Napuno ng kantiyawan ang table pagkatapos kong maupo. Nanguna sa pangaasar si Vanah na sinesegundahan naman ni Rex.
I shook my head and started eating. Nakakaasar naman kasi si Anton bakit isinigaw pa!
"Yun ba yung ninakawan mo ng I.D? Siya 'yon diba?" muling dagdag ni Vanah kaya sa kaniya naman bumaling ang mga kaibigan namin.
"Grabe namang moves 'yan Aya! Ganyan na ba yung bago ngayon?" Rex added which made them laugh except kay Aliah na umiling lang at nagpatuloy sa pagkain.
"Friends na kayo girl?" Vanah wiggled her eyebrows, trying to annoy me more.
"Tol, hindi ako nasabihan na ganon na mga type mo, kala ko up for fuckboy kinda get up ka pa eh," Rex said which made Aliah hit him.
"Bobo, it was her dad's idea to date those guys na kauri mo," Aliah rolled her eyes and finished her iced tea.
Ngumuso si Rex sa narinig at muling bumaling sa akin. "Lakad kita gusto mo? Classmates kami no'n nung elementary eh," pagmamayabang niya at ngumisi.
I contorted my nose. "Rex, please lang tigilan mo 'ko at hindi ko naman type 'yon."
"Ah, baka ikaw type," mahinang bulong niya at kay Aliah na bumaling.
Umirap ako at inubos ang burger patty para makaalis na kami, hindi pa ako contented sa binasa ko kanina kaya magrereview ako ulit mamaya sa room pag balik namin.
It was 12: 40 when we decided to go back to school.
A classmate sat on the chair beside me.
"Ano 'yan Electronics?" he asked and smiled a little.
"Oo," I nodded and look back at my notes.
"Review tayo, tanungan," he suggested and started looking for something in his notebook.
We were about to start when our class president entered the room and announced something that made the whole class chaotic.
"May batch meeting daw after 30 minutes, mag prepare na tayo," she started distributing the task on the officers.
"Yes! Walang quiz!" my other classmate shouted and started manipulating her phone, probably going to continue watching haikyuu or something.
"Tara canteen!" Andrea pulled me.
"Hoy bawal lumabas!" Our class president shouted but it's too late for her to stop us because Andrea already run and took me with her.
"Gago, baka mapagalitan tayo," I said worriedly.
"Hindi 'yan, saglit lang naman, turon lang eh," she pouted.
I shook my head in disbelief, ewan ko ba't adik na adik siya sa turon ng canteen namin, nagtatantrums pa yan minsan kapag nauubusan.
She handed a fourty pesos to the cashier. "Dalawa po ate, bukod ng papel."
I slightly laughed. "Ang takaw mo," asar ko sa kaniya at umupo sa bench habang naghihintay sa order.
"Sayo yung isa ano ka ba! Galante 'to noh," she winked at me and reached for the newly cooked turon.
We stayed there for a while to finish the turon, bawal kasi ang pagkain sa classroom except kapag lunch.
Tumabi sa akin si Andrea at nakiinom ng tubig sa tumbler, fifteen minutes passed nang pumasok ang teacher at sabihing pwede na kaming bumaba sa gymnatium kung saan gagapin ang batch meeting.
Kumaway sa'kin sina Aliah, Rex, Vanah, Heather at Krisanta nang makita ako papasok. Natawa ako nang pare pareho silang binawal at pinaupo ng mga adviser nila.
Per section ang seating arrangement at nasa gitna kami.
"Pa-connect," Andrea sheepishly smiled after 20 minutes of listening in front.
Tumango ako at kinapa ang cellphone sa bulsa.
"Hala naiwan sa room."
"Huy bawal daw mag iwan ng personal belongings, kapag 'yon nawala bahala ka," banta niya at tumingin sa likod namin.
"Ma'am pwede po ba kaming bumalik sa room? Naiwan po ni Aya yung phone niya eh," she said cutely.
Napalingon din ako sa likod para tingnan ang adviser namin.
"Naku, sabi ko bawal nag iiwan ng ganon eh, sige kunin niyo na, bilisan niyo ha," she reminded and point the hallway using her fan.
Pareho kaming nag thank you ni Andrea at naglakad pabalik sa classroom.
