Chereads / Parausan / Chapter 4 - Chapter Isang Sorry Mo Lang

Chapter 4 - Chapter Isang Sorry Mo Lang

Parang gusto ko ng tumigil kasi iba na yung nararamdaman ko di na to tama,di na to normal,masyado na kong nasasaktan hanggang sa nakatulog na ko...

*ring ring ring ring*

"aishh sino ba to ang aga aga pa?!" sa isip ko

"hello?" tanong ko

"mimi sunduin kita ah?"

"mimi? sino ba to?"

"si rein to"

"oh ikaw pala fuck boy btw wag mo na kong sunduin"

"ha?baket?anyare?may problema ka ba?"

"wala basta"

"bake-?"

*call ended*

Binabaan ko sya ng telepono dahil gusto ko nang umiwas,ayoko na,nagiging rebound lang ako,titigil na ko....

"yumii nakita mo ba yun kagabi?" sabi ni eli

"alin?"sagot ko

"pinagtanggol ka ni rein!!"

"ano naman!?"

"oh bat parang galit ka?" tanong ni eli

"hindi ah, mag partner lang kami dahil dyan sa program na yan" sagot ko

"hoyy yumi umamin ka nga?may gusto ka ba kay rein?"

"oo meron at hindi ko lang sya gusto mahal ko na sya at may nangyari na sami ilang beses" yan ang mga gustong gusto ko ng sabihin kay eli pero di ko magawa dahil natatakot ako..

"wala ah bat naman ako magkakagusto dyan sa walang kwentang lalaki na yan?" sagot ko

"ok sabi mo e basta pag may gusto ka na sya kanya sabihin mo sakin agad"

"eli naman e!!"

"charot HAHAHAHAHA"

"nasan na ba si rein sya na lang wala dito anong oras na oh!!?" tanong ng isa naming kaklase

"baka nambabae pa o kaya may ginalaw pa" bulong ko

"may sinasabi ka?" bulong sakin ni rein

"oh speaking the devil"

"sorry guys may inasikaso lang ako" sagot ni rein

sa mga oras na yan pinagdududahan ko na sya na baka may iba pa syang babae at hindi nga ko nagkamali dahil may nagtext kay rein "nagenjoy ako kanina" at nagreply sya "sa susunod ulit" nang nabasa ko yan nanlambot ako parang nawalan na ko ng gana sa lahat ng bagay...

"eli cr lang ako" bulong ko kay eli

"sige"

"saan pupunta si yumi?"tanong ni rein

"magccr daw sya" sagot ni eli

habang papunta ako sa cr di ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko hanggang sa di ko na natiis at ng makarating ako sa cr umiyak ako ng umiyak yung tipo na para ako lang yung tao sa cr dahil walang pumapansin sakin hanggang sa..

"yumi?"tanong ni eli

"oh eli baket?" sagot ko

"umiiyak ka ba?" tanong ulit niya

"hindi ah"

"yumi kaibigan mo ko diba baket di ka nagsasabi sakin?"

hanggang sa lumabas ako sa ng umiiyak "sorry eli" ayan na lang ang salitang nasabi ko kay eli "bat ka nagsosorry?" tanong nya at sinabi ko na nga sa kanya na may nangyari samin ni rein at nahuli ko syang may katextmate na iba, niyakap lang ako ni eli at sinabi na "sorry yumi" at lalo akong naiyak dahil sa sinabi nya at lumabas kami sa cr na parang walang nangyari

"bat ang tagal nyo?" tanong ni rein at hindi namin siya pinansin ni eli

"may mga napagusapan na kami yumi sasabihin ko na lang sainyo mamaya"dagdag ni rein

"hindi na sa iba na lang kami magtatanong"sagot ni eli

"yumi may problema ka ba?" tanong ni rein sakin pero hindi ko siya pinansin

"ok kung ano yung mga napagkasunduan nyo ayun na lang, kung may bago kayong idadagdag sabihin nyo para mapagmeetingan natin ulit, pwede na kayo pumunta sa mga klase nyo" sabi ko at umalis na kami

"mimi may problema ba?sabihin mo sakin dali? tanong ni rein at kahit isa sami ni eli walang pumapansin sa kanya

"oh sige baka pagod ka lang tawagan na lang kita mamaya" dagdag pa ni rein

"yumi umuwi ka kaya muna?ihahatid kita" sabi ni eli

"eli sorry talaga pati ikaw naiistorbo ko" sagot ko

"anong naiistorbo yumi manahimik ka dyan ah"

Naglalakad na kami ni eli pero ni isang salita wala akong narinig sakanya hanggang sa makarating kami sa bahay

"yumi magpahinga ka na ah, wag magpapakastress kaya mo yan tawagan mo ko pag may problema ka"sabi ni eli sakin at sabay ni yakap niya ko

"sorry talaga eli" sabi ko habang umiiyak

"wag ka ng magsorry sakin yumi wala kang kasalanan, tahan na wag ka ng umiyak,sige na pumasok ka na tawagan mo ko ah"

"salamat talaga eli"sabi ko kay eli at tumango na lang sya

Habang paakyat ako ng hagdan may nakita ako sulat na nakadikit sa ref namin

"nak umalis muna kami ng papa mo pupuntahan namin yung tita mo sa probinsya dahil may sakit, babalik din kami agad anak may pagkain na dyan sa ref magluto ka na lang magingat ka anak mahal ka namin"

mas lalo akong naiyak dahil wala sila mama at papa dahil di ako sanay na walang kasama sa bahay tatawagan ko na sana si eli ng biglang may tumawag sakin si rein pala ngunit hindi ko ito sinagot at patuloy sa pagakyat papuntang kwarto ko pero isang text ang aking natanggap "yumi bat di mo sinasagot ang tawag ko?" ngunit hindi ko ulit itong pinansin at nakatanggap ulit ako ng text "nasa labas ako ng bahay nyo" agad akong napatayo sa kama at tinignan kung nasa labas nga talaga siya at nang makita ko siya natumba ako sa sobrang pagkagulat sa ikatlong pagkakataon muli itong nagtext "nasa pinto niyo na ko pagbuksan mo ko" nagaalinlangan ako kung bubuksan ko ito o hindi dahil nagagalit ako sa kanya ngunit nangibabaw ang nararamdaman ko sa kanya kaya pinagbuksan ko ito

"galit ka ba sakin?"tanong ni rein habang nagsasalita si rein tumutulo na rin ang luha ko

"bat ka umiiyak?ano nangyare?"tanong niya ulit habang ako umiiyak at napaupo na lang sa sahig

"ano ba yumi tinatanong kita may problema ka ba?"galit niyang tanong at napaupo na rin siya sa sahig habang hawak ang buhok ko

"IKAW REIN!! IKAW yung problema ko bat mo nagawa sakin to binigay ko lahat sayo pati katawan ko, baket?baket? hindi pa ba ako sapat sayo?ayoko na rein tigilan mo na ko, kung hindi ka dumating sa buhay ko hindi ako magkakaganto,huwag mo na ulit ako lalapitan umalis ka!! umalis ka na sa buhay ko!! hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi nila sakin tungkol sayo dahil hindi ako naniniwala sa ibang tao hanggat hindi ko to napapatunayan pero rein harap harapan kong nakita!! rein baket?baket?" paulit ulit na tanong ko sa kanya habang umiiyak ako, galit na galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya sakin

"yumi sorry,patawadin mo ko" ayan lang ang nasabi sakin ni rein pero parang nakuha na niya ulit ako, at bigla niya akong hinalikan at may nangyari na nga samin...