Chereads / The Street of Mabini / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

I massage the temple of my nose while thinking about my wallet.

Si Vanah tuloy ang nagbayad ng kinain namin sa restaurant at hinatid pa nila ako rito sa dorm ni Tito.

Muli kong binuksan ang phone ko para tingnan kung may reply na ba si Anton.

Ayamere :

Oh, You have it?

095645***** :

Yeah, I kept it. Where are you? I'll hand it now.

Ayamere :

I'm on my way sa condo

095645****** :

Alright. Dalhin ko na lang diyan.

Ayamere :

Huh? Huwag na! I'll get it to you, tomorrow na lang.

Ngumuso ako. Sabagay, ano pa nga bang i-rereply niya doon.

I shrugged and went to the kitchen to get a cup of coffee and some chips. I need to study for the whole night para sa sandamakmak na pt's and quizzes namin bukas.

It sucks being a student. Pwede bang trabaho na lang agad?

Nang tumunog na ang kettle ay maingat kong isinalin ang tubig sa malaking tasa.

Saktong pag upo ko sa study table ay siyang pag ring ng phone ko, mabilis akong tumayo at hinanap ang cellphone.

Why would he call me on such late night? Ngumisi ako at napailing

Nang iangat ki ang phone ay nalaglag ang balikat ko, pangalanan ni Mama ang naka-flash sa screen. Kala ko si Anton.

"Hello, Ma?"

"You need to come home tomorrow, walang mag babantay ng bahay. Huwag ka nang gumala. We have a seminar at Manila kasama ang ate at kuya mo, no excuses please," her voice was hoarse, maybe because of the exhaustion from her work.

I gulped, suddenly bitterness took over me.

Umupo ako sa swivel chair at mahinang tinapik ang balikat.

It's okay Aya, at least you have a role in your family. May pakinabang ka sa kanila.

"Yes Mama, sure po!" I said with a slight smile on my face.

"Good night, be home at 6."

"Opo-" napatingin ako sa phone ko nang maputol na ang tawag.

Pinunasan ko ang namuong luha sa mata ko. I have no time for dramas, ang dami dami ko pang kailangang basahin, my gosh.

Hindi agad ako nakapag simulang mag review dahil sa mga groupmates kong nagkakagulo at hindi pa pala nakapag prepare ng powerpoint para bukas.

Pinatay ko ang phone ko nang mag alarm iyon, it was an alarm for my bedtime pero mukhang nagloloko ata ang phone ko dahil napaaga iyon. Mamaya pang 11:30 sana ang tulog ko.

Nang ilipat ko sa last page ng lecture ay muli na namang nag ring ang peste kong cellphone. Ini-scan ko muna ang mga nakasulat sa notebook bago buksan ang phone.

My eyes widened. Muntik pang mahulog ang phone ko kung hindi lang iyon nasalo ng aking hita.

Anton's number flashed on my screen, tumatawag siya!

Nataranta ako at napainom sa tasa ng kape.

"Hi?" his husky voice echoed.

Napalunok ako at mabilis na sumagot.

"Uh, hello?"

Hindi ko alam kung bakit parang hinahalukay sa kaba ang tiyan ko, daig pa nito yung kaba ko kapag nasa meeting de avance!

"Good evening," his voice was kinda soothing na parang kayang kaya akong hilahin sa antok.

"Im sorry I called you in the middle of the night, I hope I didn't wake you up, just tell me if I'm bothering you, I'll hung up immediately."

Napakagat ako sa labi dahil sa sunod sunod na sinabi niya.

"No, it's okay, gising pa naman ako," awkward kong sagot at bahagyang tumikhim.

Hindi agad siya sumagot, narinig ko ang mabagal niyang pag hinga sa kabilang linya.

"Anong oras uwian mo? Ihahatid ko na lang yung wallet mo sa school niyo."

I sat down in my bed before answering.

"Around 5:40, I think?" I said, not sure about my answer.

"What time is your lunch?"

Saglit akong nag isip, my friend would ask me questions kapag nakita siya and I do not want that to happen, swear puro pang aasar ang aabutin ko from them.

"Uh, I-I don't eat lunch...I mean..."

"Why won't you eat lunch? Paano ka nakakapag focus sa pag-aaral niyan?" his tone changed. I feel like he was scolding me now.

Mariin akong napapikit. Wow Aya you're such a great liar.

"I'll be there at 12:30 is that okay?"

Napa face palm na lang ako, ayan that's what you get from lying little bitch! Sumakto pa sa 12 pm naming lunch break!

"U-Uhh sure," naka ngiwi kong sabi.