"Dito muna tayo, ang lamig," she said and layed on her chair comfortably.
Umirap ako at kinuha sa bulsa ng jacket ang cellphone. Nang buksan ko iyon ay nakita ko ang tatlong notifications na may pangalan ni Anton.
Out of curiosity, I opened my Twitter account and saw that Anton is now following me as well as on Instagram. Binuksan ko ang isa pang notification at nakitang isa iyong message request mula sa kaniya.
Anton :
Wow, famous pala.
Natawa ako at mabilis na nag type ng sagot sa kaniya.
Ayamere :
Nahiya naman ako sa 3000 followers mo sir.
"Ay may ka-chat na," nagulat ako nang sumungaw si Andrea sa cellphone ko.
Mabilis kong pinatay iyon at umirap sa kaniya.
"Wala lang 'yon, tara na sa baba bilis," aya ko at hinatak na siya palabas ng classroom.
"Sir pa eka," she wiggled her brows and sat down.
Nagulat ako nang kuhanin niya ang cellphone ko at mabilis na nailagay ang pin.
"Hoy, anong gagawin mo," gulat kong sabi at pilit inagaw sa kaniya iyon.
"Kabado mo naman, hotspot lang eh," natatawang sagot niya at binalik din sa akin matapos mai-on ang data at hotspot ng phone.
I was about to turn off my phone nang mag notif ulit ang chat ni Anton, saglit kong nilingon ang adviser namin at nakitang nag-ce-cellphone rin siya.
Rule kasi na bawal kaming mag cellphone habang may meeting or else ay maco-confiscate ito at magulang ang kukuha, ganon din pag flag ceremony.
Anton :
Lol, mostly family friends lang 'yon haha
Anton :
Anyways, wala kang class?
Ayamere :
Batch meeting lang for one hour, hbu?
Anton :
Free cut.
Saglit akong nag isip ng isasagot, tumigil ako nang makitang typing ulit siya.
Anton :
Good thing you ate lunch today. Do you usually eat there?
Ayamere :
Yes, lalo na kapag taghirap days.
Anton :
Hahaha. Kumakain ka ba ng sisig?
Ayamere :
Oo, that's one of my fave!!
Anton :
I know a karinderya that serves the best sisig.
Ayamere :
care to share, sir?
Anton :
Nah
Napakunot ang noo ko at ngumuso, ang attitude naman nito. Nang iinggit lang ata ah.
Ayamere :
ok, damot.
Anton :
Hahaha, we'll go there some time.
Anton :
Btw, I remember, kaya ka pala familiar nung nagkita tayo sa palengke. Madalas ka namin makita ng tropa ko sa calle tsaka sa simplicity hahaha.
Natawa ako, madalas kasi kaming mag food trip sa paligid ng school kapag uwian at ako madalas na mahuling umuwi dahil malapit lang naman ang condo. Simplicitea is a tea shop na madalas naming tambayan ng barkada ko, napapaligiran 'yon ng mga food cart at iba pang tindahan katulad ng fruit shake and such.
Ayamere :
Oo, madalas kami doon tumambay kapag early dismissal HAHAHA
Anton :
Brb, last class na
Ayamere :
okay, goodluck.
Anton :
I'll talk to you later, focus on the meeting :)
I smiled and with that I turned off my phone and tried to listen on the speaker.
Mabilis natapos ang meeting at klase, kasalukuyan akong nagjo-jot down ng mga kakailanganing materials para sa project namin sa EsP nang may mag abot sa akin ng crinkles mula sa likod.
Kunot noo ko silang binalingan.
"Galing kay Orion," Andrea informed me and smiled with malice.
Orion is the guy who sat down with me a while ago para sana mag review.
I suddenly got uncomfortable and don't know what to do. Should I accept it? Will he be offended if I refuse?
Nang makalabas ang teacher ay nagkagulo ang room dahil sa sigawan ng mga kaklase ko. They were pushing Orion to me and started chanting something.
"Haba ng hair, patikim nga," natatawang wika ni Andrea at binuksan ang lalagyan ng crinkles.
I fold my jacket at mabilis iyong ipinasok sa loob ng backpack, lulubusin ko na habang nagkakagulo sila para makaalis.
