Chapter 5 - 001 Cludora Academy

CUB's POV

What's your name? What's your dream job? Are you in capable of working? What's your general average? Any awards or achievements? Naririndi na ang tenga ko sa mga tanong na yan.

Sino ako? Ako lang naman si Cub Arenas, isang ordinaryong binata na humihinga sa magulong mundong tinitirhan ko at laging nakikisabay sa daloy ng nakakasawang buhay. I grew up without friends kaya kabilang ako sa listahan ng pagiging loner, anong magagawa ko kung ayaw nilang makipagkaibigan sa akin? Hindi raw kasi ako ganun katalino para mapabilang sa grupo nila. Masisisi niyo ba ako kung ang mundong kinagisnan ko ay punong-puno ng diskriminasyon.

But anyways that's not the topic na gusto kong pag-usapan. I have something to ask, have you ever once questioned yourself? I mean, lagi mo bang natatanong sa sarili mo na bakit kailangan pa nating mag-aral ng maigi at grumaduate on time para lang masunod natin ang mga pinag-uutos ng nakakatanda? Nakakasawa narin yung lagi mong sinusunod ang sistema ng eskwelahan, kesa you need to follow these rules and regulations, be a good role model, be perfect, pass this exam, pass your quizzes, have some achievements etc. Memorize ko na ata lahat ng mga laws ng eskwelahan namin.

For Pete's sake, stop controlling us just like your puppets.

Papasok ka lang naman sa eskwelahan para mag-aral, bakit kailangan mo pang makipag kompitensya? May nalalaman pa silang ranking. Paano naman kaming mga halos sakto lang sa passing score, lagi nalang ba kaming nabibitin? Hindi ba nila alam na nakakahiyang mapunta sa buttom.

Hey, I'm not against with those systems but it feels like they were trying to do a thinning where they execute students who have low scores after the final exam. In short, once you fail to reach the passing score, you're 100% out of the program. Buti nalang at swertehang saktong pasado ako noon. Ito ang daan nila upang mapaganda pa lalo ang eskwelahan nila lalo na't may binabantayan silang reputasyon. Ganyan na ganyan dati yung napasukan kong eskwelahan noong High School ako, every grading kailangan pumasa ka para lang maabutan mo pa ang ibang gradings. Mabuti nalang graduate na ako sa eskwelahang iyon.

Ang pinoproblema ko nalang ay kung paano ako makakapasok sa isang University, pero sadyang pinapamukha lang ng mga exam papers kong hindi ako nararapat magpatuloy pa sa pag-aaral.

20 out of 150, so poor. 37 out of 200, what the heck! Mas malala ito, 9 out of 250, ganun na ba talaga ako kamangmang? Hindi ako nainform na sobrang bobo ko pala.

Ayoko ng tingnan pa ang ibang scores ko. Ang bababa, alam kong nagreview ako pero bakit ganito ang resulta?

"Bakit ba kasi naimbento ang bobo sa mundo?" Napapatitig nalang ako sa mga exam papers ko habang nakaupo ako sa swivel chair. Ang sakit sa mga mata itong scores na nakuha ko, hiyang-hiya ako sa sarili ko.

Kawawang utak 'di man lang kayang maging matalino kahit minsan.

Sampung unibersidad na tong pinag-examan ko pero ni isa wala man lang pumasa. Anong klaseng utak kaya ang meron ako? Hindi naman ako yung sobrang bobo, nakakapasa naman ako minsan. Ayoko mang magreklamo pero I know na tama lahat ng answers ko sa exam pero bakit may mali parin?

Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa pagkalito. Namomroblema na tuloy ako, paano ko ngayon sasabihin kay Papa na ang kaisa-isa niyang anak ay 'di pa nakakapasa sa College Entrance Exam? Tiyak na paghahambalos sa pwet gamit ang walis ang aabutin ko dito. Halos lahat na ng mga ka-batchmates ko may papasukan ng university, ako nalang ang wala.

Habang napapatitig parin ako sa mga exam papers ko ay biglang pumasok si Papa sa aking kwarto. Napatalon naman ako sa gulat at dali-daling iniligpit ang mga exam papers kong nagkalat sa aking study table. Mahirap na pag nakita niya ang mga ito.

"Cub, follow me in my office now." Yun lang ang sinabi sa akin ni Papa at agad din siyang lumabas ng aking kwarto.

Jusko po, alam na kaya ni Papa?

