Nakasakay na kami sa kotse ni noah "mimi pwede ba kong magtanong?" tanong niya sakin "oo ano ba yun?" sagot ko "sino ba si rein? may relasyon ba kayo?" tanong nito "hindi ko alam kasi pinaparamdam niya sakin na espesyal ako sa kanya, na parang gusto niya ko at parang may kami pero iba yung sinasabi niya sa ibang tao, pag tinatanong nang ibang tao kung anong relasyon namin ang isasagot niya ay magkaibigan lang kami kaya hindi ko alam" ayan yung gustong gusto kong sabihin kay noah na hindi ko magawa dahil nahihiya ako at natatakot "magkaibigan lang kami nun" sagot ko "ah ok sabi mo eh tsaka ok lang ba talaga sayo na sumama sa kanila?" tanong niya ulit "oo minsan lang naman eh" sagot ko sa haba nang mga pinagusapan namin ni noah hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa "Boghada Club" hindi pa ako nakakababa nang sasakyan kitang kita ko na masaya sa loob nito hanggang sa pumasok na kami "YEAHH LET'S PARTY!!" "YEAHHH!!" "PARTY YEAHHH!!" ayan ang mga naririnig ko simula nang pumasok ako sa boghada club "step napansin ko na bakit puro YEAH yung sinasabi nila dito?" tanong ko "pag sinabi mo kasi dito yan eh ibig sabihin simula pag pasok mo hanggang sa paguwi mo magiging masaya ka" sagot niya "corny naman" bulong ko "YEAH YEAH YEAH!!" sabi ni step kaya nakigaya na lang din kami ni noah "YEAH!! PARTY PARTY!!" sabi namin ni noah "order na kayo nang drinks niyo kahit ano treat ko" bulong samin ni pat "sige lang" sabi ni noah "tara na" aya ko sa kanya "oh saan ka pupunta?" tanong niya sakin "oorder nang inomin!!" sabi ko "alcohol?" tanong niya ulit "oo" sagot ko "diba hindi ka naman umiinom?" tanong ni noah "itratry ko lang tsaka libre naman eh bilis na wawa please?" nagpapaawa kong sabi kay noah "oh sige basta unti lang ah!!" sabi ni noah "yes po" sagot ko "CHEERS!! CONGRATS KAY PAT AND REIN" sabi step "CONGRATS DIN KASI MAY BAGO NA TAYONG SCHOOLMATE SI NOAH!! CHEERS!!" dagdag nito.
Habang kami ay nagsasaya napansin ko si Rein na hindi umiinom kahit unti, sasabihin ko pa lang sana sa kaya lang "babe bakit hindi ka umiinom?" tanong ni pat "kaya nga naman rein kaya nga tayo nandito para magsaya!!" sabi ni step "iinom na yan!! iinom na yan!! iinom na yan!!" sigaw ni pat and step kaya napilitan na uminom si rein "YEAHHH LET'S PARTY!!" sigaw nila pat..
*ring ring ring ring*
"mimi sagutin ko lang ito ah?" sabi ni noah
makalipas ang ilang minuto bumalik si noah "mimi tara na" sabi nito "saan tayo pupunta?" tanong ko "uuwi na?" sabi niya "ha? bakit ano nangyari?" tanong ko "nagkaproblema daw sa condo eh emergency daw kaya kailangan ko nang umuwi kaya ihahatid na kita" sabi nito tatayo pa lang ako nang "saan kayo pupunta?" tanong ni pat "uuwi na" sagot ni noah "may emergency daw kila noah eh " sagot ko "eh bakit kasama ka?" tanong ni pat "ihahatid na niya ko" sabi ko "yumi pwedeng magstay ka pa kahit isang oras kami na ni rein maghahatid sayo please?" nagmamakaawang sabi ni pat "pero mi-" tumango na lang ako kay noah at "ihatid niyo si yumi ah!!" sabi ni noah kay pat "yes naman!!" sagot ni pat "magingat ka ah" sabi ko kay noah "ikaw ang magingat aba!!" sagot niya "WOW NOAH AH!!" sagot ni pat "shh sige na sige na ingat" sabi ko kay noah sabay ko siya niyakap at alam kong nakatingin samin ni rein pero hindi ko ito pinansin..
Hanggang sa nakaalis na si noah, simula nang umalis si noah ay wala na akong nakausap na iba dahil sila pat ay may kanya kanyang mundo habang ako nakaupo sa isang sulok nang biglang "water?" may nagalok sakin nagulat ako nang makita kong si rein ito at agad ko itong kinuha dahil nakaramdam ako nang pagkauhaw makalipas ang ilang oras ay nakaramdam na ako nang pagkahilo kaya't tinigil ko na ang paginom nang alak habang sila pat ay kitang kita ko yung pagkalasing dahil kung ano ano na ang kanilang pinagagawa "bestfriend mo lang ba talaga yung noah?" tanong ni rein nagulat ako sa kanya "oo bakit?" tanong ko "wala" sagot niya,habang nakangiti "bakit ka nakangiti?" tanong ko "sempre natanggalan ako nang tinik sa dibdib!" sagot nito "ha?" sabi ko habang nagkatingin kami at sabay tumawa..
Namiss ko yun, ngayon na lang ulit nangyari yun simula nung nagkabalikan sila ni pat, namiss ko yung mga panahon na panay lang kami tawa yung walang iniisip na problema, yung mga panahon na magkasama kami at namiss ko siya..
"kanino bang kasama to? kanina pa nanggugulo" tanong ng isang babae agad pumunta doon si rein dahil inirereklamo si pat dahil nanggugulo na sa sobrang kalasingan habang tinitignan ko si rein "ang swerte mo, ang swerte swerte mo pat dahil kahit niloko mo siya ikaw padin yung pinili niya pero siguro ganun na lang talaga na may mga taong panandalian at may taong pangmatagalan, tska siguro ang forever ay para sa mga alaala na lang hindi para sa tao.." sa isip ko "y-mi t-ara n-a" tawag sakin ni pat habang siya ay buhat ni rein dahil hindi na siya makapaglakad dahil sa sobrang pagkalasing "sakay na yumi ihahatid ka na namin!!" sabi ni pat "wag na ok lang ako magtataxi na lang ako" sagot ko "yumi sakay na bilisan mo na!!" sigaw ni rein kaya ako na sumakay na lang sa kotse niya "una ko nang ihahatid si pat ah" sabi ni rein "ok lang" sagot ko sa ilang minuto kong nakakatulala hindi ko na malayan na nakarating na pala kami sa bahay nila pat "pat nandito na tayo sainyo" sabi ni rein kay pat walang sinabing salita si pat kay rein at agad na lang niyang hinalikan si rein pero umiwas si rein "tara na" sabi ni rein kay pat na nang makababa sila ay "ang kakapal nang mukha sa harap ko pa talaga nangchukchakan naiinggit tuloy ako!!" sa isip ko hanggang sa nakabalik na si rein sa kotse at nagkunwari ako na parang walang nakita habang..