Chereads / Parausan / Chapter 15 - Chapter I thought

Chapter 15 - Chapter I thought

Habang naglalakad nagpipicture kami ay biglang may lumapit at sinabing "ma'am nageenjoy po ba kayo?" "OO!! ang ganda dito!! sulit yung punta namin!!" sabi ko "AH opo maganda po talaga dito sayang po noh? ay oo nga po pala pinapatawag po kayo ni ma'am pat" saad niya "AHH ganun ba? sige susunod na kami!!" sabi ni noah habang naglalakad kami ni noah ay may naririnig kaming mga ingay na nanggagaling sa lobby nang makarating kami ni noah dun ay agad kaming nagulat dahil sa sobrang daming pagkain at mga alak "A-nong meron?" tanong ko "magwawalwal tayo!!" sabi ni pat "tsaka icecelebrate din natin tong araw na toh dahil ngayon lang tayo nagsama-samang apat kaya masaya ako!!" agad niyang dagdag "nagpaalam ka ba kay tita na hindi ka makakauwi?" bulong sakin ni noah "hindi, hindi ko naman alam na magiinom pala!!" sagot ko "OHH!! ano pang hinihintay niyo? kain na muna tayo!!" sabi ni pat kaya agad na kaming pumunta para kumain..

Inabot din kami nang ilang minuto sa pagkain dahil sa sobrang sarap ng mga pagkain nilang hinanda.

Nang matapos na kami sa pagkain ay agad ng nagyaya si pat "TARA!! LIPAT TAYO SA TABING DAGAT!!" aya niya samin "sige una na kayo may gagawin lang ako" sabi ko sa kanila "una na ko yumi ah?" sabi sakin ni noah, tumango na lang ako "cr lang ako! susunod ako" sabi naman ni rein pero hindi ko ito pinansin at pumunta sa kwarto namin at agad kong tinawagan si mama "hello ma? nasan ka po?" tanong ko kay mama "nasa bahay anak bakit? ikaw nasan ka na?" tanong din ni mama "ma eto nga po, nasa resort po kami nila pat at baka bukas na kami umuwi nagaya po kasi si pat na magovernight eh okay lang po ba??" sabi ko kay mama "Ahh ganun ba?oo sige baka mapahamak pa kayo pag umuwi kayo gabi nadin!! magiingat na lang kayo ah! loveyou" sagot ni mama "salamat po ma loveyoutoo"

Nang matapos kong makausap si mama ay lalabas na sana ako nang kwarto ng "REIN??" at bigla niya akong tinulak pabalik sa kwarto namin "REIN ANO BANG GINAGAWA MO?!!" tanong ko sa kanya hindi siya sumasagot at habang ako ay papalayo siya ay papalapit ng palapit sakin habang nakasandal na ako sa pader habang nakapikit kala ko ay hahalikan niya ako pero "WAG KANG UMINOM NG MADAMI!!" bulong niya sakin "Oo!!" sabi ko at bigla ko siya iniwan sa kwarto

"Buti hindi ka nagseselos kay yumi?" tanong ni noah kay pat "AHHH Oo dati!! yung hindi ko pa close si yumi pero ngayon kahit na maikling panahon ko palang siya nakakasama may tiwala na agad ako sa kanya alam kong hindi niya ako kayang lokohin! lalo na't kaibigan ko siya!" sagot ni pat "Oh yumi andyan ka na pala upo ka na!!" tawag sakin ni noah

Nang marinig ko yung sinabi ni pat, parang nagising ako sa katotohanan, "GRABE!! ang sama ko na bang tao? kahit hindi kami matagal na magkakilala pero pinagkakatiwalaan niya ako bilang KAIBIGAN tapos ganto gagawin ko sa kanya? hindi niya deserved ng kaibigan na katulad ko!!.." sa isip ko habang tinititigan ko si pat "Oh babe andyan ka na pala!! tara na!!" sabi ni pat kay rein nang makita ko si rein na papalapit ay agad akong uminom ng isang boteng alak, at kita ko yung mata niya na masama ang tingin sakin pero hindi ko ito pinansin "YUMI!! maghinayhinay ka nga!! para kang mauubusan ng alak!!" sabi sakin ni noah ilang oras din kaming nakaupo dun at nagkwekwentuhan sa mga oras na yun ay nararamdaman ko na na lasing na ako "t-u-l-o-g na tayo!!" inaantok kong sabi kay noah at tuluyan na nga akong nakatulog sa balikat ni noah "una na kami ah tulog na toh eh!!" sabi ni noah kila pat habang buhat buhat niya ako..

Nang naramdaman kong binaba na ako ni noah ay "W-a-g m-o-k-o-n-g iwan!!" mahina kong sabi, nang marinig yun ni noah ay agad naman niya akong hinawakan sa kamay at tuluyan na akong nakatulog

Makalipas ang ilang oras ay agad akong nagising dahil sa masama kong panaginip, umalis daw ulit si noah at bumalik sa probinsya at iyak daw ako ng iyak nang magising ako ay umiiyak ako kaya tumayo ako at lumabas para maghanap ng pagkain dahil nakaramdam ako ng pagkagutom

Habang naglalakad ako ay nakita ko na may tao pa sa beach hindi ko ito pinansin dahil baka sila rein lang yun at tuloy na ako sa paghahanap ng pagkain nang makarating ako sa lobby ay agad na akong kumuha ng pagkain habang kumakain ako ay nagcecellphone ako para mawala ang pagkabored ko ilang minuto din akong kumakain dun dahil sa kabusugan ay hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako

Nagising na lang ako dahil sa may narinig akong ingay galing sa kusina dahil sa nage-echo ito kaya sinilip ko ito, nagulat ako dahil may naghuhugas ng mga plato "ATE NAMAN EH!! KALA KO KUNG SINO!!" natatakot kong sabi "Oh ma'am bakit po?" tanong ni ate na katulong sa resort "Natatakot kasi ako kala ko kung sinong nandito" sabi ko "pasenya na po nagising ko po ba kayo?" tanong niya "hindi naman sige ate dyan ka na maglalakad lakad lang ako dito!!" sabi ko "sige po ma'am"

Habang naglalakad ako ay nakita ko na nandun padin sila rein kaya agad ko itong pinuntahan pero nang malapit na ako ay nagulat ako ng nakita ko silang naghahalikan kaya napatigil ako sa kinatatayuan ko imbles na papalapit ako sa kanila ay papalayo ang nagagawa ng paa ko, habang papalayo ako ay yung luha ko ay papatulo na dahil sa nakita ko nang hindi ko na ito na tiis ay napaupo na ako sa gilid at agad tumulo ng husto ang luha ko sa sakit ng nararamdaman ko at naisipan ko na pumunta muna ng comfortroom para dun maghilamos ng mukha nang malapit na ko sa cr ay "Oh ma'am umiiyak ka po ba?" tanong ni ate "hindi ate napuhing lang ako" sabi ko sabay pilit na ngiti kala ko tapos na yung sakit..