Bata pa lamang ako, pangarap ko nang makapunta ng maynila. Makapagtrabaho sa malalaking kompanya, makapasyal sa Bay walk at tumira sa isang malaking mansion. Ako nga pala si Charmie. Labing – walong taong gulang mula sa probinsya ng Leyte. Kakatapos ko lamang ng ika – apat na taon ng high school. Pangarap kong makapunta ng maynila, matupad kaya? Pati ang mga pangarap ko doon?
Isang araw, matapos kong maglaba sa ilog ay namasyal ako saglit sa bukid upang magmuni – muni. Anong sarap nga naman ang tumira sa maynila? Nandun lahat ng teknolohiya na uso, mga magagandang damit, malalaking pamilihan ng bayan at marami pang iba na hindi karaniwang makikita dito sa probinsya. Palubog na ang araw at umuwi na ako sa aming bahay. May natanggap akong sulat mula sa kamag – anak namin sa maynila. Pinapapunta nila ako dun sapagkat pag – aaralin daw nila ako ng kolehiyo. Sa sobrang kasiyahan ko di ko maialis ang ngiti sa labi ko. Di na ako makapaghintay pa. Malapit na matupad ang matagal ko nang pangarap na pag punta ng maynila. Ibinalita ko agad sa lahat ng mga kaibigan ko na sa darating na pasukan ay luluwas na ako ng maynila. Lubos silang natuwa sapagkat matutupad na daw ang mga pangarap ko. Mapapalayo ako sa lugar kung saan ako lumaki at nagdalaga ngunit hinding hindi ko makakalimutan ang lahat ng karanasan ko dito.