Dumeretso ako sa AP Department para kausapin ang CAT adviser namin.
Saktong pagbaba ko ay nakita ako nina Vanah na nakaupo sa canteen.
"Panget!" my bestfriend shouted.
I raised my middle finger and laughed.
"Bilis mo maglakad naiwan mo pa tumbler mo!" nagmamadaling hatak ni Andrea sa akin nang nasa tapat na ako ng department.
"Ay, sorry," natatawa kong sabi at tinanggap ang hawak niyang tumbler.
"Uwi na ko bye!" she waved her hands at inayos ang backpack.
"Ay, Aya yung crinkles!" she went back and gave the pack of crinkles na nangalahati na.
"Masarap pero mas masarap 'yan kung dadalasan niya pagbibigay," biro niya at umalis na bago pa ako may sabihin.
Kinipkip ko na lang ang dalang crinkles at pumasok na. Masikip lang ang Ap Department kaya kailangang mabilisan kung kakausapin ko si Sir para hindi magkaroon ng abala sa iba pang mga teachers na nandoon.
Saktong pag pasok ko ay tinawag agad ako ni Sir Esguerra.
"Aya, wala munang hanay ngayon, ipapa-cleaning daw ni Ma'am Principal yung gym," he informed me. Mabilis akong tumango.
"Paki-announce na lang sa gc niyo ha?" he added.
"Opo sir, thank you po," I answered politely and excitedly ran at the canteen.
Mabilis kong tinype ang sinabi ni sir at tiningnan ang mga kaibigan ko.
"No hanay, let's eat na!" I said kaya sabay sabay nilang isinukbit ang mga bag at nagtayuan na.
"Buti naman, libre daw ni Aliah proben," Rex said which made Aliah confused.
"Kailan ko sinabi 'yan? Etong tangang 'to magpapakalat pa ng fake news, tsk," she slightly bump Rex's shoulder.
"Pikon na naman, ilang bwan na 'yang regla mo babe?" Rex teased.
Lalong nainis si Aliah at inirapan na lang siya.
"5:30 uwi na 'ko ah, may review pa eh," Heather said while ordering a milktea.
"Same," si Aliah
"Ge, ako din," Rex followed as well as my other friends.
Tiningnan nila ako, probably waiting for me to say something.
"I'll be home at six, Mom's asking me to guard the house," I smiled.
Tumango sila samantalang nanatili namang nakatingin si Vanah sa akin.
"Studyante sa umaga, guard sa gabi, hashtag multitasker," she smirked sarcastically.
Umirap ako at nagscroll na lang sa Twitter. Lumipas ang dalawang oras na nagbibiruan at kwentuhan kami roon.
Ilang proben at tokwa na rin ang nabili namin bago nila napagpasyahang umuwi na.
I waved at Vanah, siya ang huling sumakay ng trycicle dahil bumili pa kami ng cheese pandesal.
I was walking back to my dorm para kumuha ng mga damit nang mahagip ng paningin ko ang isang lalaking naka Wesleyan uniform na papasok sa Mercury.
It was the friend of Anton whom I met at the grocery store.
Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang may makabunggo akong lalaki, the pack of crinkles fell on the ground.
"Bakit ba palagi na lang tayong nagkakabanggan?" A familiar voiced said and laughed.
Nang mag angat ako ng paningin ay nakitang si Anton iyon.
"Early dismissal?" he asked when I didn't talk.
Tumango ako. I saw him took a glance at the tupperware I'm holding.
"Strawberry crinkles?" ngumuso siya, pertaining to the thing I'm holding.
I nodded. "Yeah, bigay lang." I said.
Napansin kong parang maikli ang lanyard na soot niya, o dahil lang siguro matangkad siya. His uniform fit his body perfectly, para bang siya ang model ng WUP.
He raised his brow. "Sino nagbigay?"
Napalunok ako at saglit na nag isip, sasabihin ko ba? Does it matter?
Ngumuso ako, why would I lie though? I'm not good at lying.
"Uhm, sa classmate ko lang," I answerd shyly.
"Probably a guy, hmm?" he concluded and waited for my answer.
I nodded again and notice that he's now playing his tounge inside his cheeks.
