Chereads / Thana's blue canvas / Chapter 19 - KABANATA 18

Chapter 19 - KABANATA 18

Adohira's POV

Pagbaba ko ng bus ay kumalat ang buhok ko sa mukha dahil sa malakas na hangin at ang lamig pa. Inayos ko ang buhok ko at naglakad papasok sa university. Dahil siguro malapit na magpasko kaya malamig na ang hangin. Isang buwan na lang December na, ano kayang plano ko sa pasko?

Umiling ako, bakit ba iyon ang iniisip ko. Examination day namin ngayon kaya may hawak akong reviewer na hindi ko naman binabasa, wala lang, display lang para isipin ng mga taong makakakita sa akin na masipag akong mag aral.

Pag akyat ko sa hagdan ay nakasabay ko pa ang prof namin. "Good morning, sir." Bati ko.

"Good morning" napatingin siya sa hawak kong reviewer "madali lang ang exam huwag kayong mag alala." Tumawa ako para kunwari ay sumang ayon ako sa kanya.

Habang paakyat kami ay binubuklat ko ang reviewer ko para ipakita sa kanyang nagrereview nga ako. Hindi naman sa tamad ako at hindi rin ako matalino, alam ko na kasi ang laman ng reviewer.

"Sir, ikaw po ba ang magmomonitor sa amin?" Tuwing exam kasi ay may isang guro ang taga monitor ng bawat year level.

"Oo, ako nga." Hindi naman mahigpit si sir. Ang bawal lang ay ang kumain sa loob ng room.

"Good morning, sir." Bati sa kanya ng kapwa niya guro na nakasalubong namin.

" Pinapatawag tayo ng dean." Sabi niya at umalis.

Humarap naman sa akin si sir "paki dala na lang ito sa room niyo. Pagbalik ko ay magsisimula na tayo." Binigay niya sa akin ang bitbit niyang mga test papers.

"Sige po" umalis na din siya.

Pagbukas ko ng pinto ay nadatnan ko silang naka-kalat sa loob at kanya kanyang basa ng reviewer. Inilagay ko sa mesa ng prof namin ang dala ko at umupo na.

Nasa isang gilid si Jade kung nasaan ang saksakan para makapag charge siya ng phone niya. "Kung sino ang nakareview, sa kanya ako tatabi." sabi niya habang hinihila ang hibla ng buhok niya na aakalain mong may kuto.

"Si Tala naka review 'yan." Sabi ni Kharen na nakalapag sa mesa niya ang reviewer at hawak naman ang cellphone niya.

Hindi siya pinansin ni Tala na abala nga sa pagbabasa.

"Kokopya na lang ako sa inyo." Sabi naman ni Alexa na naka upo sa mesa niya at kumakain ng chocolate at hawak niya din ang reviewer niya.

Bumaling ako sa katabi ko na nakapatong ang ulo sa mesa. Imbes na mag review ay heto at natutulog siya. Dapat ko ba siyang gisingin o hindi?

Simula 1st year ay ganito na siya. Hindi siya nagsusulat sa notebook niya kaya sinusulatan ko na lang siya. Akala nga ng mga kaklase namin ay nasa relasyon kami dahil sa mga ginagawa ko para lang makasabay siya sa mga pinag aaralan namin. Nakakatuwa nga dahil ako ang tumutulong sa kanya pagdating sa academics at tinutulungan naman niya ako sa pagpipinta.

2nd year ay inuubos niya ang oras sa pagpipinta at pagdo-drawing. Minsan nga ay nakakalimutan na niyang kumain kaya ang nangyayari ay buminili ako ng pagkain sa labas kasama sila Alexa, Kharen, Jade at Tala. Sabay kaming kakain sa loob ng art room kaya nagrereklamo sila na hindi na kami sumasabay na kumain sa kanila.

3rd year ay nagsimula na siyang matulog ng matulog. Napapagalitan na siya pero wala lang sa kanya. Sinusuway ko na din siya pero hindi niya ako pinapakinggan. Tuwing matapos ang klase ay ginigising ko siya at sabay sabay kaming uuwi.

4th year, ngayon, hindi na siya nagrereview tuwing exam. Sa bahay siguro nagbabasa siya pero hindi pa Kasi siya nakitang nagrereview dito sa school. Mas pinipili na lang niyang matulog kaysa mag aral at kung minsan ay nasa art room lang siya mag isa habang nagpipinta na mga painting na hanggang ngayon ay hindi niya pa pinapakita sa akin.

"Nag review ako." Napakurap ako ng mata.

Sa pag alala sa mga nangyari dati ay hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya at ganoon din siya.

"Huh?"

"Alam ko ang iniisip mo. Huwag mo akong isipin, hindi naman ako babagsak." Iyon nga eh kahit hindi siya maaral ay hindi naman bumabagsak ang mga grado niya.

"Bakit may sugat ka naman sa mukha?" May mga galos ang pisngi niya at at maliit na sugat sa ibabang labi niya na namumula.

" Wala 'to." Tinitigan ko lang siya at pinalungkot ko ang expression ng mukha ko para masabi niya ang totoo. Bumuntong hininga siya at umayos ng upo.

