Chereads / Thana's blue canvas / Chapter 18 - KABANATA 17

Chapter 18 - KABANATA 17

Adohira's POV

"Ikaw na kumatok"

"Ikaw na ah. Ikaw nasa harap."

" Ako kakatok pero kayo magsasalita."

" Si Kharen ah!"

" Si Jade kaya!"

" Ikaw na lang Alexa."

" Ano ba 'yan!"

"Tala, ikaw na nga!"

"Utot niyo!"

Nagtutulukan sila kung sino ang unang papasok sa office ng prof namin. Ngayon Kasi namin ipapasa ang painting namin at ang sabi niya ay sa office niya kami pumunta. Nasa harap ng pinto ang apat at nanatili lang kami sa likod ni Mion na humihikab pa habang nakasandal sa pader.

"Anong oras ka natulog kagabi?" Tanong ko .

" Hindi ako natulog." Inilipat niya sa kanang kamay ang canvas at ipinasok sa bulsa ng pantalon ang kaliwang kamay.

" Bakit?"

" Hindi ako makatulog." Aasa pa ba akong may makukuha akong matinong sagot?

Sa pagtitig ko sa kanya ay napansin ko ang maliit na bahid ng dugo sa bandang tiyan ng damit niya. "Ano 'yan?"

Tiningnan niya din "mantsa" sinusukan niyang alisin gamit ang daliri ngunit hindi matanggal.

"Sigurado ako na ikaw ang naglalaba ng damit mo." Tumigil siya at tumingin sa akin.

" oh, ano?" Nginisihan ko siya.

"Alam mo kung saan ka nababagay?"

"Saan?"

" Sa washing machine. Sarap mong paikutin eh." Pagkasabi niya ay umalis siya sa harapan ko.

" Oy! Galit ka?" Hinabol ko siya pero pumasok siya sa office ng prof namin kaya sumunod na din ako sa loob.

"Good morning, sir" bati ko. Siniko ko pa si Mion para sabihing bumati din siya pero hindi siya nagsalita.

"Good morning" Sabi ng prof namin. Bumukas ang pinto at sunod sunod sila na pumasok.

" Ipa-pass na po namin 'tong painting namin." Sabi ko.

" Sige, lagay niyo sa table" una kong pinatong ang akin at kinuha ko ang kay Mion para sunod na ilagay. Kanya kanyang lagay na din sila.

"Wala na tayong gagawin. Gala tayo?" Sabi ni Kharen na nangunguna sa paglalakad.

"Kharen mukhang gala." Sabi ni Alexa.

Humarap sa amin si Kharen "Alexa mukhang tanga" dahil sa sinabi niya ay hinabol siya ni Alexa para batukan.

"Hindi ako pwedi, guys. May assignment ako sa club namin." Nakangusong sabi ni Jade.

" Anong assignment?" Tanong ni Tala.

" Photoshoot para sa Christmas theme. Sige, bye bye!" Kumaway siya sa amin at umalis na.

"Oy, ano? Sunflower maze tayo?" Tumatalong aya niya.

"Libing ka kaya namin doon." Sabi ni Tala.

" Oo nga, sakto may bulaklak na." Segunda naman ni Alexa.

Inakbayan ako ni Mion " May pupuntahan kami ni Hira" Sabi niya.

" Saan?" Tanong ni Tala.

" Sa noo mo." Ang bungisngis nila unti unting naging halakhak kaya pinagtitinginan kami ng ibang department na nakatambay sa mga bench.

" Oy, tara na ah. Punta na tayo sunflower maze. Hayaan niyo na yang dalawang 'yan, matanda na sila."

" May sasakyan tayo, Kharen? Ha? Ang mahal mahal ng pamasahe papunta doon."

" Epal ka, Alexa."

Mukhang alanganin na matutuloy kami sa pagpunta doon kaya nag isip na ako ng palusot. " Hindi rin ako makakasama. May pupuntahan kami ni Vera mamaya." Naglabas ng suklay si Kharen at sinuklayan ang buhok niya.

"Tumatayo na baby hair mo sa inis. May bibilhin siyang magazine at gusto niya kasama niya akong pumili." Inikutan niya ako ng mata at ibinalik sa bag niya ang suklay.

"Oo na! Punta na lang tayo sa Mall, Alexa at Tala." Umarte pa siyang nagtatampo.

" Anong gagawin natin doon?" Tanong ni Alexa.

" Magpapalamig" hinila niya si Tala sa kamay at lumingkis siya sa braso ni Alexa.

"Wala akong sinabi na sasama ako." Rinig ko pa ang pagtanggi ni Tala.

" Basta" Ganoon sila hanggang sa makalapit sila sa gate pero hinarang sila ng gaurd.

Tumalikod kami ni Mion at pumunta kung saan kami dadalhin ng mga paa namin.

" Punta tayo sa building nila Vera." Sabi ko. Wala din kasi kaming magawa at mapuntahan.

Nagkibit balikat siya "baka lang naman wala din silang ginagawa?" Akala ko papayag siya pero umiling siya.

