As I expected, the principal announced that she will give us a free afternoon schedule.
At exactly 1 pm ay nakapagligpit na kami ng mga ginamit sa school program sa tulong ng mga officers, scouts at ilang mga estudyante.
I faced my cadets for dismissal.
"Dismiss," I said as I check their movements and salutes if it was in the right position.
I stared at them for a while before shouting 'carry on'.
"Dismiss!" They all shouted in unison and saluted before turning around.
Saglit pa kaming nag usap ni Bianca, my Assistant S1 Adjucadet, tungkol sa magaganap na Teacher's Day Celebration para naman sa susunod na linggo.
I started panicking when I didn't see my backpack, dito ko lang binaba 'yon sa bench eh.
Kinakabahan akong umupo at inayos sandali ang medyo nagulong ponytail.
"Aya!" I immediately turn around when someone called my name.
Napa-face palm na lang ako at umirap nang makitang nakasukbit sa kabilang balikat ni Vanah ang kanina pang hinahanap na backpack.
"Tara na sa Mega, maggo-grocery ako," she said and forcefully pulled my arms.
Wala akong nagawa kundi magpakaladkad, sa lakas at tangkad ba naman ng babaeng 'to.
"Wow, grocery?" nakaismid kong tanong.
Ayos nga kung grocery talaga kaso hindi eh, may iba pa siyang agenda roon tuwing sasapit ang araw na 'to.
Manong driver told us to wait for another passenger na makakasabay namin sa biyahe, perhaps he doesn't want to waste his gas or time.
"Oo, bakit angal ka? Libre ko pamasahe," she winked and handed my bag.
It was just a small Miniso backpack na ang laman lang ay wallet, isang notebook at ballpen. I know that I will be very busy today and there will be a shortened period because of the said event kaya hindi na ako nag abala pa na magdala ng mga libro.
I wrinkled my nose when Vanah started to put a little amount of liptint on her lips and both sides of her chubby cheeks.
"Hindi ka naman pinapansin nung panget na 'yon, tss," I said, trying to piss her off.
"Who said that I'll go there for him? Kukuha lang ako ng pera kay papa. Tuesday ngayon, he's training the players," she said using an unbothered tone.
I pouted, well she has a point. Every tuesday kasi ay nagt-train ng mga taekwondo players ang tatay ni Vanah kasabay ng mga nagte-table tennis kaya every tuesday din ay nakikita namin ang crush niyang feeling pogi habang humahampas ng ping-pong ball doon.
I wiped the sweat on my face after entering the mall, feeling ko na-haggard ulit ako dahil sa pinagsamang usok at init mula sa labas.
We left our bags on the baggage counter bago pumunta sa mga nag-ttraining na players.
"Hello po!" I greeted Tito Laurence, pagkatapos ay nag bless.
Matangkad si tito, bagay na namana ni Vanah sa kaniya samatalang kay tita naman na ang lahat ng features. Fair skin, chinky eyes and slender body na kabaligtaran naman ng sa akin.
"Oh napaaga kayo?" tito asked and immediately pulled his thick wallet.
"Half day lang po papa," Vanah answered.
Napansin kong bahagya siyang lumingon sa kabilang banda ng mall kung saan naroon ang mga table tennis players.
After handing 5000 pesos ay mabilis na akong hinila ni Vanah papasok sa Savemore.
Ako ang nagtutulak ng push cart habang busy naman siya sa paglalagay ng kung ano-ano, hindi pa kami nangangalahati sa listahan ay bigla na siyang tumigil.
"Shoot, may project nga pala kami sa Reseach!" she started panicking, napanganga ako nang ilapag niya sa kamay ko ang pera at listahang dala niya.
"Bibili lang ako sa National ng mga gamit, babalik ako agad, ako na din bibili nung tickets natin!"
I massaged the side of my head. I literally have no choice when it comes to her! Sapilitan, eh!
We planned to watch Time Loop today. Mahaba pa ang araw kaya susulitin na namin even though we're really not fond of watching movies.
I was about to turn the push cart around nang may biglang bumangga dito dahilan upang mahulog ang ilan sa mga delatang nasa gilid.
"Shit, sorry miss."
I irritatedly picked some of the canned goods at padabog na binalik sa lalagyanan.
Nilagay ko sa magkabilang bewang ko ang mga kamay habang pinapanood siyang pumulot din ng mga gumulong na delata.
Nanlaki ang mata ko nang tumayo siya at magpagpag ng kamay. This fucking ugly man again.
"Oh, hi," he said, trying to hide a smirk.
What a small damn world.
"Thanks for stealing my I.D by the way," he sarcastically said.
Nag iwas ako ng tingin at tumikhim. Nilagay ko muli ang dalawa kong kamay sa push cart, preparing myself to leave.
"You're welcome. Also, thanks for stepping on my white shoes."
I was about to turn when he held my push cart and went near me.
I didn't move and bravely stare at him.
His thick eyebrows crossed. "Edi dapat tinapakan mo na lang din yung sapatos ko kung gusto mo lang din naman palang makaganti."
I can smell his scent intoxicating my nose, it was so manly and I hate it.
Bahagya na akong napaatras nang muli siyang humakbang, I slightly flinched when our skin touched.
Inis kong binuksan ang wallet ko at kinuha roon ang I.D niya.
"Eto na nga!" I showed his fucking I.D and raised my eyebrows.
Akma na niya iyong kukunin ng sabay kaming mapalingon sa lalaking tumawag sa kaniya.
