Chereads / Thana's blue canvas / Chapter 11 - KABANATA 10

Chapter 11 - KABANATA 10

Adohira's POV

Paano ko ba ito sisimulan? Hindi ako marunong magluto. Wala akong alam sa kusina. Kagabi ay nagsabi ako kila manang na kailangan ko ng mga rekado sa gagawin kong salad, macaroni salad ang napili ko Kasi ito naman Ang pinaka common at siguro titingin na lang ako sa internet Kung ano ang procedure sa paggawa nito.

"Hija, marunong ka ba magluto nito?" Tanong sa akin ni manang dahil kanina pa ako naka upo dito sa kusina at Wala pa akong nagagalaw kahit man lang ang pagpapakulo ng tubig.

"Hindi ko po alam manang" bakit ba Kasi ako nagmagaling sa sarili ko na alam ko magluto nito?

Tumingin ako sa kanya "Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Sige ako na ang bahala dito ."

Napatingin ako ulit sa mga rekado. " Pumunta ka na sa kwarto mo at mag aral" Sabi Niya .

" Kung kailangan niyo po ng tulong tawagin niyo lang ako." Pagsuko ko at naglakad na papunta sa kwarto na laglag ang balikat

"aray" aniya ko sa pabulong na tinig. Paano ba naman Kasi medyo tanga tong sofa, pinatid ako.

Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong binagsak ang katawan sa kama. Napatitig ako sa kisame, Hindi ko alam dahil sa nagdaang mga araw ay madalas akong natutulala. Pumapasok sa aking isipan ang mga bagay na hindi tama ngunit hinayaan ko na lang ang mga iyon na umagos kasabay ng mga luhang Hindi mapigilan sa pagtulo kapag naalala ko ang mga iyon. Hindi ko kayang mawalan ng kaibigan.

Napatigil ako sa pag iisip nang may kumatok sa pinto "hija, pinapatawag ka ng mommy mo sa kusina" napabuga ako ng hangin sa sinabi niya.

"Sige po manang susunod ako" tamad akong bumangon at parang lantang gulay akong naglakad papuntang kusina.

"Mommy..." Pagtawag ko ng pansin niya. Naabutan ko kasi siyang inilalagay sa malaking strainer ang macaroni pasta.

"Hindi mo naman sinabi na may kailangan ka pala, anak" Sabi niya.

" Ayaw ko po kayong maabala, baka po Kasi marami kayong ginagawa." Pansin ko kasing napapadalas na ang pananatili Niya sa loob ng kwarto niya.

Pinahawak Niya Kay manang ang strainer at nagpunas ng kanyang kamay bago niya kinuha ang aking palad "Hira, anak, kahit kailan Hindi ka naging abala sa akin. Sa susunod Kung may kailangan ka, magsabi ka lang sa akin para maibigay ko agad. Hmm?" Ramdam ko ang init ng kamay ni mommy tulad ng init ng kanyang mga binitawang salita, iyon ay humaplos sa aking puso.

" Opo, mommy" Sabi ko.

Ngumiti siya sa akin at binalikan ang ginagawa "manang okay na ba yan?" Tukoy Niya sa macaroni pasta Kung Wala na bang tubig.

"Tapos na, lagyan na natin ng mga rekado" inilagay Niya sa container at isa isang binuksan ang mga rekado.

"Ako na po ang maghahalo" presenta ko ngunit sa pagkuha ko pa lang ng panghalo ay umiling na si manang. Wala ba siyang tiwala sa akin?

"Hindi na, ako na lang" Sabi ni manang.

" Wala ka bang gagawin, Hira?" Tanong ni mommy.

"Wala naman, bakit po?"

"Balak ko kasing mamili ng bagong damit o kaya bag, gusto mo bang sumama?"

" Opo" bigkas ko na puno ng saya.

" magbibihis lang ako" halos takbuhin ko na ang daan patungo sa aking kwarto.

Pagkatapos magbihis ay bumalik ako sa kusina ngunit wala dito si mommy. "Nasa labas na siya, hinihintay ka, hija" Sabi ni manang, pansin niya sigurong hinahanap ko si mommy.

