Pagdating ng tiyahin ko, niyaya niya akong mamasyal sa mall. Mamimili daw kami ng damit ko at kagamitan sa paaralan na papasukan ko. Pagdating namin ng mall, akala ko uulan ng snow sa sobrang lamig. Binigyan ako ng tiyahin ko ng kapirasong papel na may nakasulat na address ng bahay na tinitirhan namin. Baka daw kasi maligaw ako kaya dapat alam ko daw pauwi. Binigyan din niya ako ng pera kung sakaling mawala ako sa mall. Ang sabi niya, pag nawala daw ako at di ko na talaga siya mahanap sumakay daw ako sa labas ng mall ng taxi pagkatapos ay ipakita ko lang daw yung kapirasong papel na binigay niya sa akin. Namili kami sa mall ng mga damit. Ang dami kong nakitang iba't ibang klase ng tao. May nakita pa nga akong kabayong walang buhay na sinasakyan ng mga bata. Umakyat kami sa hagdan na gumagalaw mag – isa. Natakot ako. " ganito ba talaga yung hagdan sa maynila, gumagalaw?", sabi ko. Nakakapagtaka at tinatawanan lamang ako ng tiyahin ko. Pauwi na sana kami nung biglang nahiwalay ako sa tiyahin ko. Ang dami kasi masyadong tao nun. Inikot ko yung buong mall ngunit di ko nakita yung tiyahin ko. Lumabas ako ng mall sapagkat mukhang magsasara na ito. Naisip kong sumakay na lamang ng sinasabi ng tiyahin ko na taxi, binigay ko ang kapirasong papel at hinatid ako ng driver ng taxi sa bahay namin. Pagkababa ko ng sasakyan, nagbayad ako at naghihintay pala sa labas ng bahay ang tiyahin ko. Tuwang tuwa ako dahil nakauwi ako ng maayos. Nag – alala masyado ang tyahin ko sa akin. " nasaan ang tsinelas mo iha?", sabi ng tiyahin ko. "ay naiwan ko po sa labas ng taxi", sabi ko. Tinawanan ako ng tiyahin ko ng malakas. Nakasanayan nga naman kasi namin sa probinsya na nag – iiwan ng tsinelas sa pinto bago umakyat ng kubo. Tawa ng tawa yung tiyahin ko at bibilhan nalang daw niya ako agad ngayon ng tsinelas.