Chapter 4 - Preview

Nagising ang natutulog kong katawan nang makarinig ako ng malakas na pagsigaw. I tried to move my body ngunit hindi ko kaya. Pinilit kong iminulat ang aking mga mata't laking gulat ko na lamang na makita ang aking sarili na nakatali ng lumiliwanag na lubid.

I thought I was just dreaming a while back.

Muli ko nanaman naalala kung sino ang pasimuno ng gulong ito.

"Headmaster Ames."

He's such a demon. No let me rephrase it, mas demonyo pa siya kesa sa demonyo. How can he do this to us? Bakit ba niya ginagawa ang lahat ng ito, siya pa ba ang kilala naming Headmaster? I can't believe it! Paano ba kasi ako napunta dito sa eskwelahang ito, ang ganda ganda ng buhay ko noon pero nasira lang ng dahil sa walang pusong Headmaster na ito! Hindi ko naman ginustong pumasok sa Cludora pero pinilit-pilit pa kasi ako ni Papa. I hate this school, I hate the Headmaster, I hate my present life.

Sobrang gulong-gulo na ang buhay ko. I want my old life back. This is not the life that I wanted.

Imbes na nag-aaral ako ng normal kagaya ng mga ordinaryong kabataan pero nandito ako't nakikipag-agawan ng buhay kay Headmaster.

Kanina pa namin siya tinatalo ngunit hindi parin siya natutumba. Ang dami-dami na nga naming kumakalaban sa kanya pero bakit parang ang lakas-lakas pa niya? Ang kapal-kapal pa ng balat niya, ni hindi man lang kasi siya nasusugatan. Sa sobrang lakas niya ay unti-unti lang kaming nalalagas at tanging si Professor Rhaegar nalang ang mag-isang nakikipagtalo kay Headmaster ngayon. Tama ba kasi ang naging desisyon kong sundin noon si Papa? Look at me now, nagsisisi na ako.

Ang dilim-dilim pa sa loob ng silid pero buti nalang nabibigyan pa kami ng buwan ng konting liwanag. Bigla naman akong napalingon sa may bintana

"It's raining," aniko.

Ang lakas-lakas pala ng ulan sa labas, may kasama pa itong pagkidlat na kailan ma'y di ko pa nakikita sa tanan ng buhay ko. Kamusta na kaya ang iba naming mga kasama? Nasa labas si Breeze kasama niya si Misty, kinakalaban din ang kakampi nitong demonyong si Headmaster Ames.

Ilang segundo lang ay ibinaling ko na ang paningin ko sa ibang gawi at bigla akong nagulat nang masaksihan ko kung papaano sinakal ni Headmaster Ames si Professor Rhaegar, ibinitin pa niya ito sa ere habang ang leeg ng huli ay nag-uugat na. Pansin kong nanghihina na si Professor Rhaegar ngunit pinipilit parin niyang makawala. Damn it, gusto ko siyang tulungan ngunit nakatali ako. Nahihirapan na si Professor Rhaegar sa paghinga, nasasakal na siya.

"Ajax," sambit ko sa pangalan ng katabi ko ngayon tsaka ko siya nilingon pero nang tingnan ko siya'y wala ng lubid na nakapulupot sa kanya. That's impossible, how come na nakawala siya?

Nalilito ako, papaano siya nakawala sa pagkakatali? Sinigurado kaya nilang hindi kami makakatakas sa mahigpit na lubid na nakatali sa buong katawan namin. Tekka, nasaan ang lubid na ginamit nilang pantali kay Ajax?

Napabulong ako kay Ajax, kinakabahan pa ako dahil baka mahuli kami ni Headmaster. "Ajax paano ka nakawala?" nalilitong tanong kay Ajax.

"I told you, expert na ako dito. It's called magic," bulong pabalik sa akin ni Ajax at tinulungan naman niya akong makawala. Agad niyang tinanggal ang tali ng lubid sa aking mga kamay at katawan.

