Adohira's POV
Nakabihis na ako simpleng black pants, comfy na white hoodie na may design na maliit na red Christmas tree sa gilid at sapatos na black converse. Hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba kong buhok. May dala akong maliit na backpack para may panglagyan ako ng ireregalo ko Kay kit. Hindi na ako kumain ng agahan at naglakad na ako palabas ng bahay. Kaunting lakad lang naman ang kailangan para marating ko ang bus stop.
Nang dumating na ang bus ay hinintay ko munang makababa ang mga taong kailangan bumaba. Pag-akyat ko ay umupo ako sa pinakalikod na upuan, wala kasing naka upo dito at gusto kong walang katabi. Dahan dahan ng umaandar paalis ang bus nang may humabol na sumakay dito. Pabababain sana siya ng konduktor pero tuluyan na siyang nakapasok kaya wala ng nagawa pa ang konduktor.
Nakatingin lang ako sa kanya kasi ang paraan ng kanyang paglalakad ay parang may buhat buhat siyang sobrang bigat na bagay. Nakasuot siya ng sumbrero kaya hindi ko makita ang mukha niya, idagdag pa na nakayuko siya habang papalapit sa pwesto ko. Ang dami namang bakante na upuan bakit sa tabi ko pa siya umupo.
Rinig ko pa ang pagdaing niya ng mahina pagkatapos niyang naupo. Pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo ang pumalibot sa aking pang amoy. Itinungkod niya ang mga siko sa kanyang mga tuhod at napahilamos ng mukha. Nahihigop ako ng kanyang paghinga sa lalim nito.
"San kayo, ma'am?" Tanong sa akin ng konduktor.
"Saan ho kayo bababa?" ulit niya.
Sinabi ko ang school ko at ibinigay ang bayad. Nagtaka ako kasi hindi pa din umaalis ang konduktor sa harap namin, iyon pala ay hindi pa nagbabayad ang katabi ko.
"Sir, saan po kayo bababa?"
Dumukot siya sa bulsa niya at nagbigay ng malaking halaga sa konduktor "Kung saan siya bababa, doon din ako. Sayo na sukli" pamilyar ang boses niya.
" Salamat ho, sir" umalis ang konduktor na abot tenga ang ngiti.
Lumingon sa akin ang katabi ko kaya napaawang ako ng bibig "sarado mo yan baka pasukan ng insekto" natatawang bigkas niya.
" Mion?" Hindi ako makapaniwala. Hinahanap lang siya sa akin nila Saki at Von kahapon tapos katabi ko na siya ngayon.
"Saan ka galing?" Tanong ko.
"Sa bahay" simpleng sagot niya.
Hinampas ko siya sa kanyang braso "Hinahanap ka nila Von at Saki sa akin kahapon tapos ngayon sasabihin mo sa bahay lang?" Napatakip ako ng bibig ng pumasok sa aking isipan na napagtaasan ko siya ng boses.
"Ngayon lang ata kita narinig na magsalita ng ganyan ah?"
" Sorry" mahinang bigkas ko.
" Ayos lang, isa pa nga" mahina siyang napatawa sa sariling binigkas.
" Iyong totoo Mion, may nangyari ba?" Nakaramdam ako ng kaunting pag aalala.
Tinanggal niya ang kanyang sombrero at gamit ang kamay ay sinuklay niya ang kanyang buhok "nag alala ka sa akin?" Nakatitig siya sa mga mata ko.
"Hindi" Sabi ko at tumingin na sa bintana.
"pero sila Saki at Von nag aalala kaya sana magpakita ka na sa kanila." Rinig ko ang inis niyang boses.
Huminto ang bus sa tapat ng school kaya bumaba na ako na walang paalam sa kanya. Nakabukas ang gate na para sa mga sasakyan kaya dito na ako dumaan.
"Hanep pala itong school niyo" nagitla ako dahil akala ko hindi bumaba sa bus pero heto nasa likuran ko na siya.
"ano yan? Snow? Puta" tumawa siya pero ang tunog panlalait.
" Bakit ka sumama dito sa loob? Bawal kaya ang outsider lalo na ngayon na Christmas party namin." Hindi Niya ako pinapakinggan at inililibot ang paningin sa mga decorations
"kailan ang Christmas party niyo sa school niyo?" Tanong ko sa kanya.
" Ewan, hindi naman ako sumali. Ang badoy, nakakaputcha" gusto kong tahiin ang bibig niya tuwing nagmumura siya.
"Pero Hindi ka Kasi pwedi dito. Pareho tayong malalagot kapag may makakita sa ating teachers. Sige na, lumabas ka na" Sabi ko sa kanya at tumuloy ako sa paglalakad.
