Sa loob ng isang silid ay naroroon ang dalawang nilalang na kasalukuyang nakatayo at may malayong distansyang nakapagitan sa kanila.
Mayroong isang nakatalikod na babaeng may mahabang buhok habang suot ang isang kasuotang tila punong-puno ng karangyaan dahil sa kakaibang mga batong nakapalamuti rito at kakaibang disenyo kumpara sa normal na kasuotan lamang. Mayroong harang sa pagmumukha nito at tanging ang mapupilang labi lamang nito na napakaganda ang hugis ang siyang nakalitaw ng bahagya.
Maya-maya pa ay nagsalita ang nakatalikod na babae sa isang lalaking nakatayo lamang ilang metro mula sa kaniya.
"Nagawa mo ba ng maaayos ang trabaho mo?!" Direktang sambit ng babaeng nakatalikod habang tila bakas sa tono ng pananalita nito ang labis na desperasyon na malaman ang kasagutan.
"Ako pa ba. Wala ka bang tiwala sa akin Binibini?!" Sambit ng lalaking mayroong pamilyar na mukha.
"Sa tingin mo ay may panahon pa ko para pag-aksayahan ka ng oras?!" Sambit ng nakatalikod na babae habang bakas sa tono ang labis na pagpipigil ng inis sa kausap nitong lalaking kausap nito.
"Hahaha... Nagbibiro lang ako Madam. Alam ko naman kumg hanggang saan lamang ako at kung ano ang limitasyon ko." Sambit ng lalaking nakaharap sa kaniya.
"Mabuti at alam mo. Wag mo kong inisin Kung ayaw mong mawala ang pinakainiingatan mong posisyon." Sambit ng babaeng Mayroong napakagandang kasuotang suot.
"Isa ba iyang pagbabanta Madam? Alam mong hindi lang ako ang nangnganib ang posisyon kundi maging ikaw rin hehe..." Nakangising sambit ng lalaking hindi maaninag ang mukha dahil sa dilim ngunit masasabing nakangisi ito sa oras na ito.
"Hahahaha binabantaan mo ba ako?! Alalalahanin mong hindi ako mapapatalsik ng sinuman lalo na ikaw. Sabihin mo na ang resulta ng pinapagawa ko sa'yo." Sambit ng babaeng tila walang bakas ng pagkatakot sa pagbabanta ng lalaking nasa likurang direksyon niya lamang.
"Alam mong hindi iyong pagbabanta kundi isang paalala lamang. Wag kang masyadong atat. Malinis ako tumrabaho kaya makakaasa kang ang plano mo ay isang tagumpay." Sambit ng lalaking hindi maaninag ang mukha nito.
"Kung ganon ay tagumpay ang naunang plano ko?!" Sambit ng babaeng hindi pa rin tukoy ang pagkakakilanlan nito.
"Ano pa nga ba, wala akong ginagawang pumalpak kaya makakaasa kang malinis ako tumrabaho." Sambit ng lalaking hindi pa alam ang katauhan nito.
"Kung ganon ay makakaalis ka na." Walang buhay na pagkakasabi ng babaeng nakatalikod mula sa lalaking kausap nito. Tila ba wala itong emosyon sa kaniyang sariling sinasabi.
"Tsk..." Ang tanging sambit na lamang ng lalaking di pa tukoy ang pagkakakilanlan nito at mabilis na naglaho na parang bula tanda na umalis na ito sa silid na ito.
Biglang kumurba pataas ang gilid ng labi ng babaeng tandang nasiyahan ito sa takbo ng plano niyang unti-unting natutupad.
"Bago mo pa malaman matandang hukluban ay mauuna ka ng mamatay, Isa kang hadlang sa plano ko. Mauuna kang mawala sa mundong ito upang patuloy kong sisirain ang sistema ng kahariang ito." Puno ng pagkagalit na sambit ng babaeng nakasuot ng napakagandang kasuotan ng isang dugong bughaw o maharlika. Tila ba mayroong kakaibang ngiting muling sumilay sa mukha nito.
...
Sa loob naman ng Teleportation Array ay makikitang naglalakbay ang matandang babaeng si Ersula kasama ang abtang prinsipe na si Luciouss Luxx Vermontt.
