LEO ARENAS' POV
Ngayong napasunod ko na ang anak kong pumasok sa Cludora ay kampante na ako. Hindi na ako mahihirapan pang mapalabas ang kakayahan niya. Ayoko mang gawin ay kinakailangan na ng anak kong malaman niya ang katotohanan. Gustong-gusto kong sabibin sa kanya ang aming natatanging kakayahan ngunit hindi ako ang tamang magkakapagsabi nun, ayokong pangunahan ang tadhana kaya't hahayaan ko siyang tuklasin niya ang pinakatatago naming sikreto dahil yun ang nasa batas. Ito na ang panahon.
"Son, you're extraordinary."
Aalis na sana ako sa opisina nang biglang tumunog ang aking telepono. Napatingin ako bigla sa aking tabi na kung saan nandoon ang teleponong kanina pa nagriring.
I can sense kung sino ang tumatawag, it's Amber my wife.
Am I going to answer her call? Alam kong matatalakan nanaman ako kapag sinagot ko yan pero mas lalo siyang magagalit sa akin kapag 'di ko naman siya sinagot, bahala na.
Agad kong iniangat ang telepono tsaka ko iyon inilapat sa aking tainga.
["LEONARDO!"] sigaw ni Amber sa kabaling linya. Ang lakas ng boses niya, nakakabingi. Mukhang nalinis ata ng 'di oras ang tutuli ko sa tainga.
Ayokong masigawan ulit kaya inilayo ko na ang telepono sa tenga ko. Naramdaman ko pang parang lumabas yung boses niya sa kabila kong tainga.
"What?" sigaw kong pabalik sa kanya. Ang ayoko sa lahat ay yung sinisigawan ako lalo pa't nakakasira ito ng mood.
["Leo alam ko kung anong ginawa mo. Bakit mo dinoktor ang putang inang entrance exam ni Cub?!"] Pag napapamura na si Amber ay alam kong masama na ang loob niya sa akin, rinig ko pa sa kabilang linya kung paano siya napabuntong hininga.
How did she know about those plans I did?
I screwed up! Nakalimutan ko, Amber is an Ambassador at dadaan pala sa kanya ang mga scores ng mga passing students upang gawin niyang scholar.
I know she's angry and disappointed with what I did pero kapakanan lang ni Cub yung iniisip ko. Hindi naman ako makakapayag na sa mga pipitsugin na University siya papasok. I know what's best for my son. Hindi na mababago pa ni Amber ang desisyon ko.
"Amber it's none of your business."
Isang segundong namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Amber. Nag-iisip ata siya ng sasabihin.
Magsasalita na sana ulit ako nang bigla siyang magsalita.
["Leo, ako ang ina ni Cub. Sabihin mong it's none of my business kung ikaw ang nag-iri sa kanya. Bakit hindi mo ako sinabihan muna bago mo siya ipasok sa Cludora? Sabihin mo kay Ledwell na bawiin niya yung sinabi niya sa sulat."]
"I know Amber, he's also your son pero kung sasabihin ko sayo yung tungkol sa Cludora alam kong tututol ka. Look at you now, inaaway mo ako dahil sa naging desisyon kong ipasok siya sa Cludora." Hindi ko napigilan ang sarili kong magalit.
I know she got a point na anak din niya si Cub at may karapatan siya dito ngunit I'm still the head of this family kaya ako parin ang masusunod. Ayoko ng makipagtalo sa mahal kong asawa, masasayang lang laway ko kapag sasagutin ko pa siya kaya ibinaba ko nalang ang tawag. Magsasalita pa sana siya nang tuluyan ko ng ibinagsak ang telepono.
"Now I can sleep peacefully," napangiti nalang akong lumabas ng aking opisina.
Naglalakad na ako ngayon papunta sa aking kwarto nang biglang mag-vibrate ang phone ko sa loob ng aking bulsa, inilabas ko iyun at nakita kong nag-message sa akin si Amber. Binasa ko naman ang binigay niyang mensahe.
"She's really crazy." Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya.