Paakyat pa lang sa room nang mapansin ko sina Day at Kit na naka upo sa loob ng Van na may logo ng DSWD. Pareho silang nakayuko at walang sigla ang mga mukha. Naghanap ako ng teachers ngunit wala kaya lumapit ako sa kanila.
"Kit? Day?" napatingin sa akin si Kit pero si Day ay natutulog pala.
"Hira?"
"Bakit kayo nandito? Anong nangyari?"
Umiling si Kit " Wala ako sa lugar para sagutin yan. Umakyat ka na sa classroom kasi baka nagsisimula na sila doon"
" Magiging maayos din ang lahat" napangisi siya.
Kinuha ko sa bag ang regalo ko sa kanya at inibot ko sa kanya "Merry Christmas, Kit" kinuha naman niya ito.
" Salamat"
" Day!"
"Kit!"
Nakarinig kami ng mga sigawan, ang mga kaklase naming tumatakbo habang isinisigaw ang pangalan nila. Nangunguna sa pagtakbo ay si Raza na naililipad pa ang kanyang damit pero wala siyang pakialam. Ang ibang mga lalaki ay tumaktakbo habang iwinawagayway ang panyo nila na akala mo ay masaya ang nangyayari. Hindi ko makita sina Natia at Maya, kumusta na kaya sila, lalong lalo na si Maya.
"Day!" Syempre hindi papatalo si Kibou na nakasunod Kay Raza.
"Day! Kit!" Nakatuck in ang suot niyang red na polo sa pants niya at naka make up din siya, minimal lang pero nahalata ko agad.
Dahil sa sigawan nila naka agaw sila ng pansin, lumabas ang ilang mga teachers sa faculty na ang iba ay ngumunguya "ano yan?" Tanong ng isang teacher.
"Role play po, ma'am!" Sigaw ni Raza. Mukhang napaniwala naman ang teacher kaya pumasok na sila ulit.
Pati ang mga estudyante sa kani-kanilang room ay nagsilabasan din. Nagising din dahil sa sigawan nila si Day. Natawa ako sa aking isipan dahil parang may competition ng pagtakbo at nanguna bigla si Kibou at naging pangalawa na lang si Raza.
"Day!" Nakaabot na si Kibou sa Van.
"chismis sa amin ni Raza na ipupunta daw kayo sa DSWD, totoo ba iyon? Bakit? Anong dahilan?" Nagpupunas pa siya ng pawis.
" Wala" iyon lang ang sagot ni Day.
"Kaklase niyo kami, magkaklase tayo ng ilang taon at kapatid ang turing ko sa inyo. Kaya please, ano bang nangyayari?" Nabasag ang boses ni Kibou at nagsimula na siyang umiyak.
"Nakakabanas ang puta" napasandal si Day at bumuntong hininga.
" Ayan ba iyong section na may mamamatay tao?"
"Iyong dalawang lalaki sa loob ng van may pinatay daw sila."
" Nakakatakot"
" Ang bata bata pa lang kaya na nilang pumatay"
" Kinikilabutan ako"
" Hindi pa daw sila pweding makulong kaya sa DSWD daw muna"
Sa lahat ng mga sinasabi ng iba ay iyan lang ang naiwan sa isipan ko. Walang nagsalita sa amin, hinihintay namin na magsalita sila tungkol doon pero nanatili silang tahimik at ang tangi lang nilang ginagawa ay ang humingi.
"Day" tawag ni Kibou sa kanya.
"Huwag ka ng umiyak"
"Paanong hindi ako iiyak sa mga naririnig ko, namin?" Umusog si Day at siya na ang nagpunas ng mga luha ni Kibou na nagpataas naman ng kilay ko.
"sabihin mo na hindi iyon totoo. Hindi niyo iyon magagawa, hindi ba?"
" Anong tinitingin tingin niyo!? Ha!? Ano ngayon Kung mamamatay tao sila, kami din naman ah! Lahat kami sa section mamamatay tao, gusto niyo patayin din namin kayo?" Kapag nagpatuloy pa si Raza ay mapapagalitan na kami.
" Raza, huwag mo na silang patulan" inaawat nila si Raza.
" Bumalik na kayo sa classroom" Sabi ni Kit at isasara niya sana ang pinto pero napigilan ito ni Kibou.
"Kibou, huwag ng matigas ang ulo" Sabi ni Kit at itinulak niya si Kibou at dahil nasa harap ko si Kibou ay kasama akong natumba.
Tumayo ako at pinagpagan ang sarili, hindi naman malakas ang pagkabagsak ko kaya walang masakit sa akin. Hindi na tumayo si Kibou at mas lalong umiyak. Bumukas ang pinto ang van at inilabas si Day. Itinayo niya si Kibou na parang batang umiiyak at siya na rin ang nag alis ng alikabok sa pants ni Kibou.