Kasalukuyang sapilitang pinatulog ng matandang babaeng si Ersula ang batang si Luciouss Luxx Vermontt.
Nakaramdam kaso ng ibayong kaba at panganib ang matandang babaeng si Ersula. Tila ba hindi niya masabi ito ngunit alam niyang dulot ito ng kaniyang abilidad na nakuha mula sa kaniyang pinag-aaralang Cultivation Manual. Ito ay parang isang clervoiyance ability ngunit hindi naman ito ganoon kalakas at kadalasan ay tama naman ang kaniyang intuition patungk rito.
Gamit ang kaniyang kakaibang Cultivation Manual na pinag-aralan ay kaya niyang magkaroon ng Cultivation Technique at mga corresponding skills upang makuha niya nag tamang mga panggamitan at benepisyong makukuha sa nasabing pambihirang libro.
Dahil hindi na mapakali ang matandang babaeng si Ersula ay mabilis siyang gumamit ng isa sa kaniyang pambihirang Skill.
Skill: Tracing danger!
Ang Tracing danger ang isa sa pambihirang skill niya na kayang-kayang sumagap ng kakaibang dangerous signals mula sa kaniyang paligid.
Ang kaniyang sariling angkan at mga kasapi ng angkang kaniyang pinagmulan ay ganito ang halos mga abilidad at kapangyarihan nila na maituturing na non-combat kaya masasabing ang angkan nila ay napakalampa, napakahina at walang dudang itinuturing na basura lamang dahil sa abilidad ng kanilang Cultivation Manuals.
Ngunit para sa matandang babaeng si Ersula ay masasabing mayroong kakaibang lihim na nakatago sa kanilang pambihirang mga Cultivation Manuals na ito. Ewan niya ba kung ano ito. Kahit siya ay hindi makapaniwala na noon ang kaniyang pinagmulang angkan ay isang napakahinang angkan lamang. Nakatala sa kasaysayan ng kanilang angkan ang labis na kasaganaan at paglitaw ng napakaraming mga Martial Art Genius na siyang masasabing napakalakas ng mga ito.
Magkaganon man ay lahat ng iyon ay nabaon na lamang sa nakaraang henerasyon at sa kanilang panahon sa kasalukuyan ay wala na atang lumitaw pa sa kanilang angkan ang isang henyong indibiduwal.
Napakakapal ng libro at masasabing napakakomplikado ng mga nakasulat sa Cultivation Manuals na ito. Mayroong mga ancient writings na himdi niya lubos maintindihan at ang ibang mga instructions at mga nakasulat ay hindi niya gaanong maintindihan. Nangangahulugan lamang na hindi siya isang henyo at taliwas sa mga heroic deeds na nakatala sa kasaysayan ng kanilang angkan ay wala siyang naiambag na malaki (great merits/great contributions) kaya kagaya ng iba nilang mga kasapi ng angkan ay ginawang pambaya lamang sila sa iba't ibang mga kaharian at mga tribo upang gawing mga alipin, alila, katulong at iba pang trabaho ng mga mahihinang nilalang. Wala silang karapatang magreklamo o magtanong ng mga bagay-bagay dahil kapag binili ka nila ay ganon na lamang kaliit ang halaga mo sa kanila.
Lumaki siyang isang mabuti at masunuring anak. Hindi man ganoon kalaki ang angkan nila at kalakas ang pundasyon ng angkan nila na unti-unting nagde-decline habang papatagal ay masasabing naging normal naman ang lahat ng ito.
Ngunit nang mamatay ang kaniyang sariling mga magulang na hindi niya nakukuha ang hustisya sa pagkamatay ng mga ito ay talagang napuno ng galit ang puso niya. Yung tipong alam niyang mayroong itinatago ang angkan nila mismo mula sa kanila ay talaga namang nakakainis at nakakagalit ngunit wala siyang nagawa.
Ang naging buhay niya pagkatapos nito ay nasundan pa ng masalimuot na pangyayari. Yung tipong masasabi niyang napaka-unfair ng mundong ito.
Naramdaman na lamang ng matandang babaeng si Ersula ang isang kakaibang enerhiyang mabilis na pabulusok sa kanila.
Mabilis siyang nagmulat ng kaniyang sariling pares na mga mata.
