Chapter 2 - 1

Ngumiti ako ng may  pumasok na customer. Nginitian din nya ako at umorder ng kape at cake. Pinuch ko ang order nya at sinabihang mag-antay.

"Mam, mukhang maganda araw nyo ngayon" Pahayag sakin ng empleyado kong si Jessie, isa sa mga waitress ko.

"Hindi ko pa nakikita ang mambabadtrip ng araw ko kaya good mood pa ako Jes" sabi ko sa kanya.

Dumating na din ang isa ko pang empleyadong si Wayne na nagcr saglit kaya ako ang pumalit sa pwesto nya.

"Salamat mam. Ako na po dyan" sabi nya saakin kaya tumabi ako pero hindi ako umalis sa counter. Maaga pa naman, kakaseven palang ng umaga pero may mga customer na kami. Mamaya pa dadagsa ang tao dito.

Ako ang nagmamay-ari nitong cafe, ang Brewed. Sariling pawis at hirap ang ginamit ko para mapatayo ang matagal ko ng pinapangarap. Hindi naging madali saakin ang pagpapatayo nito dahil mataas ang demand ng may-ari ng lupa. Buti nalang talaga at may nahiram akong pera sa mga katrabaho ko sa ROSE kung hindi baka iba na ang nakatayo dito. Maganda kasi ang lugar dahil maraming tao ang dumadaan at malapit sa mga building na maraming empleyado. Plano ko na ngang pagawan ng second floor ito kasi maraming na kaming customer lalo na paglunch time.

Naramdaman kong nagvibrate ang cp ko sa bulsa kaya kinuha ko iyon at tinignan ang nagtext saakin.

From Helena:

He's coming!!!!

Naiinis akong ibinalik ang cellphone sa bulsa at inabangan sa labas ng café ang taong sinasabi ni Helena. Ilang minuto din ang tinagal ko doon hanggang nasilayan ko ang paparadang kotse sa parking lot ng café. Nakita ko syang bumaba at may bitbit na pulang rose sa kanang kamay nito habang inaayos ang shades. Pagkasara nya ng pinto ng kotse ay bumaling sya saakin at ngumiti. Hindi ako ngumiti dahil mas nananaig ang inis ko ngayon. Naglakad na sya at tumapat sakin. Inumang nya ang rose sa mukha ko at ngumiti ng matamis sa harap ko. Inismiran ko lang sya at tinanggap ang bulaklak.

"Hindi mo talaga ako matiis" confidence nya sabi saakin. Inirapan ko sya bilang tugon kaya mahina syang tumawa. "Di moba ako papasukin sa loob? Mahirap mag-usap dito sa labas"

"Oo na. Pasok na kamahalaan" at binuksan ko ang pinto ng café. Binilin ko sa mga empleyado ko ang store at dumiretso sa maliit kong opisina.

Nang makapasok kami ay umupo sya swivel chair samantalang ako ay inilagay sa vase ang rose na bigay nya. Sinulyapan ko sya at tinanong ko may gusto syang inumin o kainin pero umiling lang sya at sinabihan akong lumapit sa kanya. Lumapit naman ako at hinila nya ako paupo sa kanya paharap.

"I miss you" lambing nya saakin saka binaon ang mukha sa leeg ko. Buti nalang at tinanggal na nya ang shades nya kung hindi baka nasaktan ako at binigwasan ko sya ng di oras. "Did you miss me hmmm?"

"At bakit naman kita mamimiss aber? Ikaw itong umalis at matagal bumalik eh?" reklamo ko sa kanya.

"Sorry kung natagalan ako. It's a job. Kung pwede lang matagal na kong umuwi kung hindi lang magaling ang target ko"

"Ayos kalang ba? May sugat ka ba? Punta-punta ka dito tas magrereklamo ka sakin na may nararadaman ka, bibigwasan kita"

"As always. Pero may masakit sakin" nagpanik ako sa sinabi nya at inilayo ko ang sarili ko para tignan sya kung may sugat sya sa katawan. Pero ang pasaway mas hinigpitan ang yakap. Pinalo ko tuloy sya sa balikat nya. Ang tigas ng ulo eh.

"Joke lang po. Hindi naman ako magpapasugat sa kanila eh. Sayo lang ako magpapabaril, L" birong sabi nya sakin.

"Kaya ka nakakabadtrip, Yohan. Umalis ka na nga rito at baka hindi kita matantya" pagalit kong sabi sa kanya habang kumakawala sa yakap nya pero bigo ako kasi mas malakas sya sakin.

Napabuntong hininga ako dahil hindi naman ako makakaalis sa kandungan nya. Inayos ko nalang ang pwesto ko at dinama ang yakap nya. Naririnig ko ang mahina nyang paghinga sa leeg ko. Napapanatag akong ayos lang sya matapos ang mission nya sa ibang bansa at ayos lang syang nakabalik dito. 6 months din ang tinaggal nya doon at malamang pagod na pagod na ito kaya ngayon naglalambing saakin.

Himala nga at matagal kaming magkarelasyon. Almost 3 years na din at hindi ko alam kung bakit kami naging kami samantalang we are enemies. Well, ako lang naman ang badtrip sa kanya lalo na pagnangingialam sya sa trabaho ko sa ROSE. Minsan kasi sya iyong gagawa ng mission ko na hulihin ang target ko para daw matapos ang agad. Bwisit na bwisit ako sa kanya hanggang sa lagi kong pinapatay sya sa isip ko. Minsan ko na ring ginawang dart board ang picture na prinirint ko at dinikit sa pader ng kwarto ko sa ROSE. Nakita pa nga iyon ng magaling nyang kakambal na si Helena. Tinawanan lang ako ng babae at baliw na chineer pa ako. Kambal nga talaga sila kasi parehas baliw at kung ano-anong kalokohan ang naiisip.

Naramdaman kong gumalaw sya at inialis ang mukha sa leeg ko. Tinapat nya sa mukha ko ang mukha nya at tinignan ako. Ilang segundo  lang ang binilang para maglapat ang labi naming dalawa at sinimulan nyang bigyan ng ritmo ang labi nya na tinugon ko din. Halatang na miss ako ng loko dahil matagal ang halikan naming dalawa. Hingal na hingal akong humiwalay sa kanya pero sya itong hinahabol pa ako kaya hinarang ko na ang palad ko sa labi nya. Narinig ko ang ungot nya sa ginawa ko kaya tinawanan ko sya. Inalis ko ang harang at tinignan ko sya na nakasimangot saakin.

"Tama na iyon. May trabaho ako at baka dumami na ang customer namin. Kailangan na ko sa labas." Pilit kong inalis ang braso nyang nakapalibot sa baywang ko at tumayo sa kandungan nya.

"Bakit kasi hindi ka maghire ng madami nang may time tayong dalawa dito sa opisina mo?" at nagpout pa sya sa harapan ko.

"Ayoko. Baka malugi ako bigla kasi mas madami pa ang suswelduhan ko kesa sa mga customers." Naglakad na ko patungo sa pinto ng opisina at rinig ko ang pagwawala nya. Hindi ko na sya nilingon at dumiretso sa labas para tulungan ang mga empleyado ko.

Inaamin kong namiss ko rin ang lalaking iyon pero mas importante sa mga oras na ngayon ang café ko. Mamaya na landian!