Chereads / Wild Wild Rose / Chapter 18 - Chapter 18

Chapter 18 - Chapter 18

Rose POV

Pagkaalis ko sa harapan ni badet ay dumretcho ako sa banyo, upang payapahin ko ang aking sarili dahil sa totoo lang sobra ang kaba kong nararamdaman , nanginginig ako sa takot at dahil kinakabahan ako nagpasya pa akong manaitili doon ng ilan pang minuto at ewan ko para saaan ang kabang nararamdaman ko , basta kinakabahan ako at ndi ko mawari para saan dahil ba makakaharap ko ng malapitan ulit si sir miguel? O dahil sa opisina nito ako pupunta, at kami lang dalawa ang nandoon, akala ko talaga ay umalis na ito, bakit ba ito nandito 4:10 na diba hanggang 3:30 lang ito doon lagi at ng tuluyan akong mapayapa at bumalik sa normal ang aking puso ay nagpasya na kong lumabas sa banyo at tumuloy sa akanyang opisina

At ngayon papunta na ako sa kanyang opisina at bumalik ang aking kaba baki hindi pa rin mawala wala ang aking kaba, ayy naku wala naman akong ginawang masama

Pero bakit ba ako kinakabahan kaya kaagad kong winaksi sa aking isipan ang sinabi ni badet na nagseselos si sir migeul kay aron at naalala ko din ng biglang dumating si senator dito , naging masama din ang timpla ni sir, possible ba kanyang nagkakagusto na ito sa akin at nakakaramdam ito ng selos sa mga lalaking lumalapit sa akin, possible ba talagang makagusto sa akin sir sir miguel? At dumalangin ako na sana totoo nga , at ndi ako ito hula o imahinasyon lang pero kaagad ko din winaksi sa akin isipan dahil alam ko imposible yun, dahil mahal nito ang ex girlfriend nito o ex wife nito at wala itong balak magmahal muli at dahil lumalayo na ang nilalakbay ng aking imahinasyon o isipan ay kaagad ko ipiniling ang aking ulo at nagpasya na nga pumasok sa loob

Pagdating ko sa harap ng kanyang opisina ay kaagad akong kumatok

Tok, tok, tok

Walang sumasagot nag isip pa ako kung tutuloy ba ako , kaya inulit ko ulit ang aking pagkatok

Tok, tok, tok

"sir, pinatawag nyo po daw a------" sabi ko dito, hindi ko pa man natutuloy ang aking sasabihin ng putulin nito iyon sabay sabing

"pasok ka" napaka maatoridad ng kanyang pagkakasabi ng katagang mga yun at nakakakilabot, siguru kaya hindi ito sumasagot kanina dahil nito narinig ang aking boses , mahina ba ang aking pagkatok? At napalakas lang ngayon at kaya ng marinig nito ang aking boses ay kaya kaagad ito nagsalita at kahit kinakabahan ako at nanginginig ang aking tuhod, tumalima na ako sa gusto nito na pumasok ako, kaya kaagad akong pumasok baka magalit ito at madagdagan ang aking kasalan dito, may kasalanan ba ako? Piping tanong ko sa aking sarili at ng makapasok ako ay kaagad ko ginala ang aking mata sa loob ng opisina nito , ayy grabe ang ganda pala dito, kulay gray ang buong opisina , panglalaki ang design ng kabuuhan ng opisina nito at sobrang lamig sa loob ng kanyang opisina at kaagad kong napansin na meron sofa dito na pwedeng mahiga ang dalawang tao, ayy ano kaba rose pati yun ay napansin mo, kastigo ko sa akin sarili at kaagad akong pinagmulan ng mukha at ng igala ko ulit ang aking mata ndi ko makita si sir at inulit ko ulit hindi ko talagang makita ang bulto ni sir sa kanyang lamesa at buong niyang opisina, nasaan si sir miguel? tanong ko sa aking sarili, bakit ndi ko ito makita, ehhh kakasara ko lang ng pinto possible bang nasa likod siya ng pinto kanina at nasa likod siya ngayon at ganoon nalang ang aking pagakabigla sa ginawa ni sir miguel niyakap niya ako habang nakatalikod , nabigla ako sa nangyayari at mas nabigla ako ng umikot si sir miguel sa akin harapan at hinalikan ako ni sir, ayy grabe totoo ba ito? Pero bakit ito ginagawa ni sir? Dahil masarap humalik si sir miguel ay mabilis akong gumanti ng halik sa kanya at tumagal ito ng ilang segndo at ng hihiwalay na nito ang pagkakalapat ng halik namin ay ng kaagad kong hinabol ang kanyang labi naku nabitin ako , grabe ang landi ko, ano bang nagyayari sa akin? bakit naadik ako bigla sa labi ni sir miguel, naku sa sobrang labot ng labi nito ay ndi maiwasan na humngi pa ng isang halik at ang mapupula niyang labi parang lagi ako niyayang halikan ito at parang kahit anong oras gustong magpahalik ng kanyang labi at ilang segundo ulit ang tinagal ng hahalikan namin ni sir miguel naku gusto ko naman sanang magprotesta ng putulin nito ang halik namin , nakakainis ito mahilig mabitin at bigla itong ngumiti sa akin habang tinitignan o pinagmamasdan ako at ngumiti ito ng pilyo at sabay sabing

" ayaw mo naman sigurong lumabas ng pinto iyan na maga ang nguso mo" sabi nito sa akin na may nakapaskil na ngisi sa labi

"po?" sabi ko dito na bahagyan naguluhan sa kanyang sinabi

" ayaw mong putulin ang halikan natin" sabi nito sa akin na agad ko naman naintindihan ang kanyang sinasabi at kaagad namula ang aking mukha dahil sa sinabi nito at nabigla lalo ng bigla nitong sabihin ang mga katagang nagpagulo sa akin isipan

"ayaw kong nakikipag-usap ka ulit kay senator at doon sa lalaki kanina, yun ba yung aron na panay tawag sayo ng nasa condo kita" sabi nito sa akin at nakita kong nagsalubong ang kanyang kilay

Dahil sa pagkakabigla ko sa sinabi niya, hindi agad ako nakasagot na agad nmaan niyang dinugtungan

"seloso akong tao, ang aking hindi ko sinishare sa iba" sabi nito na kinalaki ng aking mga mata, tama ba ang narinig ko inaakin ako nito kaya ayaw daw nitong ishare sa iba, naku kinikilig ako, totoo ba ito o panaginip? At sana kung panaginip ito huwag na huwag na akong magising pa, pero teka balak niya ba kaming pagsabayin ni maam chloe, paano si maam chloe? At dahil nakita nitong ang pagkunot ng aking noo ay parang nabasa nito ang aking iniisip o naglalaro sa aking isipan, ayyy naku napakavisible ko talaga , madaling basahin at bago ko man ito maisatinig agad na nitong sinagot ang tanong ko at kaagad nitong kinintalan ng halik ang aking labi at sabay sabing

" kung si chloe ang iniisip mo , hiwalay na kami" sabi nito sa akin bago ulit nito kinintalan ang aking labi, ayyy naku kinikilig ako , grabe parang nasa cloud nine ako

"labas ka na baka may magawa pa akong iba sa iyo " sabi nito sa akin sabay ngisi at nagpasya na nga akong lumabas baka may gawin nga iito sa akin sa loob ng kanyang opisina at baka mgtaka ang mga kasama kung bakit ang tagal tagal ko sa kanyang opisina at bago ako tuluyan nakalabas may sinabi ito na kinalakas ng pintig ng aking puso