Nagmulat ako ng mga mata. Ang unang tumambad sa akin ay ang sinag ng araw na naglalagos mula sa glass window. Itinaas ko ang kamay para itabon sa mukha. Kumilos ako para bumangon pero mahigpit ang mga brasong nakakapit sa bewang ko. I stiffened for a while and recalled everything. Unti-unting nagbalik sa akin ang mga umaatikabong kaganapan kagabi. Nag-init ang mukha ko sa mga alaala.
Dahan-dahang inalis ko ang mga binting nakadantay sa akin pagkatapos ay marahang kumawala sa pagkakayapos ng lalaki. Bumaba ako sa kama at hinanap ang nahubad na t-shirt sa sahig. Nang makita ay agad na isinuot at naglakad papunta ng banyo. Nagbawas muna ako bago naligo.
Kumikirot pa rin ang kaselanan ko pero hindi na masyadong masakit kompara kagabi. Nang sumagi na naman ang mga imahe ng nangyari sa kanila ng lalaki ay uminit na naman ang mukha ko. I tried to shake off the images and started rinsing off. Pinunasan ko ang katawan ng tuwalya at itinapis ito bago lumabas ng banyo.
Tulog pa rin si Maverick na ngayon ay nakadapa na at nakasubsob ang mukha sa unan ko. He looks so magnificently handsome with his sun-kissed skin, small stubbles on his chin and a slightly open mouth that brought me to heaven last night.
Ghad, Femella! Naisingit mo pa iyon! Bulalas ng isip ko.
Binawi ko ang tingin at binuksan ang closet. Pumili ako nang malaking shirt ng lalaki na medyo makapal ang tela. I don't have undies inside. Sana man lang kasama iyon sa pinamili ng lalaki. And the pills! I need the pills.
My monthly period is regular so tracking my fertile days is easier. I'm not fertile yesterday but I still need the pills for precautionary purposes. No one wants to be pregnant during a one-week sex escapade with a man you don't trust.
I took another glance at Maverick before going out of the room. I went to the kitchen to make coffee. Thank goodness may kasamang coffee beans ang groceries na ipinadala ng lalaki kahapon. I took it out from the cupboard and set the brewing machine. Ilang sandali pa ay amoy na amoy na sa loob ng bahay ang brewed coffee. Nagsalin ako sa mug at pumwesto sa harap ng glass wall. Humigop ako at pumikit nang gumuhit sa lalamunan ang init at pait ng kape. I opened my eyes and stared at the beauty in front of me. Ripples of shining waves hugged the white shoreline creating a relaxing sea patterns. Low tide kaya medyo malayo pa ang tubig.
Tinanaw ko ang dagat. It looks so peaceful and serene. Banayad lang ang pagdampi ng mga alon sa pinong buhangin ng dalampasigan. Sumasabay sa maaliwalas na panahon at asul na kalangitan na napapalamutian ng mga ibong lumilipad sa dapyo ng magaang sikat ng araw.
Bigla ay parang nabalik ako sa lugar kung saan nagtatayugan ang mga puno at ang tanging ingay na maririnig ay ang mabining lagaslas ng tubig mula sa talon papunta sa ilog. Ang huni ng mga ibon ay walang kasintamis pati na rin ang sagitsit ng mga insekto at maliliit na hayop sa paligid. That place is a paradise. It's where I became the happiest even when I'm alone. It's also the place where I've witnessed the event that had changed my life forever.
Naputol ang daloy ng aking alaala nang yumakap ang pamilyar na mainit na mga braso sa akin. Bahagya kong nilingon si Maverick na nakahubad-baro lang at naka-boxer shorts. Hinawi niya ang basa ko pang buhok at hinalikan ako sa batok. Nakiliti ako nang dumaiti ang papatubo pa lang na mga balahibo nito sa baba sa balat ko.
"Good morning. Still sore?" sabi nito sa malat na boses.
Hindi ko pinansin ang tanong nito. "Morning."Itinaas ko ang mug ng kape. "Coffee? I brewed."
"Oh yes. I need it." Kumalas ito mula sa akin at lumakad patungo sa kusina. Pinanood ko ang lalaki nang magsalin ito ng kape at cream sa isa pang mug hanggang sa paglalakad nito pabalik sa akin. I skimmed his appearance. Broad shoulders, big muscled arms and another big deal bulge inside that boxers. All is big with this guy.
Nag-iinit ang mukhang ipinaling ko ang mukha pabalik sa dagat nang makita ko ang nakakalokong ngiti na naglalaro sa mukha nito. He obviously caught me checking him out. Tumabi siya sa akin at humigop ng kape.
