Chapter 7 - 003 Welcome Peculiars

Nasa harapan na kami ngayon ng Cludora's entrance, lahat lang kami doon ay nakatayo at hinihintay ang pagbukas ng pinto. This might sounds crazy to some people pero pakiramdam ko may kakaibang presensya na bumabalot sa Cludora, hindi siya mga multo pero may mas malala pa doon. I maybe a bit paranoid at the moment pero nakakabobo lang kasing isipin na Cludora Academy exist in the middle of a freaking ocean. Cludora Academy is not just a normal school, mukhang yayamanin ang mga makakasama ko dito or let's just say hindi ata mga tao ang nag-aaral dito, para atang mga lamang dagat ang bumubuo sa eskwelahang ito. 

"Cludora Academy," I sighed from disbelief. 

How can my father send me here? Napaka-weird talaga kung iisipin mo itong nangyayari sa akin ngayon. Pero bakit parang ako lang ata yung nangangamba sa mga susunod na mangyayari sa amin? Ako lang ba talaga ang hindi pa na-iinform sa mga bagay-bagay na ito? Did my father just let me leave under the rock, where have i been for 17 years? My classmates seems so fine at napaka-chill pa nila, nakuha pa nga nilang ngumiti at magtawanan.

Sa paghihintay namin ng ilang minuto sa Cludora's entrance ay bigla-bigla nalang bumukas ang pinto. Inuluwa naman niya doon ang isang babaeng may katangkaran, hindi mo rin maipagkakailang maganda siya't maputi pa. Matagal din siguro siyang hindi nasisikatan ng araw. 

"Hello Solar Class, Welcome to Cludora Academy. I'm Primrose De Asis, ang guard ng Cludora's gate and take note na I will soon be your Professor too," anito at ngumiti pa siya sa amin. Ang mga binatang kasama ko nama'y naglalayaw na dahil sa maladyosang taglay ni Professor Primrose. 

"Nice to meet you Professor Primrose," bati naming lahat.

"Just leave all your things here at hayaan niyong kunin nalang yan ng mga trabahador. May pangalan naman kayo sa mga maleta niyo kaya alam na nila kung saang kwarto iyan dadalhin. I will just give your keys after the assembly," pagpapaliwanag ni Professor Primrose at muli nanaman siyang nagsalita. 

"Follow me Solar." Tumalikod na siya't nagsimula ng maglakad papalayo sa amin.

Dali-dali naming iniwan ang mga gamit namin sa Cludora's entrance tsaka agad na sinundan si Pofessor Primrose, actually tahimik lang kaming nakasunod sa kanya takot lang kasi kaming gumawa ng ingay dahil baka mapagalitan pa kami.

Ano kayang kurso ang kinuha para sa akin ni Papa? Bakit ang kaunti naming freshmen na nag-enroll sa Cludora, baka naman by batch lang yung pagdating namin? Mukha kasi atang nasa bilang 150 something lang kaming nandirito ngayon.

"Everyone, this is the assembly hall. Maaari na kayong magtungo sa nakadestinong mauupuan ninyo." Nang buksan ni Professor Primrose ang isang ginintuang malaking pinto ay bumungad sa amin ang malawak na assemby hall. 

We found out na walang katao-tao doon. Marahil kami lang talaga ang magiging freshmen sa taong ito, piling-pili lang ata ang pumasok sa Cludora Academy. Pagnagkataon man yan ay  paniguradong masasabi kong big hit si Papa. 

Lahat nalang kami ay pumasok sa loob ng assembly hall at nagpunta na sa aming nakadestinong upuan, may pangalan naman kaming nakadikit doon kaya alam namin kung saan kami uupo. 

Muling bumuo ng ingay ang mga kasama kong estudyante at muling namayani ang ingay. Hindi naman ako makasabay sa kanila dahil alam kong may sari-sarili silang grupo. 

"Silence in the assembly hall!" Biglang natahimik ang lahat nang biglang dumating ang isang makisig at matipunong lalaki, mukhang binata pa siya't kaedad lang siya ni Professor Primrose. 

Napatayo naman kaming lahat ng maayos at nagsimula na kaming makinig sa taong nagsasalita sa harapan namin. 