"Alright. By the way, it's not a good thing to study at this time, it's too late already, baka makatulog ka lang sa mga klase mo bukas. Just rest, see you tomorrow."

Tumaas ang kilay ko. Why does he suddenly sound so kind now? Umismid ako.

"Alright, I'll see you tomorrow, thank you ulit."

"Good night," he said.

I was waiting for him to end the call. Tiningnan ko pa ang phone at nakitang nagpapatuloy parin ang tawag.

"Uhm, Good night Anton."

"End the call," he ordered.

Wala sa sarili akong tumango, nakakaramdam na ng antok.

"Sleep tight, Ayamere." It was his last word before I ended the call.

Mabilis akong nakatulog dahil sa pagod.

It was 6 am when I came to school, iilan pa lang ang mga estudyante at mostly ay mga plebo iyon.

Hinubad ko ang sweater na suot, mamaya ko na lang 'yon gagamitin kapag binuksan na yung aircon namin.

Nai-scan ko na kanina ang notes ko sa Science bago pumasok kaya walang pagaalinlangan akong bumaba para magpahanay na rin ng mga kadete.

"Aya! Aya! Aya!" It was Vanah's voice who filled the quiet hallway.

Pansin kong bigat na bigat siya sa dalang diorama.

"Anong subject 'yan?" nagtataka kong tanong.

"Science! Tulungan mo ko mahuhulog na!" she said, panicking.

Maging ako ay nag-panick at mabilis na kinuha sa kaniya ang hawak na diorama.

Hindi rin ako nakababa dahil nagpatulong si Vanah para idikit ang ilan pang mga kulang na materials doon sa diorama niya.

Break time nang muli kaming magkita ng mga kaibigan ko. Magkakaiba kasi kami ng section except kina Aliah at Krisanta.

Pilit pinausog ni Luvanah si Aliah para lang makatabi sa akin. Kunot noo akong bumaling sa kaniya, usually kasi hindi siya nakikiupo ng matagal sa amin kapag break dahil nagiikot siya sa canteen para mamburaot ng snack sa iba pa niyang mga kaibigan.

Mas madami pa nga siyang kakilala sa senior at lower year kaysa sa akin. Super chill lang kasi ng vibes niya at madaldal rin kaya madaling makapalagayan ng loob.

Dumating si Heather, isa sa mga kaibigan namin at naglapag ng nachos sa table.

Kumuha muna ng dalawang piraso si Vanah bago isinenyas sa akin ang nakabukas niyang cellphone.

Naka flash doon ang myday niya na picture naming dalawa.

Picture iyon kanina habang nanonood kami ng basketball try out sa gym.

My eyebrows crossed, confused on why she's showing me our picture. "Bakit?"

She slouched a bit and whispered, "Tingnan mo sinong mga nag-view ha?"

Familiar names and dps showed on her screen. Umirap ako, alam ko na kung saan na naman papunta ang usapan na 'to.

"So what? I don't give a damn about them anymore," I said, slightly annoyed.

I reached the plate of nachos and sip on my drink.

There were my former suitors na nireto ni papa sa akin and I swear sa unang tingin pa lang, it's not like I'm a judger, pero kasi the moment they tried to strike a conversation and the way they move naramdaman ko na, fuckboy alert! Also, I heard how one of them talk to his mom and I didn't like the tone and choice of words he used.

"Stupid! Eto tingnan mo, yung between James and Rico," mariin niyang bulong at hinila pa ako para mas mapalapit sa phone niya.

Walang gana akong bumaling doon habang sinisimot ang hawak na Chuckie.

Nasamid ako at nag iwas ng tingin.

Anton Servadanes II

I remembered our conversation last night, suddenly there were butterflies on my stomach.

"Inistalk ko kanina tapos alam mo ba hawig niya yung ninakawan mo ng I.D sa palengke!"

Mabilis kong tinakpan ang bibig niya.

Ang bwisit na ito talaga! Talagang pinagdiinan pa niya na nagnakaw ako ng I.D! Hindi ko naman ninakaw...

Well, parang hiniram pero hindi ako nagpaalam or parang confiscate ganon!

Our friends looked at us weirdly. Aliah was about to strike a question but the bell rang, a sign that we need to go back to our classes immediately.

Napahinga ako ng maluwag.

We were required to bring a lab gown today for an activity in science class.

"Aya may tumatawag sayo," my groupmate who was tasked to document our activity handed my phone.

I was about to remove my gloves para sagutin ang tawag nang tumayo ang teacher ko at nag announce na ng dismissal.

Bumilis ang tibok ng puso ko at ibinaba ang hawak na beaker.

"Aya, ligpitin na natin 'to, sabi ni ma'am sa cabinet na lang daw muna natin ilagay."