" Huwag mong sabihin na tatambay Tayo sa art room?" Hindi siya nagsalita at nanguna ng naglakad kaya sumunod na lang ako.

"Hira!" Dumating na ang hinihintay ko. Boses pa lang niya kilala ko na kung sino. Ngiting aso kong hinarap ang tumawag sa pangalan ko pero agad ding napawi dahil may kasama siya.

Nang makalapit siya sa akin ay hinawakan niya ang balikat ko "Sabi na dito kita mahahanap eh. Kailangan ko ng tulong mo." Sabi niya habang habol habol ang hininga.

" Yeah, we need someone's help ." Sabi ni Ashia.

" actually, we can do it with our own naman but Vera insisted that you could help us para mas maganda daw ang finished product." Labag pa ata sa puso niya na humingi ng tulong sa akin.

" Ano ba 'yon?" Tanong ni Mion.

" Face paint"

" Ano?"

"Face paint nga, pakulo ng prof namin. Sarap pa-inumin ng pintura eh."

" Para saan? "

" Mion 'wag na maraming tanong. Babayaran na lang namin 'yung mga magagamit niyong pintura. " Binuksan niya ang pinto ng art room namin at pinapasok ang sarili. Hindi naman makapal mukha niya.

"Halika ka na, Ashia." Umupo na sila habang kami naman ni Mion ay nilabas ang mga pintura at mga brush.

"Anong design ba?" Tanong ko habang binubuksan ang mga lata ng pintura.

" Kahit ano basta 'yung related sa Christmas." Sabi niya. Ako ang mag aayos kay Vera at si Mion naman ay kay Ashia.

Naglagay ako ng puting base sa buong mukha niya at gumawa ako ng lupa na natatakpan ng snow mula sa kaliwang pisngi patungo sa kabila. Nilagyan ko din ng ilang hibla ng damo para hindi patay tingnan. Gumuhit ako ng snowman sa gilid at isang snowball sa tungki ng ilong niya. At ang panghuli ay nilagyan ko ng mga snow na kunwari ay nahuhulog galing sa ulap. Pagkatapos ko ay tumingin ako sa mukha ni Ashia. May Christmas tree ang isang pisngi niya, ang cute. Ang seryoso ng mukha ni Mion.

"Wait" itinaas ni Ashia ang isang kamay niya para patigilin si Mion at tiningnan ang sarili sa hawak na maliit na salamin.

"Wow! You're good pala talaga. What's your name again?" Hindi ko nagugustuhan ang paraan ng pagsasalita niya.

"Is it finish na?" Binaba niya ang salamin at kay Mion naman tumingin.

" 'yung star na lang sa Christmas tree." Sabi ni Mion at itinuloy ang pagpipinta.

" What's your name? Sorry, I forgot kasi. It is Ian?" Hindi siya kinakausap ni Mion.

" oh wait, it's start with letter N? Right ?"

" Tapos na. " Sabi ni Mion.

" Thank you, —" umalis si Mion papunta sa sink at hinugasan ang kamay niya.

Inayos ko na din ang nagamit kong pintura at inilagay sa tabi na hindi ito matatapon " Bakit ka nagpapapansin sa kanya? Crush mo siya no?" Mahinang tawa lang niya ang narinig ko.

" Akin na nga 'yang salamin." Kinuha ni Vera ang salamin sa kamay ni Ashia at tiningnan din ang mukha.

Habang ibinabalik sa panglagyan ang mga brush ay napansin kong umaapaw na ang trash can namin dito sa loob ng art room. Kinuha ko ito at naglakad palabas ng art room.

"Saan ka pupunta, Hira?" Tanong ni Vera.

"Tapon ko lang ito" pinakita ko sa kanya ang bitbit kong trash can.

"Can I go with you?" Tanong ni Ashia.

"Kailangan na nating bumalik sa klase babae." Sabi ni Vera.

" Saglit lang. Give me a sec." Lumapit sa akin si Ashia "let's go." Siya pa ang nagsara ng pinto.

Ang awkward para sa akin Kasi pareho kaming tahimik habang naglalakad. Ang layo pa ng pagtatapunan dito dahil sa likod ng building tinitipon ang mga basura at sinusunog ng mga taga linis ng campus.

"Close ba kayo ni Mion?" Bakit si Mion ang tinatanong niya.

"Oo" sagot ko.

"Boyfriend mo?"

"Hindi."

" May girlfriend ba siya?" Bakit ba ang dami niyang tanong tungkol kay Mion?

"Wala."

"Gusto ko siya." Naikoyum ko ang mga palad ko.

" Hindi naman siguro 'yon problema para sayo. Hindi mo siya boyfriend at wala din siyang girlfriend." Hindi na ako nagsalita kaya naging tahimik ulit ang paglalakad namin.

"You know..." Basag niya sa katahimikan.

"I'm not angry... anymore. Ahm..." Huminto siya at humarap sa akin kaya napahinto din ako.

" Let's just forget the past. Kinalimutan ko na kasi. Kinalimutan ko na lahat." Bigkas niya habang nakatitig sa akin.