"Hmmm ... Ano iyon?!" Malakas na naibulalas ng matandang babaeng si Ersula nang mapansin niya ang kakaibang enerhiyang papunta mismo sa kanilang direksyon kung saan sa kanilang sinasakyang karwaheng pangkawal. Tila ba parang may sariling buhay ito.
Kinakabahan ang matandang babaeng si Ersula. Ang mas nakakabahala pa ay medyo malapit lamang ito sa kanila ngunit dahil patuloy lamang sa pag-usad ang nasabing karwahe nila ay talaga namang nakakamangha pa rin ngunit nakakabahala talaga sa kaniya ang enerhiyang iyon.
Ramdam na din ng matandang babaeng si Ersula na tila papalapit na sila sa hangganan ng Teleportation Array. Hindi naman kasi ito ant unang beses na dumaan siya sa Teleportation Array. Sa tanda niyang ito ay hindi na niya mabilang pa kung ilang beses siyang nakapaglakbay gamit ito papunta sa iba't-ibang lugar ngunit ito ata ang pinakamatagal na Teleportation Array na nagamit nila upang maglakbay.
Mabilis na tiningnan muli at pagmasdan ng maigi ang nasabing kakaibang enerhiyang pabulusok sa kanilang direksyon na tila hinahabol sila.
Agad niyang ginamit muli ang kaniyang
Nang tingnan ng Skill na Tracing Danger.
Tila nagkaroon ng malawak na paningin ang matandang babaeng si Ersula nakita niya ngayon na hindi lamang isa ang nasabing hindi pa tukoy na enerhiya ang bumubulusok papunta sa direksyon nila kundi limang enerhiya.
Ngayon ay mas klaro na sa kaniya ang limang enerhiyang ito na isa palang bagay na sandata.
Isa lang naman pala itong uri ng sandatang pang-long range type. Mga Palaso.
Limang palasong naglalabas ng kakaibang itim na enerhiyang mistulang mayroong tila nakakapanindig balahibong mga enerhiyang nakapaloob rito.
"Hindi maaari ito. Bakit pakiramdam ko ay alam at pamilyar ako sa enerhiyang nagmumula sa loob ng panang ito." Sambit ng matandang babaeng si Ersula sa kaniyang isipan lamang habang pilit niyang inaalala kung saan nanggaling ang kakaibang enerhiyang mula sa mga palasong ito. Kung napakahina niya sana pagdating sa pagtukoy ng mga panganib at mga bagay na ito ay malamang ay hindi niya malalaman ito bago pa sila matamaan ng kakaibang enerhiyang ito.
"Dark Radiant Kingdom? Naalala ko na, tama ako ng hinala. Mula ito sa Dark Radiant Kingdom na skill!" Sambit muli ng matandang babaeng si Ersula sa kaniyang isipan lamang habang tila ang boses nito ay hindi naglalaman ng kasiyahan sa pagtuklas niya kundi ibayong pangamba para sa kaniyang sarili at sa batang si Luciouss Luxx Vermontt.
Mabilis niyang tinigil ang kaniyang sariling skill at bumalik sa reyalidad.
Ngunit ang labis na pag-iisip ng matandang babaeng si Ersula ay nangyari na ang kinakatakutan nito dahil naramdaman nito ang pag-uga ng karwaheng pangkawal tanda na malapit na silang makarating sa dulo ng nasabing labasan ng Teleportation Array.
"Kung magpapatuloy ito ay malamang sa malamang ay maaabutan kami ng mga nakakatakot na enerhiya sa loob ng palasong papunta sa amin. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin!" Tila kinakabahang sambit ng matandang babaeng si Ersula habang batid nito ang ibayong panganib na naghihintay sa kanila.
Isa lamang ang alam niya isa itong patibong at isang malaking set-up ang nangyari. Sigurado siyang hindi ang Hari at Reyna ang may kagagawan nito kundi mayroong pang nilalang ang gusto siyang paslangin.
Ang dalawang pill na binigay sa kaniya? Isa iyong pill para makalimot ng lahat ng alaala.. Kung sakaling ininom niya iyon ay mawawala ang kaniyang sariling kontrol sa katawan dahil isa iyong bagay na magiging side effects ng pill/gamot na iyon.
