The cold morning breeze soothes my skin. It blew my long hair and rustles the dried leaves.
It's the first day of September that's why I'm early in school to prepare for today's program.
The National Nutrition Week.
Students are required to pack their lunch filled with vegetables for the whole week. The school canteen also prepared some healthy snacks for the students and teachers.
I somehow got excited. Usually kasi kapag unang araw ng program ay ginagawang half-day lang ng principal.
I removed my jacket and went to the SSG's office, maaga ang call time namin dahil marami pang mga kailangang ayusin at i-check para sa hinanda naming program at mga palaro.
"Ayamere I'll assign you sa pagdikit nitong tarpaulin, mag tulong na lang kayo ni Zacky, okay lang ba?" I nodded and smile to Ate Ziara, the school's SSG president.
Sandali pang nagkaroon ng ilang pag-cclear sa mga gagawin at maikling prayer bago kami i-dismiss.
Busy kami sa pagdidikit ni Zacky nang tawagin ako ni Kuya Renzo, siya naman ang vice president namin na madalas na na-aasign sa mabibigat na task, literal na mabigat like pagbubuhat ng mga upuan and such.
"Ayamere paki print mo daw pala muna itong mga certificate sabi ni ate Ziara mo," he handed a small flash drive together with a 500 peso bill.
"Okay po, balik agad ako pag natapos," I said and was about to go down nang may pahabol pa siya.
"Sa matigas na papel ha," he reminded me and nodded, dismissing me now.
Saktong palabas ako ng school nang makita ko si Luvanah na parang zombie kung maglakad patawid sa kalsada.
Hula ko nagpuyat na naman siya kanonood ng kung anong kdrama o dahil sa paga-advance reading niya kuno para sa exam.
I slightly chuckled and decided to call her.
"Vanah!" malakas kong sigaw habang nakangiti.
Kumunot ang noo niya at hinanap ang tumawag sa pangalan.
Umiling ako, halatang sabog pa ang isang 'to.
"Gaga, eto 'ko." Pinitik ko ang balikat niya nang makatawid.
"Aga mo ah!" she exclaimed and acted surprised. Nagtaas siya ng kilay at pinasadahan ang suot ko.
Hindi kasi ako naka uniform dahil nga sa iho-host naming program mamaya. Suot ko ngayon ang isang white polo na may maroon sleeves at malaking logo ng sci hi sa kanang dibdib, I partnered it with a fitted maong pants.
Pinatalikod niya pa ako para basahain ang pangalang nakasulat sa likod ng polo.
"Ayamere Shiandra Francisco, Auditor!" pagbasa niya gamit ang tono na parang nasa isang pageant.
I chuckled and face her again.
"Ano meron? Naka civilian ka na naman," she asked. I pulled her arm inside the printing shop few miles away before answering.
"Nutrition week ngayon diba?" I said as I handed the small flash drive to the old man.
"A4, parchment paper po kuya." I pointed the files on the screen and sat beside Vanah.
Bigla siyang tumayo at binuksan ang bag, kumunot ang noo ko sa tagal nang pagkakalkal niya roon.
"Ano ba yung hinahanap mo?" nagtataka kong tanong at tumayo na rin para tulungan siya.
Halos mailabas na namin ang lahat ng laman ng bag pero hindi pa rin niya mahanap ang kung anong project na sinasabi niya.
"Hala nalimutan ko ata yung pinapadala ni Ma'am Niva," kinakabahang sabi niya at tumingin sa akin.
Nagtaas ako ng kilay at agad na umiling. "Gaga wag mo akong tingnan ng ganiyan, 5 minutes lang ang paalam ko."
She pouted and tightly held my arms, "Sige na, parang wala naman tayong pinagsamahan Aya," I rolled my eyes when she started making weird facial expressions.
"50 points 'yun Aya, ibabagsak ako ni Ma'am Niva dahil lang sa pechay?! Payag ka dun? Kala ko ba sabay tayong aakyat sa stage at sasabitan ng gold medal?"
My nose contorted because of what she said.
Talagang nakuha pa akong konsyensyahin ng babaeng 'to. Napakagaling.
I rolled my eyes again and sighed.
"Well, Lulu as usual?" I said in defeat.
Siya naman ngayon ang napairap dahil sa nickname na binanggit ko.
I don't know why she hated that nickname ever since nag summer kami sa bataan, noon naman walang reklamo kapag tinatawag siyang ganon. I tried to ask but she won't really tell me.
Sabi ni Kuya na nakatao sa printing shop ay matatagalan ang pagpprint ng mga certificate dahil sa dami non at dahil iisa lang din ang available na printer kaya napagpasyahan naming dumeretso na muna sa palengke at balikan na lang mamaya ang ipinapaprint.
Nagabot kami ng 40 pesos sa sinakyan naming tricycle nang makarating na sa palengke.
"Jusko, mas mahal pa ang pamasahe kaysa sa bibilhin natin," naiinis na sabi ni Vanah nang makalayo at nagpaypay gamit ang kamay.
Sino ba namang hindi maiinitan kung isang makapal na jacket ang soot mo sa palengke at bitbit pa ang isang malaking backpack.
I carefully walk on the aisle, lalo na nang matapat kami sa mga tindahan ng mga manok at baboy. Heck, I do not want any stain on my new Stan smith shoes. Ilang bwan din akong nagtipid para mabili ito. Kitang kita ang duming tatalsik dahil sa puti.
