Chereads / Thana's blue canvas / Chapter 12 - KABANATA 11

Chapter 12 - KABANATA 11

Adohira's POV

Paano nga ba malalaman Kung tama ang daan na tinatahak mo? Nakakatakot kasi minsan ang inaakala mong saya ay magiging kabaliktaran kapag nagkamali ka ng hakbang. Tutuloy ka pa rin ba kung puro sugat na iyong paa o hihinto upang makapagpahinga? Kung tuyo na ang iyong lalamunan sanhi ng hindi pag inom ng tubig dahil wala kang mahanap, titigil ka ba? Siguro panghihinaan ka lang ng loob pero Hindi ka susuko. Ang punto ko lang ay dapat mong mahanap ang iyong sarili, sundin mo ang sarili mong agos at iwasan ang pakikipag kompetensya sa iba.

Meron na ako lahat ng gusto ko, pera, nabibili ko ang mga damit na gusto ko, nakakain ko ang mga paborito kong mga pagkain, at higit sa lahat ang magandang buhay. Ngunit tuwing pipikit ako sa gabi, kasabay ng pagliwanag ng buwan ay siya ding paglabo na aking daan upang hanapin ko ang aking sarili. Walang laman ang aking dibdib pero bakit ang bigat ng pakiramdam ko? Para saan nga ba ako nabubuhay?

"Anak?" Nabigla pa ako sa paghawak niya sa balikat ko.

"Mommy?"

"Ayos ka lang ba? Mukhang may gumugulo sa isipan mo dahil kanina ka pa tulala." Bakas sa mukha Niya ang pag aalala.

Ngumiti ako "ayos lang po ako. Nakakapagod po Kasi ang biyahe kanina" sabi ko.

" Halika ka na, kakain na tayo" nauna siyang maglakad sa akin.

Nakatingin lang ako sa likuran ni mommy habang naglalakad kami. Gusto kong malaman ang dahilan para ako ang napili niyang ampunin sa lahat ng mga bata sa bahay ampunan. Ilang taon na din ang lumipas pero hindi ko pa nakikita ang iba niyang pamilya, ang mama niya at papa, at mga kapatid, kung meron man.

Agad naman akong naupo pagdating sa kusina at isa isang inilapag ng mga katulong ang mga pagkain sa mesa. Akala ko Wala ng lulungkot pa sa buhay ko pero meron pa pala tuwing nakikita ko ang linta ni mommy. Ngayon ko lang siya nakitang nakisabay na kumain sa amin, ngayon nga lang ba? Kung meron man, hindi ko na maalala. Tumabi pa talaga siya Kay mommy.

Sasandok na sana siya ng kanin pero hinampas ni mommy ang kamay niya. Natawa ako sa aking isipan. Si mommy ang nanguna sa dasal kaya pumikit na lang ako pero dumilat din agad ako para belatan si manong kahit na Hindi niya makita. Tapos ng magdasal si mommy kaya nagsimula na kaming kumain.

"Hira" tawag sa akin ni mommy. Tumingin siya kay manong at bumaling sa akin. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

Uminom siya ng tubig "may work proposal Kasi sa akin ang isang company sa States. Hindi ko matanggihan kasi matagal ko ng pangarap iyon, yung makilala ang mga painting ko sa ibang bansa. Bukas ng gabi ang flight ko at ilang buwan din akong mananatili doon. Pasensya na anak Kung ngayon ko lang nasabi, inisip ko kasi na baka malulungkot ka." Hindi pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi niya.

"Ayos lang po,mommy." Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti.

"Congratulation po" bakit mas lalong bumigat ang dibdib ko? Ano ba itong pakiramdam na hindi ko makilala? Parang may mangyayari na hindi maganda.

"Magiging ayos ka lang ba na wala kami dito na ilang buwan, anak?"

" Kami?" Sinong kasama Niya?

" Nakalimutan kong sabihin sayo na isasama ko si Haku" tumingin ako Kay manong na parang walang pakialam dahil sarap na sarap sa pagkain na parang hindi pinalamon ng ilang araw.

" kaya pansamantala ay mag commute ka na lang. May bus naman na papunta sa school mo, pasensya na, anak" ayos lang naman sa akin ang kahit ano. Pero bakit walang tigil siyang humihingi ng pasensya?

"Ayos lang po, mommy. Mag ingat po kayo doon at sigurado po akong maraming tao ang hahanga sa mga gawa niyo"

" Salamat, anak" inabot Niya ang kamay ko at pinisil.

Pansin ko ang mga mata ni mommy na naluluha dahil tila isang dyamante ang kintab ng kanyang mga mata, itinatago Niya lang ito sa pag ngiti. Huwag niyo pong sayangin ang inyong mga luha sa gabing ito. Hindi ito ang tamang lugar upang magbagsakan ang mga luha. Nagpatuloy na kami sa pagkain at inasikaso agad ni mommy ang bagay na dapat niyang gawin. Tinulungan siya ni manong sa pag eempaki at ako naman may nagkulong sa aking kwarto. Simula sa gabing ito mas lalo akong nawalan ng liwanag sa daraanan.

