"Kailangan ba talagang umalis kami? Hindi ba pwedeng dito lamang kami sa mga maliliit na bayan na sakop ng kaharian? Pwede naman siguro iyon diba? Maawa naman kayo sa amin lalo na sa batang Prinsipe." Nakikiusap na saad ng matandang babaeng personal na tagabantay ng batang si Prinsipe Luciouss Luxx Vermontt. Kahit napakakulit ng batang pinangangalagaan niya ay hindi naman siguro iyon magiging dahilan para umalis nalang bigla sa kahariang pinagmulan nito.
"Iyong mga nasabi ko ay iyon lamang ang dapat mong sundin Ersula. Isa ka lamang hamak na matandang babaeng napaglipasan na ng panahon ngunit may gana ka pang kwestiyunin ang desisyon ng Mahal na Hari at Mahal na Reyna. Isa ka lamang hamak na tagabantay ng prinsipe. Wala kang karapatang magtanong kung ayae mong ang mismong Haring Eros Vermontt at Reyna Rebecca Vermontt ang pumunta rito at pagsabihan ka ng dapat mong gawin hahaha!!!!" Nakangising sambit ng Personal na Royal Guard ng Mahal na Hari at Mahal na Reyna. Bakas sa tono ng pananalita nito ang pagbabata at pangmamaliit sa matandang babaeng tagabantay lamang ng Prinsipe Luciouss Luxx Vermontt.
"Pero-----" magsasalita pa sana ang matandang babaeng si Ersula ngunit agad siyang natigilan ng magsalitang muli ang personal na Royal Guard ng Mahal na Hari at Mahal na Reyna.
"Siya nga pala, may ipinabibigay ang Mahal na Hari at Reyna sa iyo. Dapat ay inumin niyo ito ng batang si Luciouss Luxx dahil kung hindi ay malilintikan ang buong pamilya at angkan mo Ersula na hindi mo gugustuhing mangyari. Optional naman ang sa iyo pero kung gusto mong kalimutan ang walang hiyang angkan mo na ikaw ang ginawang pambayad kapalit ng salapi ay mas mabuti hindi ba?! Atleast wala ka ng iisipan pa hindi ba." Kalmadong sambit ng personal na Royal Guard ng Mahal na Hari at Reyna na may kasama pang nakakalokong ngiti. Ang totoo niyan ay natutuwa ito sa paglisan ng dalawang nilalang na ito. Marami pang importanteng bagay siysng inaasikaso ngunit dahil tapat siya sa Mahal na Hari ay pinagtitiisan niya ito. Natutuwa nga siyang makitang huli na itong trabaho niya o punta niya rito.
Napatahimik na lamang ang matandang babaeng tagabantay ng prinsipe na si Ersula at lihim itong napakuyom ng sarili nitong kamao habang hindi nito namamalang nakaalis na pala sa loob ng malawak na silid na ito ang personal at tapat na naninilbihang Royal Guard ng Haring Eros Vermontt at ng Mahal na Reynang si Reyna Rebecca Vermontt. Hindi nito lubos aakalaing darating sa puntong lilisanin nila ng batang Prinsipeng si Luciouss Luxx Vermontt ang kahariang ito ng Heaven Arcane. Hindi mapigilan ng ginang na manlupasay sa sahig dulot ng masamang balita o masasabing napakasamang balita para sa batang prinsipeng si Luciouss Luxx Vermontt na bunsong anak ng Haring Eros Vermontt sa asawa nitong si Reyna Rebecca Vermontt.
"Hindi ko aakalaing itatakwil nila ang sariling anak nila sa tahimik na pamamaraan. Napakasama nila, napakabata pa ng prinsipe at mas masahol pa ito sa kamatayan." Makahulugang sambit ng matandang babaeng tagabantay na si Ersula sa kaniyang isipan lamang. Hindi nito lubos na maisip na magagawa ito ng Mahal na Hari at Mahal na Reyna. Itinatak niya sa isip ng batang si Prinsipe Luciouss Luxx Vermontt na wag magtanim ng sama ng loob o hinanakit sa sariling mga magulang nito ngunit sa balitang nakarating sa kaniya ay tila ba hindi niya madedepensahan ang sariling mga magulang ng batang Prinsipeng si Luciouss Luxx Vermontt dahil sa oras na wala na sila sa teritoryong sakop ng Heaven Arcane Kingdom ay nangangahulugan lamang na itinakwil na ng tuluyan ng sariling mga magulang nito ang kanilang anak.
Agad niyang inayos ang kaniyang sarili at mabilis siyang pumasok sa loob ng Mirror Dimension.
POOOOOOOOFFFFFFF!!!!
Tila nawala naman bigla ang katawan ng matandang babaeng si Ersula at mabilis niyang nakita ang kaniyang sariling nasa isang bagong lugar. Hindi maipagkakailang ito nga ang loob na parte ng Mirror Dimension.