"Tahan na, babalik din kami" Wala na ang ngiti ni Day.
" Tama na, tumigil ka na sa pag iyak, Kibou" nang tumahan na si Kibou ay bumalik na siya sa loob ng van.
" Excuse me, mga bata" dumating ang mga staff ng DSWD kaya nagsitabihan kami.
Habang papalayo ang van ay nakamasid lang kami dito. Nang nawala na ito sa paningin namin ay parang may nawala din sa amin. Higit pa sa kaklase ang turing namin sa isa't isa, lagi kaming kompleto sa lahat ng laban ngunit ngayon na nabawasan na kami ay parang hindi na namin kayang makipag kompitensya pa. Para bang nawasak ang haligi ng aming bahay, maibabalik man ay hindi na tulad ng dati ang tibay.
"Bumalik na tayo sa room baka langgamin ang mga pagkain" Sabi ni Kibou.
Usapang pagkain, hindi ko nadala ang macaroni salad ko. Hindi ko tuloy alam kung papasok ba ako sa room o hindi dahil nakakahiya kasi wala akong dala.
"Ang drama" nakalimutan ko din na nandito pa pala ito.
"Ano bang balak mo? Bakit hindi ka pa umalis?" Sabi ko sa kanya at naglakad palabas ng school. Uwi na lang siguro ako, wala naman na akong gagawin dito at wala naman akong ambag sa Christmas party namin kaya mabuti pa na umuwi na lang ako.
"Uuwi ka na?" Hindi ko siya sinagot.
"sama ako" hindi ito ang tamang oras para sa biruan "o sama ka sa akin?"
Humarap ako sa kanya "Gusto kong mapag isa, Mion." Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Wala akong ideya Kung saan ako pupunta basta ang nasa isip ko lang ay makalayo sa lahat ng problema at sakit. Gusto kong ilayo ang sarili ko sa mga bagay na ikakawasak lang ng puso ko.
"Teka, Hira! Huwag kang dumaan diyan!" Hindi ko siya pinakinggan at mas binilisan ko pa ang lakad ko.
Napatigil ako sa paglalakad nang may narinig akong hagikgik. Tumingin ako sa paligid, asan ako? Paano ako nakarating sa ganitong lugar?
"Halika ka na, balik na tayo" bakit parang kinakabahan siya?
"Bakit naman kayo aalis agad?" Bigla akong hinila ni Mion papunta sa likuran niya.
"mukhang may mapapala ako sa inyo ah" sumilip ako kung sino ba iyon, isang lalaking payat na marumi ang kasuotan at may hawak na kahoy.
"Bigyan niyo lang ako ng pera at Wala na tayong magiging problema mga bata" may hinihithit pa siyang sigarilyo at inilalabas ang usok nito sa kanyang ilong. Nakakadiring tingnan.
Hinawakan ni Mion ang kamay ko "mabilis ka bang tumakbo?"
"Huh?"
Hinigpitan niya ang paghawak sa akin " pagbilang ko ng tatlo, tatakbo tayo" bulong niya.
" Isa"
" Ano na, naghihintay ako."
"Dalawa"
Nagsimulang lumapit sa amin ang lalaki at nagbwelo siyang ihampas sa amin ang hawak na kahoy.
"Tatlo!"
Muntik pa akong matisod pero nakasabay din ako sa pagtakbo. Ang bilis niya na parang hinihila na niya ako para makaalis kami ng mabilis sa lugar na iyon. Narinig ko ang sigaw ng lalaki kaya tumingin ako sa likod, hindi siya sumunod pero nagsisi-sigaw lang siya habang hinahampas ang pader. Nakaramdam ako ng awa, hindi naman niya intensyon na takotin kami. Wala lang siyang makain at pera kaya dahil sa gutom ay naglakas loob siyang gumawa ng masama. Kung binigyan ko kaya siya ng pera at hindi kami tumakbo, sasaktan niya kaya kami?
Hindi ko na kayang sabayan ang bilis ng pagtakbo ni Mion at biglang nagkamali ako ng pag apak kaya nadapa ako. Nakaramdam ako ng hapdi sa kaliwang tuhod ko at sa siko ko. Inalalayan naman ako ni Mion na maupo.
Umupo siya sa harap ko "Sorry" napatingin ako sa kanya. Bakit siya nagsorry? Para saan ang paghingi niya ng tawad?
"Masakit ba?" Sa tanong niya nagbalik ang emosyon ko kanina.