"Vanah mauna ka nga," sinenyasan ko ang kaibigan ko para siya ang sumalubong sa mga tao na dumaraan.
"Nay, isang pechay po," itinuro ko ang mga nakasalansang pechay mula sa ibaba, katabi noon ang iba't ibang klase pa ng mga gulay.
"Hey, pera?" nilahad ko ang kamay ko kay Vanah. Wala akong dalang cash bukod sa limang daan na inabot ni Kuya Renzo sa akin para sa mga certificate kaya siya din ang magbabayad ng pamasahe namin mamaya pabalik.
Well, project niya naman 'to sinamahan ko lang siya.
"Ikaw ba yung anak ni Mayor Alonzo?" sumingkit ang mata ng matanda sa akin at mas tinitigan ang mukha ko.
I felt uncomfortable, especially when some of the vendors and costumers heard what she said and looked at me too.
I smiled awkwardly and nodded. "Opo, ako nga," nahihiya kong tugon.
"Ay, yung pechay po, late na po kami," pagtawag ni Vanah sa tindera kung kaya't sa kaniya nabaling ang atensyon ng matanda.
I slightly close my eyes and sigh.
I don't know how my father treats them, kung katulad din ba ng pag trato sa akin o iba. Hindi kasi ako isinasama sa kampanya at ipinakikilala sa mga tao, si ate at kuya ang madalas na kasama nila sa bawat lakad kaya wala akong kaide-ideya sa buhay pulitika ng pamilya ko, hindi rin ako ganon kakilala bilang anak ni Mayor Alonzo.
Wala naman akong problema doon, honestly, mas okay nga kasi walang masyadong nakikielam at nagbabantay ng mga kilos ko. Bukod kila mama at dad syempre.
Mas binilisan namin ni Vanah ang paglalakad nang makitang malapit na palang mag seven. Baka ma-late pa kami, lagot ako sa mga magulang ko kapag bigla silang pinatawag dahil dito.
Bangungot sa oras na ma-late kami. Halos isang oras kaming naka-hold sa gymnasium habang sinesermunan, kasama pa roon ang pag-contact sa parents namin at pagkakaroon ng record sa guidance na isang malaking no way para sa akin.
Magkahawak ang kamay namin ni Vanah habang nilalakad ang daan papunta sa sakayan nang isang madiing tapak ang nakapagpatigil sa akin.
Fuck.
"What the hell?!" I exclaimed and angrily look at the man in front of me.
"Sorry nagmamadali ako, excuse me," his facial expressions was blank that's why I don't find the apology sincere at all.
I noticed the uniform he was wearing and suddenly realized what university he's attending.
Padabog akong bumitaw kay Vanah at hinatak ang sleeve ng lalaki.
Tatalikuran mo pa ako, ha.
"Nagmamadali rin ako kuya eh, kaso may program akong aattendan tapos dinumihan mo 'tong sapatos ko," inis na sabi ko at itinuro ang ngayo'y puro putik na Stan Smith.
Kabibili ko lang nito! Ang mahal mahal pa naman!
"Kaya nga sorry," mas mariing wika niya at inismiran ako na para bang siya pa ang naiinis sa akin.
I felt offended by his choice of words and facial expressions. Nanliit ang mata ko.
Bahagya niyang itinaas ang nakasukbit na itim na bag sa balikat, pansin kong mabigat 'yon at mukhang puno ng mga libro.
Nerd.
Muli akong nagangat ng tingin sa kaniya.
Akma akong yuyuko para sana tanggalin ang suot na sapatos.
"Huy, hala ka anong ginagawa mo!" gulat na sabi ni Vanah at hinila ako patayo.
I looked at my watch to check the time and pointed my dirty shoes.
"Labhan mo at dalhin sa SciHi bago mag 8:30 am o bibilhan mo ako ng bago?"
Nakita kong kumunot ang noo niya kaya mas lalo kong itinaas ang kilay ko.
"Anong pake ko diyan? Hindi ko sinasadya 'yon, nag sorry na nga ako diba, miss?" he said. Annoyed or pissed, I don't know, I don't care.
Bumuka ang bibig ko, aksidenteng bumaba ang paningin sa suot niyang I.D.
"Stop making this a big deal--"
I smiled mischievously.
"Hoy! Pucha, I.D ko 'yan!" malakas na sigaw ng lalaki.
Sinubukan niyang humabol sa amin pero dahil sa mga kargador na nakakasalubong at ilang matatanda na naglalakad ay nahihinto siya.
Pinigilan kong matawa ng malakas, hatak hatak ko pa din si Vanah hanggang sa makasakay kami sa isang tricycle na nakaparada sa Jollibee.
Nanlalaki ang mata ni Vanah at tinuro ang mukha ko. "Anong ginawa mo! Ayamere!" sunod sunod na lumunok ang kaibigan ko samantalang napahawak na ako sa tiyan katatawa.
I fixed my hair and look for a pack of wet wipes in her bag.
Muling bumalik sa isip ko ang hitsura ng lalaki habang pinupunasan ang dugyot dugyot na sapatos.
Damn, that funny grumpy face.
Wala palang pake ha, tingnan na lang natin ngayon.
Kusa akong napangiti at itinaas ang hawak na I.D. Halos maningkit na ang mata ko sa sobrang saya, it was like a trophy to my eyes.
Anton Christopher Servadanes II
Grade 11 - HUMSS