Agad na sinarado na lamang ng marahan ng matandang babaeng si Ersula ang nasabing dinungawan niyang bintana at marahan niyang itinuon ang kaniyang sariling atensyon sa kaniyang mga iniisip.
Hindi siya maaaring manlaban ngayon dahil wala naman siyang maaaring ipanlaban. May kakayahan ba siya? Oo pero hindi sapat iyon. Ang kaniyang sariling angkan ay wala ng pakialam sa kaniya habang ang hari at reyna ay pinalayas sila sa kaharian na siyang pinamumunuan na. Wala siyang kakayahan kahit mag-isip pa siya ng mga magandang ideya lalo na at labanan any sinuman na naririto.
Napabuga na lamang ng hangin ang matandang babaeng si Ersula dahil sa pangyayaring ito. Sino ba naman siya upang mag-isip ng paglaban sa mga kawal. Kungi sang kawal lamang ay maaaring malabanan pa niya ngunit sampo... Labindalawa o kung ilang batalyon ng kawal ng Heaven Arcane Kingdom ang nasa labas o nasa mismong malaking tarangkahan ng Heaven Arcane Kingdom ay siguradong mamamatay siya sa kamay ng mga ito kung sakaling gumawa siya ng mga bagay na ikakagalit ng mga ito sa kaniya.
Mabilis na umusad ang sinasakyang karwaheng pangkawal sakay ang matandang babaeng si Ersula kasama ang natutulog na batang si Prince Luciouss Luxx Vermontt. Makikitang ang matandang babaeng si Ersula ay makikitang tila malalim ang iniisip nito haabng may kung ano itong naiisip lalo na sa kasalukuyang sitwasyon nito.
Panay buga lamang ang nagagawa nito at makikitang napakatahimik nito sa mga oras na ito. Karaniwan kasing palaging nagsasalita ang matandang babaeng si Ersula at kung normal na pangyayari lamang ito ay baka ginising niya na ng sapilitan ang batang si Prince Luciouss Luxx Vermontt lalo na at hindi naman siya yung tipong magiging mabuti sa batang prinsipeng hindi kailanman kikilalanin ng magulang nito.
Hanggang sa nangyari na nga ang inaasahang pangyayari ng matandang babaeng si Ersula habang katabi lang nito ang mahimbing na natutulog na batang lalaking si Prince Luciouss Luxx Vermontt ay nakarating na sila sa mismkng tarangkahan ng nasabing border o malaking gate ng kaharian ng Heaven Arcane Kingdom.
Napansin ng matandang babaeng si Ersula na tila nakita niyang unti-unting nagliwanag ang nasa harapan nila.
"Teleportation Array hmmm... Hindi ko aakalaing aalis at lilisanin na namin ang lugar na ito sa kasalukuyan." Sambit ng matandang babaeng ng mahina. Hindi niya aakalaing hahantong sa sitwasyong ito at darating ang hindi inaasahang araw at pangyayaring ito.
Biglang nagkaroon ng mas nakakasilaw pa na liwanag na siyang sumakop sa buong katauhan ng matandang babaeng si Ersula maging ng nasabing karwaheng pangkawal.
Ngunit lingid sa kaalaman ng matandang babaeng si Ersula ay mayroon pa palang mangyayari na hindi niya lubos aakalaing mangyayari pa na mas masaklap pa sa mismong inaakala niya.
May limang kawal na bigla na lamang tumingin sa papasaradong teleportation Array ang bigla na lamang ngumisi ng malademonyo.
Bigla na lamang nagliwanag ang kamay ng mga ito at may nagmaterialize na mga kakaibang disenyo ng pana sa mga ito.
Sabay-sabay na hinawakan ng mga ito ang gitnang bahagi ng nasabing strings ng pana at lumitaw ang isang isang kakaibang kulay itim na palaso.
Sabay-sabay na nagsagawa ang mga ito ng kakaibang Arrow skill.
"Arrow Skill: Dark Locking Multiple Arrows!"
Napakabilis ng pangyayari kung saan ay mabilis na bumulusok ang limang mga nagbibilisan o humahagibis na mga nag-iitimang mga palaso sa loob ng mismong teleportation Array. Tila ba hindi maipagkakailang malakas ang nasabing Arrow skill na ito at hindi lamang basta-basta ito.