"I can untie myself now, tulungan mo na si Red," bulong ko ulit kay Ajax.

Sinunod agad ni Ajax ang ipinag-uutos ko sa kanya at dali-dali siyang lumipat kay Red na wala paring malay.

We are all taking the opportunity para makatakas dahil alam naming busy pa si Headmaster Ames na nakikipagpatayan kay Prof. Rhaegar. Dali-dali ng tinatanggal ni Ajax ang mga lubid na nakapulupot kay Red. Nasobrahan kasi kanina ni Red ang paggamit niya ng kanyang kakayahan kaya ngayon ay parang lantang gulay na siya sa sobrang pagod. Ikaw ba naman ang makipaglaban sa mga naglalakihang masasamang halimaw sa may hallway.

"Ajax bilisan mo." Minamadali ko na si Ajax dahil baka mahuli pa kami dito.

"Oo na, ang higpit kasi ng pagkakabuhol nila ng tali kay Red," sagot niya sa akin. With just one swing of his hands ay bigla-bigla nalang nawala ang lubid sa buong katawan ni Red.

"Ako na," dugtong ni Ajax. He do the same tricks again para mapawala ang lubid sa mga paa ko.

"Salamat Ajax." Pagpapasalamat ko at tatayo na sana ako nang mapatigil ako dahil sa pagsigaw na galing mismo kay Headmaster Ames. Napansin ko rin si Ajax na agad na napatingin sa may gawi ni Headmaster Ames.

"Hindi niyo ako kaya! I am powerful Rhaegar. Ano lang naman kayo, mga walang kwenta!" bulalas ni Headmaster at ang malakas na tinig niya ang siyang namayani sa loob ng silid. Nakita ko din kung papaano niya inihagis si Professor Rhaegar.

Isang malakas na ingay ang idinulot ng pagbagsak ni Professor Rhaegar sa mga upuan. Ang lakas ng huni nito na maaaring maikumpara sa mga bakal na ibinabagsak bigla sa sementadong sahig.

Pansin kong namilipit saglit si Professor Rhaegar sa sakit ngunit nakayanan parin niyang tumayo. Napapahawak pa siya sa kanyang kaliwang braso na nagtamo ng malaking sugat, ito kasi ang tumama sa mga upuang nagpapatong-patong sa gilid. "Hindi ka nakakasigurado diyan." Ang pag ngisi niya ang pumutol sa kanyang sasabihin.

"Wag mo kaming maliitin, nakakalimutan mo atang mas magaling ang naturuan kesa sa nagturo," dugtong pa nito.

Napatayo naman ako sa pagkagulat.

"Shit, he's coming." Rinig ko pang napamura si Ajax sa likod ko. Sa sinabi niyang iyon ay alam ko ng may hindi magandang mangyayari.

"We're doomed!" aniko.

Dahan-dahang lumingon si Headmaster Ames sa gawi namin nina Ajax at unti-unti na naming nakikita ang nakakatakot niyang mukha, para na tuloy niya kaming kakainin sa reaksyong ibinibigay niya. Nanginginig pa ang mga tuhod ko.

"Ajax ano ng gagawin natin?" Kinukulit ko naman si Ajax na mag-isip ng paraan, sa ganitong sitwasyon kasi ay hindi ako makakapag-isip ng maayos.

Papalapit na si Headmaster Ames sa amin, ano ng gagawin namin?

"Tekka hindi ako makapag-concentrate." Binuhat nalang ni Ajax si Red.

Dahil wala na akong mahintay pang sagot o plano niya ay naghanda nalang ako para muling kalabanin si Headmaster Ames.

Putang ina, bahala na.

Papalapit na siya sa amin and I don't have much time para maghintay pa. Kahit na magkamatayan na kami dito basta't mapuksa namin ang kagaya ni Headmaster Ames na masamang pinuno.

"Ajax let me just handle him, tulungan mo nalang si Professor Rhaegar," pag-uutos ko kay Ajax.

