Chereads / Thana's blue canvas / Chapter 16 - KABANATA 15

Chapter 16 - KABANATA 15

Adohira's POV

Apat na taon ang nakalipas

June 27

"Oh" iniabot ko sa kanya ang mga photocopy ng reviewer namin para sa 4th semester examination.

"Ano ito?" Kinuha niya ngunit ang mata ay nasa canvas pa din.

"Reviewer" tumabi ako sa kanya at pinagmasdan ang painting na ginagawa niya.

"Para saan?" Tukoy niya sa binigay ko.

"May exam kasi sa impyerno at kapag hindi ka nakapasa masusunog ka."

Tumigil siya at bumuntong hininga " Iwan mo na nga lang ako. Wala ka namang naitutulong" wika niya.

" Sige" Lumabas ako sa art room namin at pumunta sa mismong classroom namin.

Nakakrus sa aking dibdib ang aking mga braso habang paakyat ng hagdan nang makasalubong ko si Vera. Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya. Si Vera ay kumuha ng communication arts. Gusto niya daw maging reporter o journalist.

"Anong ginagawa mo dito sa teritoryo namin?" Nasa kabilang building Kasi ang classroom niya.

"Sinisilip mo na naman siguro crush mo, ano?" Namula ang mukha niya kaya natawa ako. May crush Kasi siya sa lalaking nasa animation na nasa 3rd floor ang room.

"Magtigil ka nga. Alis na ako. Kita na lang tayo mamaya" tumakbo siya pababa ng hagdan.

" Bye" nagpatuloy ako sa pag akyat. Nasa 2nd floor ang room namin kaya hindi pahirapan ang pag akyat.

4th year na ako at kumuha ako ng kursong fine arts. Akala ko mahirap pero mas mahirap pa pala sa inaakala ko. Hindi naging madali ang unang taon ko ng pag aaral dahil hindi ako marunong mag drawing, mag paint at sa sculpture. Sa pangalawang taon ay medyo naging madali na ang pagpipinta para sa akin dahil nagpursigi akong matuto at sa pangatlong taon ay natambakan kami ng papel para basahin ang mga theory tungkol sa kurso namin at mga kilalang tao sa nakaraan na konektado sa kurso namin at mga mahuhusay na tao sa larangan ng sining. Ngayong huling taon namin ay hinayaan kami ng professor namin na gawin kung ano ang gusto naming gawin.

Tuwing naiisip ko na sumuko na lang binabalikan ko ang dahilan kung bakit ako nandito at kung bakit kailangan kong magpatuloy sa laban na ako lang ang nakakaalam. Sa ilang taong nakalipas ay alam kong may nagbago sa akin, malaki.

"Hira!" Kakapasok ko pa lang sa room ay sinalubong na ako ni Jade.

" Oh, bakit?" May bitbit siyang maliit na canvas at tatlong paint brush.

"May tao na ba sa art room? Kanina kasi pumunta ako nakasara pa."

" Meron na" Sabi ko.

" Salamat" lumabas na siya. Si Jade magaling din naman magpinta pero kailangan niya pa ng unting practice at photography ang club na sinalihan niya simula 2nd year kami.

Maluwang itong room namin kasi anim lang kami dito. Sobrang dami namin noong 1st year pero habang natatapos ang taon ay unti unti din kaming nababawasan. Ang dahilan ng iba ay hindi daw para sa kanila, napilitan lang daw sila, hindi daw nila kaya at marami pang dahilan na kunwari ay naniniwala kami.

"Hira, nakita mo ba si Mion?" Tanong sa akin ni Alexa.

" Nasa art room" Sabi ko.

" May hiniram siyang brush sa akin eh at hindi pa niya binabalik"

" Anong brush?"

" Iyong number 6"

" Ginagamit niya pa. Sabihin ko na lang na ibalik niya sayo iyon."

Si Alexandria o Alexa ay isang uri ng estudyanteng sumasabay lang sa agos ng mga nangyayari pero may pangarap. Hindi ko alam kung paano siya nakaabot ng 4th year at walang sinalihang club.

"Hira, patulong nga ako" lumapit sa akin si Kharen at pinakita ang drawing niya.

"mukha bang may buhay?"

"Pwedi nang pagkapehan" Sabi ko at tumawa.

" ayusin mo kasi ang shading mo. Subukan mong gamitin iyong 7B sa parteng ito at 2H naman dito." umalis siya harap ko na naka simangot.

Si Kharen na drawing ang kahinaan. Walang panga1rap pero nagsisikap. Hahanapin niya pa daw ang sarili niya.

Napatingin ako sa harapan ko kung saan naka upo ang babaeng umuusok na ang ulo sa inis habang pinupunit ang sketch book niya pagkatapos ay sinubsob ang mukha sa mesa.

Ito si Tala na mabilis mainis kapag hindi maganda ang nagagawa niya. May pangarap kaya nagsisikap na maging perpekto ang mga gawa niya.