Hindi niya alam kung ano ba talaga ang nangyayari ngunit batid niyang ang mismong kaharian ay mayroong mga espiya at mayroong indibiduwal na interes at sabwatan sa mga nilalang sa loob ng Heaven Arcane Kingdom.
Maya-maya pa ay bigla na lamang nagkaroon ng kakaibang pangyayari sapagkat naramdaman ng matandang babaeng si Ersula ang mabilis na paparating na atake na walang iba kundi ang nasabing kakaibang palasong naglalaman ng kakaibang enerhiya mula rito.
Papalapit na sila sa labas ng teleportation Array ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang bigla na lamang nangyari.
Whoooshhhh! Whoooosshhhh!
BAAAAAANNNNNNNNNGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Isang malakas na pagsabog ang nangyari sa sinasakyang karwahe ng dalawang nilalang na sakay nito na walang iba kundi ang batang lalaking prinsipe na si Luciouss Luxx Vermontt at ang matandang babaeng tagapagbantay nito na si Ersula.
Hindi pa rin nagigising ang batang lalaking prinsipe na si Luciouss Luxx Vermontt kung saan ay tila nasa epekto pa rin ng pagpapatulog ng intensyunal na pamamaraan ng matandang babaeng si Ersula. Masasabing makikitang parang naninibago ang bagay na ito kung saan ay tila walang kaalam-alam ang batang lalaking prinsipe na nasa bingit sila ng kamatayan.
Lumilipad sila palabas ng Teleportation Array este bumulusok sila palabas ng Teleportation dahil sa lakas ng impact ng pagsabog.
Ang matandang babaeng si Ersula ay tila nakampante sa pangyayaring ito nang biglang...
Whoooshhhh! Whoooshhhh!
Ang dalawang palaso ay biglang sumunod pala sa kanila kung saan ay papunta ito sa kaniyang sariling katawan mismo.
BANGGGGG!!!!!
BANGGGGG!!!!!
Tila naramdaman ng matandang babaeng si Ersula na tumagos sa katawan nito sa mismong acupoints niya ang nasabing mga palaso.
Nanlaki ang pares ng mata ng matandang babaeng si Ersula nang mapansin nito ang pinsalang natamo niya. Bigla siyang namutla sa kaniyang kinaroroonan.
"Paaanong nangyari ito?! Hindi maaaaring mangyari ang bagay na ito. Hindi ako maaaaring mamatay ng Basta-basta lamang. Paano na ang batang lalaking si Prinsipe Luciouss Luxx Vermontt? Paano kung may mang-api rito o kaya ay mapaslang sa lugar na ito? Hindi ako makakapayag. Masyado pang maaga upang mamaalam ako sa mundong ito. Hindi maaaari ito!" Madamdaming saad ng matandang babaeng si Ersula sa kaniyang isipan lamang lalo na at tila naparalisa ang kaniyang bibig na magsalita ng hayagan. Siguro ay epekto ng nasabing atakeng puminsala sa kaniyang sariling katawan. Masasabing hindi ito makakapayag na hanggang dito na lamang siya. Hindi niya mapapayagang mamamatay lamang siya rito. Sino bang niloko niya, isa lamang siyang tagapagbantay ngunit alam niyang tungkulin niyang paglingkuran ang nasabing outcast na batang prinsipe na si Luciouss Luxx Vermontt. Masasabi niyang kahit na napakakulit ng batang prinsipe na ito ay napamahal at napalapit na ang loob niya rito at parang tunay na anak na ang turing niya rito.
PAHHHHHHHH! PAHHHHHHH! PAHHHHHH...!!!
Halos magkasabay na bumagsak ang sugatang katawan ng matandang babaeng tagabantay na si Ersula at ang hindi pa nagigising na batang lalaking prinsipe na si Luciouss Luxx Vermontt maging ang mga debris o mga parte ng karwaheng pangkawal na sinasakyan nila kani-kanina lamang ay lumapag sa lupang kinaroroonan nila.
Kahit sugatan ang nasabing matandang babaeng si Ersula ay sinubukan pa rin nitong puntahan ang kinaroroonan ng batang lalaking prinsipe na si Luciouss Luxx Vermontt.