Kahit na buhat buhat ni Ajax si Red ay agad parin siyang nagtungo kay Professor Rhaegar. Kasunod nun ay mas binigyan ko naman ng pansin si Headmaster Ames, ayoko kasing ma-distract dahil gusto kong pag-aralan kung ano ang kahinaan niya.

"Poor Cub. Ang laki ng expectation ko sayo, pero the more na nagtatagal ka dito you can't even develop your abilities. How bad, you're not even special. You're weak! You're coward! You're a loser!" Habang nagsasalita si Headmaster Ames ay humahakbang naman siya papalapit sa akin.

Bakit ba ako napapaatras? Cub, wag kang matakot.

Ang sakit ng mga sinasabi niya. Alam ko namang totoo ang mga iyon ngunit sobra naman siya kung makapanlait sa akin. Hindi naman porket mahina o matatakutin ako ay hindi ko na kayang lumaban.

Isang metro nalang ang layo namin sa isat-isa. Napatigil nalang siya sa paglalakad at minamasamaan parin niya ako ng tingin. Gusto ko na siyang patayin ngunit may pumipigil sa aking gawin iyon. Bakit ako nireresist ng sarili kong katawan? Anong meron kay Headmaster Ames at parang kontrolado niya ata ako.

"I want to kill him, but I'm too weak!" My thought.

Bigla namang nagsalita si Headmaster Ames na para bang sinagot niya kung anong sinabi ng isipan ko. "You want to kill me? Too bad you can't" Nakangisi pa siya't parang nang-iinis.

F*ck i knew it. That was unexpected.

Is he? It can't be, pati rin yun ? Ang sama ng tiningin niya sa akin. Para akong nilalamon ng mga malaimpyerno niyang titig.

"Before you can do that, uunahan na kita!"

Narinig ko namang napasigaw si Ajax at Professor Rhaegar sa gilid.

"CUB!" sabay nilang tawag sa pangalan ko.

Narinig ko naman ang pag-apak ng mga paa ni Headmaster Ames. "I'll make sure you'll die Cub but don't worry dahil hindi mo naman mararamdaman ang sakit."

Headmaster Ames is coming, alam kong papatayin niya na ako. Is this the end of me? Hindi pa ako nakakaganti. Lalaban pa ako para sa mga kaibigan ko. Hindi naman pwedeng matatapos lang ang buhay ko ng ganun lang kadali.

"HINDI!" Hindi ko alam pero bigla nalang akong napasigaw.

Agad tumakbo papunta sa akin si Headmaster Ames pero I give all my strength just to push him far away from me but that didn't work. My right hand just landed on his chest, tapos bigla niyang hinawakan ang kamay ko ng sobrang higpit. He was trying to get rid of my hand pero syempre ay agad kong hinawakan ang polo niya para 'di parin maalis ang kamay ko.

"Alisin mo yang kamay mo, Cub," he warned me.

I can feel his heavy heart beat from his chest. This is not a normal heartbeat. I can feel that his heart was full of anger. Kita din sa mga mata ni Headmaster ang galit niya. Hindi parin talaga malinaw sa pananaw ko kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito, hindi ito makatarungan. Mali itong mga ginagawa niya.

Kahit takot ako, pinilit ko paring tingnan ang mga mata niya, but all I can see is pain. His eyes were full of darkness, literal na madilim talaga.

Lalo kong naramdaman ang tibok ng puso niya dahil sa ibinaon ko pa lalo ang aking mga kamay sa kanyang dibdib. Rinig ko narin ata ang tibok ng puso niya.

"Die Cub, die!" bulalas ni Headmaster. He's really cursing me right now.

"Hindi ako papayag na mapatay mo!"

Kung sa kamay niya ako mamamatay, hindi ko iyon hahayaan.

"Kung sa tingin mo kapag mapatay mo ako wag kang aasang mapapasakamay mo ang buong mundo. Kahit anong gawin mo babagsak ka parin." Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon, isa lang ang alam ko. Gusto ko rin siyang bantaan. Tama naman kasi ako, hindi siya magtatagumpay.