"I'm Professor Rhaegar S. Ledwell and I am really happy to meet the new Solar ng Cludora Academy." Pormal na pagbati niya sa amin. Naalala kong siya nga pala ang sumulat ng acceptance letter namin. 

"I know some of you are still confuse, yung iba naman ay may alam na. Isa lang ang masasabi ko, Cludora Academy is only exclusive for a special students like you, kaya maswerte kayo dahil kabilang kayo dito ngayon."

Shit, exclusive for special student like us? Don't tell me ipinasok ako ni Papa sa isang eskwelahan na punung-puno ng special children, abnormal ba ako sa mata ng ama ko? I know bobo ako, inaaamin ko yan pero hindi ko naman akalaing kasali pala sa mental problem ang pagiging estupido. 

Muli nanamang nagsalita si Professor Rhaegar. "Magsisimula mamayang gabi ang una niyong klase, asahan niyong magiging kakaiba ang paraan namin ng pagtuturo sa inyo. Wala kayo sa isang pipitsuging normal na unibersidad, nasa Cludora Academy na kayo kaya't asahan niyong walang kurso ang napasukan niyo."

Walang kurso? Ano ito course-less, kung may word na ganyan? 

Okay let me just clear everything, I'm really confused at the moment, kanina pa talaga ako nalilito. Pumasok ako sa isang eskwelahan na hindi ako kukuha ng kurso at ngayon sasabihin nila sa amin na special kaming lahat tapos swertehan pa kaming naging kabilang sa pagiging Solar. What heck is that?! Hindi kaya mga baliw ang mga namumuno dito, takas mental ba sila?

"Cludora Academy is extremely odd," bulong ko sa aking sarili.

Hindi ko naman alam na narinig pala ako ng katabi ko kaya sumagot naman siya sa akin. "Same din sayo. Don't be so shock na akala mo hindi ka rin kakaiba."

Biglang ko naman naalala yung sinabi sa akin kanina ni Papa bago ako pumasok sa pantalan ng Cludora's Ship. Baka ito na nga ang sinasabi sa akin ng ama ko na kailangan kong tanggapin kung ano man ang kakaibang matuklasan ko sa eskwelahang ito. 

Ang hirap kasing hindi ka man lang sinabihan ng magulang mo tungkol sa Cludora. Sana naman nakapag-ready ako.

"Before I end my speech gusto lang sabihin sa inyo na I'm really looking forward to teach you Solar. And now, let me introduce to you our Deputy Headmaster, Uriel Arevallo." Matapos mag speech ni Professor Rhaegar ay pumunta na siya sa gilid. 

Nagpalakpakan nalang kami para sa pagsalubong sa aming Deputy Headmaster ngunit wala namang ibang tao ang pumapasok sa assembly hall. Nakangiti naman ang mga Professor at ibang faculty staffs sa entablado. 

Natigilan nalang kaming mga estudyante sa pagpapalakpak at mas namayani ang bulungan. Bakit naman ata ang tagal niyang dumating, paimportante? Naiinip na ang mga kasama ko, maski rin naman ako pero tinitiis ko nalang.

But a few seconds later, bigla kaming ginulantang ng isang malakas na pagbagsak galing sa bubong. Napatingin kaming lahat sa aming likuran at nakita namin ang kisame na may butas na, akala mo pa ay gawa ito ng isang excavator wrecking ball pero hindi dahil gawa ito ng isang umiilaw na bola. We are all distracted by this glowing floating light ball, I guess. 

"What are those?" tanong ko sa aking sarili. 

Hindi namin mawari kung ano iyon, hindi kasi namin masyadong maaninag ang lumulutang na bola dahil nakakasilaw ito sa mata. Pero habang bumababa siya sa lupa ay unti-unting nawawala ang liwanag niya. We were all surprise nang biglang nag-iba ang anyo ng umiilaw na bola. Bigla nalang itong naging isang pigura ng tao. That glowing floating light ball just turned into a fine man! Klarong bumungad sa amin ang isang mala-anghel na pagmumukha, his outfit is out of date dahil para siyang galing sa sinaunang panahon. Purong puti na roba ang kasuotan niya habang may gintong olive wreath na korana ang nakaputong sa ulo niya.