"The view here is magnificent," tukoy ko sa tanawin sa labas.
"I agree. Sinadya ko talagang isali sa design ang glass wall na ito. Waking up to this view every morning just hits different. Nakakakalma sa pakiramdam lalo na kung maraming gumugulo sa isip mo."
"Tama. This place is really wonderful. Virgin island pa. Mukhang wala pang mga malalaking establishments sa lugar."
"It's a tourist spot kaya pinangangalagaan ng pamahalaan ang lugar. They want to preserve its natural resources so they limit the building of big establishments as much as possible. Kita mo iyang parte ng dagat na may malaking bato? That area used to be a part of a reclamation project by a dredging company. Hindi nagustuhan ng mga taga-isla ang proyekto kaya humingi ng tulong sa akin. I forwarded their cause to the government and the rest was history. The project was completely scrapped." Humigop ito ng kape tapos tiningnan ako mula sa mug at kinindatan.
Inirapan ko siya. "How noble. Buti di ka pa nagtatayo ng hotel dito? Kung sakali, mas lalakas pa ang benta mo. Imagine, lahat ng tao dito instant customers mo na dahil sa kabayanihan mo."
"It never crossed my mind. This island is a haven for me mula nang unang makapunta ako dito years ago. Ito ang paborito kong bakasyunan kapag gusto kong makawala sa stress sa kompanya aside sa extreme sports. Kung magtatayo ako ng hotel dito, paano ako makakapag-destress kung nasa paligid ko lang ang trabaho?"
"Yeah. Tama ka naman."
"Wait here. I'll just get the key." Sinundan ko ang malalaking hakbang ng lalaki na tinumbok ang kwarto. My gaze went to his round buttocks. Apple pie. Kinagat ko ang labi nang mamula na naman ako. Nag-iwas ako ng tingin at nag-concentrate sa pag-inom ng lumalamig na na kape.
Bumalik naman ito mayamaya bitbit ang isang bungkos ng susi sa kamay. Nagtungo ako sa kusina para magsalin pa ng kape.
"Come, Fem. Let me show you outside," aya nito. Tiningnan ko siya.
"Refill?" Ikiniling ko ang hawak tasa.
Ngumiti ito. "Oh yes, please. We need that." Lumapit siya at inilagay ang sariling mug sa kitchen counter katabi ng mug ko. Nilagyan ko ng kape ang mug nito at inabot ang cream sa gilid.
"Sabihin mo sa akin kung tama na." I started pouring in the cream.
"It's enough."
Ibinalik ko ang lid ng cream at dinampot ang mug. Kumuha ako ng kutsara at hinalo ito pagkatapos ay iniabot kay Maverick. Nilagyan ko naman ng kape ang akin at kinuha. Nakasunod ang tingin niya sa akin sa buong durasyon.
"No sugar or cream for you?" tanong nito na para bang di makapaniwala.
"Ahm, no. I liked it plain and pure black."
"It's the first time I met a woman who liked her coffeee like that."
"Well, you're not the first man I know who liked his coffee with cream."
Amuse na ngumiti ito. "You got me there. Now come on." Nagpatiuna ito sa glass wall at hinawi hanggang sa pinakagilid ang kurtina.
"This wall is not actually a wall. It's a glass door."
Nilapitan ko siya at kinuha ang hawak na mug. "Let me hold this for you."
Ngumiti ito sa akin at isinuksok sa keyhole ang susi. Nakarinig ako ng click and then a small handle appeared. Hinila ito ni Maverick at pina-slide in a horizontal motion. Sumalubong agad sa amin ang malakas at malamig na ihip ng hangin sa dagat. And boy, what a view. Kung anong kinaganda nito mula sa glass wall ay walang-wala kompara sa kung ano ang nakikita ko ngayon.
"Wow," tanging nasambit ko habang nakangangang sinusuyod ng tingin ang paligid. The rays of the sun turns everything she see sparkling. The sea is sparkling, the rocks are shining and the tiny brittles of white sand look like pearls from my point of view.
"Come on. Mas maganda pa ang view sa dako roon." Kinuha ni Maverick ang mug niya sa kamay ko at hinawakan ang kamay ko.
Nag-alangan ako na mawawalis ang suot kong shirt. Malalaman niyang wala akong panloob pero ano pa ba ang itatago ko. He's seen me all naked. But still, hindi ko maiwasang mailang.
"What's wrong?" nagtataka ang mga matang nakatingin ito sa akin.
