"Agent L on the area" sabi ko ng maparada ang kotse di kalayuan sa bahay ni Mr. Rico Sebastian, ang target ko sa mission.
"Good luck Agent. Your team are all in position."
"Ok team, let's move smoothly" sabi ko sa mga kasamahan ko saka kinuha sa glove compartment ang baril.
Binuksan ko ang pinto ng kotse at lumabas. Kinasa ko ang baril pagkatapos kong isara ang pinto ng kotse at mabilis na tumakbo sa malapit na pader.
"Careful Six. Maraming tauhan si Sebastian sa lugar mo. Ten sa may kanan. One your right." Sabi ni Agent D, ang syang nagmomonitor samin. She has the blueprint of the building. Kontrolado nya din ang CCTV incase may hindi inaasahan bago ang plano.
Maingat kong pinaikot ang rapel cord saka hinagis sa taas ng pader. Nang kumapit na sya, hinila-hila ko pa for sure. Nang masigurado ko ng kapit na kapit, dahan-dahan akong umakyat.
"Hi, L" rinig kong bati sa earpiece na suot ko.
Hindi ako sumagot dahil busy ako sa pag-akyat. Dapat tapos na itong mission kung hindi lang nakatakas ang utak ng grupo, si Rico Sebastian.
Isa sya sa mga kilalang pinuno na nagdedeliver ng mga drugs and other illegal stuff sa ibang bansa. Sya ang pinakautak ng grupong RUCUS, isang samahan ng mga mayayamang tao na gumagamit ng ilegal na gawain para mas lalong yumaman. Nahuli na namin ang iba pero itong lalaking ito ang talino. Natakasan kami at kailangan pa naming magspend ng isang linggo para mahanap ang lungga nya.
Nasa taas na ko ng pader at nakaupo. Tinignan ko muna ang paligid habang inaayos ko ang rapel. Nang makita kong walang tao, tumalon ako ng mabilis at tumakbo sa pwedeng pagtaguan. Mahirap na baka bigla may makakita sakin. Kawawa naman ang negosyo ko kung mapupunta na naman ako sa hospital.
"Agent L. The target is in his room near at you. Look up. Ang bintana na yan ay katabing kwarto ni Sebastian. His not moving in his room though hindi ko naman nakikita sa loob pero hindi sya lumalabas kaya I think you should be ready" ani sakin ni D.
"I got it. Agent L will move now" paalala ko sa grupo sa kabilang linya saka dahan-dahang pumunta sa ibaba ng bintana.
It's a 2 storey creepy house. Lumang luma na ang bahay pero pwede pa rin namang tirahan kaso paniguradong may kasama ka namang multo sa loob. Buti nalang may tao nakatira dito kung hindi baka kanina pa ako nakakita.
Ginamit ko ang rapel sa pag-akyat at nang marating ko ang bintana walang sabi ko sinuntok ang salamin. Nagulat ang kasama ko sa kabilang linya at pinagsabihan ako na baka daw narinig sa kabila ang ingay. Kibit balikat ko nalang binuksan ang bintana para makapasok sa madilim na kwarto. Nang makapasok ako sa loob ay ginamit ko ang handy flashlight ko na nakakabit sa pantalon ko. Nakita kong puro kahon ang loob noon at nang binuksan ko ang isa ay nakita ko ang ibedensya, droga.
"Mukhang napasok mo ang storage room ni Tanda, L."
"Bilisan mo na L. Nakarinig na si Sebastian. Nakita kong lumabas ang mga tauhan nya sa kwarto na kinaroroonan nya." Sabi ni D kaya dumiretso na ko sa pinto at binuksan.
Gulat akong napatingin sa lalaking natagpuan ko sa tapat ng kwarto. He is smiling at me.
"Bakit nandito itong kutong lupa na ito, Divina" inis kong sabi sa kasama ko.
"Sorry L. Utos kasi ni boss. Kahit alam kung magagalit ka basta si boss na may sabi, wala na akong magagawa" paliwanag nya sakin.
"Enjoy L. Mas maganda ngang kasama yan eh. Go bro!" Cheer ni H sa kapatid nyang ngising-ngisi sakin. Inirapan ko nalang sya at binangga ng malakas nang tumungo ako sa pinto ng target.
"Don't disturb me or I will shoot you" banta ko sa lalaking nasa likod ko lang.
Hindi ko na narinig ako sagot nya. Binuksan ko ang pinto at tumambad sakin si Sebastian nakaupo lang sa sofa at walang malay. Patakbo kong pinuntahan sya at tinignan kung may buhay pa ang lalaki bago ko binalingan ng masama ang may dahilan kaya walang malay na ang target ko.
"Sorry L. Ang bagal mo kasi. Tinapos ko na para makauwi na tayo agad." Ngiting sagot nya sa nagbabaga kong tingin at umalis sa harapan ko.
Walang umimik sa kabilang linya dahil panigurado na nakikiramdam din sila saakin. Ginagawa ko nalang ang dapat gawin. Tinalian ko sya at binuhat pababa. Pagkarating ko sa sala, nandoon na ang mga kasamahan ko at mga kasamahan ni Sebastian. Mga nakatali na ang iba at iba naman ay walang malay dahil sa tama ng bala. Narinig kong paparating na ang mga hahakot sa kanila dito kaya binilin ko kay Three ang bitbit ko saka umupo sa sofa na may bahid pa ng mga dugong tumalsik marahil galing sa kalaban.
"Mam, may tama po ng bala si Nine"
"Pati rin po si Ten"
Tinignan ko ang dalawang natamaan ng bala na nakaupo sa sahig. Pinakiusapan ko si Six na kumuha ng first aid sa kotse nila at nilapitan ang dalawa. Matapos dumating ni Six dala ang inutos ko, inasikaso ko na sila.
Tahimik lang akong gumagawa ng marinig ko na nandito na raw ang mga kasama namin. Hindi ko sila pinansin at nilapatan ang dalawa para hindi na mahirapan ang mga doctor sa kanila mamaya.
"Salamat mam" sabi saakin ng dalawang agent bago ko sila iwan ng dumating na ang stretcher.
Lumabas ako ng bahay at tinungo ko ang lugar kung saan ako nakapasok kanina. Nandoon ang kotse ko kaya doon nalang ako lalabas. Maingat ako umakyat sa pader nang makarinig ako ng taong nagsasalita sa baba.
"Hey L, hindi ka ba sasabay saamin?" Tanong nya saakin pero hindi ko sya nilingon at sinagot. Badtrip ako sa kanya. Ayoko syang makita, makausap at marinig.
Nakaakyat na ko sa pader at magsisimula na sanang tumalon nang may naisip ako bigla. Kinuha ko sa holster ang baril ko at pinaputukan ang lalaking nangbadtrip sa gabi ko. Tinamaan ko sya sa tuhod kaya napaupo sya at minura ako. Tinignan ko lang sya ng malamig at saka tumalon pababa. Naglakad ako papuntang kotse at sumakay. Bago ako umandar ay nagsabi akong sa kabilang linya na hindi ako sa ROSE matutulog. Ayokong makita ang mokong na iyon.
Mabilis akong umalis sa lugar at tumungo sa paborito kong lugar, ang BREWED.