"Salamat po" tumakbo ako ulit palabas ng bahay. Nakaparada na ang kotse sa labas at nakabukas pa ang gate. Habang naglalakad ako ay pansin ko ang bulaklak na dati ay sumasayaw sa bawat pag ihip ng hangin ngunit ngayon ay nalalagas sa bawat pag ihip ng hangin. Hindi na sila nadidiligan o baka gustong palitan ni mommy ng ibang klase ng bulaklak. Itong mga bulaklak na ito ang sumalabong sa akin noong unang dating ko dito sa bahay. Gusto ko ulit masilayan ang kanilang pamumukadkad.

Paglapit sa kotse ay binuksan ko ito at pumasok na. "Hello, Hira" napatingin ako sa driver gamit ang salamin sa harap.

" Hindi mo ba ako na-miss?" Pinakita Niya ang kanyang pinakamalaking ngiti. Parang siraulo...ay hindi...siraulo talaga siya.

"Manong" bigkas ko at pinakita ko din sa kanya ang malaki kong ngiti, Hindi Naman malaki , yung kaya ko lang kasi Hindi Naman malaki ang bunganga ko.

"Akala ko umalis na kayo sa trabaho" Sabi ko.

"Magagawa ko ba iyon?" Sabi niya kasabay ang sarkastikong pagtawa.

Pinatakbo na Niya ang kotse. "Kung ganoon, anong ginawa niyo? Saan kayo galing?"

" Hmm... May inasikaso lang"

" Ano?"

"Ano?"

"Ano pong inasikaso niyo?"

" Ano?" Napa iling na lang ako dahil ito na naman siya. Nagigising na naman ang kabaliwan niya.

"Haku, huwag mo ng asarin si Hira." Napatingin ako Kay mommy. Sino si Haku?

" Sino po si Haku, mommy?" Mahinang napatawa si mommy dahil sa tanong ko sa kanya.

"Ako iyon oy. Hindi mo alam pangalan ko?" Naiiyak na ang kanyang tinig.

" grabe ka Hira, kinalimutan mo na ako dahil nagkaroon lang ng bagong driver. Pinagpalit mo na ba ako?ha? Hira?" Nagpapapunas pa siya ng kunwaring luha. Kapag kami nadisgrasya sa ginagawa niya, mumultohin ko talaga siya at Hindi ko siya patatahimikin. Iyon ay kung mabubuhay siya.

"Manong Haku, ayusin niyo po ang pagmamaneho." Sabi ko sa kanya.

" Ang tanda naman pakinggan ng manong Haku."

"Bakit bata ho ba kayo?" Pang aasar ko sa kanya.

" Bakit kailan ba ako tumanda?" Balik niyang tanong sa akin.

Sasabat pa sana si Manong pero nagsalita si mommy "Tama na Ang asaran dahil malapit na tayo, Hindi ba Haru?" Naging maamong tuta si manong.

" Opo, ma'am" naging tahimik na ang biyahe.

Hindi nagtagal ay nakarating na din kami sa mall. Pagkatapos iparada ni manong ang kotse ay akala ko maiiwan siya pero sumunod siya sa amin. Hindi ko alam na Hindi lang pala siya driver, bodyguard na din pala. Ano sunod niyan? Asawa ni mommy. Natawa na lang ako sa aking isipan, grabe Hindi Naman sa ayaw ko Kay manong pero nakakatawa lang kasi kung magiging daddy ko siya. Alam kaya ni mommy na may gusto sa kanya si manong? Naramdaman siguro ni manong na nakatingin ako sa kanya kaya tinaasan Niya ako ng kilay at tsaka bumelat. Pinanlakihan ko siya ng mata at binelatan din.

Magkahawak kami ng kamay ni mommy na pumasok sa isang boutique, unang tingin pa lang ay alam kong mamahalin ang mga damit dito. Binitawan ako ni mommy para makapili siya ng maayos kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na maupo sa sofa dito sa loob ng boutique na nakaharap sa fitting room. Si manong naman ay pasimleng nagbabantay Kay mommy. Wala naman kasi akong hilig sa ganitong bagay.

"Pumili ka Hira baka may magustuhan ka" Sabi ni mommy habang namimili ng mga damit.

