hangin na umapak sa kanyang mga paa. Umalis na ang kanyang tiyuhin at sila na lamang ni Miss Aubrey ang nasa silid.

"Haha yes Mr Wang but can I call you Mr Lester instead? Para hindi tayo malito sainyo at kay Mr Wang..?" Tumango siya at nagpatuloy ito, "Subalit we still need to communicate in English, kailangan mong masanay doon. Also I'm used to speak that way."

Tumango-tango si Lester at iginiya ito sa mesang nasa kabilang bahagi ng silid.

"Nice to meet you Miss Aubrey. I hope that our relationship as secretary and boss will be good!"

Pinagdaop nila ang kanilang mga palad bilang pagtanggap sa tungkulin at masayang ngumiti sa isa't isa.

Lumipas ang mga araw na magiliw siya sa kanyang sekretarya. Wala naman sigurong masama subalit humpak ang kanyang pakiramdam.

"Please bring me a cup of black coffee Miss Aubrey."

Matapos niyang utusan ang sekretarya ay hinilot niya ang kanyang sentido. Sumasakit ang ulo niya sa dami ng pinoproseso ng kanyang utak matapos biglaang mag-resign si Mr Han sa di malamang kadahilanan. Naiatang sa kanya ang mga naiwan nitong mga papeles.

Alas sais na iyun ng hapon. Overtime na naman siya subalit hindi niya maaaring ipagpaliban ang mga papeles dahil matatambakan siya lalo.

"Bakit hindi tayo mag dinner sa labas Mr Lester? Ilang araw ka ng subsub sa trabaho. Huwag kang mag-alala. Treat ko."

Kumindat ang sekretarya ng ayain siya nito matapos nitong ilapag ang kape sa kanyang mesa.

Tinignan niya ang magandang mukha ng babae, bakit nga ba hindi?

"Salamat Miss Aubrey. Sige, give me an hour para tapusin to."

'Why not give her a chance? Hindi ako manhid para di malaman ang pagkakagusto niya sa akin. Napakaganda rin niya. Pwedi na!'

Naiisip ni Lester ang ganoong mga bagay habang sinusundan ng tingin ang pabalik sa pwestong si Miss Aubrey.

Nang bigla siyang mapasubsub sa mga papeles sa mesa.

"Anak ng kalabaw! May dumagok ba sa akin?!" galit niyang bulong at marahas na napalingon si Lester sa paligid at nakita niya ang nagtatakang si Miss Aubrey. Nakatingin ito sa kanya.

"Are you alright Mr Lester?"

"Yeah. Nevermind me." Kagat-labing iniwasan niyang mag-isip.

Dakong alas syete, magkasamang lumabas sina Lester at ang kanyang sekretarya mula sa opisina. Nagtungo sila sa malapit na restaurant upang maghapunan.

"Marami na pala akong nakakaligtaang makita sa lugar na ito. Umiikot ang oras ko sa bahay at opisina lamang. Hindi ko alam na ganito kaganda at kakulay ng buhay sa labas kapag gabi."

Naiiling siya sa sarili matapos masulyapan ang naggagandahang tanawin sa paligid.

"Ahhh that means I can show you how beautiful this place is...? Not only tonight but..."

Nauunawaan niya ang pinapahiwatig ng dalaga. Ngumiti lamang siya at tumango.

Naulit ng naulit ang ganoong senaryo. Magkasama sina Lester at Aubrey sa opisina at kumakain ng hapunan sa labas bago maghiwalay. Masaya itong kasama at sa tuwina ay hindi sila nauubusan ng paksa.

Subalit alam niyang binibigyan niya lamang ng pekeng kasiyahan ang sarili. Sa paglipas ng mga araw, ang nais niyang mapatunayang naroroon si Ezekiel sa kanyang tabi ay naglaho. Mula ng maging malapit siya kay Aubrey ay para bagang nawala din ang mga paramdam nito sa kanya.

Hungkag. Subalit ano ang kanyang gagawin?

"Hindi pa rin ba tama ang panahon?"

Ang ipinagtataka niya sa lahat, mayroon siyang photographic memory, paanong wala sa kanyang memorya ang buong alaala ni Ezekiel? Paanong nakikita niya lamang ito sa panaginip? Samantalang natatandaan niya ang maraming bagay sa mga lumipas na panahon?

"Mayroong mali. Ano ang mali?"

Sari-saring isipin ang halos magpabaliw kay Lester.

Wala sa sariling pumasok siya sa trabaho kinaumagahan. Mag-iisang taon na siya sa Amerika.

Napakabilis ng panahon.

Nang mga oras na iyon, puno siya ng kalungkutan. Malinaw pa rin sa kanyang alaala ng makita niya ang kaanyuan ni Ginoong Lucas sa salamin. Hindi isang matanda subalit napakagwapong mukha ng lalake na tanging nasisilayan niya lamang sa kanyang panaginip.

Si Ezekiel.

"Lester. Ikaw ay aking pinakaiibig!"

Paulit-ulit niyang naaalala ang mga sinabi nito sa kanyang panaginip. Dapat niya bang bigyan ito ng halaga gayong walang kasiguruhan kung gaano iyun katotoo o pinaglalaruan lamang siya?

Ngayon niya napagtanto ang mga kwento noon ni Ginoong Lucas sa mga bata...

"Naniniwala ba kayong may ibang nilalalang tayong nakakasalumuha dito sa lupa maliban sa tao subalit sila ay nagbabalatkayong tao lamang?"

"Hahaha, hindi niyo nalalaman subalit maaaring isa sa kaibigan niyo ay kagaya nila."

Kung ganun ay tinutukoy niya ay walang iba kundi ang kanyang sarili!

"Kung hindi ka tao, sino ka Ezekiel?!"

Nang biglang nagdilim ang lahat kay lester. Naparalisa ang kanyang katawan at narinig niya ang mga hiyawan sa di kalayuan. Namamanhid ang kanyang pakiramdam. Napakabilis ng pangyayari.

Ano ang kinasadlakan niya?

"Lester! Lester gumising ka!!! Parang awa mo na huwag mo akong iiwan! Patawad nahuli ako ng dating! Ahhhhh Lester! Lester!!!"

Narinig niya ang tinig na kanyang pinakamimithi sa matagal na panahon bago siya tuluyang nawalan ng ulirat.