Kinabukasan, wala akong magawa kaya lumabas ako ng bahay at nagpunta ng tindahan. May nakita akong lalaki na sarap sa pagtungga sa iniinom niya. Nakabote na inumin. Mukhang gusto ko din tikman. Di ko alam ang tawag sa binili niya kaya sinabi ko nalang sa tindera na pabili nung nakabote na dark yung kulay. "ito bang toyo iha?", sabi ng tindera. Hindi ko naman alam ang tawag kaya binili ko nalang. Binuksan ko ang bote at ininum ang laman. "ganito pala ang lasa ng inumin sa maynila", sabi ko. Pagkatapos na ilang sandali ay umuwi na ako ng bahay at dumiretso ng banyo upang maglabas ng sama ng loob. Pagdating ng hapon, nagpaalam ako sa tiyahin ko na lalabas lang muli. Naisipan kong pumunta ng mall. May nakita akong sinehan, gusto kong manood ngunit di ko alam kung paano. Nanood muna ako ng mga tao kung ano yung ginagawa nila para makapasok sa loob at makanood ng pelikula. May nakita akong lalaki na pumila at bumili ng ticket. Pagkatapos nun ay pumasok na sa loob dala ang ticket na nagsisilbing paraan upang makapasok sa loob. Pumila ako sa bilihan ng ticket, pagkatapos ay pumasok na ako. May lalaki na pinunit ang ticket na binili ko bago palang ako makapasok ng sinehan kaya bumalik ako sa pila at bumili muli ng ticket. Pagkabalik ko sa pasukan ay pinunit na naman ng lalaki yung ticket na binili ko kaya pumila ulit ako at bumili ng ticket na dalawa. Pagpunta ko ulit sa pasukan ay pinunit muli ng lalaki yung ticket na binili ko, pagkatapos ay tumakbo ako sa loob ng sinehan habang sinasabi na di niya napunit ang isa pang ticket na nabili ko. Pagkatapos ng palabas sa sine, napansin kong ang gastos pala sa maynila. manonood ka lang ng sine mapapagastos ka pa ng ticket tapos mag ingat na ako sa nagpupunit ng ticket. Pagkauwi ko ng bahay, naikwento ko sa tiyahin ko ang nangyari sa sinehan. Natatawa na naman siya sa akin at mabuti nalang daw ay may pera pa ako para pamasahe pauwi ng bahay. Buti nalang din daw at pagkauwi ko suot ko pa din ang tsinelas ko.
Bago matulog, natatawa ako sa mga kakaibang karanasan ko dito sa maynila. Napagtanto ko na ibang iba ang pamumuhay talaga sa probinsya at maynila. masyadong maunlad ang mga kagamitan dito sa maynila at nakakapagtaka ang mga bagay na di ko alam. Sumulat ako ng liham para sa pamilya ko sa probinsya, ikinuwento ko ang aking mga karanasan na kakaiba dito sa maynila. Mga karanasan na hinding hindi ko malilimutan. Sana nandito rin sila upang samahan ako sa mga karanasan na sadyang nagbibigay ng aral sa bawat isa. Pagkatapos ko ng kolehiyo, babalik ako sa lugar kung saan ako lumaki at nagdalaga. Ngunit hinding hindi ko makakalimutan na, "Ganon pala sa Maynila".