Napangisi si Headmaster Ames tsaka siya napatawa. "Nakakatakot, kailangan ko na bang magtago?" Nang masabi niya iyon ay biglang nag-iba ang itsura ng mukha niya. Mas lalo siyang naging nakakatakot dahil nag-ugat ang gilid ng mga mata niya.

"You don't belong here Cub! Nagkamali akong tinanggap kita dito!"

Ikaw naman pala ang may kasalanan, bakit saakin mo ngayon sinisisi ang pagkakamali mo?

Hindi ko magawang 'di siya sumbatan. Gusto kong ipamukha at iparamdam sa kanya na ayaw ko talaga sa Cludora simula palang noong pasukan. Hindi ko mapigilan ang sarili kong magalit.

"You're right, I really don't belong here! Why the hell are you doing this?! Hindi ka na tao! Hayop ka na!"

"In the first place Cub hindi naman kasi ako tao. We're not humans. You still don't get it don't you?" tanong niya tsaka siya napatawa ng nakakatakot.

Goosebumps.

"I'm a peculiar, eh ikaw? Ano ka Cub?" Bakit ba ako tinataning ng ganitong klaseng tanong ni Headmaster Ames?

Bakit kailangan pa niyang ibalik sa akin ang isa pang tanong? Ano ba talaga ang gusto ni Headmaster Ames? Bakit ba ganun nalang siya ka eager na mapalakas ang bawat kakayahang meron ang isang peculiar student?

"I don't care how you guys feel about it. Ngunit ito lang masasabi ko, lahat ng ginawa ko ay para din sa ikabubuti ng sakop namin, namin Cub! Hindi ko na hahayaan pang maulit ang nakaraan."

Pero sa ginagawa niyang ito lalo naman nagiging komplikado ang mga problema. Ang dami na nga ng mga estudyante ang nasaktan dahil lang sa mga pinaggagagawa niya. Ano ba talaga ang pinupunto ni Headmaster Ames?

"Ano ba talaga ang gusto mong gawin sa mga peculiar?" I asked him para maliwanagan na ako, kaming lahat. Parang hindi na kasi talaga siya yung Headmaster Ames na kinukwento ng mga Seniors.

"Poor Cub still doesn't understand the situation. Cub, do you know why I used to conduct the Trial Test?"

F*ck that trial test. Ginago kami ng buset na trial test na yan!

Nang dahil sa Trial Test na ginawa niya, lahat kami ay pinagmukha niyang tanga at uto-uto.

"I build this Cludora for all the Peculiar Children! I made a trial test because I want to know kung hanggang saan ang limitasyon ng mga kapangyarihan ninyo!"

What kind of answer is that? Buhay namin ang itinaya sa Trial Test nayan tapos sasabihin niya sa akin ngayon na tinitingnan niya kung hanggang saan ang limitasyon ng kapangyarihan namin? Paano naman akong isang mahina lang, muntikan na kaya akong mamatay doon.

"Nilalaro niyo lang kami," galit kong sabi.

Natawa naman si Headmaster Ames. Hindi ko alam kung may saltik na siya sa utak. "I established this kind of system para malaman ko kung sino ang malalakas at mahihina. I shield peculiar children from all the dangerous stuffs outside this cruel world."

"Kung sino ang cruel sa mundo, ikaw iyon! Hindi makatarungan ang ginagawa mo." Nasigawan ko pa si Headmaster Ames.

Hindi ako sang-ayon sa mga kagustuhan niya. Mali ito, maling-mali talaga. Alam kong matatalo ang mga ordinaryong tao sa amin sakaling maghahari na ang mga Peculiars.

"I want to get my revenge, Cub. Is that what you want to hear from me?"

"The way you're thinking is no naive Headmaster Ames."

Para ng nababaliw si Headmaster Ames, hindi na niya alam kung anong ginagawa niya.

"This is not fair!" aniko.

"Ano bang alam mo sa fair?"