Ang mas ikinamangha pa namin sa kanya ay nang ilabas niya ang nagpuputihan at naglalakihan niyang pakpak, pumapagaspas pa ito na siyang 'di inaasahang pagkalikha ng hangin. Unti-unti naman siyang lumilipad at nang nasa ere na siya ay bigla-bigla nalang itong nag-iikot sa buong assembly hall. 

A man who is flying inside the assembly hall is our fucking Deputy Headmaster! Sobra akong nagulat sa mga kamalignuhang nakikita ng mga mata ko but the other students are just clapping their hands and they were even shouting from happiness. Hindi kaya demonyo ang mga tao dito? Pero our Deputy Headmaster is an angel, may pakpak siya ng isang anghel at hindi siya maaaring maging demonyo.

Ang mas ikinagulat ko pa sa lahat ay nang pag-landing ni Deputy Headmaster Uriel sa may entablado ay siyang paglabas ng mga halimaw. 

"Monsters? I saw a freaking monsters on the stage right now!" sigaw ng isipan ko. Kung sisigaw talaga ako ng aktuwal ay maaaring makagawa pa ako ng eskandalo ng 'di oras. 

Tumiklop ang pakpak ni Deputy Headmaster nang saktong nakapunta na siya sa gitna. Mayamaya ay itinaas na niya ang isa niyang kamay upang bigyan ng bababala ang lahat na magsitahimik. 

"Hello Solar, I'm really glad that you accept our invitations. Masaya akong makita kayong lahat. Welcome Peculiars!" Ngumiti pa siya habang deretsahang nakatingin sa amin.

Peculiars, Peculiars?! Me, a peculiar? Ang galing ng biro ni Deputy Headmaster. 

Nagpalakpakan naman ang mga kasama ko samantalang ang iba ay pumipito pa.

"What the heck? Ako Peculiar, you're kidding me right?" sabi ko sa aking sarili.

"No he's serious."

Tiningnan ko naman ang aking katabi na kanina pa sumasabat sa mga pinagsasabi ko, nginisian ko nalang siya dahil badtrip na ako.

"Sa taong ito ay may 155 tayong Solar Students at mahahati iyon sa limang seksyon. Sa mga sulat na nakapatong sa mga kama niyo sa inyong kwarto, doon nakapaloob ang kasagutan. Maghanda na kayo mamayang gabi para sa una niyong klase. Isa lang ding patakaran ang gusto kong sundin ninyong lahat, huwag na huwag kayong papasok sa Dragon's Nest." 

"Para aware ang lahat, gusto kong ipakilala sa inyo ang mga bumubuo ng Cludora Academy." Ang pag ngiti nito ang pumutol sa kanyang sasabihin. "Meet all the Solar Professors, Rheagar S. Ledwell, Primrose De Asis, Doctor Vidalia Miller, Yours truly and Moss Sutton. Swerte ang magiging estudyante ko dahil isang beses lang tayong magkikita-kita sa isang linggo. Yun lamang at ikinagagalak kong makita kayo, Solar."

Pumagitna ang lahat ng pinangalanan ni Deputy Headmaster Uriel ngunit parang kulang sila dahil apat lamang ang nasa entablado. Hindi ko nalang iyon inalala pa. 

Kung ganun, lima ang magiging section ng Solar. Saan kaya ako kabilang?

"LIGHTS OF LIGHTS, OFF WE GO!" Sa pagsigaw ni Deputy Headmaster ay siyang pagbuka ng mga pakpak niya't paglipad. Hindi na namin nakita ang kanyang pag-alis dahil muli nanaman siyang binalutan ng nakakasilaw na liwanag. 

Pumunta nanaman ulit sa gitna si Professor Rhaegar upang magbigay ulit ng maikling talumpati. 

"Solar maaari na kayong magpunta sa inyong mga kwarto. I'm excited to see my class tonight."

Sa pagkakasabing iyon ni Professor Rhaegar ay siyang pagsara na ng welcoming program para sa aming mga freshmen. Lumapit nadin sa amin si Professor Primrose upang mabigay na niya ang mga susi na siyang ipinangako niya kanina.