"Napa away lang ako." Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Ang likot ng mga mata niya.

"Tapos?—Saan ka ba nakatira ngayon? Wala na din 'yung mga magulang mo kaya sino nag aalaga sayo? Bakit hindi mo sinasabi sa akin?ha?" Naiinis na kasi ako sa pa-ulit-ulit na ganito. Papasok siyang may pasa at mga galos sa ibang parte ng katawan niya tapos kapag tinatanung, wala lang daw.

Napatingin sa kamay niyang dahan dahan kinukulong ang palad ko. " Hindi mo ako madadaan sa ganyan. Sagutin mo mga tanung ko." Sabi ko at kinalas ang hawak niya sa kamay ko.

" Bigyan mo ako oras. Sasabihin ko din naman talaga sayo at magagalit ka kapag nalaman mo." Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko at hinayakap ako sa bewang. Napa ikot na lang ang mga mata ko sa ginawa niya.

"Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing malapit ka sa akin nawawala ang pagod ko." Bulong niya.

" Ano ba kasing dahilan ng kapaguran mo? Ano yan? Tatlong taon kang pagod?" Mahina lang ang boses dahil nagrereview sila at ayaw ko din na marinig nila ang pinag uusapan namin. Hindi naman sa ayaw kong malaman nila dahil pati ako ay hindi alam ang sagot.

"May tinatago ka ba sa akin, Mion? Dahil hindi ka na nakakatuwa—"

Umusog siya hanggang makaabot ang bibig niya sa tenga ko "Mahal kita" naiwan sa tenga ko ang mainit niyang hininga. Ilang beses na niyang sinabi sa akin pero nabibigla pa din ako. Hindi pa din ako sanay.

"Respeto sa mga single!" Sigaw ni Jade.

"May nagrereview po dito!" Sabi ni Tala.

"Sakit niyo sa mata!" Pang aasar ni Alexa.

" Nagyayakap pero walang label!" Napatingin ako sa huling sumigaw. Walang iba kundi si Kharen na tumatawa pa.

Bago pa sila may masabing iba ay inalis ko na ang kamay ni Mion at mahina siyang tinulak para hindi siya masyadong madikit sa akin.

Gusto kong ibalik ang pagmamahal niya sa akin ngunit natatakot ako. Sumarado na ang puso ko mula noong nakadama ako ng sakit. Sakit na halos maglakad ako gamit ang aking mga tuhod. Sa totoo lang hindi ko na kayang may mawalan ng mahal sa buhay dahil ikababaliw ko iyon. Hangga't maaari ay iiwasan ko siyang masaktan at papaasahin kahit na doble ang sakit na nararamdaman ko.

"Mion..." Tawag ko sa kanya kasi nasubsob na naman ang mukha niya sa mesa.

"Hmm..." pinaglalaruan ko ang buhok niya.

"Gusto ko na maging totoo tayo sa isa't isa."

Umupo siya ng tuwid "putang ina" dahil sa sinabi niya ay hinampas ko siya. Umiling siya at muling pinatong ang ulo sa mesa. Hinayaan ko na siya.

Bumalik sa upuan si Jade bitbit ang cellphone niya. "Kokopya na lang ako. Ang hirap—" itinikom niya ang bibig dahil bumukas ang pinto at pumasok ang prof namin. Umayos ng upo ang iba at tinago na ang mga reviewer. Tinapik ko sa balikat si Mion.

"Good morning, class. May meeting kanina kaya late ako. Anyway, ready na kayo sa exam niyo?" Nagpupunas pa siya ng pawis niya.

" Yes, sir!"

"Ang kunti niyo lang kaya 5 seats apart para iwas kopyahan." Rinig ko ang pag singhap nila. " Sige na, galaw galaw para makapag start na kayo. Tumatakbo ang oras." Nagsitayuan na kami dala ang aming bag at umupo sa bawat pang anim na bilang sa upuan.

Pagbigay sa amin ng test paper ay nagkanya kanyang kamot sa ulo. Nakita ko ang pagkalabit ni Kharen kay Alexa at akala ko kokopya, hihiram pala ng ballpoint pen. Para sa akin hindi ito masyadong mahirap dahil sobrang hirap, napapala ng hindi nagrereview na ginagawang display ang reviewer.

Pagkatapos ng exam namin ay nagbukas sila ng bag at inilabas ang copy ng reviewer para tingnan kung may nakuha ba sila.

"Sabi na nga eh! Tama 'yung sagot ko kanina pinalitan ko pa lang!" Nanlulumong bigkas ni Alexa. " Kainis!" Tinupi niya ang reviewer at binalik sa bag niya.

" Oh Kharen, anyare sayo?" Tanong ko sa kanya kasi kanina pa siya nakatitig sa reviewer at nagkakamot ng ulo.

"Feeling ko walang tamang sagot 'yung question sa number 18." Sabi niya.

"Meron" sabi ko. Hindi rin ako sigurado. Gusto ko lang siyang asarin.

Tumingin sa akin si Jade at nagpalitan kami ng makahulugang tingin. "Hindi kasi nagbabasa ng tanong. Reading comprehension kasi." Pagsang ayon sa akin ni Jade. Natawa sila Tala at Alexa kaya umikot na naman ang mga mata niya.

