Rose POV
"SERYOSO KA" mga katagang binigkas ko sa kanya sabay tingin sa kanyang mga mata at nabigla ako dahil nakita ko kung gaano nga ito kaseryoso sa kanyang binitiwan salita
"OO" sagot nito na kinatingin ko dito at kaagad kong naisip na ndi ko kailangan ipaako sa kanya ang aking magiging anak at naisip ko na siguru ito ang aking tadhana ang mamumuhay mag-isa kasama ang dalawang anak ko at dahil sa sinabi ngumiti ako dito sabay sabing
"hindi mo naman anak ang aking anak kaya ndi mo kailangan akuhin" sabi ko dito habang nakangiti
" ndi ko nga anak yang pinagbubuntis mo pero willing akong akuhin yan" sabi nito sabay turo sa aking tiyan na agad ko na man kinakunot noo at kinataka bakit willing itong akuhin ang pinagbubuntis ko at kaagad nasagot ang aking tanong ng magsabi itong
" gusto na ng mga parent ko na mag-asawa na ako at gusto na nilang bumuo ako ng sarili kong pamilya at gusto na silang pagbigyan" sabi nito ng nakangiti at mababasa mo kung gaano ito kaseryoso sa binitiwan nitong salita
"bakit ako" sabi ko dito sabay turo ng aking sarili, iniisip ba nito dahil nakakaawa ako na magssisilang ako ng isang bata na walang kakagisnan ama o ako ang magiging ganti nito kay bianca
"dahil nararamdaman kong mabuting kang tao at ndi mo deserve ang masaktan " sabi nito na kinatingin ko dito at ganoon pa rin nabasa ako ang sensiridad ng bawat binitawan nitong mga salita
"pag-iisipan ko sabi ko dito" sabi ko dito sabay ngiti ng matamis
At ilang sandali lang ay biglang may tumawag dito kaya agad itong sinenyasan na sagutin nito ang tawag at ilang saglit ay natapos ito sa pakikipag-usap doon sa tumawag dito at sinabi nito
"ihahatid na kita , saan ka ba nakatira? May emergency kasi" sabi nito
"huwag mo na akong ihatid , gusto ko pang magstay dito" sabi ko dito na may ngiti sa labi
"sigurad ka ba?" tanong nito sa akin
"oo, kaya umalis ka na para maayos mo ang inaayos mo" sabi ko dito at ngumiti ulit ako dito
" ano pala ang cellphone number mo?" tanong nito sa akin
"0933429217" sabi ko dito at agad nitong sinave sa cellphone nito at pinaring muna nito ang aking cellphone bago ito tuluyan umalis
At habang nasa parke ako ay biglang bumalik ang nakita ko kanina at parang pinipiga ang aking puso at ang sakit sakit at bigla akong naiyak ulit at naisip ko ang mga luha ko kanina pa tulo ng tulo at bakit ayaw tumigil at ng bigla ko tignan ang aking paligid may mga mangilngilan na tao ang nandito ngayon at nakakahiya sa mga tao na nakatingin sa akin at nakakahiya sa tao na dumaraan kasi pinagtitinginan nila ako at bigla ko pinunasan ang aking luha at sinabihan ang aking sarili " rose tumigil ka na at kahit umiyak ka ng isang timba ay ndi na mababago ang nangyari" at ng maalala ko ang aking cellphone ay agad ko itong nilabas at agad kong tinignan ang aming mga litrato na kinuwanan ko sa loob ng isang buwan na lagi ko ito kasama at ang saya saya namin sa mga litrato na yun at agad kong naisip na kahit kailan hindi na mauulit at tinitignan ko ang mga ito habang pilit kong pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha at mapaikbi ng malakas at kaagad kong tinakpan ang aking bibig upang ndi ako makalikha ng ingay at agad akong nagpunta sa message at binasa ko din ang aming mga palitan ng mga mensahe at ang dami din pala at ang saya sigurung basahin ang mga ito kung nasa ibang sitwasyon ako pero ngayon iba ang sitwasyon at muli ay nag-uulap na naman ang aking mata at sa tagal kong nakaupo dito at binalikan ang aming masayang alaala sa loob ng isang buwan ay hindi ko namalayan ilang oras na akong nandito sa parke at ang kaning maliwanag na kalangitan napalitan ng makulimlim na panahon at bigla kong naisip na parang nakikisama ang panahon sa akin at ano ba ito? At pati panahon nakikisama sa aking nararamdaman sakit at pighati at ilang saglit lang pumatak ang ulan at ndi pa ako nakakatayo ay bigla na lang bumubuhos ng malakas na ulan at dahil wala ko sa aking