To: Leo
Humanda ka sa akin pagbalik ko ng mansyon. *Angry Emoji* Binabaan mo talaga ako ng telepono? Hayop ka, wag ka lang magpapakita sa akin, magagawa kitang bato diyan eh!
From: Amber
Parang bata. Sinong tinakot niya? Ako matatakot sa kanya, never. Kaya niyang sabihin ang ganyan pero 'di naman niya kayang gawin, hanggang salita lang naman siya. Ako gagawin niyang bato, tingnan lang natin. I bet she can't do that. I can manipulate her.
Naglakad nalang ako ulit papunta sa aking kwarto. I need to rest now, it's been a long day for me. Ihahatid ko pa si Cub bukas sa may pantalan.
⎈⎈⎈
CUB's POV
Ang aga-aga akong ginising ni Papa. Alas tres talaga? Siya raw kasi ang maghahatid sa akin sa pier. Nagtataka rin ako kung marami ring mga estudyanteng papasok ng Cludora, pakiramdam ko kasi limitado lang talaga ang nakakaalam na nage-exist ang Academy na yun. Sinubukan ko kasing i-search sa internet kagabi ang Cludora ngunit wala talagang naka-display na sites nila. Kahit sa history books ng Academy wala din sila doon. Napapaisip na tuloy ako kung ano ba talaga itong Cludora.
"So odd," napabulong nalang ako sa aking sarili tsaka ako napahikab.
I'm still sleepy. Sinampal-sampal ko ang sarili ko para magising kahit kaunti ang diwa ko. Pinipilit ko ring ibuka ang mga mata ko para hindi ito tuluyang bumagsak, pumipikit-pikit pa kasi ang talukap ng mata ko.
"Inaantok pa ako," sambit ko sa aking sarili sabay tingin sa rearview mirror para tingnan ang mukha kong inaantok pa talaga and I suddenly saw Papa's reflection who's still putting all my baggage inside the boot. Mayamaya ay napasandal na ako sa kinauupuan ko, babagsak nanaman ang mga mata ko.
"Sige na nga, iidlip na muna ako," bulong ko.
Tutal mahaba pa ang biyahe namin, iidlip nalang ako sandali. Napaayos na ako ng upo at ipinikit ko na ang aking mga mata nang biglang--- The door was harshly closed at nagdulot pa ito ng malalim ngunit malakas na tunog na gigimbal sa loob-loob mo.
Yumugyug pa ang kotse tsaka ako napabalikwas, sa pagkataranta ay napahawak pa ako sa driver's seat. Ang lakas-lakas naman kasi ng pagkakasara ni Papa sa pintuan ng kotse.
"Cub are you alright?" Napansin ni Papa ang naging reaksyon ko kaya tinanong niya ako.
Napatango lang ako at muling napasandal sa aking kinauupuan. Dahil sa pangyayaring iyon, 'di ko inaasahang nagising na ang buong diwa ko. Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa gulat. Hindi na tuloy ako makatulog. Thanks Pa for waking me up, sobra talaga akong niyanig sa gulat ng putang pintuan na yan.
"Buckle up!" Sa pagkasabi iyon ni Papa ay sinabay narin niyang binuksan ang de-tape niyang radio para magpatugtog ng paborito niyang musika.
What a Wonderful World by Louis Armstrong
♪♫ I see trees of green, red roses too. I see them bloom for me and you. And I think to myself, what a wonderful world. I see skies of blue and clouds of white. The bright blessed day, the dark sacred night. And I think to myself, what a wonderful world. ♪♫
Old Songs. Di ba nagsasawa si Papa sa mga lumang tugtugin, pang kopong-kopong talaga ang istilo niya? Pero napapaisip din ako, yung kayang papasukan kong Academy maganda din kaya, masasabi ko din kayang, what a wonderful world sakaling makita ko yun sa personal?
Sinimulan nang pinaandar ni Papa ang kotse at agad na kaming nagtungo sa pier. Isang oras kasi ang aabutin bago kami makarating sa pier, maaga narin kaming bibyahe dahil traffic nanaman mamaya.