Tumango ako at tuluyan nang hinubad ang gloves.

Nang matapos sa paglilinis ng ginamit na sink at mailagay ang mga experiments sa cabinet ay umakyat na ako para makapag ayos.

I was folding my gown when I remembered my phone.

"Shit."

May tumatawag nga pala kanina.

"Aya, let's go! gutom na ko!" pumasok si Heather sa room at dinampot ang nakalapag kong wallet at cellphone sa upuan.

"Tara na nga," sagot ko at kinuha sa kaniya ang wallet at cellphone.

"Mcdo ba tayo ngayon?" Rex asked.

"Nagtitipid kami! Calle tayo!" Aliah said and walked fastly.

Natawa kami nila Krisanta.

There's nothing new when it comes to Aliah and Rex talking like that. Hindi matatapos ang araw o linggo na walang pinag aawayan, even the most little thing.

Rex being the guy who keeps annoying Aliah while Aliah being the grumpy one, or the palaging pikon though kay Rex lang naman ata siya mabilis mapikon talaga.

I handed my money to Vanah, she knows what I usually order kaya naupo na lang ako at pinagdikit dikit ang mga table roon. Madami kasing kumakain dito dahil sa student friendly nilang presyo. Imagine a 30 peso worth of meal? May kanin na may ulam pa! Kaya pahirapan talaga sa pagkuha ng upuan.

Nag re-reread ako ng powerpoint na binigay kagabi sa group chat nang kalabitin ako ni Vanah.

"Oh?" nag taas ako ng kilay at muling nag-scroll sa powerpoint.

Sakit sa ulo itong electric and magnetic phenomena ha!

"Huy, Aya!" Rex called, kunot noo ko siyang tiningnan.

Nginuso niya ang gilid ko kung kaya't lumingon ako roon.

Mabilis akong napatayo at bahagya pang nagasgas ang siko sa table.

It was Anton who's standing beside me. Nagpabalik balik ang tingin sa amin ng mga kabigan ko.

I saw their eyes questioning who's the person beside me.

I felt my cheeks blush lalo na nang manatili lang na nakatingin si Anton sa akin.

Hinatak ko siya palabas ng Calle, nararamdaman ko pang nangnginig ang kamay ko sa kaba.

"Uhm, a-ano..." napalunok ako, suddenly I can't find any words to say.

Ang sabi ko pa sa sarili ko kanina magte-thank you lang ako sa kaniya at aalis na.

"Here's your wallet," inangat niya ang pink na Kate Spade wallet ko.

"Thanks," tipid kong sabi, hindi magawang makatingin sa kaniya dahil sa guilt.

Alam ko namang masama talaga ang ugali ko minsan eh.

"You're welcome," balik niya ngunit nanatiling nakasandal sa pader at nakatingin sa akin.

Napansin kong nakatingin sa amin ang ilan sa mga babaeng schoolmates niya. Mas lalo akong namula sa hiya.

Napansin niya rin sigurong nakatingin ako sa banda noon kaya nilingon niya rin, mabilis na nagsiyukuan ang mga babae at nagpatuloy sa pagkain.

I was about to bid goodbye nang magsalita siya.

"Is Rex your... boyfriend?" he asked, still wearing a straight face at umayos ng tayo.

Agad akong umiling. Hell no!

"Oh my, no way that's kinda... uh off?" I slightly laugh.

He smirked. "That's good, anyways I think nakaabala na 'ko sa lunch mo, I'll go."

I grab his arm to stop him, "Hey, I'm sorry for what I did. I know that it was a childish move, I'm really sorry."

"It's no big deal, although hindi ako nakapasok sa buong araw na 'yon," he laugh samantalang nanlaki naman ang mata ko.

"I don't mind Ayamere, it's all good now," he smiled genuinely which made me feel a bit at ease.

You stupid Aya, look what you've done!

"Shit, I didn't know, I'm so sorry." napalunok ako.

Okay, now Im soo guilty! Alam kong ako talaga ang mali, kung hindi ko lang sana pinairal ang ka-immaturan ko.

Muli siyang tumawa, bahagya tuloy akong na-distract dahil doon. He's laugh was gentle and manly.

"Okay lang talaga," aniya.

Napabuntong hininga ako.

"Anyways, I need to go," paalam niya.

Tumango ako. "Thank you and sorry again, Anton," I smiled apologetically.

"See you around," he raised his right hand before leaving.

I was about to walk back into our table when he said something that made me stop.

"Accept my friend request on facebook please!" he shouted before running away.

Namula ako nang lumingon ang mga kumakain sa amin, more like sa akin nang marinig ang sinabi niya.