Fair? Anong alam ko? Syempre matatalo na agad ang mga ordinarying tao sa inyo! Wala silang kalaban-laban.

"We, the Peculiars are more valuable. I would never let the life of a peculiar child be ruined by ordinary people."

"What you were trying to say, uubusin mo---" Hindi na niya ako pinatapos pang magsalita. Parang alam na niya kung ano ang susunod kong sasabihin.

"If that makes me happy then yes Cub, yes! Magkakamatayan na kung magkamatayan, basta't sisiguraduhin kong wala ng makakapanakit sa amin."

"Are you going to rule the world?" Hindi ko alam kung bakit ko yun natanong sa kanya.

"No Cub, ruling the world is really an old tagline. I want something new this time."

Parang natatakot ako sa mga susunod niyang sasabihin. If he wants revenge but doesn't want to rule the world then bakit pa niya gustong saktan ang mga ordinaryong tao. Ano ba talaga ang plano ni Headmaster Ames?

"Killing them in one shot is so boring. I want ordinary people to suffer from death. Gusto kong paulit-ulit silang masaktan, paulit-ulit silang mamatay."

Hawak-hawak ko parin ang polo ni Headmaster Ames kaya hinila ko siya papalapit sa akin ngunit hindi ko inaasahan ang susunod niyang gagawin. Nagulat ako nang biglang may inilabas siyang balisong sa kanyang bulsa. Ang bilis ng mga kamay niya. Alam kong sasaksakin niya ako gamit iyon.

Napalingon ako sa gawi nina Professor Rhaegar at nakita ko ang mga reaksyon nilang may pag-aalala at may halong takot. Agad kong ibinaling ang paningin ko kay Headmaster at biglang nagtama ang mga mata namin.

Mas lalo niyang hinigpitan ang kapit sa kamay ko, alam ko kapag tatanggalin niya ang pagkakahawak niya ay magmamarka iyon ng pasa.

Napangisi pa siya pero bumalik sa walang reaksyon ang mukha niya pagkatapos. "But before I'll make them suffer, ikaw na uunahin ko! Die Cub!"

Bago ako tuluyang makapikit ay nakita ko pa na isasaksak na ni Headmaster yung balisong sa leeg ko.

I don't want to die yet. I need to do something. Kailangan ko pa siyang talunin. Bakit hindi ako makaisip ng paraan? Nawawalan na ako ng oras. The Headmaster wants me to die now. I want to stop him na patayin ako. How should I let him drop those butterfly knife?

I want him to stop right now.

Wala na akong nagawa kung 'di ang mapasigaw ng malakas.

"Tigil!" sigaw ko habang nakapikit ang mga mata ko.

That was really strange. I felt so strange after I scream. Para kasing may dumaang koryente sa kamay kong nakahawak sa dibdib ni Headmaster. Naramdaman ko pang parang dumaloy ang koryente sa utak ko.

Dahan-dahan akong dumilat at laking gulat ko ngayon sa aking nakikita. Is this really happening right now? Am I seeing things right? Parang estatwang nanigas si Headmaster Ames na hindi na gumagalaw sa harapan ko ngayon, did i just freeze the time?

Agad kong tiningnan ang aking paligid upang malaman kung napatigil ko nga ang oras. And I saw Professor Rhaegar and Ajax are still moving and they are both really shock on what is happening right now. Sakto ding kumulog at kumidlat habang bumubuhos ang malakas na ulan. Napatingin din ako sa dingding na kung saan gumagalaw pa ang pendulum clock and I can still hear it ticking, only that means hindi ko napatigil ang oras.

If I didn't manipulate the time, then what really happened to Headmaster Ames?

Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko ngayon kay Headmaster, isa sina Professor Rhaegar at Ajax ang saksi kung anong nangyari sa loob ng silid na ito. Paano nangyari ito? Bakit si Headmaster lang ang naparalisado?

Isa lang ang gusto kong gawin ngayon, habang may pag-asa akong makaganti. Hindi pa siya gumagalaw, papatayin ko na siya.