Hindi naman ganoon kalawak Ng loob ng Mirror Dimension na ito Isang maliit lamang na isla ito na napapalibutan kaagad ng katubigan. Masasabing isang simpleng bahay lamang ang nakatirik sa dito na siyang bahay ng batang si Prinsipe Luciouss Luxx Vermontt.
"Luciouss Luxx, mag-impake ka na dali. Aalis na tayo dito. Lilipat tayo." Sambit ng matandang babaeng si Ersula habang makikitang pilit itong ngumiti.
Nang marinig ito ng batang si Luciouss Luxx Vermontt ay tila nabuhayan ito ng loob. Kanina lamang ay napakalungkot niya lalo na at gusto niyang makakita ng mga batang kaedaran niya ngunit sa sinabi ng kanyang Tagabantay na si Ginang Ersula na lola ang karaniwang tawag niya rito ay mabilis siyang lumabas ng simpleng bahay niya rito.
Nang tuluyan ng makalabas ang batang si Luciouss Luxx Vermontt ay mabilis nitong tinungo ang direksyong kinaroroonan ng kaniyang sariling tagabantay na si Ersula.
"Talaga po Lola?! Sa wakas ay makakapasyal na ako hehe..." Sambit ng batang si Luciouss Luxx Vermontt sa masiglang tono ng boses nito. Tila ba nabuhayan ang loob nito dahil sa narinig.
"Aba aba, Mukhang gumagalang ka na sakin Batang Luciouss Luxx ha. Kailan pa?!" Sambit ng matandang babaeng si Ersula na makikitang mariin nitong tinitingnan ang batang si Luciouss Luxx Vermontt.
Tila napakamot naman sa kaniyang sariling batok ang batang lalaking si Luciouss Luxx Vermontt. Tila ba hindi nito aakalaing sasabihin pa iyon ng kaniyang personal na tagabantay na si Lola Ersula.
Tila napipi ang batang si Luciouss Luxx Vermontt dahil Hindi naman ito makapagsalita dahil sa labis na kahihiyan.
"O siya, aalis tayo mamaya. Mag-impake ka na ng lahat ng mga gusto mong dalhin dahil aalis tayo, mahabang bakasyon ang gagawin natin doon kaya lahat ng gusto mong dalhin ay dalhin mo na." Sambit ng matandang babaeng si Ersula habang makikitang awkward ang nadarama ng batang prinsipe na si Luciouss Luxx Vermontt.
Agad na rin itong lumabas dahil baka hindi pa umimik ang batang prinsipe na si Luciouss Luxx Vermontt at matagalan pa sila. Baka kung ano na naman ang gawin ng personal na Royal Guard ng Mahal na Hari at Mahal na Reyna sa kanila na ayaw niyang mangyari. Gusto niyang sumunod lamang sa pinag-uutos ng mga taong kinamumuhian niya ngayon dahil wala siyang laban sa mga ito kung sakaling manlaban siya o sila.
Hindi nga nagtagal ay mabilis na silang nakaalis sa palasyo at kasalukuyan na silang naglalakbay palabas ng palasyo.
Masyadong malungkot ang babaeng si Ersula na siyang tagapagbantay ng batang si Prince Luciouss Luxx Vermontt na siyang isa na lamang alamat na prinsipeng hindi kailanman maaaring ipagmalaki ng kaniyang sariling mga magulang.
Mula noong bata pa lamang si Ersula ay hindi siya kailanman naging suwail sa magulang niya at hindi rin siya kailanman nakaalis mismo sa kanilang kaharian. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang ang kahariang kinaroroonan nila ay darating ang araw na kailanman ay hindi nila inaasahang darating sa puntong ang mismong Haring Eros Vermontt at Reyna Rebecca Vermontt ang siyang magtatakwil sa kanilang anak na si Prince Luciouss Luxx Vermontt. Bilang isang tagapagbantay na siyang binayaran na si Ersula ay kahit siya'y hindi naman nakinabang ni kapirasong tanso o salapi mula sa kaniyang pagtatrabaho sa kaharian. Talagang panbayad lamang ang papel niya noon pa sa mga walanghiyang angkan niya.
Nakasakay sila ngayon sa isang malaking karwaheng pang-kawal lamang. Pawang simpleng mga materyales na gawa sa matibay na kahoy lamang ito at walang kadise-disenyo na siyang tila hindi maaaring maging sasakyan ng sinumang maharlika. Ngunit ang mismong hayop na naghila-hila rito ay mga flying deer na siyang masasabing may dugo ng isang malakas na uri ng flying beast. Magkaganon man ay masasabing hindi pa rin gaanong maikukumpara ito sa sasakyan ng mga maharluka na isang Royal Golden Deer. Simbolo ng kaharian ang Royal Golden Deer para sa maharlikang karwahe habang isang Karaniwang Flying Deer naman para sa mga kawal. Para sa Duke at iba pang mga matataas na posisyon o tungkulin sa kaharian ay nayroong mga Silver Deer, One Horned Deer, Blue Deer at iba pang mga lahi ng pambihirang usa.