Pumasok si Mion at umupo sa tabi ko "tapos mo na?" kumuha ako ng tissue at alcohol sa bag ko at binigay sa kanya.

Binasa niya ng alcohol ang tissue"Malapit na" sabi niya habang pinupusan ang mga pinturang nasa kamay niya.

"May hiniram ka bang brush kay Alexa?"

" Hmm"

" Ibalik mo agad pagkatapos mong gamitin." Paalala ko.

Noong 1st year kami nagulat ako kasi kaklase ko siya. Wala kasi sa hitsura niya na marunong pala siyang mag pinta. Tinanung ko siya kung bakit ito ang napili niya at ang sagot niya lang ay kasi sabi daw ng sarili niya.

Binigyan kami ng task ng prof namin, pruweba daw iyon kung talaga daw bang may natutunan kami at kung anong kaya naming gawin. Kailangan naming magpinta, sariling ideya at sariling gamit ang gagamitin. Bago matapos ang buwan ng June ay dapat tapos na namin.

Pumunta ako sa locker namin na nasa likuran ng room namin para ilabas ang gawa ko. Ang ginawa ko ay isang mukha ng babae tapos ang buhok niya ay ginamitan ko ng kakaibang kulay dahil ito ang magsisilbing emosyon niya. Kinuha ko ang mga brush ko at naglakad palabas ng room.

"Hira, saan ka pupunta?" Tanong ni Alexa.

"Sa Art room. Sama ka?" Tumango siya at dinala din ang mga gamit niya.

"Ang boring" Sabi niya pagkalabas namin sa pinto.

" Akala ko din sasaya tayo dahil hindi na magtuturo ang mga prof natin."

" naka review ka na?" Tanong niya.

" Hindi pa, katamad" sagot ko.

" Parehas tayo"

Pababa na kami sa hagdan nang makasalubong namin ang mga taga ibang school dahil sa uniform nila. Wala kasi kaming uniform dito tanging ID lang.

"Taga saang school sila?" Tanong ko.

"Libertine University" Sabi ni Alexa. Narinig ko na may Fine arts din sa university na iyon.

"Saan yun?" Tanong ko.

" Kabilang bayan"

Hindi na namin sila pinag usapan pa at tumungo na sa Art room. Pagpasok namin ay si Jade lang ang nasa loob. Umupo ako sa tabi ni Jade at sa kabila Naman si Alexa. Ipinatong ko sa easels ang canvas at naglagay ng colours sa palette. Acrylic ang gamit ko dahil mabilis itong matuyo. Nakita kong may inilabas na tape si Alexa at nilagyan ang canvas niya. Malaking tulong din ang tape para hindi lumagpas ang mga colours.

Nakasuot ng earphone si Jade habang inaayos ang mga petals sa painting niya. Flower vase ang kanya na may mga bulaklak at nakapatong sa mesa. Ang kay Alexa naman ay parang mga building na ewan. Ang sa akin naman ay halos tapos na pero may mga parte lang na kailangan ayusin ang kulay.

"Hindi pa kayo nag aya!" Nagulat kami sa taong biglang nagsalita.

" nyemas naman" inis na tinanggal ni Jade ang earphone niya at hinarap ang taong sumigaw.

"Huwag ka ngang nanggugulat, Mion. Muntik ko nang masira ang painting ko." Nakita ko sa painting niya na nagkaroon ng kaunting lagpas. Maliit lang naman, hindi naman masyadong halata.

"Pasensya" Sabi ni Mion at umupo sa tabi ko.

"Wala ka bang gagawin?" Tanong ko sa kanya.

" Wala" sabi niya.

" Tapusin mo na sayo. Malapit na deadline"

"Maya. Wala pa akong gana. Panunuorin muna Kita." Hinawakan niya ang ilang hibla ng buhok ko at pinaglaruan.

" ang haba na ulit ng buhok ko. Huwag ka ng magpagupit ng maiksi." Noong 1st year Kasi kami ay hanggang balikat ang buhok ko dahil pinagupitan ko ulit ito.

"Binabalak ko na nga eh pero parang ayaw ko na din magpagupit" minsan naiisip kong magpagupit pero nakakalimutan ko at minsan ay wala na akong oras.

" Ang galing mo na ah" napangiti ako sa sinabi Niya.

(Flashback)

"Paano ba ito?" Tanong ko sa sarili habang kagat kagat ang brush para pigilan ang sarili sa pag iyak. Ngayon lang ako nakaramdam ng awa sa sarili at mawalan ng pag asa.

Napahiya ako sa klase kanina dahil hindi ako marunong magpinta kaya pinahiya ako ng prof namin. Hindi ko alam maghalo ng mga kulay tapos hindi pa ako marunong gumawa ng base. Talagang nakakawalang gana mag aral.

Kaninang uwian ay nagpa iwan ako dito sa art room namin para mag practice pero ang nagawa ko lang ay walang katapusang reklamo at malapit na din akong umiyak sa harap ng blankong canvas ko. Kinuha ko ang brush na kagat kagat ko at isinawsaw sa mga kulay na nasa palette na hawak ko sa kaliwang kamay.