⎈⎈⎈
Saktong 4:00 am kaming nakarating ni Papa sa pier. Ang galing kasi ni Papa tumantsa ng oras.
"Malapit na ang barko," ani Papa.
Tinulungan ko na si Papa na magbaba ng mga maleta ko sa boot at nang mailabas na namin lahat ng mga gamit ko ay hindi ko mapigilang mapatingin sa paligid ko, medyo madilim pa ang kalangitan at hindi pa sumisilip ang araw. Napansin ko ring walang masyadong katao-tao ang lugar na ito. Nilibot pa ng mga mata ko ang paligid dahil nagbabakasali itong makikita niya kung saan nakadistino ang Cludora's Ship pero mukha atang hindi pa ito dumadaong.
"Pa, wala pa ba ang barko ng Cludora?" tanong ko kay Papa.
"Nandiyan na pero hindi dito ang pantalan niya."
Nagtaka naman ako. Edi saan? "Ano?!"
"Carry your bags and I'll lead you to Cludora's Ship."
Nagsimula ng maglakad si Papa kaya dali-dali kong isinukbit ang bagpack ko at hinila ko narin ang dalawa kong naglalakihang mga maleta para agad akong makasunod sa ama ko, mahirap na kasing mawala siya sa paningin ko.
Naglalakad lang kaming pareho ni Papa nang bigla naming pasukin ang isang madilim na lagusan. Buti nalang may flashlight siyang dala-dala upang maging ilaw namin. Hindi ko nga alam kung pantalan pa ba ang pupuntahan namin dahil parang papunta na ito sa lungga ni Pennywise ng IT. Pakiramdam ko sasalubungin din niya kami ng 'di oras dito.
"Kailan ulit natin makikita ang liwanag? Langya, kumikindat-kindat pa yang flashlight mo Papa, itapon mo na yan," pagrereklamo ko.
Nagdala na nga ng flashlight si Papa, patay sindi pa talaga. Ang baho-baho pa sa loob, amoy imburnal.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagrereklamo ay bigla-bigla ba naman nagsilabasan ang mga paniki.
*Eeek*
*Eeek*
*Eeek*
Nagulat ako sa paglipad ng mga paniki kaya napamura ako ng 'di oras. "Fuck those bats!" umalingawngaw pa ang boses ko sa loob ng tunnel.
Muli akong nagsalita. "Papa are you sure dito talaga ang daan?" Napatanong nalang ako, para kasing mawro-wrong turn kami dito. Mahirap na, di pa ako makatakbo, natatakot na tuloy ako.
"I'm sure na dito ang daan, trust me!"
Trust him? How can I trust my own father kung pang horror naman itong binibigay na vibes sa akin ng tunnel na ito. Limang minuto ang tinagal namin sa paglalakad sa loob ng madilim na lagusan bago namin marating ang malaking batong pinto, may mga nakapalibot pang mga baging dito. Pinatay na ni Papa ang flashlight na dala niya dahil may ilaw naman ng nanggagaling sa mga torch na nakadikit sa may batong pader. Nakakalula itong tingnan dahil sa laki nito, may nakaukit pa sa bato na pormang ahas.
Sh!t, hindi kaya anaconda ang nakatira dito? Baka pagbukas palang ng pintong ito eh nakahanda na ang ahas na tutuklaw sa amin.
May inilabas namang medalyon si Papa sa kanyang bulsa at kanya itong idinikit sa mata ng nakaukit na ahas sa batong pinto. Napaatras pa ng kaunti si Papa kaya napaatras din ako. Biglang umilaw ang medalyon at unti-unting nilamon ng ilaw ang katawan ng nakaukit na ahas. Mayamaya ay bigla nalang yumanig ang lupa at dahan-dahang bumukas ang batong pinto.
"Tao pa ba kaya kami? Hindi na ito gawain ng normal na tao."
Bumungad sa amin ang napakagandang daanan papuntang pantalan ng Cludora's Ship. Ang ganda pa ng mga dilaw na halamang nakasabit sa itaas, pakiramdam ko nasa paraiso ako.
