Habang unti unti na nya ko nakukuha,unti unti nading lumalalim ang halik niya sakin hanggang sa.. Oo may nangyari nanaman samin at hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kay eli dahil alam kong magagalit siya sakin kasi mali yung ginawa ko dapat umiwas ako,dapat lumayo ako,dapat pinigilan ko pero alam kong maiintindihan niya kasi matalik na magkaibigan kami...
Simula nang araw na sinabi ko yun kay Rein lagi na niya akong hinahatid pauwi,at sinusundo papasok lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya nun kasi pinakita sakin ni rein yung mga bagay na dapat kong makita sa kanya hanggang sa isang araw hinatid niya ako pauwi sa bahay "oh siya mimi pumasok ka na at magpahinga ka na" sabi ni rein sakin,sasagot palang ako ng biglang sumingit si papa sa usapan namin "ikaw ba si rein?nakwento ka sakin ng asawa ko" tanong ni papa "ah opo hello po" sagot ni rein papasok na ko ng bahay ng biglang.. "ano ang relasyon niyo ng anak ko?" tanong ulit ni papa "magkaibigan lang po kami ni yumi" siguradong sigurado ako na ayan ang mga sinabi ni rein hindi ako pwedeng magkamali,hinang hina ako sa mga narinig ko nasasaktan ako ang sakit sakit sa loob na sabihin ng taong gusto mo na magkaibigan lang kayo,pero paano kung sinabi lang niya yun kasi kaharap niya si papa?ewan ko hindi ko na alam gagawin ko,sumisikip yung dibdib ko hanggang sa bumagsak na lang ako sa kinatatayuan ko "YUMIiIII!!" "GUMISING KA YUMIII!!" siguradong sigurado ako na boses yun ni rein "Anakk!!" "Tumawag kayo ng ambulansya" ayan yung mga huling salitang narinig ko bago ako mawalan ng malay at sa pagmulat ng mata ko nakita ko agad si eli na nakatayo sa harapan ko "nasaan ako?"ayan palang ang nasasabi ko sa mga oras na pagmulat ng mata ko biglang nilapitan ako ni papa at mama inalalayan nila ko tumayo at sinabing "anak nasa hospital ka?"sabi ni mama "ano pong nangyare ma?"tanong ko kay mama "nahimatay ka anak, may masakit ba sayo?" tanong sakin ni mama "masakit lang po yung ulo ko ma" sagot ko kay mama "uwi na tayo para makapagpahinga ka na" "oo nga po pala ma, nasan si rein?" tanong ko kay mama..
Oo siya padin yung hinahanap ko kahit ako na tong may sakit "siya na yung nagbayad ng bills mo anak" sagot ni mama "ano bang nangyari yumi?" bulong sakin ni eli gustong gusto ko nang sabihin sa kanya kung ano yung mga narinig ko kanina kaso paano?hindi ko alam kung paano ako magsisimula dahil alam kong siya nanaman masasaktan kasi kahit hindi niya sabihin sakin alam kong nasasaktan siya kapag nagsasabi ako ng mga problema ko sa buhay "kulang lang siguro sa tulog kakanood ng kdrama,alam mo naman kdrama is life" ayan na lang ang nasagot ko sa tanong ni eli "sigurado ka?nako yumi ayoko ng sinungaling,alam mo yan"sagot ni eli "oo naman eli parang pabago bago" "eliza dun ka na kaya maghapunan sa bahay?"tanong ni papa kay eli "salamat po tito pero may dinner meeting po kasi kami sa bahay" sagot ni eli "ay sayang naman" "pero sa susunod po tito" sagot ni eli ganyan na lang close nila papa at eli dahil sa sobrang tagal na naming magkaibigan ni eli,isang araw nga pinagsleepover kami ni papa sa bahay kase isang taon na daw kami magkaibigan ni eli lahat ginawa namin yung parang kami lang ang tao sa mundo walang nangingialam samin kaya dun mas lalong naging magclose sila papa at eli.."tara na" sabi ni mama,nagulat ako kasi biglang may bumulong sakin "anong nangyari sayo?may problema ba?" si rein pala "kulang lang sa tulog" sagot ko "sure ka?" "oo naman"
"Ano nanaman yan rein? concern ka ba sakin bilang kaibigan o ano?nalilito na ko sayo e,di ko alam kung maniniwala pa ba ko sayo!! kasi sa pinaparamdam mo parang gusto mo ko at parang may tayo pero iba yung sinasabi mo sa ibang tao rein ano ba talaga tayo?"ayan yung nasa isip ko na gusto kong itanong sayo pero natatakot ako sa mga isasagot mo