"N-nothing. Come on."
Bumaba na kami sa buhanginan nang nakapaa. Hindi naman masakit at wala kang dapat ipangamba dahil pinong-pino ang buhangin.
Bumitaw ako sa kamay niya at hinawakan ang laylayan ng suot nang umihip ang malakas na hangin. I pulled it downward to make sure it stays in place. Napalingon ako sa lalaki na mahinang tumatawa.
"What?" inis kong sikmat habang hindi magkandatuto sa pagkipit ng damit.
"Don't worry. Darating na mamaya ang mga pinabili kong damit mo. And you don't have to keep doing that. Walang taong naliligaw dito sa property ko. You can skinny dip all you want. I won't mind, promise." Nakangising itinaas nito ang kanang kamay.
Pinaikot ko ang mga mata. "Tuwa mo lang kung ganon."
He laughed at my expression and pinched my cheek. Hinapit niya ako palapit at ito na mismo ang humawak sa laylayan ng shirt para hindi liparin ng hangin.
"There's a hammock there." Itinuro nito ang mga puno ng niyog sa di-kalayuan. Nagpatianod ako rito hanggang sa marating namin ang sinasabi nitong lugar.
Sa pagitan ng dalawang niyog ay nakabitin ang rattan hammock. Pero hindi doon natutok ang paningin ko kundi sa tanawin sa harap. The long stretch of the wide blue sea is unhampered by any obstacle. Kita ko ang berdeng isla sa bandang kaliwa pati na rin ang ilang mga rock formations sa tabi nito. Wala akong makita na kahit na anong sasakyang pandagat na naglalayag kaya napakapayapa ng ambience sa paligid. Ang tanging pumupuno sa umaga ay ang ingay ng hampas ng dagat at ang huni ng mga ibong na nag-aabang ng mga isda.
"Wow," bulong ko. I surveyed the whole scene before me and marveled at how this could even exist.
Hinatak ako nang mahina ni Maverick paupo sa kandungan nito at yinapos ang bewang ko. Wala na akong nagawa nang tuluyan nang nagdikit ang mga katawan namin. Inayos ko ang nalilis na damit at humigop ng kape. Hinayaan ko si Maverick nang paglakbayin nito ang kamay pababa at pataas sa hita ko. He draw small circles using his fingers on my legs. His other hand began to fumble my breast from the outside. I gasped for breath.
Nanginginig ang kamay na inangat ko ang mug ng kape at humigop.
"Ang aga, Maverick," sabi ko nang maramdaman ang pagtigas ng inuupuan ko.
"Hmmmm." Hinigit pa niya ako palapit at hinawi ang buhok ko sa gilid. Inamoy muna niya ako bago yumuko para halikan ang leeg ko. Napahigpit ang kapit ko sa braso niya at sa hawakan ng mug. Kinagat ko ang labi para hindi kumawala ang ungol. Mabigat na ang paghinga naming dalawa. Mabilis na mabilis ang tibok ng puso nito na ramdam ko mula sa pagkakadaiti ng katawan namin. Mas naging mapusok na rin ang kamay nito nang tuluyan na itong pumasok sa damit ko at naging mapaghanap. Nagsimula itong humaplos sa gilid mg hita pataas hanggang sa matagpuan nito ang singit ko. He started caressing it using his fingers.
Napasinghap na ako sa sensasyong naramdaman at hindi na napigilan ang sariling sumandal sa lalaki para ilapit pa ang sarili. Binubuhay ng maiinit at magaspang na mga kamay nito ang apoy na alam kong nagtatago sa loob.
"Yung kape mo, lumalamig na," sabi ko nang masulyapan ang mug nito.
"Hayaan mo na." Ipinagpatuloy nito ang ginagawang paghalik at pagsipsip sa leeg ko. Ipinikit ko na lang ang mga mata at mas ikiniling pa ang leeg para dito. Nag-iinit na ang katawan ko sa sobrang pagnanasa. Walang nagawa ang malamig na hangin sa apoy na unti-unti nang tumutupok sa katinuan ko.
Iginalaw ko ang puwit at mas idiniin pa ang sarili sa lalaki. Umungol ito at sinagot ako ng mahinang pag-ulos. The movement caused the liquid on his mug to spill off on my arm. Buti na lang at malamig na ito. Napapitlag ako at napalayo sa lalaki.
"What's wrong?" he asked in a voice laden with desire.
Itinaas ko ang basang braso para ipakita rito. "Natapon ang kape mo."