"Didn't know you likes sweets too," he smiled after quite seconds.
I smiled. "Love them," I corrected.
"But I like chocolate crinkles more though," I added and slightly laughed.
He crossed his arms and looked at me.
"You wanna try the sisig?" he asked and glanced at the drug store.
Tumaas ang kilay ko at lumaki ang ngiti sa labi. Parang kanina lang pinagdadamot niya yung karinderya na 'yon ah.
"You sure you're going to bring me there?" I asked, trying to tease him.
Nag taas din siya ng kilay. "Tara na bago pa magbago isip ko," inabot niya ang kamay ko at hinatak para makatawid sa kalsada.
Natawa ako ulit, this guy is really something.
"Pano si Jerico? Aren't you with him?" I asked while walking, hatak hatak niya pa rin ako habang paliko sa kanto.
"Malaki na siya tsaka mag kapitbahay lang naman kami no'n."
"May sakit ba siya? Anong binibili niya sa mercury?" I asked again.
Kunot noo siyang lumingon sa akin. "Tanong ka nang tanong dun, crush mo ba? Kayo na lang kaya mag sisig?" he said and let go of my hands. I sense that he was slightly annoyed.
Nanlaki ang mata ko at umiling, aba't ang issue din niya ha! Nagtatanong lang eh!
"Parang tanong lang eh, sige wag mo nang sagutin," nakangusong sabi ko at nanguna sa paglalakad kahit hindi ko talaga alam kung saan pupunta. Kapag talaga may aso dito itong masungit na lalaking kasama ko ang ibabalandra ko.
"Bumili siya ng maintenance nila lola, nahuli ako kasi kinuha ko pa yung pinaburn na CD sa kabila," he answered nang makahabol sa akin.
I just nodded and continue walking.
He held my arms para makaliko sa kabilang kanto. "Anong drinks mo? Sana umiinom ka ng softdrinks."
Nilingon ko siya, I'm offended. Mukha ba akong pihikan?
We reached a medium size karinderia, napansin kong may mga estudyante na kumakain parin doon kahit hapon na.
"Anton!" A group of guys called him, probably his friends or batchmates.
Tumango lang siya at ipinaghila na ako ng upuan.
Sungit talaga.
"Ate dalawang sisig po, isang coke tsaka..." he looked at me, asking what's my drink.
"Royal," I answered.
Tumango ang babae at iniwan na kami, I saw his friends looking at us in my peripheral vision.
"How's school?" he suddenly asked kaya sa kaniya na nabaling ang atensyon ko. Daig pa si mama ha?
"Fine, I guess?" I answered and open my phone. I felt shy, this is my first time eating with somebody that I'm not really close with.
Binuksan niya ang bag niya at naglabas ng maliit na electricfan doon. "Sorry mainit," aniya at itinapat sa akin ang hawak.
Magsasalita sana ako para sabihing okay lang nang dumating na ang order namin. Mainit pa 'yon at umiilansik pa ang mantika, mabilis na hinalo ni Anton ang half cooked na sunny side up para humalo sa sisig at maingat na iniabot sa akin.
"You sure this is good?" nagbibirong hamon ko.
He raised his eyebrows and smirked, "Kapag hindi masarap magpapakalbo ako," he confidently said and started mixing his own sisig.
Natawa ako. "Advanced RIP to your hair."
"At kapag naman masarap tutulungan mo 'ko sa interview," he added.
"What interview?"
"As much as I don't want to do it kailangan para hindi ako matanggal sa latin honors. May project kami na mag interview ng out of the school personel at hingin ang opinyon nila sa government plans and moves," he explained.
"Tss, are you going to use me?" nanliit ang mata ko at pinagkrus ang mga braso.
Tumawa siya. "I'll treat you here everytime kapag nasarapan mo yung sisig, come on let's eat turn off you phone," he motioned and handed me the clean utensils.
Unang subo pa lang ay pinrepare ko na ang sasabihin.
That's why he's so confident and even bet to shave his head. Damn, mautak talaga ang lalaking 'to.
He was watching my every move and how my face reacts while eating.
Nauna pa nga akong sumubo kaysa sa kaniya.
I bitterly swallow the sisig and wiped my mouth, "Ngayon mo na ba kailangan yung project?"