"Basta ako sure ako part 1, ewan ko lang sa part 2 at 3 kasi parang marami akong mali doon banda." Saad ni Jade habang naglalakad pabalik sa upuan niya.

" Anong oras 'yung susunod?" Tanong ko sa kanila.

"Mamayang 1 o'clock pa. Punta tayo sa cafeteria." Sabi ni Tala.

" Tinatamad akong bumaba." Sabi ko at bumalik na din sa upuan ko. Sumunod naman sa akin si Mion.

"Tara!" Aya niya sa tatlo. Lumabas na sila at naiwang tahimik ang room.

"Bakit hindi ka sumama sa kanila?" Nakapatong ang ulo niya ulit sa mesa pero ngayon ay nakatingin siya sa akin.

"Wala lang. Nasagutan mo ba lahat ng question sa exam?" Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatitig sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil hindi na ako nagiging komportable sa kanyang titig.

"Mahal kita." Napasandal ako sa upuan at ginantihan ang titig niya.

"Hindi ko alam kung seryoso ka o hindi pero kung totoo man 'yang mga salita mo hindi tayo pareho ng nararamdaman, Mion." Malinaw kong nakita ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata. "manatili tayong magkaibigan at walang mawawala sa atin." Ginaya ko ang pwesto niya. Ipinatong ko din ang ulo ko sa mesa at humarap sa kanya.

"Bakit wala silang carbonara ngayon?" Mabilis akong umupo ng tuwid nang marinig ko ang boses nila.

" Kung kailan naman gusto ko saka naman wala." Malungkot na naupo si Alexa. May hawak silang tag iisang styrofoam at bottled water.

Ilang oras ang nakalipas at dumating na ang prof namin para masimulan na ang exam namin 2nd subject. Bumalik kami sa 5 seats apart at nagsimula na. Hindi kami maka focus dahil may pinapanuod ang prof namin at naka connect ito sa maliit na speaker na dala niya kanina.

Pagkatapos ng lahat ng exam namin ay hindi muna kami umuwi. Andito lang kami, naka upo. Maaga pa kasi at wala naman ng gagawin sa uuwian namin.

"Sabog pa ako utak ko." Sabi ni Tala.

"Hindi naman tayo babagsak kahit mababa ang makukuha nating score." Sabi ko sa kanila.

Kalahating totoo dahil hindi naman malaki ang epekto ng exam namin sa grade at kalahating kasinungalingan dahil kung mababa na nga grades mo tapos bagsak ka pa sa exam, ewan ko na lang.

"Wow! Lakas ng loob, Hira. Hindi naman nagreview. " Nagkibit balikat ako sa sinabi ni Kharen.

"Hello!" Bigla na lang pumasok si Vera sa room namin at may kasama na naman siya.

"Oh, ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Wala kasi akong magawa kaya naisipan kong pumunta dito." Sagot niya "nagkasalubong kami ni Ashia tapos tinanong niya ako kung saan ako pupunta at sabi ko dito sa inyo tapos gustong sumama." Dagdag niya.

" I hope you don't mind my presence. Aalis din ako later, may gagawin pa kasi sa club." Paliwanag nito.

"Bakit hindi ka pa lang umalis ngayon?" Saad ni Jade. " Aray!" Hinila kasi ni Kharen ang buhok niya. Medyo hindi kasi magandang pakinggan ang sinabi niya.

"Hindi pa kayo uuwi?" Tanong ni Vera.

"May gagawin pa daw sa club niyo bakit uwian ang tinatanung mo?" Lumapit sa akin si Vera at lumingkis sa braso ko. Alam ko ang ibig sabihin nito.

"Anong kailangan mo?" Tiningnan ko siya.

"Hihiram ako ng pera" sabi niya saka nag ngiting aso.

"May nakita kasi ako sa online selling at gusto kong bilhin pero kulang pera ko." Tumingin siya kay Ashia kaya napatingin din ako "buti pa nga si Ashia nakabili eh." Kenokonsensya niya pa ako.

" Gusto ko eh kaya kinuha ko." Sabi niya habang nakatingin kay Mion na walang pakialam sa nangyayari. Bakit parang may ibang kahulugan ang sinabi niya.

"Sige na, Hira. Gusto ko talaga 'yun eh." Niyuyugyug na ni Vera ang braso ko.

"Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo." Napatingin sa akin si Ashia. "At kung alam mong hindi para sayo, huwag mong kunin." Madiing bigkas ko.

Nagpalit palit ng tingin sa amin si Vera.

"Teka, tungkol pa rin sa gusto kong bilhin 'yung pinag uusapan niyo diba?" Titingin siya sa akin at sunod kay Ashia at babalik na naman sa akin.

" Oo naman." Sabi ko at ngumiti.

Tama lang ba ang ginawa ko? Ang sabi ni Mion na mahal niya ako ngunit hindi pa ako handa kaya tama ba na ipagdamot ko siya?

__________________________________

life isn't about black and white ,look around and you will see that the world is much more colorful than you thought.