"Napaso ka ba? It's hot." Puno ng pag-aalala ang mukha nito habang iniinspection ang balat ko.
"No, it's not. Malamig na ang kape mo." Akmang ipupunas ko ang braso sa t-shirt nang pigilan niya ako.
"Let me."
Kinuha nito ang braso ko at unti-unting tinuyo gamit ang bibig at dila nito. Titig na titig ang lalaki sa akin habang marahang sinisipsip ang braso ko. Sinalubong ko ang nag-aapoy na mata ni Maverick. Hindi ko na napigilan ang sarili at inabot ang mukha ng lalaki at hinalikan. Mukhang nagulat ito sa ginawa ko kaya hindi kaagad ito nakahuma. I closed my eyes and moved my lips against his. Sinubukan kong gayahin ang ginawa niyang paghalik sa akin kagabi pero bigo ako. His lips were still pressed close tight. I tried biting his lips pero napalakas yata kaya napapitlag ito. Frustrated na tinapos ko ang halik at nag-angat ng tingin sa lalaki. Dumako ang tingin ko sa namumulang labi nito. Muntik ko na siyang masugatan.
"I-im sorry. I don't mean to hurt you."
Walang reaksiyon mula dito. He just sipped from his cup, snatched the mug from my hand and put them down on the sand together with his mug, took me on my nape and kissed me.
Napakapit ako sa kaniyang leeg habang binubuka ang bibig sa mapagparusang halik nito. I tasted the sweet coffee from his mouth. I sucked his tongue to get more of the blended cream and coffeee. Kape ang nalalasahan ko pero bakit parang alak ito na nilalasing ako?
Umirit ako nang humiga ang lalaki sa hammock kasabay ko nang hindi pinuputol ang pagkakahugpong ng aming mga labi. I straddled his hardness while he cupped my butt and squeezed them. Mas isiniksik ko ang sarili sa yakap nito at iginalaw ang ibabang bahagi para salubungin ang lumalakas na paggalaw ng lalaki.
He was about to put his hands inside me when we were interrupted by a growl in my stomach. Tumigil siya sa paghalik sa akin at niyuko ako. I buried my face on his bare chest trying to pacify the erratic beating of my heart.
"I'm hungry," mahinang usal ko.
Pumuno ang malakas na tawa ni Maverick sa paligid. Inayos ni Maverick ang damit ko saka hinagod ang likod ko.
"Ako rin," sagot nito at ikiniskis uli ang katigasan sa akin.
"Magkaiba tayo. Gutom iyong tiyan ko. Sa iyo mukhang iba ang gustong kainin mo."
He laughed again. "You're right."
Sinuklay niya ang buhok ko habang idinuduyan ang hammock. Pumikit ako at ninamnam ang hangin.
"Where are we, Maverick?"
"Hulaan mo."
"Basta nasa Pilipinas tayo. Hindi ko lang alam kung saan."
"Hmmm. You're right."
"Wala kang kuwentang kausap."
"Hindi ka rin kasi fair magbigay ng rating. 6.5? Seriously? I did better than that."
"Why do men tend to have stratospheric egos?"
"It's not ego. It's called being honest and being grateful for the service we provided."
"Whatever. I still think the same."
"Well, I still have a few more days to change your mind."
"Why bother?"
"Why would you want to know why I bother? Just think it's part of me having stratospheric ego."
"Wala akong pakialam. You know what I know now? I'm famished. Kaya pakainin mo na ako. Akala ko kung ano na ang ipapakita mo sa akin. You just brought me here to make out."
Sinuklay ni Maverick ang buhok ko. "Do you know how to cook?"
"No, I hate kitchen."
"I see. I'll cook for us."
"Malamang. Ikaw ang nagdala sa akin dito kaya responsibilidad mo iyan. Hindi kita pinilit na tangayin ako."
Bumuntung-hininga ang lalaki. "Buti pa sa kama, hindi tayo nag-aaway. Doon natatahimik ka. Well, aside from your occasional moans which I love to hear."
"Fuentebella, gutom na talaga ako."
"Right, right." Inalalayan niya ako sa pagbangon at pinulot ang mga mug sa buhanginan. Pinukol niya ako ng tingin.
Umatras na ako nang makita na naman ang kakaibang kislap sa mata nito. "I'm really hungry."
Ngumisi ang lalaki. "Me too pero baka mamaya pa ako makakakain kapag busog ka na."
Inirapan ko ang lalaki at tumalikod na. Dinig ko pa ang halakhak nito bago hinabol ako at hinawakan sa kamay.