"I can't go any further now, hindi na kita masasamahan doon malapit sa barko. Basta huwag mong kalilimutan ang pangaral ko sayo lagi, huwag na huwag kang gumawa ng masama. Magkikita ulit tayo sa sembreak niyo." Napayakap nalang bigla sa akin si Papa ng kay higpit. "I'm gonna miss you son, be safe."
"Mamimiss ko rin kayo. Promise Pa, gagalingan ko sa Cludora. I'll make you proud." Even though I still don't fully accept Cludora, I still need to be a good son. Ayoko kaya ng napapagalitan, hindi na ako bata.
Kumawala na si Papa sa pagkakayakap sa akin.
"That's my son. Alright pumasok ka na doon at hinihintay ka na nila," sabi ni Papa at agad ko rin siyang sinunod. "Whatever happens, always be ready at any time. You might not know nasa harapan mo na ang katotohanan. Accept and Embrace it," dugtong pa niya at ngumiti lang sa akin si Papa bago siya tuluyang tumalikod.
Magtatanong pa sana ako kay Papa kung ano ba ang ibig niyang sabihin sa katagang iyon pero sa pagtalikod niya ay ang pagsara narin ng batong pinto.
Hindi man malinaw sa akin kung anong ipinapahiwatig ng mga sinabi sa akin ni Papa pero pakiramdam ko ay parang may dapat talaga akong malaman sa Cludora Academy. I don't know pero dapat buo ako at very compose ang isipan ko sa ano mang sasalubong sa akin sa eskwelahang iyon. Pero ano ba iyon, ano ba ang dapat na matuklasan ko't tanggapin? Bahala na nga.
Agad nalang akong nagtungo sa barko at sobra akong namangha sa laki at ganda ng Cludora's Ship. Para siyang barko na galing sa mga napapanood kong mga fantasy movies. Dahil narin sa pagkasabik ko ay agad na akong sumakay sa barko.
"Kakaunti lang ang mga studyante?" tanong ko sa aking sarili habang nililibot pa ng paningin ko ang paligid. Kakaunti lang kasi ang mga nakikita kong estudyanteng palakad-lakad sa loob ng barko.
Hindi ko talaga maiwasang mamangha sa ganda ng loob ng barko. Mamahalin siguro ang mga materyales na ginamit dito, yung mga naka-display na mga vase ay milyo-milyon siguro ang aabutin kapag ibinenta iyon. May chandelier pa talaga dito, feeling ko nasa loob lang ako ng isang kastilyo at hindi sa loob ng isang malaking barko.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkamangha ay biglang tumunog ang isang maliit na kampanilya. Narinig ko narin ang ugong ng barko. Sinyales iyon na aalis na ang barko na sinasakyan ko. May isang binata naman ang nasa may hagdanan, naka-uniporme ito ng pang kapitan ng barko. But he's too young to be a Captain, siguro siya lang yung mga Deck Cadet.
"Everyone gathered around," sabi ng binatang nasa may hagdan. "I'm Cadet Officer Kosarin, and welcome to Cludora's Ship, freshmen. Or should I say the new Solar of Cludora Academy. In a total of 1 hour and 35 minutes, we will reach our destination. Thank You," he added.
Everyone inside the ship clap their hands, nakisabay narin ang mga kamay ko sa pagpalakpak para hindi nila mapansing ignorante ako. Pangiti-ngiti narin ako syempre kahit nagmumukha ng tanga yung pagmumukha ko. But after the announcement, every student at the hall scattered again, gumawa sila ng sariling grupo at bigla nanamang naghari ang ingay.
⎈⎈⎈
Nakakabagot pala ang magbyahe, hindi ko naman kasi hilig ang magpunta sa mga malalayong lugar. Medyo napapabaliktad na nga ang sikmura ko dahil sa pag-alog alog ng barko dulot ng alon. Nakakaramdam narin ako ng pagkahilo dahilan ng naaamoy kong pintura, pakiramdam ko bago lang itong barkong sinasakyan namin. Lalabas na muna ako para magpahangin pero mukha atang hindi sumang-ayon yung kapalaran dahil biglang may nagtawag na sa amin.