I'm actually not in a good condition at the moment, talaga paring hindi pumapasok sa isipan ko na totoo ang mga nangyayari sa akin ngayon. Isa akong ordinaryong tao pero nasama ako sa isang eskwelahang punung-puno ng mga maligno. I just want a school para sa pagka-college ko pero hindi dapat sa ganitong paraan. Ipinapahalubilo ako ni Papa sa mga halimaw, ano kayang klaseng pag-iisip ang meron ang ama ko? I don't understand him kung paano niya nakayang gawin sa akin ito. He has a lot of explanations to do kapag nakauwi ako, kung maka-survive ako sa Cludora.

"Mr. Arenas, are you alright? Ito na yung susi sa kwarto mo." Bumalik lang ako sa kasalukuyan nang iwinawagayway na ni Professor Primrose yung susi sa harapan ng mukha ko.

I just awkwardly smile at her at pasimpleng kinuha ang susi sa kanya.

"Mr. Arenas be attentive, hindi namin kailangan dito ang mga Peculiars na tatanga-tanga. Now go to your room at magpahinga na."

Nasaktan naman ako sa sinabi ni Professor Primrose, sinabihan ba naman akong tanga. Hindi ba kasi pwedeng naninibago lang ako sa mga nangyayari, ikaw ba naman kasi ang makakita ng totoong anghel na naging Deputy Headmaster, tapos may mga halimaw pang gumagwardya sa bawat Professor. 

"Maganda na sana si Professor Primrose pero ang dugyot ng lumalabas sa bibig niya,"  bulong ko.

"May sinasabi ka Mr. Arenas?" Mukhang narinig niya ata ako dahil nakapag-react siya ng mabilis.

"Wala po, wala po. Ang sabi ko nga po eh aalis na ako," palusot ko na sana ay gumana. 

Pasimple nalang akong umalis ng assemby hall at agad na akong nagtungo sa kwarto ko.

⎈⎈⎈

Nasa pinakamataas na ako ng palapag ng dorm namin, halos umabot pala ng 60 floors ang building na kinatatayuan ko. Napatingin nalang ako sa aking susi para matingnan kung ano bang numero ng kwarto ko.

"Room 6060" Ang pagkakabasa ko sa nakaukit na numero sa susi.

Napakibit-balikat nalang ako't napalinga-linga , kung sinuswerte ka din naman ay kaharap ko na mismo ang kwarto ko. Agad ko na iyon binuksan at sobra akong namangha sa ganda ng kwarto nang makita ko iyon.

I really don't know how to explain how beautiful my room is pero isa lang talaga ang masasabi ko, para akong nakatira sa isang kastilyo. Naagaw naman ng pansin ko ang isang malawak na study room, may malaki kasi itong sphere window na halos matatanaw mo na ang kabuuan ng Cludora. Agad ako doon napalapit at napansin ko ring may mga libro doon na naka-display. I kinda feel like I'm inside in a fantasy world, napaka-surreal kasi ng mga nangyayari. Para lang akong nananaginip ngayon.

Isa din sa mga magagandang parte ng kwartong ito ay ang bedroom kung saan ako matutulog. Agad akong nagtungo sa aking silid tulugan at bumungad sa akin ang isang medieval style, kung titingnan mo rin ay may hibla din ito ng pagka-elegante so it's really fine with me. Ang pinakagusto ko sa lahat ay itong canopy bed ko at pakiramdam ko, I wanna marry my bed right now. 

"Kahit papaano ay may normal din akong makikita sa Cludora, this might be my safe haven at the moment. Cub Leonhard Arenas, what have just happened to your life?" Napahiga nalang ako sa aking kama habang napapatitig nalang sa kawalan. 

Napapaisip nalang ako sa mga susunod pang mangyayari sa buhay ko. Makakaya ko kayang makipagsabayan sa mga kaklase ko, what if one day may pagkakataong kaming ipakita ang kapangyarihan namin? How am I suppose to do that?

Napabuntong hininga nalang ako sa pagkadismaya, may eskwelahan na nga ako pero maysa demonyo naman. 

⎈⎈⎈