"ikaw rein dun ka na maghapunan samin"sabi ni mama kay rein,Parang nananadya yung tadhana e kasi kung kailan ko na siyang gustong tigilan tsaka naman kami pinaglalapit dahil ba dito masasabi ko na na tinadhana talaga kami? "ma naman kailangan ng umuwi nyan ni rein baka hinahanap na yan sa kanila" saad ko tas biglang "sige po tita minsan lang naman po" nagulat ako sa sinabi ni rein kasi hindi naman talaga siya kahit minsan nakisabay samin kumain "diba rein sabi mo may lakad kayo ng mga kaibigan mo?"sinabi ko yan para hindi na siya sumama samin pero "ha?wala akong sinasabi sayo?" sagot niya natatawa na ko dahil ang cute niya magdenied "ma meron po sabi niya sakin kanina" "tita sige po wag na lang mukang ayaw naman ni yumi" sabi niya
"wag ka makinig dyan,sakay na sa kotse" sabi ni mama at para siya pa yung anak ni mama "blee 0-1" bulong niya sakin sabay alis "gaganti ako sayo bwiset ka!!" ayan yung nasabi ko kasi napipikon na ko dyan sa lalaking yan pero ayoko siyang mawala sa paningin ko "ikaw eli?saan ka?" tanong ko kay eli "dito na lang ako nagpasundo na ko sa driver namin" sagot niya na parang malungkot "oh sige ingat kayo ah bye see you tomorrow" sabi ko "pagaling ka yumi bye!!" sagot niya hanggang "yumi tara na daw" tawag sakin ni rein at agad nakong sumakay sa kotse "usog ano bayan?"naiirita kong sabi "oh ayan na po boss" sagot niya habang nasa byahe kami wala kaming ginawa ni rein kundi magharutan tas maya maya magaaway at parang hinahayaan lang kami nila mama at papa..
Hanggang sa nakauwi na kami hindi na nakapagluto si mama dahil ang oras na din kaya umorder na lang kami, habang kumakain kami..
Nagkwekwentuhan sila mama at rein yung tipong parang magkapatid tas kami ni papa taga kinig lang pero minsan taga react nadin tulad sa tanong ni mama "nagkagirlfriend ka na ba rein? "nako! madami fuckboy nga yan ma e" mahina kong sagot "ilan na ba ang sineryoso mo?"tanong ni papa "tatlo palang po nagiging girlfriend ko"sagot niya sa tanong ni mama at hindi na niya nasagot yung tanong ni papa dahil biglang sinabi ni mama na kumain na lang at wag na pagusapan ang mga tao wala dito...
Ngayon ko lang nalaman na tatlo palang nagiging girlfriend ni Rein kasi never naman naming napagusapan tungkol sa mga exe's tsaka hindi namin pinaguusapan ang mga kanya kanya naming pamilya, pero ang hindi ko malimutan ay yung hindi sinagot ni Rein yung tanong na "ilan na ba ang sineryoso niya" madaming tanong ang pumapasok sa utak tulad ng "paano kung wala siyang sineseryoso?" "paano kung paglaruan niya din ako" "paano kung ayun lang talaga habol niya sakin,ayoko nang magisip ng kung ano ano,ayoko ko nang masaktan...
Natapos na kaming kumain nagulat ako sa sinabi ni mama na "Rein dito ka na kaya muna matulog?" sa sobrang gulat ko na pasigawa ako ng "WAAGG!!" ang sama ng tingin sakin ni mama nun at si papa parang wala reaksyon para ayos lang sa kanya kaya bigla akong napasabi ng "pa diba hindi pwede?" "baket naman hindi pwede e hindi naman kayo magtatabi sa kwarto tsaka gabi na oh baka mapahamak pa tong kaibigan mo"..
Napanganga ko kasi kala ko pipigilan ni papa si mama dahil sempre babae yung anak nila tas may makikitulog na lalaki,pero parang walang effect sa kanya "eh tita,tito parang ayaw naman po ni yumi wag na lang po kaya"sagot niya na nagpapaawa "wag mong pakinggan yang si yumi halika sa taas ituturo ko sayo yung kwarto mo" sabi ni mama "0-2"bulong niya sakin sabay niya hinipan yung tenga ko "pa bat ka naman pumayag?" tanong ko kay papa "may tiwala ako sa kaibigan mo" sagot niya