"Solar, maghanda na kayo at malapit na tayo sa Cludora. Five minutes before ng arrival!" sigaw ng isang Cadet Officer. Pinapagpag pa niya ang pader para gumawa ng babala.
Nabingi pa ako sa sigaw ng Cadet Officer dahil malapit lang kasi siya sa akin ng ilang metro. Nagsilabasan naman agad ang mga kasama kong estudyante at bitbit na nila ang mga gamit nila, kahit na nalilito pa ako ay ginaya ko narin ang mga pinaggagagawa ng kasamahan ko.
"Meet me in the hall!" sigaw ulit ng Cadet Officer na kanina pa umiikot-ikot sa buong barko. Ang bilis naman ata niyang magtawag ng tao, kanina lang kasi ay nasa harapan ko siya pero nasa ikalimang palapag na siya.
Anyways, ayoko ng mag-isip pa ng malalalim na bagay kaya agad na akong dumiretso papuntang hall. Kahit mabigat at naglalakihan ang mga maleta na bitbit ko ngayon ay kailangan ko paring magmadali para makapunta na ako kaagad sa pupuntahan ko. Pinipilit ko nalang ang aking sarili na huwag matumba dahil pati paglalakad ko ay naaapektuhan narin.
"Need a hand?" Isang boses ng lalaki ang biglang nagsalita sa aking likuran.
Napalingon naman ako agad para matingnan kung sino siya. As I saw his face, I just gave him a confused reaction. Hindi ko siya kilala, we're both strangers to each other pero willing siyang tulungan ako sa pagbitbit ng bagahe ko.
Muli nanaman nagsalita yung lalaki. "By the way I'm Drexel Avila. Mukhang nahihirapan ka kasi kaya tutulungan sana kita." Napaka-manly niyang tingnan pero kung magsalita siya at gumalaw ay napakamahinhin niya na para siyang isang babae.
I know he's being nice to me pero I can handle myself. I can lift my own baggage, ayoko namang ipakarga ang mga gamit ko sa taong hindi ko pa kilala dahil nakakahiya.
"No, thank you nalang kaya ko pa naman," pagre-reject ko sa kanya.
"You sure? Sige kung yan ang sinabi mo, mauuuna na ako." Drexel said and before he leaves me, tinapik-tapik niya muna ng mahina ang isa kong braso.
He smiled at me and he said, "See you around man." At doon na siya tuluyang umalis.
Mayamaya sa pagpapatuloy ko sa paglalakad ay biglang nag-iba ang pakiramdam ko, para bang kung anong sumapi sa akin at bigla-bigla nalang parang normal nalang sa akin ang kabigatan ng mga dala-dala ko. Para ngang wala na akong binubuhat sa sobrang gaan ng mga maletang hawak-hawak ko.
"What have just happened?" tulirong tanong ko sa aking sarili, napakibit-balikat nalang ako dahil hindi ko naman masasagot iyon.
Dumeretso nalang ako sa hall at doon ko nadatnan lahat ng mga kagaya kong freshmen na nagkukumpulan na. May sari-sarili silang mga kinakausap kaya namuo ng ingay sa loob ng barko. Pumwesto nalang ako sa isang lugar na kung saan ay kampante at komportable ako.
While I was waiting for the time na tatahimik ang buong tao sa loob ng barko ay saktuhan namang dumating na si Cadet Officer Kosarin at kasama niya yung mala-flash na Cadet Officer din na nagtatawag kanina. Tsaka lang natahimik ang mga estudyante nang kalampagin ni Cadet Officer Korsarin ang wood podium na siyang pinagsasandalan ng mga siko niya.
"Everyone listen! Malapit na tayo sa entrance ng Cludora, ang hinihiling ko lang ay sana maging masunurin kayo sa mga ipinag-uutos ko. Walang mag-uunahan sa pagsakay ng bangka dahil naka-organize na ang lahat kung saan kayo sasakay," pagpapaliwanag ni Cadet Officer Kosarin sa aming lahat.