Sa pagpahid ko ng linya sa canvas ay hindi ko napigilang maiyak. Sumabog na ako. Pressure at stress ang nararamdaman ko sa mga nakaraang araw hanggang ngayon.

"Iyakin ka pa rin hanggang ngayon" nakasandal sa pintuan si Mion habang nawiwiling pinapanuod ang paghihirap ko.

"Hindi ko alam" Sabi ko at mas lalong napa iyak. Gabi na at gusto ko ng umuwi.

Lumapit siya sa akin at pinunasan ang mukha ko gamit ang damit niya. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at sinimulan niyang magpinta. Sa gabing ito para kaming nagsasayaw sa malambing na musika gamit ang brush. Nasa likod ko lang siya at rinig ko ang pagtibok ng kanyang puso na parang payapang alon sa karagatan. Sa bawat paglikha ng bagong imahe sa canvas ay parang isang paglalakbay na sa huli ay babalik din kung saan nanggaling.

Tinuruan niya akong magpinta hindi lang sa gabing iyon dahil sa mga sumunod na gabi ay nagpatuloy pa iyon. Kakaibang pakiramdam dahil parang nakabuo kami ng aming mundo dahil sa pagpipinta.

Nagkaroon kami ng kasunduan na kapag natapos ko ng maayos ang painting ay ititigil na niya ang pagmumura niya kaya talagang tinapos ko ito.

"Marunong ka na. Hindi mo na kailangan ng tulong ko." Iyon ang sinabi Niya nang ipakita ko ang aking nagawa sa tulong niya.

"Huwag mong kalimutan ang kasunduan natin." Tumango siya bilang pagsang ayon.

(End)

"Salamat sayo" Sabi ko.

Tiningnan ko ang kabuuan ng gawa ko at tapos ko na. "Tapos ko na!" Sigaw ko at itinaas pa ang dalawang kamay.

"Tapos ko na din." Sabi ni Jade.

Tumingin kami kay Alexa " hindi ko pa tapos" aaminin kong medyo hindi ko maintindihan ang gawa niya. Siguro may magandang mensahe iyan.

"Anong oras na?" Tanong Niya sa amin.

"5:45" sagot ni Jade.

"Bukas ko na nga lang ito itutuloy." Sabi niya at nagsimulang mag ayos ng gamit. Pinulot ni Mion ang mga gamit ko at siya na rin ang nagbitbit ng canvas.

Pagbalik namin sa room ay naabutan kong nasa loob si Vera. Hindi na din siya iba sa amin dahil kilala nila siya. Nakasanayan namin na sabay sabay kaming uuwi dahil sa pagiging kunti namin ay naging malapit na kami sa isa't isa.

Ipinasok nila sa locker ang mga gamit at lumabas na kami ng room. Nakakapit sa akin si Vera at nasa tabi ko naman si Mion. Dati inaasar ng ibang department na bakla daw si Mion dahil siya na lang ang natitirang lalaki sa amin. Hindi nakapag timpi si Mion ay nagsimula ng away. Nagkaroon siya ng pasa sa mukha na ako ang naggamot. Bawat lagay ko ng gamot ay diniinan ko na siyang ikinangiwi ng mukha niya. Todo reklamo siyang masakit pero hindi ko pinapansin.

Nang makalabas na kami ng gate ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Magkakaiba kasi kami ng bahay pero kami ni Vera ay tumutuloy sa apartment sa tapat lang ng school. Si Mion naman ay wala akong ideya kung saan siya tumutuloy, hindi rin Kasi siya nagsasabi tungkol sa buhay niya. Minsan pumapasok siyang may pasa sa mukha pero kapag tinatanong ko siya ay huwag ko na lang daw pansinin.

"May bagong transferee kanina" sabi ni Vera pagkapasok namin sa apartment.

" 1st year, kinukuha ng mga club officers ng journalism sa school."

"Sino?" Nilagay ko sa study table ko ang bag ko at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

"Rinig ko Ashia ang pangalan niya." Napatigil ako sa pag inom nang marinig ko ang pangalan niya.

"Anong pangalan niya ulit?"

"Ashia" pumunta ako sa kama at naupo habang hawak hawak ang baso.

"Bagong target ng mga lalaki kasi ang ganda Niya. Ang dami ngang nagpapa picture sa kanya kanina eh, akala mo kung sinong artista." Gusto ko siyang makita ulit. Ilang taon na ang nakalipas. Ano na kayang hitsura niya ngayon? May umampon na kaya sa kanya?

Kung nasa building siya nila Vera, ibig sabihin ay communication arts din ang kurso niya. Napangiti ako, tinutupad niya ang pangarap niya.

"Parang sira. Anong nginiti ngiti mo diyan?" Umiling lang ako at bumalik sa kusina.

__________________________________

I've come to learn that no matter the road you're traveling on nor how difficult it may be, it will always lead you to where you're supposed to go and to the people you're supposed to meet.