sarili hindi na ako sumilong at pinabayaan ko na lang ulan na bumuhos kasabay ng aking nararamdaman at naisip ko sana katulad din ako ng ulan pagtapos bumuhos ay wala na at ng igala ko ang aking mata sa parke ay nagsisitakbuhan ang mga tao para sumilong sa mga puno habang ako nakaupo at nagpapabasa sa ulan at muli pinapanalangin na kasabay ng buhos ng ulan ay sumabay sana bumuhos din paalis ang lahat ng nararamdaman ko kay miguel at sana pag tumigil ang ulan ay titigil na rin ang nararamdaman kong sakit kasi ang sakit sakit na at muli naglalabo na naman ang aking mga mata at ano ba tong luha na ito ayaw tumigil at sana maibsan na lahat ng sakit at ilang saglit muli bumalik ako sa aking katinuhan ay bigla kong maisip na buntis ako at makakasama ito sa aking baby at dali dali akong tumayo ay humanap ng masisilungan at hindi ko namalayan nahulog na pala ang aking cell phone dahil sa pagmamadali ko at ndi ko napansin at ng makasilong ako bigla kong na sabi "sorry baby alam kong makakasama sa iyo ito ndi ko kaagad naisip at pasyensya mo na si nanay dahil nakalimutan kita dahil sa lungkot ni nanay ay ndi naisip na makakasama ito sayo"sabi ko habang hinahaplos ko ang aking flat na tiyan at ng humupa ang ulan agad akong humanap ng taxi para makauwi sa bahay at ng makakapagpalit ng damit baka kasi lagnatin ako dahil sa papag-ulan ng ulan at buti nalang meron agad akong nakita at mabilis akong sumakay at mabilis akong nagpahatid sa bahay at pagbaba ko ng taxi ay agad ko tumuloy sa aming bahay at nakita ni inay basang basa ako kaya inlalayan niya ako pagpasok sa bahay at inihanda ang aking bibihisan kaya tumuloy na daw ako sa banyo at ng matapos ako maligo t makapagbihis ay agad akong pumunta sa kusina dahil naamoy ko pinagluto ako ni inay ng soup at ng nasa kusina na kami ay hindi na nagtanong si nanay sa akin kung napano ako at bakit basang basa ako ng ulan at alam ko kilalang kilala na ako ni inay at siguradong nababasa nito sa aking mga mata ang lungkot ko at mabilis makiramdam si nanay kung may nararamdaman akong ndi maganda dahil ganoon ang aking inay at alam nito kung may pinagdadaanan ako at naiisip ko siguru lahat ng inay ganoon at sobrang nagustuhan ko ang amoy ng soup na binigay ni inay at ngmatapos akong kumain ay agad akong pinainom ni nanay biogesic dahil baka daw magkasakit ako at bigla ko naman naisip ang aking baby at ang alam pwede iyon sa mga buntis kaya ininom ko ito at parang ndi naging mabisa ang nainom kong gamot dahil pagising ko kinabukasan ang bigat ng aking pakiramdam at inaapoy ako ng lagnat at gusto akong dalhin ni nanay sa ospital at kaagad akong tumangi kasi masyadong mahal ang magiging gastos namin dahil ang pera meron ako nilalaan ko yun sa aking magiging baby o sa pagsilang ko ng munting nilalang sa akin tiyan at kay miguelito at ang alam ko simpling lagnat lang ito dahil sa pagkabasa ko sa ulan kahapon at agad kong hinanap ang aking cell phone at dahil nakita ako ni inay na gumagalaw ako at agad ako nitong tinanong kung ano hinahanap ko at kaagad kong sinabi na hinahanap ko ang aking cell phone at sabi ni inay na wala naman daw akong dala ng umuwi ako at yung damit na pinaghubaran ko nalabhan na daw ang mga yun at walang nakita si inay na cellphone at bigla kong naisip na baka nahulog ko ito ng bigla akong sumilong kasi noon nasa parke ako at ng nakaupo ako hawak ko pa ito at bigla kong naisip na paano ko ba nito matetext si maam samantha na ndi ako makakapasok? At habang nag-isip ako ng paraan paano ko maipapalam kay maam samantha na hindi ako makakapasok at hindi ko namalayan na hawak ko na aking tiyan at hinahaplos ko na pala ito at bigla kong naisip na habang hindi pa malaki ang aking tiyan ay kailangan ko pa magtrabaho para makapag-ipon para sa aking mga anak at aking mga kapatid at kay nanay at siguro kailangan kong issuggest kay nanay na bumalik na kami sa probinsya nila dahil mas mababa ang standard of living