"Hoy! Ayos ayusin niyo iyang mga crepe paper ha! Ang mahal niyan tapos ang dami pa nating lalagyan. Magtipid kayo!" Andito kami sa classroom para lagyan ng design para sa Christmas party namin. Si Kibou ang naatasan na maghandle sa section namin, busy na din Kasi ang mga teacher para sa sarili nilang pakulo, ganito naman taon taon.

"Ano ba yan! Bakit mahahabang mga balloons ang binili niyo? Diba ang Sabi ko iyong pabilog na malaki."

" Kibou, ayaw mo sa mahaba?" Si Day na naman.

" sayang mahaba pa naman ang ano ko-aray! Puta skyflakes!" Binato ni Kibou sa kanya ang meter stick na nananahimik sa gilid ng blackboard.

"Lente ka talaga! Puro na lang kabastusan ang lumalabas sa bibig mo!" Napatingin ang iba naming kaklase sa pagsigaw ni Kibou.

"Anong kabastusan? Ano bastos sa mahabang balloon ko na ito?" Iwinagawayway pa Niya ang balloon na hawak. Rinig ko ang pagpipigil ng tawa ng mga classmates namin. "

ikaw ah, Kibou. Iba iniisip mo" Sabi ni Day at humalagpak naman ng tawa si Kit.

Ang binigay na trabaho sa akin ni Kibou ay mag gupit ng mga crepe paper na isasabit sa gilid gilid ng classroom. Hindi naman ito mahirap kumpara sa gawain ng iba na kailangan pang pumunta sa palengke para bumili ng mga kailangan tulad ng pandikit. Nasa palengke Kasi ang school supplies, Wala kasing tinda ang school namin ng mga school supplies kaya kailangan pa lumabas. Pero bago makalabas ay makaka usap pa nila ang mga istriktong gaurds na kukunin pa yung mga ID nila bago sila palabasin.

"Tulungan na kita" ani ko sa isang kaklase kong babae na nagdidikit sa kisame ng mga crepe paper. Wala naman kasing magunting na crepe paper kaya tutulong na lang ako sa pagdikit.

Pumatong din ako sa mesang kahoy ng teacher namin para maabot ang kisame. Kumuha ako ng crepe paper na ginunting ko kanina at inabutan ako ng isa pang babae na nasa baba ng pandikit. Bale siya ang taga bigay ng pandikit at kami Naman ang taga dikit. Kapag Hindi na namin abot ay bababa kami upang iusog ang mesa, ganoon ang ginagawa namin hanggang sa matapos kami ng pangdidikit.

"Ano ba itong glue na binili niyo? Bakit colored glue?" Napatingin ako sa gawi nila Kibou, nasa pintuan siya at pinagagalitan ang dalawang lalaki na inutusan niyang bumili ng glue.

"Sabi mo bili kami ng glue" sabat ng isa habang kagat kagat ang panyo.

"Oo nga, Wala ka namang sinabi Kung anong glue kaya kung ano ang nakita namin edi iyon na." Sabi ng kasama Niya na nagkakamot pa ng batok.

"Oo nga, Sabi ko nga glue pero bakit may kulay itong binili niyo? Kapag ginamit ko ito sa white cartolina, magkukulay, papanget."

" Ganoon lang din eh" Sabi ng pangalawa habang pinapa ikot sa daliri ang panyo Niya.

"Kibou, may glue ako dito, white ang kulay!" Sigaw ni Day.

" Talaga?" Tumakbo agad si Kibou palapit Kay Day. May kutob ako na kalokohan na naman iyan.

" teka" tumayo siya at ipinunta sa zipper ng pants niya ang kanyang kamay.

"aray Naman!" Hinampas siya ni Kibou sa braso. Sabi na nga eh, pagdating Kay Day wala talagang matino.

"Animal ka! Pakamatay ka na! Wala ka namang ambag sa lipunan. Bwesit!" Inis na bumalik si Kibou sa ginagawa niya.

May naisip kasi siyang pakulo na Kung saan magsusulat kaming lahat ng Christmas message sa adviser namin at ididikit Niya lahat iyon sa white cartolina para surprise daw sa adviser namin sa Christmas party. Simple lang ang sinulat ko, nag thank you lang ako. Wala naman na akong maisip na isusulat kaya bakit ko pa papahirapan ang utak ko.

Sa murang edad ba nila ay nahanap na nila ang kanilang sarili? Hindi naman siguro iyon imposible dahil walang pinipiling edad ang mundo para imulat tayo sa reyalidad. Si Day na palaging kalokohan ang ginagawa at araw araw pinapatawa ang klase, araw araw din ba siyang totoong masaya at marunong din ba siyang umiyak? Si Kit na tahimik pero minsan ay nakikisali sa pinanggagawa ni Day na pang aasar at palaging nasa tabi ni Day kahit saan sila magpunta. Para silang may sekreto na silang dalawa lang ang pweding makaalam. Isang klase ng sekreto na tanging ang mundo lang ang nakakaalam.