Malimit lang kasi akong pinapapunta ni Papa sa kanyang mini office. Dalawa lang kasi ang pwedeng dahilan kung bakit niya ako pinapatawag. Una, kung bibigyan niya ako ng allowance. Pangalawa, kapag nakakagawa ako ng ikinagagalit niya.

Wala na akong nagawa kung 'di ang pumunta nalang sa mini office ni Papa. Ayaw niya kasi ang pinaghihintay siya.

⎈⎈⎈

Nasa harap na ako ng pinto ng opisina niya, kinakabahan ako. Pakiramdam ko parang lalabas na ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. Natatakot akong pumasok, paano kung mapagalitan ako ni Papa dahil nalaman niyang 'di ako nakapasa sa sampung entrance exam. What if ipasok niya ako sa militar, ayoko!

"Bahala na." Agad kong hinawakan ang door knob tsaka ko ito pinihit. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto na nagdulot ng kaunting ingay.

Kahit na hindi ko pa gaanong nabubuksan ang pinto ay alam ko ng nakatitig si Papa sa may pinto at hinihintay na niya akong pumasok.

"Cub dalian mo!" biglang nagsalita si Papa. Sobrang seryoso niya, alam ko na yan dahil sa tono ng malamig niyang boses.

Nang tuluyan na akong nakapasok sa loob ng opisina ay agad akong nagtungo sa kinaroroonan ng aking ama. Nakaupo siya sa kanyang swivel chair habang pinagkikiskis niya ang dalawa niyang palad, parang nilalaro din niya ito.

Bakit ba talaga ako pinapunta dito ni Papa? Nakakakaba naman, atat na akong malaman. Pero mukhang 'di ko na siya kailangan pang tanungin dahil parang nabasa na ata ni Papa ang nilalaman ng utak ko dahil bigla siyang nagsalita.

"Cub pinapunta kita dito dahil gusto kong ako mismo ang pipili kung saang eskwelahan ka papasok."

Shoot! Patay tayo dito pare.

'Di ko inexpect na yun ang sasabihin niya. Hindi ko kasi pinaalam kay Papa na nakapag-entrance exam na pala ako sa ibat-ibang unibersidad, pero papaano kung mapili niya yung eskwelahang napag-examan ko na? Lagot tayo diyan.

Napapapunas na ako ng pawis ko dahil sa kaba. Ano ba yan, lalo tuloy akong kinakabahan dahil sa mga seryosong titig ni Papa.

"Cub!"

"Pa?!" gulat kong tanong. I can't compose myself lalo na't si Papa ang pipili ng eskwelahang papasukan ko.

Napansin ko naman ang mesa ni Papa, nakita kong may itim na envelope na nakapatong roon. Ano kaya iyon? Hindi ko magawang hindi tumitig dito.

Mayamaya ay iniabot ni Papa sa akin yung itim na envelope na kanina ko pa tinititingan. Para sa akin pala iyon? Agad ko namang kinuha ito. Ang weird lang kasi bakit itim na envelope? May gold wax seal pa na ang tatak ata ay logo ng eskwelahan. Hindi na ako nagdalawang isip na buksan iyon at bumungad sa akin ang isang nakafold na black letter. Ang ganda naman ng letter, napaka-fancy kahit na itim ang ginamit nilang papel. Agad ko nalang iyon binasa at nakita ko ang mga nagkikinangang mga puting letra.

CLUDORA ACADEMY

"The real power is within you, Let yourself have it."

Ames Sullivan

(Owner of Cludora Academy, First Class, Headmaster)

Dear Mr. Cub Arenas,

Greetings!

We pleased to inform you that you have been accepted at Cludora Academy. Students will be required to report to the Assembly Hall upon arrival, we are all expecting you to be there. The term begins on November 1. We will take the evening class for your first day of school. We look forward to have you at Cludora Academy.

Yours Sincerely,

Rhaegar S. Ledwell

May nakasulat pang isang mensahe sa dulo ng letter ngunit hindi ko ito mabasa, hindi ko kasi maintindihan. I think Moon Alphabet ito. These alphabets are for those blind people who can't read normally. Hindi ko talaga alam ang magbasa ng ganito. Wait, may brail version ang printed na Moon Alphabet at mismong makikita mo din ito sa ibaba ng printed Moon Alphabet.

Ang weird naman nitong pangalan ng eskwelahang ito, Cludora? Cludora Academy? Hindi ko magawang hindi magtanong kay Papa, naku-curious talaga ako. Seryoso akong nagtanong sa kanya.

"What is Cludora Academy?" I never heard of it.

