Nang makarating ako sa flowershop ay agad akong bumaba habang naglalakad ako biglang may tumawag sakin "mimi?" kaya agad ko itong hinanap kung sino yung tumawag sakin may isang lalaking nakatayo sa harap ko parang pamilyar yung mukha niya pero hindi ko ito pinansin at patuloy na lumakad..
"nagtatampo ako sayo ah" nagulat ako sa sinabi niya hindi ko alam kung ako ba ang kausap niya o hindi kaya't tinanong ko siya
"ako po ba yung kausap niyo?" tanong ko sa kanya
"oo nagtatampo nga ako sayo eh" sagot nito
"sino po ba kayo?" tanong ko ulit sa kanya ,pilit kong inaalala yung mukha niya dahil baka nakalimutan ko lang
"parang dati lang umiiyak ka pa nung aalis na kami ah tapos ngayon hindi mo na ko kilala ganun ka na ba kasikat?" sabi niya kaya agad kong naalala yung childhood friend ko..
"NOAH?" tanong ko
"nagtatampo ako sayo mimi ah bahala ka dyan" nagtatampong sagot nito
"HALAAA!! noahh!! na miss kitaa!!" sabi ko sa kanya at agad ko siya niyakap at niyakap niya din ako pabalik
"hindi kita nakilala noahh!! ang gwapo mo na, bakit ngayon ka lang bumalik? namiss kita hoyy!!" sabi ko
"nagtatampo ako sayo mimi ah, ako hindi mo nakilala tapos ikaw nakilala ko agad"
"sorry na hoyy nagtatampo ka na agad eh kain na lang tayo libre ko ayieeee" sabi ko
"sige na nga!"
Si Noah ay childhood friend ko kaya lang 9 years old ako umalis sila sa tinitirhan nila dahil kailangan nilang ibenta yung bahay nila dahil nalugi na yung negosyo nilang cafeteria kaya, naisip nila na umuwi na lang muna sa probinsya para dun muli magsimula, kaya kailangan naming maghiwalay muna kahit ayaw namin. masakit sakin na maghiwalay kami dahil simula nang magkaisip ako siya na yung lagi kong kasama kaya't ganun na lamang yung lungkot ko simula nang umalis sila..
Habang hinihintay namin yung inorder namin pinagusapan muna namin yung mga kanya kanya namin buhay..
"kamusta na sila tita?" tanong nito
"ok lang, nako!! noah ikaw dapat ang nagkwekwento ang gwapo mo na kaya tapos ang bango bango muna"
"ang gwapo ko na? so dati hindi ako gwapo, dati nga lagi mo kong kinikisan eh dahil sabi mo ang cute ko" sabi niya
"Shhhh!! wag ka ngang maingay baka may makarinig sayo" sabi ko
"so bakit ka nga nandito ok na ba yung problema niyo?" dagdag ko
"oo mimi thanks to you dahil pinayagan mo ko makaalis, kahit iyak ka nang iyak nung umalis kami" sabi nito
Hanggang sa dumating na yung pagkain namin habang kumakain kami ay nagkwekwentuhan padin kami ang saya saya ko nun dahil bumalik na yung bestfriend ko nakalimutan ko yung problema ko dahil sa kanya..
"bakit ka nga pala nasa flowershop kanina?" tanong ko
"naisip ko na dalhan ka ng favorite mong flowers tutal matagal na din naman tayong di nagkikita ikaw anong ginagawa mo dun?"
"napakasweet mo naman!! pero seryoso namiss talaga kita!! anyway naassign kasi ko ay kami pala na gumawa ng programa sa school para sa mga teacher kaya yun naisip ko na bumili ng mga bulaklak"
"btw dito ka na ba ulit titira?" tanong ko
"kung sasabihin mo na wag na ko umalis" sagot nito
"HALAAA? WEHH? TOTOO BA?"
"sabihin mo muna"
"noah wag ka na ulit umalis please dito ka na lang kailangan kita eh!!" nagpapaawa kong sagot sa kanya
"sige na nga mapilit ka eh"
"HALA!! YEYY Thankyou !!, pero saan ka magsstay and nagaaral ka pa ba?" tanong ko sa kanya
"sainyo sana pwede ba?"
"oo naman welcome na welcome ka dun gusto mo dun ka maghapunan sa bahay? para makita ka na ulit nila mama for sure miss ka na din nila"
"joke lang ito naman pero may nabili na akong condo dun na lang ako magsstay tsaka kung saan ka nagaaral dun na din ako magaaral" sagot nito
"HALA? TRUE BA? araw araw na ulit kita makikita? HALAAA!!" hindi ako makapaniwala sa sinabi ni noah ginawa niya yun para sakin? sa sobrang excited ko napatayo ako sa inuupuan ko at agad ko itong niyakap,
Lumilipas ang oras hindi namin namalayan na gabi na pala kaya naisipan na namin na umuwi at napagdesisyonan namin na ihatid na lang ako ni noah dahil malalim na din yung gabi.
Nang malapit na kami sa bahay ay may naaaninag akong isang lalaking nakatayo sa harapan namin pero hindi ko ito pinansin pero nang makita ko ito ng malapitan naaninag ko na nang malinaw ang kanyang mukha at iyon ay si Rein
"SAAN KA BA GALING HA?KANINA PA AKO HANAP NG HANAP SAYO!!,KANINA PA KO NAGAALALA SAYO!!,para kang hindi babae anong oras na diba?gabi na yumi!! ginagawa mong umaga yung gabi nakakairita ka na" sabi ni rein nagulat ako dahil pagkababa nang pagkababa ko ay boses agad niya ang narinig ko,nagulat din ako kasi nagagalit siya sakin nang hindi ko alam kung bakit..
"hoy rein ang oa mo bumili ako nang iba pang pwedeng decoration diba para bukas? sagot ko sa kanya hanggang sa bumaba si noah sa sasakyan niya
"BASTOS KA AH!! SINO KA PARA SIGAWAN SI YUMI HA?" sabat ni noah
"eh ikaw sino ka ba ha? bakit ka nangingialam dito ha?" tanong ni rein
"ako yung childhood friend ni yumi and first love niya bakit may angal ka?"
"first love? wala ka namang nakwento sakin yumi ah?" tanong ni rein
"hindi niya kasi kailangan ikwento sayo" sagot ni noah, magsusuntukan na sila ng bigla akong sumingit
"HEPPP!! magsitigil na nga kayo, pag kayo nakita ni mama na nagaaway magagalit sainyo yun, hindi na kayo makakapunta dito!!" sabi ko
"tsaka rein ano ba kasi ginagawa mo dito? diba may date kayo ni pat?bakit ka nandito?" dagdag ko
"hindi kami natuloy dahil simula kagabi nagaalala na ako sayo!!" sagot nito
"bakit ka naman magaalala sakin rein??kaya ko sarili ko kaya,simula ngayon hindi mo na kailangan magalala sakin dahil bumalik na ulit yung bestfriend ko siya na lagi yung makakasama ko kaya wag mo na kong intindihin, intindihin mo yung relasyon niyo ni pat at iintindihin ko kung anong relasyon meron kami ni noah...