"Hindi" nagsimulang manubig ang mga mata ko at hindi ko napigilan ang pag iyak ko.
"Hindi masakit" Sabi ko habang nag-uunahang tumulo ang mga luhang nakamit ang kanilang kalayaan.
Niyakap niya ako "sorry" sabi niya at hinalakan ang ulo ko. Hinahagod niya ang likod ko.
"ilabas mo lang kapag masakit, kapag hindi mo na kaya at masyado ng mabigat, iyak lang ang katapat at gagaan na loob mo. Kapag umiyak ka ibig sabihin ay matapang ka dahil ang tinatago mong sakit ay nailalabas mo, hindi lahat ng tao kayang gawin iyon." Ilang beses ko ba kailangan magulat sa araw na ito? Bakit ganito siya magsalita? Parang hindi siya si Mion na nakilala ko. Aaminin ko nakatulong ang mga sinabi na dahil gumaan nga ang loob ko.
Nang tumahan na ako ay kumalas ako sa yakapan namin "ang hapdi ng sugat ko" kawawang tuhod, nasugatan.
Bigla niyang itinaas ang suot na damit at inilapit sa akin para punasan ang mukha ko "Wala Kasi akong dalang panyo kaya eto na muna, next time, magdadala na ako."
Hinampas ko siya sa braso
" tangina, nakadalawa ka na ah" tumawa lang ako sa reaksyon niya.
" tumawa ka na din, tayo na" tinulungan niya akong tumayo pero sa pagtayo ko pa lang ay napadaing na ako sa sakit ng mga sugat ko.
"Asan pala tayo?"
"Malapit sa school ko"
"Edi malapit sa school ko?"
"Oo"
" Balik tayo doon"
" Saan?"
" Sa school ko"
" Bakit?"
" Para maghintay ng sasakyan pauwi"
" Dito na, may dadaan ding sasakyan dito eh"
" Pero gusto ko doon sa school ko. Paano kung may masamang tao na naman?"
" Wala yan"
Makikipagtalo pa sana ako pero may papalapit na bus kaya pinara niya ito. Paghinto sa harap namin ay umakyat na ako at umupo pero laking gulat ko na hindi siya sumunod sa akin kaya tumingin ako sa labas at andoon nga siya. Nagtatanong ang mga mata ko na tumingin sa kanya pero tumawa lang siya. Bababa sana ako pero umandar na ang bus at naglakad na din siya sa kabilang direksyon.
Pag uwi sa bahay ay tumakbo ako papasok sa kwarto ko para agad kong ginamot ang mga sugat ko at nilagyan ng band-aid. Hindi ko na nilagyan ng alcohol kasi Hindi ko kaya ang hapdi. May kumatok sa pinto ng kwarto ko at pinagbuksan ko naman siya.
"Hija, ang aga mo namang naka uwi, tapos na ba ang Christmas party niyo?"
" Opo, manang" ayaw kong nagsisinungaling maliban ngayong araw.
"Iyong salad mo bakit Hindi mo dinala?"
"Ibibigay ko po iyon sa mga batang lansangan. Nakita ko po Kasi na Wala silang makain."
Malawak na ngiti ang naging bunga ng sinabi ko "napakabuti mong bata. Oo nga pala, tumawag ang mommy mo kanina"
" Ano pong Sabi?"
" Kinumusta ka at kung kumakain ka ba sa tamang oras."
" Sayang manang hindi ko naabutan, kung umuwi po sana ako ng mas maaga"
" Huwag kang mag alala at tatawag din ulit iyon."
" Sige po, magbibihis pa ako" sinara ko na ang pinto at nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Bakit ko sinabing ibibigay ko iyong salad? Saan ko napulot iyon? Pero nasabi ko na kaya gawin na lang.
Nagbihis ako ng damit ko at pagkatapos ay lumabas ako ulit bitbit ang container ng salad. Wala namang katao tao, kanino ko ito ibibigay? Akala ko lalayo pa ako pero nakita ko na may maglalako ng popsicle stick na naka bike at madadaanan niya ako.
"Lolo!" Tawag ko sa kanya at huminto siya sa harap ko.
" Kumain na po kayo?"
" Ay hindi pa naneng kasi wala pang benta" kawawa naman.
" Eto po" inabot ko sa kanya ang salad.
"salad po yan, Sayang naman po Kasi Kung itatapon lang"
" Ay salamat naneng" ipinasok niya ito sa icebox na punong puno ng packing tape na nakapatong sa likuran ng bike niya.
"Sige po, ingat po kayo" pag alis niya ay pumasok ako ulit sa bahay na nakangiti.
__________________________________
Don't be pushed around by the fears in your mind. Be led by the dreams in your heart.