Mga bata pa siguro kami para mawasak ang pader ng aming ka-inosentehan sa totoong mundo.

"Hira" tawag sa akin ng kaklase ko.

"Hmm? Bakit?"

"Wala kang balak bumaba?" Tanong niya.

Nakapatong pa din pala ako dito sa mesa. Nilamon na Naman ako ng aking kaisipan kaya pati ang pagbaba ay nakalimutan ko.

Inalalayan niya akong makababa "salamat" Sabi ko.

May kumatok sa pinto, babae sa kabilang section "Nandito ba sila Day at Kit?" Tanong Niya sa amin.

" Present!" Sabi ni Day.

" Pinapatawag kayo sa principal's office" iyon lang ang sinabi niya na nagpakaba sa amin at tumakbo na paalis.

Nagpalitan ng makahulugang tingin sina Kit at Day habang naglalakad palabas, hindi ko alam Kung ako lang ba ang nakakita. Ang mga kaklase namin ay natigil sa kanilang ginagawa at bumigat ang hangin sa loob ng aming classroom.

"Sigurado ako dahil iyon sa mga kalokohan nila." Binasag ni Kibou ang katahimikan.

" sige na, galaw galaw na para mabilis natin itong matapos at maka uwi na." Wala Kasi kaming klase ngayon pero dapat ay matapos namin ang pagdedesign dahil bukas na ang Christmas party.

"Guys!" Hinihingal na sigaw ni Raza.

"may narinig ako sa faculty" umupo siya at pinaypayan ang sarili gamit ang pinulot niyang notebook.

"Hay naku, anong chismis na naman iyan?" Tanong ni Kibou.

" Si Maya daw na ospital" naging interesado ang lahat nang banggatin Niya ang pangalan ni Maya.

"Bakit daw?" Tanong ng isang kaklase namin.

Hindi agad nakasagot si Raza "hoy! Bakit ? Anong dahilan?"

"Binugbog ng ama niya" aniya sa boses na kami lang ang makakarinig.

"Saang ospital siya dinala? Bakit daw siya binugbog ng tatay Niya?" Tanong ni Kibou.

" Hindi ko alam, eh tumakbo na agad ako nang marinig ko na binugbog siya ng ama Niya"

" Ano ba yan, makiki chismis na nga hindi pa kompleto" reklamo ni Kibou.

" Ay, sorry ah, sorry. Nasa mapatawad mo pa ako, Kibou."

"Manahimik ka nga, tomboy na nakapalda" iniwan na siya ni Kibou. Sana bumuti na ang kalagayan mo, Maya.

Tahimik naming tinapos ang mga decorations, nagwalis ang iba at inayos ang mga upuan na pinaglinya sa gilid para magkaroon ng space sa gitna, dito Kasi namin ilalagay ang mesa at mga regalo namin. Tumulong na din ang iba sa pagpupulot ng mga basura.

"Bye bye!" Paalam ng iba.

"Ingat sa pag uwi!" Sabi ni Kibou.

"Bye" Sabi ko at lumabas na ng classroom.

Habang naglalakad bigla kong naalala na kumain akong mag isa ng breakfast at hinanap ko pa talaga si mommy. Magtataxi na lang ako pauwi o bus. Hindi ako makapili kaya ang naisip ko sa bawat hakbang ay bus at taxi hanggang sa makalabas ako ng gate at Kung ano ang huli kong sinabi ay iyon ang sasakyan ko.

"Bus"

"Taxi"

"Bus" nasa labas na ako ng school.

"Hira!" Sigaw ni Saki habang tumatakbo papalapit sa akin.

"Saki huwag kang tumakbo!" Suway naman ni Von sa kanya.

Wala ata si Mion " hinahanap mo ba siya?" Tanong sa akin ni Saki nang makalapit siya sa akin.

" Sino?"

"Si Mion, hinahanap mo ba siya?" Bakit tila malungkot ang boses Niya?

Inakbayan siya ni Von at ngumiti ito sa akin. Ngayon ko lang napansin na bitbit niya din pala ang bag ni Saki. Gumanti din ako ng ngiti.

"Nasaan si Mion?" Tanong ko sa kanila.

"Ilang araw ng hindi pumapasok yung gagong iyon" Sabi ni Von.

" Bakit?"

" Hindi namin alam, hindi naman siya nagsabi tapos sabi niya huwag daw kaming pumunta sa bahay niya. Pinuntahan ka namin ba kasi alam mo Kung nasaan siya" Sabi ni Saki.

Bumababa ang tingin ko at napabuntong hininga. Ano ba ang nangyayari? "Hindi ko alam Kung nasaan siya, pasensya na" wala akong maisip na dapat sabihin sa sitwasyon.

"Sige, uuwi na ako" tumalikod na ako sa kanila at naglakad papunta sa hintayan ng bus. Nagsisimula na silang mawala at malapit na din akong maligaw.

__________________________________

Nothing that happens, is ever forgotten. Even if you can't remember it.