Nang makita ito ng isang lalaking kawal na mayroong isang ginituang badge ay mabilis na naningkit ang pares ng mata nito.
"Mga pangahas. Talagang ginawa niyo ang bagay na ito? Hindi ba kayo natatakot sa maaari kong gawin sa iyo?!" Sambit ng lalaking kawal habang makikitang tila mayroong kung anong pambihirang bagay ang nasa tinig nito. Tila mararamdaman mo ang pagiging ma-awtoridad sa tono ng pananalita nito. Isa lang naman siyang Royal Guards na mas mataas ang posisyon kumpara sa mga nariritong mga nagtitipong mga kawal rito.
Ang limang mga kawal na siyang nagsagawa ng Arrow skill ay tahimik lamang habang nagsasalita ang nasabing lalaking Royal Guard na mas mataas ang ranggo sa kanila.
Pagkatapos magsalita ng nasabing Royal Guard ay imbes na itago ang kanilang mga panang hawak ay ngumisi lamang ang mga ito.
Nang makita ng ibang mga kawal lalong-lalo na nang nasabing Royal Guard ang nasabing pagngisi ng limang mga kawal ay mabilis na nagsibunot ng iba't ibang mga sandata ang ito. Karamihan sa mga ito ay mga matatalim na mga espada at mga naglalakihang mga pana.
Tila may namumuong malaking tensyon at masasabing ang malamig na atmospera ay tila naging mainit.
Hindi maipagkakailang napakaraming nagtitipong mga kawal rito at hindi maipagkakailang nag-uusap ang mga ito gamit ang kanilang divine sense.
"How bold! Talagang ang lakas ng loob ng limang ordinaryong kawal na gawin iyon sa harap ng may mataas na ranggo na boss natin haha... Hindi ko alam kung ano ang mangyayari ngayon."
"Sinabi mo pa. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na gagawa ang mga ito ng malaking eksena. Nakakahiya!"
"Hahaha... Nakakahiya ba kamo? Hindi lang nakakahiya, parang hinahamon ng mga ito ang mismong awtoridad ng hindi ordinaryong Royal Guard na boss natin." Sambit ng isa pang ordinaryong kawal ng palasyo.
"Sino ba naman kasi ang mga ito at talagang pinana pa ng mga ito ang nasa loob ng pangkawal na karwahe na iyon."
"Walang respeto ang mga klase ng kawal na ito. Gusto kong malaman kung ano ang kahihinatnan ng mga walang hiyang kawal na ito!"
"Kaya nga, hindi pa ko nakasaksi na nginisihan lamang boss natin ng ganon-ganon lamang as if na joke lamang ang titulo nito"
"Pero maiba tayo, Napansin kong kakaiba ang mga palasong pumasok sa loob ng nasabing teleportation Array. Yung tila ba mayroong kakaibang enerhiyang nakapaloob roon." Sambit ng isang kawal habang pansin nito ang kakaibang enerhiyang nakapaloob sa mismong palaso
"Pansin ko nga rin eh. Yung tipong hindi ko matukoy kung ano iyon."
"Isang pambihirang arrow skill iyon ngunit pansin kung kakaiba nga iyon kumpara sa karaniwan nating skill na mga kawal."
"Tama ka pero paano naman nangyari iyon eh hndi naman iyon standard skill natin pero ginamit nila."
"Siguradong magiging kapana-panabik ang tagpong ito ngayon. Siguradong hindi ito palalampasin ng boss natin"
"Sinabi mo pa, lintik lang ang walang ganti hmmmp!"
Ilan lamang iyan sa mga naging komento ng mga ordinaryong kawal ng kaharian ng Heaven Arcane Kingdom sa limang ordinaryong mga kawal na sari-sari ang kanilang opinyon patungkol sa bagay na nangyayari sa kasalukuyan.
"Hahaha... Ang lakas ng loob niyong ngisihan lamang ako sa sinabi ko. Hindi ba kayo natatakot sa akin lalo na sa maaaring gawin ko sa inyo o ng Heaven Arcane Kingdom?!" Sambit ng lalaking Royal Guard na halata sa tono ng pananalita nito ang inis at disappointment sa limang kawal na nasa harapan niya. Tila ba pakiramdam niya ay hindi na gumagalang ang mga ito sa kaniyang sariling pamumuno at awtoridad.
