Chereads / Ganito pala sa Maynila / Chapter 3 - Chapter 3: Aparador

Chapter 3 - Chapter 3: Aparador

Lumalim ang gabi at Dinatnan ako ng antok. Naglatag ako ng banig sa kwarto at natulog. Ginising ako ng tiyahin ko sapagkat bakit daw ako natutulog sa papag, may kama naman. "nakasanayan ko lang po tiya", sabi ko. Natulog ako sa malambot na kama. Nagising ako na papasikat pa lang ang araw. Naglakad – lakad ako sa hardin upang hanapin ang kalabaw. Nasaan kaya? Ilang minuto ang nakalipas at tinawag ako ng tiyahin ko upang mag agahan. Pupunta daw kami siya sa school para I – enroll ako kaya maiiwan ako sa bahay. Aliwin ko nalang daw ang sarili ko habang wala siya. Nag ikot ako sa buong bahay, nagpunta ng kusina at may nakita akong aparador. Nagulat ako bakit ang aparador sa maynila ay umiilaw at malamig. Nakita ako ng kasambahay ng tiyahin ko at sinabihan ako na wag ko daw bubuksan yung aparador na yun kung walang kukunin kasi sayang daw ang kuryente. Sinabi ko nalang sa sarili ko na di ko na muling bubuksan yung aparador na yun kasi baka makuryente pa ako. Tapos ako pa yung may kasalanan sa pagkaubos ng kuryente nila.