"Bro ang tagal mo nama-" he stopped and obviously look at me from head to toe, hindi manlang nahiya.
He's all smile and moves like an energetic person, ibang iba sa katabi ko na parang pinaglihi ng nanay niya sa sama ng loob.
"Hi! Im Jerico but you can call me Je or Ric, ikaw bahala pwede na din yung pogi hehe," he offered a hand. I feel like I have no choice but to accept it.
"Uh, hi," naiilang kong sabi at muli ko na sanang ililiko ang push cart para makaalis na.
"Nagmamadali ako, please," mariing sabi ko nang muli niyang pigilan ang push cart na dala ko.
"Ayamere, right?"
"Huh?" gulat kong tanong at nilingon siya.
How did he know my name?! Bahagya ko pang sinulyapan kung nakasuot pa ba ako ng school I.D pero hindi naman na.
"Are you cutting classes?" kunot noong tanong niya.
Napanganga ako nang bigla niyang itanong 'yon.
Hindi, pero ano bang pake niya?
Umirap ako at tumalikod, wala akong balak sagutin ang napaka petty na tanong niya.
"Recently, the mayor proudly included on his speech that his children were obedient and student leaders, didn't know that student leader these days know how to cut classes," he sarcastically said and smirk.
Wow, as if you did something huh?
Mariin akong pumikit at magkakrus ang brasong humarap sa kaniya.
This man really knows how to piss me off.
"Well I think you're misken Mr. Servadanes. Maybe I'm not the child of your mayor," I bit the sides of my cheek, trying to calm myself. "And I'm not the kind to cut a class. As I've said after you step on my shoe, we had a program and because of that the principal decided to dismiss us earlier. If you know nothing then just shut the fuck up and kiss your damn I.D."
What a fucking waste of time.
Mas lalo pa akong nainis nang ma-realize na nakuha ko pang mag explain sa kaniya. Dapat hindi na 'ko nag-explain, eh! Nakakabwisit talaga!
Bakit ba kasi ang hilig hilig makielam ng mga tao sa panahon na 'to. Kala mo sinong perfect! Imposibleng hindi pa nag-cucutting yung Anton na 'yon noh!
I swear, I'll cut all my fingers if he haven't done that in his entire life!
"Kapag hindi ka ngumiti diyan ako mismo lulukot ng mukha mo," inis na banta ni Vanah habang ngumunguya ng pizza.
Natapos namin ang pago-grocery at panonood ng cine nang badtrip ako at wala sa hulog.
Pag talaga nababanggit ang pangalan ni Dad... Hay nako!
Pinunasan ko ang bibig ko.
"Dami kasing quiz bukas! Ano gusto mo tumawa 'ko?" palusot ko sa kaniya at umirap.
"Kaya mo 'yan! Huwag ka nang mag review," nakangiting wika niya at tumago tango, halatang nandedemonyo.
Binato ko siya ng ginamit na tissue at humigop sa chocolate shake.
"Sabay tayong aakyat sa stage with gold medal," I mockingly said, trying to imitate her voice.
Tumawa siya at umiling. "Ikaw naman hindi mabiro! Syempre mag aral ka! Burn the midnight oil beh!" muli niyang pagbibiro at binalik sa akin ang tissue.
"Pero 'di nga." Pumalumbaba siya at tiningnan ako, "Ano iniisip mo? kanina pa salubong 'yan eh," she pointed my eyebrows.
I sighed, wala talaga akong lusot. Magtatanong at magtatanong ito hanggat hindi ko sinasabi.
"Well..." I started explaining to her what happened in the grocery. More like nagsusumbong ako sa mga sinabi nung Anton na 'yon.
"Woah! Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo may minsan la--"
Nanlaki ang mata ko nang malakas siyang kumanta.
Mabilis kong tinakpan ang bibig niya. Maganda naman ang boses ni Vanah kaso nga lang hindi ko gustong mag-viral kaming dalawa dahil sa pageeskandalo niya.
"Ano ba, nakakahiya ka!" inis kong sabi.
"Yuck! Malinis ba 'yang kamay mo?" tanong niya at kumuha ng tissue para punasan ang bibig.
"Kakahugas ko lang ng pwet kanina, sorry ikaw naman kasi eh," I teased and waited for her reaction.
"Pucha, kagandang babae dugyot!" pinigilan kong matawa, ang mukha naman niya ngayon ang lukot lukot dahil sa inis.
"Hala si Servadanes oh!"
Mabilis akong napalingon nang ituro niya ang pinto ng resto.
"Nasan?!" kunot noong tanong ko at pilit hinanap ang itinuturo niya.
Parang wala naman, eh.
"Hmm! Uto uto!" malakas siyang tumawa at binatukan ako.
Natigil ang pagaasaran namin nang lumapit ang crew ng restaurant para iabot ang bill, mapapagabutan pa ata kami ng pagsasarado ng mall.
Mabilis na pinagpawisan ang kamay ko nang hindi lumabas ang hinahanap na wallet sa bag.
"Bakit?" inosenteng tanong ni Vanah.
"Nawawala wallet ko," kinakabahan kong sabi at tiningnan sa mga singit singit ng folder. Nagbabakasakaling naipit lang doon.
Hindi na importante yung cash na laman noon ang importente yung cards at mga I.Ds ko.
My phone vibrated and flashed an unknown number on the screen.
Hindi ko na sana papansinin pero nang makita ang isang pamilyar na pangalan ay kusang gumalaw ang kamay ko.
095645*****
Hi, this is Anton. I got your number from your wallet, you left it at the grocery store.
Wow. Checkmate.