Hindi ako tumayo at sumandal na lang sa sofa. Dumaan si mommy sa harapan ko na may dalang dalawang damit na magkaiba ang kulay at umupo naman sa tabi ko si manong na naka ngiting aso. Lumabas si mommy na naka suot ng kulay asul na bestidang walang manggas at hanggang taas ng tuhod ang haba.

"Naku ma'am! Bagay sa inyo ang kulay blue. Parang nilikha ang kulay blue para sa inyo." Ang ibang customer ay napatingin sa gawi namin dahil sa kaingayan ni manong. Akala mo naman may maniniwala sa pambobola niya.

"Haku, huwag maingay dahil Hindi lang tayo ang tao dito." Sabi ni mommy.

" bagay ba sa akin itong damit?" Tanong niya habang inaayos ang damit.

Hindi nagsalita si manong pero itinaas Niya ang dalawang hinlalaki para sabihing bagay na bagay nga Kay mommy ang damit.

"Susubukan ko ang isa" Sabi ni mommy at pumasok ulit sa fitting room.

"Hindi naman halatang sipsip kayo manong" Sabi ko sa kanya habang nakatingin lang ako sa aming harapan.

"Honest lang ako, huwag kang ano diyan, epal." Gaya ko ay sa harap din ang tingin niya.

" Hindi dahil anak ka niya ay iinsultuhin mo na ako ah" napangisi ako sa paraan ng pagsasalita niya. Akala mo naman sobrang panlalait na ang ginagawa ko.

" Bakit kasi Hindi niyo na lang po tanggapin ang katotohanan, manong" asarin ko nga siya.

" Na ano? Kontrabida ka sa buhay ko? Tirisin kita diyan eh-" napatigil siya sa pagsasalita nang lumabas si mommy.

"Wow! Favorite color ko po ang red, ma'am. Tumitingkad ang kagandahan niyo ma'am. Parang tinahi yang damit para lang sa inyo." Napaikot ako ng mata at napa iling.

" Pero katulad din ito kanina sa sinukat ko, magkaiba lang sila ng kulay" hindi na nakapag salita si manong.

" Pahiya ka?" Pasimpleng bulong ko sa kanya.

"Parehas yung design pero kahit magkaiba ng kulay ay bagay na bagay pa rin sa inyo, ma'am" bilis umisip ng palusot.

" Sige, kukunin itong dalawa" Sabi ni mommy sa saleslady.

" Punta na lang po kayo sa cashier para magbayad, ma'am. Thank you" Sabi ng saleslady.

Pagkatapos na magbayad ni mommy ay nagpresenta si manong na siya na ang magbitbit ng paper bag, sipsip talaga. Akala ko uuwi na kami pero iba ang daan na tinatahak namin.

"Saan tayo pupunta?" Pagtataka ko.

"Dadaan lang tayo sandali sa flower shop." Sabi ni mommy. Parang ngayon ang unang beses na makakapunta ako sa flower shop.

Huminto ang kotse sa tapat ng makulay na shop at may iba't-ibang klase ng bulaklak ang nakalagay sa labas. Naunang pumasok si mommy samantalang ako ay nilapitan ko ang mga iyon at yumuko upang amoyin sila. Kumunot ang noo ko dahil Wala naman akong naamoy Kasi diba sa mga panood kapag binibigyan ng bulaklak ang mga babae ay inaamoy nila ito. Nakakadismaya naman, Hindi Naman pala totoo ang mga iyon.

"Oy, epal" tawag sa akin ni manong.

"Bakit linta?" Sinalubong ko ang kanyang tingin at tinaasan siya ng kilay.

"Ilang araw lang akong nawala, natuto ka ng sirain ang buhay mo?"

" Anong pinagsasabi mo, manong Haku?"

" Sumisinghot ka na ba ng dugs? Kailan pa?"

" Manong, Hindi ko po kayo maintindihan"

" Ano na lang iisipin ng mommy mo kapag ang nag iisang anak niya ay inaamoy ang mga plastik na bulaklak?"

" Plastik na bulaklak?" Paninigurado ko kung tama ba ako ng pagkarinig.

" Hindi totoo ang mga bulaklak na iyan. Display lang yan, parang tanga" Sabi niya at pumasok na din sa shop.