Pigil hininga naman ang ibang mga kawal na nakatipon sa lugar ito habang makikitang naging alerto sila sa maaaring mangyari.
Imbes na matakot ang limang kawal na hindi maipagkakailang specialize nila ang Long Range Battle dahil sa pana nilang gamit ay makikitang kalmado lamang ito.
Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang gumimbal sa lahat ng mga ito ng bumuka ang bibig ng isa sa mga kawal.
"Ikaw lang? Nagpapatawa ka ba? Sino'ng rerespeto sa'yo hahaha!!!" Sambit ng isang kawal na bakas tomo nito ang labis na inis at pagiging arogante. Hindi maipagkakailang sa tono ng pananalita nito ay hayagan nitong minamaliit ang nasabing Royal Guard na nasa harapan nila. Ni hindi man lang nito tiningnan ang nasabing Royal Guard na in-charge sa Teleportation Array na ito. Tiningnan pa nito ang hawak nitong kakaibang pana na na hawak ng kanang kamay nito. Tila ba walang pakialam sa mga nilalang na nasa harapan niya.
"Sinabi mo pa, napakahina ng grupo ng mga ito. Teleportation daw hahaha!!!!" Sambit ng isa pang kawal na nasa hanay ng limang kawal kanina. Tila mabaantid mong wala rin itong takot sa mga nakapalibot sa kanila na mga tila nasa mahigit isang daan ang mga bilang ng mga ito.
"Nagpapatawa siguro siya. Sinong mag-aakalang porket isa na siyang Royal Guard ay masisindak niya na tayo hahaha!!!" Sambit ng isa pang kawal sa hanay ng mga ito na tila walang pakialam sa nakatutok na sandata sa kanila mula sa kapwa nila mga kawal. Bakas sa tono ng pananalita nito na walang takot sila sa awtoridad ng nasabing kawal.
Habang tahimik lamang na nakangisi ang dalawa pang mga kawal na mababatid mong nag-uusap ang mgai to gamit ang kanilang divine sense.
Sunod-sunod na pagsinghap ang ginawa ng mga kawal dahil sa kanilang narinig mula sa kapwa nila kawal ngunit kaibahan lamang ay lima lamang ang mga ito habang sila ay napakarami.
"Mga wala kayong respeto, dapat sa inyo ay turuan ng leksyon!" Galit na sambit ng Royal Guard na siyang masasabing ang kaniyang sariling ay hindi niya mapigilan kung saan ay mabilis na nagmaterialize ang isang mahaba at napakatalas na espada sa kanang kamay nito.
Gamit ang kaniyang sariling kanang kamay ay mabilis niya ito iwinasiwas sa ere ang kaniyang sariling espadang hawak-hawak nito.
Imbes na matakot ang limang kawal sa nasabing Royal Guard ay mas naging mapang-asar pa at makikita ang pagkadisgusto sa pagmumukha ng mga ito. May halong panghahamak sa tingin nila at tila hindi nila sineseryoso ang pagbabantang sinasabi ng nasabing Royal Guard.
"Hmmp! Tingin mo ba ay natatakot ako o kami sayo?! Nakakatawa ka!" Pasupladong sambit ng isang kawal habang mabilis nitong inikot-ikot ang kaniyang sariling pana at itinago na ito. Makikitang walang makikitang anumang takot o pangamba sa pagmumukha nito.
"Kaya nga, akala niya siguro ay madadaan niya tayo sa posisyon niya sa atin." Segunda naman ng isa pang kawal habang makikitang tila napangiti pa ito ng mapakla. Palagay ba nito ay magagamit nito ang posisyon o ranggo nito upang takutin o pasunudon sila? Hindi iyon mangyayari.
"Napakahina mong lider sa hukbong hawak mo to think na isa ka lamang Royal Guard ng walang kwentang grupo ng Teleportation Array ay nakakatawa ang iyong inaasal!" Sambit ng isa pang kawal na makikitang hinahamak nito ang nasabing Royal Guard na nasa harapan nila mismo habang hinahawakan nito ng maigi ang espada niyo. Sino ba naman ang tinatakot ng mga ito.