" Ikaw kung anong gusto mong gawin. Desisyon mo 'yan. Buhay mo 'yan." Hindi rin kasi ako sigurado kung ano ang dapat gawin sa sitwasyon. Tinuloy ko ang paglalakad.

"Alam mo na naiinggit ako sayo, Hira." Nanatili pa rin siyang nakatayo doon "The way you speak, your friends around you...gusto ko lang maranasan ang maging special sa iba. Gusto kong maranasan ang buhay na mayroon ka. Gusto ko din magkaroon ng kaibigan." Sa huling sinabi niya ay napahinto ako at nilingon siya.

"Gusto mong magkaroon ng kaibigan?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

" Ako? Hindi mo ba ako kaibigan? O hindi mo ako tinuring na kaibigan?"

" Matagal na akong nagsawa na maging kaibigan mo dahil ikaw na lang palagi ang bida at palagi mo na lang akong anino." Humakbang siya papalapit sa akin.

" Tanda mo noong nasa ampunan pa tayo? Walang pumipili sa akin, alam mo kung bakit? Dahil sa tuwing may gustong umampon sa akin bigla kang lilitaw kaya ang atensyon nila ay nababaling sayo imbes sa akin." Bumibilis ang pagpintig ng puso ko.

" Anong gusto mong palabasin?" May namumuong galit sa dibdib ko kaya ibinaba ko ang hawak kong trash can.

" Ako dapat ang inampon ng babaeng 'yon. Ako dapat ang nasa kalagayan mo ngayon. Ako dapat ang kasama ni Mion ngayon at ako dapat ang may maraming kaibigan ngayon. Ako dapat ang—" mas lumapit ako sa kanya.

" Itigil mo na ang pagiging ilusyonada mo. Hindi mo makakamit ang buhay na meron ako dahil magka iba tayo." Madiing bigkas ko. Kung alam niya lang ang naranasan ko.

" Akala mo madali ang buhay ko? Hindi ako kailanman naging prinsesa, Ashia. Sana nga ikaw na lang talaga ang pinili niya dahil punong puno ako ng galit at malapit na akong sumabog kaya huwag na huwag mong gigisingin ang galit ko." Hindi siya nakapagsalita. Pinulot ko ang trash can at nagmadaling lumayo sa kanya.

Pero huminto ako Kasi may naalala ako. Hinarap ko ulit siya "alam mo tinuring kitang totoong kaibigan pero ang turing mo naman sa akin ay kalaban. Tama ka nga kalimutan na natin ang nakaraan." Pagkatapos kong sabihin ang mga gusto kong sabihin ay iniwan ko na siya doon. Magtatapon lang ng basura kailangan pang magdrama.

Nakarating ako sa likod ng building kaya ibinuhos ko na ang laman ng trash can at dali daling umalis dahil napaka baho dito. Dumaan ako sa ibang daan pabalik dahil baka andoon pa din nakatayo at umiiyak. Hindi ko sinasadyang masabi ko sa kanya ang salitang nabitawan ko.

"Ang tagal mo!" Salubong sa akin ni Mion pagbukas ko pa lang ng pinto.

" Asan si Vera?" Tanong ko at inilagay sa gilid ang trash can.

"Umalis na." Umupo ako sa tabi niya. "Bumalik na sa building nila."

"Oh" may iniabot siya sa akin sa nakasarang palad niya.

"Ano 'yan?"

"Pera" Sabi niya.

"Bakit mo ako binibigyan ng pera?"

" Bayad nila para sa pintura." Pinalo ko ang braso niya.

" Bakit mo naman tinanggap? Hindi naman marami ang nagamit nating pintura sa mukha nila. Akin na nga 'yan." Kinuha ko ang pera sa kanya.

"ibabalik ko ito sa kanya." Pagtingin ko ay 200 pesos ito. 100 pesos bawat isa, siraulo talaga itong lalaking ito. Pinasok ko sa bulsa ko ang pera.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinatong ang ulo niya sa balikat ko. "Pagod ako" Sabi Niya na ipinagtaka ko.

"Saan ka naman napagod?" Hindi siya sumagot pero humigpit ang paghawak niya sa kamay ko.

"Magpahinga ka" hinaplos ko ang pisngi niya gamit ang isa kong kamay na hindi niya hawak at pinatong ko din ang ulo ko sa ulo niya.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa buhay niya dahil hindi na siya nagsasabi sa akin. Tuwing kaming dalawa lang ay palagi siyang nagrereklamo na pagod na daw siya at kapag tinanong ko naman ay hindi siya sumasagot.

Humupa na din ang galit ko kanina at sana hindi na 'yon maulit pa.

"Adohira..." Inalis ko ang pagkakapatong ng ulo ko sa kanya at sinilip ko kung gising ba siya ngunit nakapikit ang mga mata niya.

"Mahal kita..." Napatitig ako sa magkahawak naming kamay at napalunok. Tama ba ang rinig ko?

__________________________________

Whoever wants to know something about me, they should look attentively at my pictures and there seek to recognise what I am and what I want.