Kahit masasabing pangkaraniwan lamang na pangkawal na karwahe ito ay masasabing maganda naman ang kabuuang performance at kalidad ng nasabing transportasyon na ito. Kaya namang maglakbay nito ang isang kilometro ng isang minuto lamang kung sa ere habang kapag sa lupa lamang ay mga dalawa't kalahating minuto ito. Madaling mapagod ito kapag naglalakbay sila sa himpapawid ngunit maaari namang ikonsidera na ang kanilang paglalakbay ngayon ay masasabing nasa maayos na rutang panlupa pa sila palabas ng kaharian.
Tila nabalot naman ng pangamba ang babaeng si Ersula sa hindi niya malamang dahilan. Wala siyang kaalam-alam sa kung ano o paano pero ramdam niyang may tila kakaibang mangyayari. Natutulog pa ang batang si Prince Luciouss Luxx Vermontt na nasa tabi niya lamang. May malawak na espasyo rito sa loob ng pangkawal na karwahe ngunit masasabing makulit ang batang si Prince Luciouss Luxx Vermontt at gusto nitong katabi ang palaging bugnuting tagapagbantay niya na si Ersulang may katandaan na rin ngunit likas na mataray ito.
Mabilis na dumungaw ang matandang babaeng si Ersula sa bintanang tila mayroong munting awang. Hindi maipagkakailang kahit na isa lamang siyang hamak na tagapagbantay ay mayroon pa rin siyang mataas na Cultivation Level at masasabing halos kapantay niya ang lakas ng mga kawal ng kaharian ng Heaven Arcane Kingdom.
Isa siyang ganap na Cultivator ngunit sa Heaven Arcane Kingdom ay masasabing below Average lamang ang kaniyang kabuuang lakas at kapangyarihang taglay ngunit hindi maitatangging malakas naman siya.
Gamit ang matalas niyang paningin ay mabilis niyang tiningnan ang natatawa niya mula sa labas. Masasabing tila napakatahimik naman ng kaharian ngayon at hindi maipagkakailang malapit na silang makaabot sa labas ng malaking tarangkahan ng Heaven Arcane Kingdom na siyang abot tanaw niya lamang.
Kapansin-pansin na ang mga kawal na sa kung pagbabasehan sa daily basis ay nakakalat at nasa kaniya-kaniyang mga posts ang mga ito ngunit sa araw na ito ay iba. Tila nakaramdam ng panganib ang babaeng si Ersula.
Mayroon siyang nadiskubreng kakaibang bagay sa may tarangkahan. Napakalaki nito at tila mayroong nakakakilabot na enerhiyang namumuo rito. Kung hindi siya nagkakamali ay tila bagong gawa lamang ito.
Tila napakalinaw ng mata ng matandang babaeng si Ersula na animo'y mata ng lawin kung saan ay habang papalapit sila ng papalapit sa nasabing malaking tarangkahan ay masasabing nakakakilabot naman ang nakikita niyang bagay na siyang kanina'y may kalabuan pa ngunit ngayong halos papalapit na sila rito ay mas nagiging detalyado ang lahat ng nakikita niya.
"Teleportation Array? Bakit gagawin ito ng Mahal na Haring Eros Vermontt at Mahal na Reyna Rebecca Vermontt? Talagang gusto talaga nilang mawala kami rito sa kanilang pinamumunuang kaharian?! Masyado naman atang masaklap na bagay ito. Akala ko ay nasa labas na kaharian kami maaaring manirahan ngunit ito pala ang kahihinatnan ang lahat. Nakuha ko na, tuluyan nila kaming ilalayo mula sa lugar na ito pero hindi sila makakampanting dito kami manirahan, gusto nilang nasa malayong lugar kami na hindi sakop ng anuamng lugar na alam ang Heaven Arcane Kingdom. Nakuha ko na!" Sambit ng matandang babaeng si Ersula na masasabing tila pinagana ang kaniyang sariling pag-iisip sa bagay na ito. Tila ba hindi niya maipagkakailang nasaktan siya sa naiisip na ito. Kahit na hindi siya makapaniwala sa padalos-dalos na desisyon ng Mahal na Hari at Mahal na Reyna ay masasabing napakadecisive naman nito. Hindi niya maaaring baliwalain na isiping mas pinili ng mga ito ang kanilang pamumuno gamit ang kanilang sariling kakayahan sa pamamahala rather than na maging magulang sa kanilang anak na si Prince Luciouss Luxx Vermontt.