Napakasosyal naman ng mga bangka, kailangan talaga may listahan sila para malaman nila kung sinong estudyante ang sasakay doon.
"Maaari na kayong lumabas at magpunta sa deck railing."
Agad nalang namin sinunod ang pinag-uutos ni Cadet Officer Kosarin. Nagpunta nalang kaming lahat sa may deck railing at doon namin nakita ang mga bangka na nakahanda ng bumaba sa dagat.
Wala na silang sinayang pa na oras at bawat tagasagwan ng bangka o sabihin nalang natin na Kapitan para mas pormal parin ay nagtawag na ng mga pangalan namin. Pumito pa sila para lang matahimik ang lahat.
"Boat 001, If name has been called just come and approach me immediately. Conrado Abitong, Felicity Agustin, Cub Leonhard Arenas, Drexel Avila."
Nang matawag ang pangalan ko ay dali-dali na akong nagtungo sa kapitan ng Boat 001. Itinaas ko narin ang kamay ko para sa ganun ay malaman niyang papalapit na ako sa kanya.
"Nandito po ako!" sigaw ko. Ipinagsiksikan ko narin ang sarili ko sa mga taong nagkukumpulan para lang tuluyan na akong makapunta sa bangkang masasakyan ko.
Agad ko namang inayos ang sarili ko nang makaharap ko na ang kapitan ng bangka. "Cub Leonhard Arenas po kapitan."
"Alright, hop on," pag-uutos niya.
Dali-dali akong sumampa sa bangka at tinulungan naman ako ni Kapitan na buhatin ang mga maletang bitbit ko. Nang makita niyang kumpleto na kaming isasakay niya ay agad ng kinalembang ni Kapitan ang maliit na kampanilyang nakasabit, hudyat ata iyon na maaari na nila kaming ibaba sa dagat.
"We're ready!" sigaw ni Kapitan habang kinakalembang parin ang maliit na kampanilya.
"Boat 001, complete! Pull now!" May isa namang sailor ang nagsigaw nun sa mga taong manghihila pababa ng aming bangka. Sa pagsigaw ng sailor na lalaki ay siyang pagsagot ng mga iba pa niyang kasamahan.
"Ready!" sigaw nila tsaka nila hinatak ang lubid na siyang sumusuporta sa sinasakyan naming bangka. Daha-dahan nilang ibinaba ang aming bangka upang maibagsak na nila ito sa dagat.
Kinakabahan naman ako dahil baka sa paglapag namin ay gegewang at tataob ang bangka pero a part of me says na magiging okay ang lahat. Napapikit nalang ako para kahit papaano ay mawala saglit ang kaba na bumabalot sa akin. My knees area also shaking and I can't stop them.
"001 down, ready to sail!" May sumigaw nanaman ulit at yung bangka namin ang tinutukoy niya.
Napadilat ako bigla at tsaka ako napalinga-linga. Nakita kong lumulutang na ang bangka namin sa dagat, we've finally reached the water. Napasingha nalang ako nang mapawi ang kaba sa dibdib ko.
Nakita ko naman ang kapitan ng bangka namin na nagsimula na siyang magsagwan and we are now heading to those thick fog. Hindi ko alam kung tamang ruta ba ang tatahakin namin pero nang tingnan ko naman ang iba pang bangka ay nakasunod naman sila sa amin.
"Wear your raincoats, those were hidden under your seat," sambit ng Kapitan.
Kinapa-kapa ko nalang yung ilalim ng kinauupuan ko dahil kung gagalaw pa ako ay may pagkakataong aalog ang bangka namin at baka tumaob pa kami ng 'di oras.
"Found it!" sigaw ko nang makuha ko na ang raincoat na sinasabi ni Kapitan. I immediately wear the raincoat kahit na nalilito pa ako. Why are we going to wear this thing?
"Get ready Solar, in just a second makikita niyo na ang Cludora."