Kagaya kasi nila ay mayroong field of specialization ang bawat isa sa kanila at kung saan sila dapat ihanay. Sa kanila ay magaling silang umasinta ng mga kalaban o mga nilalang gamit ang kanilang mga pana samantalang ang mga kawal na eksperto sa pagsagawa o pagset-up ng mga Arrays halimbawa na rito ay ang kasalukuyang nakaactivate na Teleportation Array ay masasabing mahina ang kanilang combat prowess. Madalas ay nasa indoors at close door sila habang pinag-aaralan ang iba't ibang mga Arrays kaya ang kanilang kabuuang lakas sa pakikipaglaban ay hindi gaano kalakas given na hindi sila gaanong kabihasa sa pakikipaglaban at konti lamang ang kanilang Battle Experiences o karanasan sa pakikipaglaban ay close to none.
"Ano pa nga ba ang inaasahan mo sa isa sa pinakamahinang Royal Guard ng Heaven Arcane Kingdom!"
Kumpara sa kanila na isang Bow and Arrow Guards ay tiyak na mananalo sila sa mga Array Guards. To think na walang laban ang mga ito sa pakikipaglaban sa kanila. Pinakamahina ang mga ito at iyon ang kanilang pinaninindiganan. Malakas sila sa long range at kung maglalaban ang mga ito ay long range din ang mga ito.
Dahil sa mga sinabi ng limang mga kawal na pawang mga pana ang hawak ng mga ito ay tiyak silang napakaagresibo ng mga ito at hindi patitinag sa kanilang lider na isang opisyal na Royal Guard.
Todo singhap naman ang nagawa ng halos lahat ng naririto. Karamihan sa mga kawal na eksperto sa pagset-up ng mga Array Formation ay nag-umpisa na muling nag-uusap gamit ang kanilang divine sense.
"How bold! To think na wala silang katiting na respeto sa ating boss ay talagang napakatapang talaga nila."
"Hindi ko alam kung ano'ng sasapitin ng mga ito sa kamay ng ating boss."
"Hindi nila siguro alam na kahit masasabing nakatoka ang boss natin sa pagset-up ng mga Array Formation ay hindi naman nangangahulugan na mahina ito hahaha...!"
"Inaasahan ko talaga ang napakagandang palabas mamaya at kung may laban ba ang limang mga kawal na ito sa lider natin."
Ilan lamang iyan sa naging komento ng mga ito. Halos lahat ng mga kawal ay sumang-ayon sila na panoorin ang magaganap na pangyayari maya-maya lamang. To think na ginalit ng limang mga kawal na Bow and Arrow User ang kanilang boss ay talagang inaasahan nila ang mgandang palabas maya-maya lamang.
Tutok na tutok ang lahat sa mangyayari lalo na at kitang-kita nila kung paano yumukot ang mukha ng kanilang boss/lider.
"Talagang anlakas ng loob niyong pumunta rito at mangialam ay masasabi kong hindi kayo natatakot dahil mayroong taong nasa posisyon ang nag-utos sa inyo, tama ba ko?!" Sambit ng nasabing Royal Guard na pilit ikinakalma ang kaniyang sarili at huwag daanin sa dahas ang lahat. Magkaganon man ay hindi niya pa rin ibinababa ang kaniyang depensa. Ang apat na kawal kasi ay hawak-hawak pa rin ang kanilang sandatang pana sa mga kamay nito. Maaaring manlaban ang mga ito at gumawa ng kaguluhan rito.
"Haha tama ka. Hindi ko maitatangging may utak ka pala at nag-iisip ka rin ng matino. Akala ko ay parehas ka lamang ng mga walang kwentang kawal na siyang pinamumunuan mo rito hahahaa!!!!" Sambit ng isang Bow and Arrow Guard na makikitaan ng pagka-arogante at panghahamak sa tono ng pananalita nito.
"Hahahahahahahahahaha!!!!" Nakitawa rin at humagalpak sa kakatawa ang apat pa nitong kasamahang kawal.
Kabaliktaran naman nito ay tila nagpipigil lamang ang mga kawal sa kanilang nagpupuyos na inis at galit sa limang kawal na siyang masasabi nilang halos kapantay lamang nila. Ngunit kailangan nilang maging mahinahon to think na mayroong malakas na nilalang na nasa likod ng paglitaw ng limang ordinaryong kawal na bihasa sa paggamit ng pana.