Oo nagulat ako sa sinabi ni pat na nagkabalikan na sila ni rein, tama nga ako kanina dahil iniisip ko na baka magkabalikan ulit sila pero bakit parang gulat na gulat padin ako sa narinig ko at parang natulala na lang ako sa mga sinabi nila hanggang sa natauhan na lang yung diwa ko ng magsigawan sila "congrats!!" masasayang nilang sabi kasabay ng pagsigaw ay ang pagpalakpak nila naki palakpak na lang ako habang nakatingin sakin si rein pero imiwas ako ng tingin "dapat nating tong icelebrate!!" sigawan nila "after ng program" sagot ni pat habang nakakapit kay rein hindi ko maiwasang tignan silang dalawa kasi hindi padin ako makapaniwala na sila na ulit samantalang sa ilang araw kami ang magkasama ni rein pero ganun talaga siguro noh? kahit ikaw yung nandyan pag hindi ikaw yung mahal hindi ikaw yung pipiliin..
"g na yan ah wala nang bawian" sabi ng presidente "ikaw yumi tutal kayo naman ang naassign dito at friend naman na kayo ni rein pwede kang magsama kahit sino, kahit ilan" sabi sakin ni pat at hindi na ko sumagot "uwiann na may nanalo na ulit HAHAHAHAHAH" asaran nila hanggang ako "mauna na ko sainyo ah aayusin ko pa yung mga bibilin ko" sabi ko sa kanila "hatid na kita yumi,gabi na baka kung ano pang mangyari sayo diyan sa daan" alok sakin ni rein "babe may lakad pa tayo dito?" singig ni pat "sabihin mo may pupuntahan ka pa wag mo nang sirain yung moment nila" bulong sakin ng presidente "no need na susunduin naman ako ni mama sige na ingat kayo" sabi ko hanggang sa umalis na ko, pero ang totoo hindi naman takaga ko susunduin ni mama dinahilan ko lang iyon para hindi na ako ihatid ni rein dahil baka pag nagpahatid pa ko sa kanya baka isipin nila na nilalandi ko at inaagaw ko si rein kay pat ayoko ng gulo kaya ako na lang ang iiwas..
Dumaan sa harap ko sila pat at rein ng nakakotse at tinignan ako ni rein pero umiwas ako ng tingin at nang makaalis sila ay may tumawag sakin at agad ko itong sinagot "hello?yumi?free ka ba now?" tanong ni eli "oo why?may problem ka?punta ba ko sainyo?" tanong ko sa kanya "yes please" sagot nito kaya agad akong pumunta dahil kahit hindi ko siya nakikita ay ramdam ko yung lungkot niya hanggang sa makarating ako sa kanila at nakita ko si eli na kumakain "pasok ka" sabi niya "asan sila tita?" tanong ko sa kanya "tulog na sila" sagot nito "so ano ba yun eli may sasabihin ka ba?" tanong ko ulit sa kanya "handa na ko" sagot niya at kwinento na niya kung bakit sila naghiwalay ni kyle nagulat ako sa sinabi ni eli, kaya pala nakipaghiwalay si kyle dahil may sakit ito Cancer Stage 2 at hindi niya pa sigurado kung magsusuccess yung operasyon kaya't nakipaghiwalay siya kay eli dahil ayaw ni kyle na makita si eli na nahihirapan dahil sa kanya kaya naisipan ni kyle na sa america na lamang magpaopera para hindi na niya muna makita si eli..
Habang kwinekwento ni eli yun kita ko sa mata niya yung lungkot kaya't niyakap ko siya at sinabing "eli wag kang magalala dahil babalikan ka ni kyle na wala nang pagaalinlangan at nalagpasan na niya yung hirap at sakit na nararamdaman niya, ang gusto lang ni kyle ay magtiwala ka sa kanya" sabi ko kay eli habang umiiyak ito
Habang tinititigan ko si eli naisip ko na sabihin na rin sa kanya yung problema ko pero napangunahan nanaman ako ng takot kaya hindi ko na tinuloy, habang lumilipas ang oras na pagdesisyonan namin ni eli na dun na lamang ako matulog bahay nila dahil masyado nang gabi para umuwi pa ng bahay.
Sa isang gabi naming magkasama ni eli wala kaming ginawa kundi kumain at magkwentuhan dahil pagkumakain kami ni eli ay nababawasan ang stress namin kaya habits naming kumaing dalawa hanggang sa makatulog na lang kami dahil sa pagod, pagkagising ko ay agad na akong umalis para umuwi sa bahay dahil naalala ko hindi nga pala ko nakapagpaalam kila mama baka nagaalala na yun
*ding dong ding dong* lumabas si mama dahil alam niyang mag tao "hi tita" sabi ni rein "oh rein ano ginagawa mo dito ang aga aga pa ah?" tanong ni mama "nandyan po ba si yumi mag pupuntahan po kasi kami" tanong ni rein "ay wala dito eh hindi nga umuwi kagabi" sabi ni mama "eh tita sabi niya po susunduin niyo siya eh kaya hindi ko na siya hinatid" sabi ni rein "wala naman akong nasabi sa kanya na susunduin ko siya nasan na kaya yung bata na yun" sabi ni mama "ah sige po tita mauna na po ako" sabi ni rein "pumasok ka muna dito" alok ni mama "ah hindi na po tita hahanapin ko na lang po si yumi tawagan niyo po ako pag nakauwi na po siya dito" sabi ni rein "sige magingat ka salamat"
Nakauwi na ko sa bahay nang sabihin ni mama "ikaw bata ka san ka ba galing ah?" tanong ni mama "ma sorry po dun po kasi ko natulog kila eli may problema po kasi eh sorry po ulit" sabi ko "sa susunod magpapaalam ka para hindi kami nagaalala" sabi ni mama "opo ma" "isa pa tawagan mo si rein dahil galing yun dito hinahanap ka sabi ko hindi ka naman umuwi nagaalala yata sayo" dagdag ni mama "bat naman siya magaalala sakin?" tanong ko kay mama "aba ewan ko bat sakin mo tinatanong kaya nga tawagan mo siya" sabi ni mama "sige po ma maliligo lang ako btw ma absent ako ngayon may bibilin ako pero excuse naman ako" sabi ko kay mama "oh sige magingat ka"
Nang natapos na ko maligo naisipan ko nang umalis para mamili ng mga ibang bagay na gagamitin para bukas sa program hindi ko na rin tinawagan ni rein dahil baka magkasama na sila ni pat ngayon ayoko na lang makaistorbo sa kanila, naisip ko na ding pumunta sa flowershop para bumili ng mga bulaklak para bukas.. nang makarating ako sa flowershop nagulat ako dahil nakita ko si...