at doon ko nalang palakihin ang aking mga anak at bigla akon sinalakay ng lungkot dahil matitigil na naman ang isa kong kapatid sa pag-aaral dahil tutulong na naman ito sa gastusin sa baha at kaagad kong naisip na kailangan kong humanap ng tamang panahon para masabi kay nanay na buntis ulit ako at alam kong magagalit si nanay pero kailangan kong harapin ang galit niya, naisip ko noong una ndi nagalit si inay baka ngayon magalit na ito kasi pangalawang beses na ito baka ngayon na sumabog ang galit ni inay , kung noon una baka ndi ako nakatangap ng salita mula dito baka ngayon sobra akong makatnaggap ng salita dito at ng naisip ko naman naisip kailangan ko na ipaalam kay maam samantha na ndi ako papasok at bigla ko naisip na si badet nalang itetext ko tutal memorize ko naman ang kanyang number kaya agad akong naghiram ng cell phone kay nanay at nagtetxt ako kay badet na hindi ako makakapasok dahil nilalagnat ako at nabigla ako ng bigla itong tumawag sa akin at hindi ko ito sinagot ang tawag nito at kaagad kong inabot kay naany ang kanyang cell phone at kaagad kinakunot noo ni nanay at agad ako nitong tinanong na
"hindi mo ba sasagutin ang tawag ni badet" sabi ni inay
"hindi na po nay, mamaya din titigi din yan sa kakatawag at papasok naman din ako sa trabaho kung okay na ako bukas" sabi ko kay nanay habang may ngiti sa aking labi
"ah sige anak" sabi ni inay sa akin habang nakangiti at akala ko bukas makakapasok na ako hindi pa pala dahil may sinat pa ako hindi ako pinyagan ni inay na magtrabaho at sabi niya magpahinga muna daw ako at magpagaling kaya sinunod ko ito at hindi ko pinatulog ang anak ko sa tabi ko simula kahapon may lagnat ako at baka mahawa pa ito sa akin at mahirap na baka mahirapan pa si inay kung dalawa kaming magkakasakit at ayaw kong may nararamdaman na sakit ang aking anak at mas may gusto ko pang ako ang magkasakit keysa makita ko ang aking anak na may sakit at ganoon yata ang ina mas gusto nila sila ang masaktan keysa ang kanilang anak at kinabukasan ng mawala ang aking lagnat ay pumasok na ako sa aking trabaho ay papasok palang ako ng makita ko si badet at agad ako nitong niyakap at parang baliw ito at nagsisigaw ito at halatang tuwang tuwa ito na nakita niya ako pero agad din itong nalungkot ng kaunti ng makita niya ang aking mga mata na namamaga at magaling din makiramdam si badet kaya kahit ndi ko sabihin may problema ako ay alam ko nararamdaman nito iyon at base sa nakikita ko sa kanya ngayon at yung titig niya sa akin ngayon ay may gustong sabihin ang kanyang mga mata pero mas ninais nalang nitong manahimik at buti nalang wala pang customers kung ndi nakakahiya dahil sa inggay nito at ang baliw ay todo yakap sa akin parang sampung taon kaming hindi nagkita at kaagad akong natawa dahil dalawang araw lang kaming ndi nagkitaat sabagay maaga kaming pumapasok sa botique kaya wla pang customer at wala kami naabala mga tao kaya walang maiingayan sa amin pero may mga kasamang sales ladies na kaming nandito at dahil sa ingay nito biglang napatingin sa amin ang aming mga kasama sa trabaho at binati nila ako at tinanong kung okay na ba ako na kaagad ko naman ng kinatango at ilang saglit lang ay napaalam na sila para bumalik sa kanilang ginagawa at hahakbang na sana ang aking paa ng makita ko si maam samantha kaya kaagad ko itong binati at ganoon din ginawa niya binati din ako at tinanong ako kung okay na ako at agad akong tumango at nagpaalam na ito na papasok na ito sa office nito at ng sumapit ang 11am nakita ko dumating si miguel kasama ang driver nito at nakita kong bigla nitong ginala ang kanyang mga mata at ng makita nito ako ay tumigil ang mata nito sa akin at Parang nakita kong dumaan sa kanyang mga mata ang saya pero agad din napilitan ng blangkong ekpresyon pagtapos ng saya na dumaan dito at agad ko iniwas ang aking mata at ayaw ko na muna siya makita dahil kontang kota na ako sa sakit at ayaw ko na munang masaktan pa