Hindi ko alam pero bigla akong na-excite na makita ang Cludora, siguro ay dala narin ng pagka-curious ko. I'm actually unsatisfied kagabi pa dahil hindi ko kasi mahanap ang tungkol sa eskwelahang iyon but now masasagot na lahat ng gumagambala sa aking isipan.
We are now entering the thick fog, sa sobrang puti nito ay hindi ko na makita yung katabi ko, pakiramdam ko tuloy ay mag-isa nalang ako sa bangka. Wala din akong makita na nakasunod sa aming bangka. Habang tinatahak namin ang makapal na hamog ay hindi naman ako mapakali, hindi ko kasi alam kung kailan tatagal ang pagsasagwan ni Kapitan, parang hindi kasi kami nakakalayo.
"Kapitan malayo pa ba?" tanong ko.
Hindi sumagot sa akin si Kapitan pero iba naman ang sinabi niya.
"Solar class, welcome to Cludora Academy." Sa pagkakasabi iyon ng aming Kapitan sa bangka ay siyang paghawi ng mga makakapal na hamog.
I was really surprise to see the Cludora Academy, bumungad sa amin ang naglalakihang gate na humaharang sa Cludora, ang kakapal pa ng mga ulap na nakapaligid dito. Lalo nanaman akong nagtaka dahil papaano sila nakapagpatayo ng Academy sa kalagitnaan ng dagat? Wala kayang pating dito o kahit na anong sea monster na kakain sa amin?
Patuloy parin sa pagsasagwan ang kapitan ng bangka, samantalang tahimik naman kaming mga estudyante. Hindi kasi makapagsalita yung mga kasamahan ko dahil sa sobrang pagkamangha nila sa kapaligiran. I was also silently observing my surroundings hanggang sa makalapit kami sa malaking falls.
"Dito na tayo papasok, ready to see your new school Solar?" tanong ni Kapitan sa amin.
Lahat lang kami sa bangka ay napatango, we can't really speak at the moment.
Nagpatuloy lang si Kapitan sa pagsasagwan hanggang sa pumasok kami sa falls. Itinalukbong ko kaagad yung raincoat hoodie para hindi ako mabasa, napaka-weird naman kasi itong mga nilulusutan naming ruta. Papasok lang naman kasi kami sa isang Academy eh dapat kailangan pang paghirapan mo ang magpunta doon.
But to be honest, when we reached our destination halos napawi lahat yung hirap at pagod namin. Cludora Academy seems so odd pero napakaganda ng eskwelahang ito, para siyang eskwelahan ng mga tao sa hinaharap.
"What a wonderful world." Ang tanging nasabi ko sa aking sarili.
Mamamangha ka talaga sa makikita mo lalo na kung 'di ka pa nakakita ng ganoong klaseng eskwelahan. Kakaiba din ang materyales na ginamit nila sa paggawa ng building, mukhang mamahalin ito dahil lahat ay parang gawa sa pilak at salamin, halos kakaunti lang na kungkreto ang makikita mo.
"Ang ganda ng Cludora," sambit ng katabi ko. Nakangawa pa ang bibig niya habang pinagmamasdan ang malapalasyo naming eskwelahan.
Sa pagkaabala namin sa pagtitig sa eskwelahan ay 'di na namin namamalayang tumigil na pala ang bangkang sinasakyan namin.
"Dito ko na kayo ibababa. Solar, enjoy your stay here in Cludora Academy." Payo sa amin ni Kapitan bago niya kami tuluyang pinababa sa bangka.
Agad na kaming bumaba isa-isa sa bangka at nagtulungan kaming lahat na kunin ang bagahe ng bawat isa sa amin. Mukhang mababait naman ang mga nakasama ko, palangiti nga sila na para bang wala ng bukas.
Nang tuluyan na namin nakuha ang mga kagamitan sa bangka ay dali-dali na kaming nagpunta sa tulay kung saan lalakarin namin daw iyon.
"Ano naman kaya ang nandirito?"
⎈⎈⎈