Nage-exist ba ang eskwelahang ito, bakit parang ngayon ko lang ito narinig? Atsaka tekka, tama ba ang pagkabasa ko, pasok na ako sa skwelahang ito? Papaano? Ang bilis naman ata, hindi na ba kailangan ng entrance exam dito? Kung siniswerte ka naman.

Napatingin ako kay Papa na ngayon ay nakangiti sa akin. Anong meron dito? Nalilito ako, sobrang nalilito talaga. Napasandal naman si Papa sa swivel chair na kinauupuan niya, nakatingin lang siya sa akin na parang may hinihintay siyang reaksyon ko na dapat kanina kopa ipinakita.

"Cub gusto ko diyan ka mag-aral kaya ako na ang nagpasok sayo diyan. No entrance exam, less pressure."

Mas masaya pa si Papa kesa sa akin. Wait lang, ano bang eskwelahan ito at bakit ngayon ko lang nalamang may Cludora Academy pala? Wala pa ata sa internet yung school site nila?

"Pa, ano ba ang Cludora Academy? Ang weird naman atang dito niyo ako gustong papasukin eh ngayon ko lang ito narinig."

Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. "Sinisigurado kong maganda diyan, masaya doon. I'm sure this time, you'll meet friends na."

I have this weird feeling na may something sa eskwelahang ito. Let's say maganda nga't masaya raw kuno dito pero hindi ko siya feel. May kakaibang presensya tong Cludora Academy.

Napansin ata ni Papa ang naging reaksyon ko na hindi maganda kaya muli siyang nagsalita. "Don't worry Cludora will help you to excel, besides that Academy might be your stepping stone to find your strength."

Tumayo si Papa at nilapitan ako. Hinawakan niya ang kaliwang balikat ko tsaka ako kinausap ng masinsinan. Kailangan pa bang tingnan niya talaga ako sa mga mata?

"Cub, future mo ang nakataya. Papasok ka sa Cludora dahil yun ang mas nakakabuti." Nginitian pa ako ni Papa. Ramdam ko pa ang pagtapik niya ng mahina sa aking kaliwang balikat.

Bumalik naman na si Papa sa kanyang upuan.

Hindi ko naman alam kung bakit hindi ako maka-resist sa mga gusto ni Papa. I don't want to study at Cludora pero may nag-uudyok sa aking mapa-oo ako.

"Yes Papa, I will," bigla kong sabi.

Tama ba ang sagot ko? Oo?!

Ni hindi ko man lang naipaglaban ang karapatan ko? Bakit ba gustong-gusto ni Papa na pag-aralin ako sa Cludora?

Napaka-creepy ni Papa ngayon, ang creepy ng mga ngiti niya sa akin.

"That's my son. Bukas na ang punta mo doon."

Nagulat ako sa sinabi ni Papa, bukas na? Bakit ang bilis naman ata? Napatingin ako muli sa sulat na ibinigay niya sa akin. Nakita kong November 1 ang simula ng first term at bukas na pala iyon.

Ang weird talaga, araw ng mga patay tapos first day of school? Multo ba ang magiging estudyante doon?

"Don't overthink Cub. Ihanda mo na ang mga gamit mo at aalis ka pa ng maaga bukas. Have a great year at Cludora Academy, son."

Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga. Dapat masaya ako ngayong may mapapasukan na akong eskwelahan at wala pang entrance exam, wala pa akong magiging problema. Pero ang lakas ng kutob kong hindi ako magiging masaya sa Cludora. 

Ibinalik ko na ang sulat sa itim na envelope bago ako magsalita ulit. "Papa---."

Tiningnan muli ako ni Papa sa mata at muli siyang nagsalita. "Cub, don't provoke me!" Sa tono ng boses niya alam kong galit na siya. Nakakatakot siya. Is he even my father?

Gusto ko na sanang suwayin siya pero bakit ayaw ng bibig kong sabihin ang gusto kong sabihin kay Papa na 'No Papa, I won't obey you.'

"Yes Papa I won't." Parang kung anong sumasanib sa akin at hindi ko kayang 'di tanggihan ang kagustuhan ni Papa.

My father crazily smiles at me.

Sumenyas naman sa akin si Papa na maaari na akong umalis and for the thousandth time muli ko nanaman siyang sinunod. Hindi ko na nga namamalayan na nakapasok na pala ako sa aking kwarto. I just came back to my senses nang makarinig ako ng pag-alarm ng isang orasan. Wala na akong nagawa kung 'di ang mag-empake nalang ng aking mga gamit. Alam kong mapapagalitan ako kapag hindi ko siya sinunod.