Habang ako ay hindi makapaniwala, napanganga ako. Mabuti na lamang ay walang gaanong tao dito at walang nakatingin sa akin maliban sa lintang si manong Haku. Kaya pala walang amoy dahil plastik lang. Bakit Hindi ko napansin agad na hindi ito mga totoong bulaklak. Bumuga ako ng hangin at pumasok na din. Nagulat pa ako sa pagtunog ng bell na nasa taas ng pintuan.

Hinanap ko sila mommy, andun lang pala pumipili habang nakadikit si manong linta sa kanya. Humakbang ako palayo sa kanila Kasi gusto ko din tumingin tingin at umamoy ng totoong bulaklak. Agaw pansin ang isang rosas na kulay itim, mag isa lang ito sa gilid na nakalagay sa isang vase na kulay itim din.

"Ang ganda, Hindi ba?" Napa igtad ako sa boses ng lalaking bigla na lang nagsalita.

" Kapag tumingin ka sa bulaklak na iyan ay Hindi mo kayang alisin ang paningin mo hanggang sa unti unti niyang nakukuha ang iyong kaluluwa na dadalhin Niya sa kawalan at iyon ay isang kulungan na walang rehas." Sa kanya lang ako nakatitig habang sinasabi Niya ang mga iyon. Para lang sa bulaklak Kung magpaliwanag siya ay parang napakalaki ng ambag ng bulaklak na iyan sa mundo.

Tumingin siya sa akin at ngumiti, ngiting babaero. Hahawakan ko sana Ang bulaklak pero nagsalita na naman siya.

"Ang huling humawak niyan ay namatay." Bigla kong binawi ang kamay ko.

Tumawa siya ng mahina "biro lang" inayos niya ang anggulo ng vase.

Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang nagsalita ulit siya "pinapaalaga sa akin ito ng isang kaibigan. Napaka importante nito sa kanya. Ayon sa kaibigan ko ito daw ang puso niya kaya dapat ko daw alagaan at ingatan. Noong una ay tinawanan ko lang siya pero nang sabihin Niya ang dahilan niya ay pinagsisihan ko ang pagtawa ko sa araw na iyon-"

" Bakit mo sinasabi sa akin ang mga bagay na iyan?" Hindi Naman Kasi kami close o ano kaya bakit siya nagku-kwento sa akin.

"Pansin ko Kasi na nakuha nito ang atensyon mo" pinagmamasdan Niya ang bulaklak at iniba na naman ang posisyon. Sa pag ikot Niya ng vase ay nakita ko ang maliit na ribbon na nakatali sa tangkay ng bulaklak.

"Bakit may nakatali sa tangkay niyang bulaklak?" Napupuno ako ng kuryosidad.

" Ito ba?" binuklat Niya ang dulo ng ribbon at nakita ko na may nakasulat doon.

"Moros and Thana" basa niya gamit ang malungkot na boses.

"Sino sila? " Tanong ko.

" Ang may ari ng bulaklak na ito"

" Anong nangyari sa kanila? "

" May naligaw at may tuluyang nawala" Hindi ko naintindihan.

" Iyan na po ba ang napili niyo?" Tanong Niya sa mga taong nasa likuran ko at pumunta sa pwesto ng cashier. Nakatingin lang ako sa kanya Kasi Wala akong naintindihan sa mga sinabi niya.

"Anak, halika ka na" tawag sa akin ni mommy, Hindi ko namalayan na pauwi na pala kami.

Lumapit ako sa lalaki "dito ka nagtatrabaho?" Tanong ko.

"Anak ako ng may ari nito. Azrail nga pala" pakilala niya sabay abot sa akin ng business card na tinanggap ko naman.

"Kung kailangan mo ng bulaklak, kahit ano at kahit saan pa yan, ibibigay ko sayo" napa ismid ako nang kininditan niya ako.

"Salamat" iyon lang ang nasabi ko at lumabas na. Napatingin na naman ako sa plastik na bulaklak na inamoy ko kanina. Pagsakay ko sa kotse at binigay ko Kay mommy ang business card at pinaharurot na ni manong linta ang kotse.

__________________________________

Truth is so rare, it is delightful to tell it.

Hold dear to your parents for it is a scary and confusing world without them.

The heart wants what it wants - or else it does not care.

I am out with lanterns, looking for myself.

We turn not older with years but newer every day.