Chereads / Wild Wild Love (Complete) / Chapter 40 - Chapter 40

Chapter 40 - Chapter 40

Millary POV

"Buntis din ako" sabi ko sa kanila na kinabigla din nilang dalawa at kinatingin nila sa akin at nakita ko na ganoon nalang ang paglalaki ng kanilang mata dahil sa sinabi ko

" sabay sabay natin palalakihin ang ating mga anak " sabi ko ulit sa kanila na kinatingin nila sa akin at kinangiti nila at nasiyahan ako sa nakita kong pangiti nila

"oo" sagot ni rizalyn at ndi matatawaran ang kanyang ngiti sa kanyang labi

"oo" sagot ni annie at nakita ko ang kislap sa mata ni annie sa akin sinabi

"magiging katuwang natin ang isa't isa sa paglalaki ng mga anak natin at magiging sandalan natin ang isa't isa ah" sabi ulit ko sa kanila at sabay silang tumango sa akin at naramdaman kong gumaan ng kahit kaunti ang aming pakiramdam dahil alam namin na meron kaming karamay dahil nanyan kami para sa isa't isa at alam namin dahil sa nakaantabay kami sa isa't isa mapagtatagumpayan namin ang ano mang dumaan pagsubok sa hinaharap at sa nakikita kong tibay ng aming mga loob at tatag namin ngayon alam kong magiging mabuti kaming mga ina ng aming mga anak

"rizalyn saan pala tayo pupunta o maninirahan?" tanong ko dito dahil ndi nito nabangit sa akin kung saan kaming tutungong lugar at alam ko lang sa bahay bakasyunan lang ang nabangit nito sa akin

"sa baguio cous" sabi nito sa akin at bahagyan itong tumingin sa akin at parang nabasa nito sa aking mukha ang aking pagkatakot dahil may makakita sa akin doon at makaalam kung saan ako nagtatago kaya agad nitong sinabi na

" wag kang mag-alaala cous, hindi ka matatagpuan nila tita doon" sabi nito sa akin habang nakatingin ito sa akin

"thank you cous" pagpapasalamat ko dito dahil nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito sa akin ngayon

"yung lugar ba na yun ay alam ba nila tita yun?" ang tinutukoy ko ang kanyang mama at tanong ko ulit dito at mabilis itong sumagot

"hindi cous at nabili ko ang titrahan natin sa sarili kong ipon at ndi alam nila mama yun na nabili ko iyon sa ipon ko at hindi ko pinangalan sa akin ang titirhan natin at alammo kanino ko pingalan ko sa best friend ko kaya alam kong ndi tayo makikita nila mama doon at nila tita kaya wag ka ng mangamba dahil walang makakita o makakatagpo sa atin doon " sabi nito at napangiti ako dahil sa pagtitiyak nito na magiging ligtas kami doon at ndi kami mahuhuli kung magtatago kami

"thank you ulit cous" sabi ko ditosabay yakap ko dito

"ikaw annie may tinataguan kaba? Yung ama ng iyong anak tinataguhan mo ba?" tanong ni rizalyn kay annie sabay tinggin nito kay annie , noong una ndi mo na ito nagsalita siguro ay pinakikiramdaman muna kung magtatapat na ba ito o hindi at sa huli ay nagdesisyon ito na magtapat na kaya ilang minuto ang lumipas ng tumingin ito sa amin at naging palipat lipat ang tingin nito at ilang sandali lang ay nagsabi na ito

"ang tito ko at si john" sagot nito sa nahihiyang mukha dahil siguro nahalata nito na napansin namin na pinag-isipan muna nitong mabuti ang pagsagot na ndi namin siya masisi kasi sa panahon ngayon mahirap na ang magtiwala kaya agad kong sinabi na

"wag kang matakot sa amin annie dahil mapapagkatiwalaan mo kami at base sa nakikita ko sayo ngayon ay hirap kang lubos na magtiwala sa amin dahil siguro sa pinagdaanan mo na hindi ko na itatanong baka may mabuksan akong sakit na dapat ndi mabuksan dahil sa matagal mo ng kinalimutan" sabi ko dito na para ipaalam dito na nauunawahan ko ito at ndi dapat ito mahiya na ndi ito agad nagtiwala ng buo sa amin at ilang sandali lang ay nagtanong ang aking pinsan dito

"bakit?" tanong ng pinsan ko dahil tinatanong nito kung bakit nito tinataguhan sina john at ang tito nito na agad naman nitong sinagot ng mabilis ngayon ndi katulad kanina na nag-isip muna ito ng malalim

"balak akong patayin ng tito ko para makuwa ang kayaman ng aking mga magulang" sagot nito kay rizalyn at ganoon nalang ang aking pagkakabigla sa narinig ko at ganoon din ang pagkabigla ng aking pinsan sa kanyan narinig at naisip ko na mas masalimuot ang kanyang pinagdadaanan kumpara sa akin at kung ako tinaguan ko ang kaing mga magulang para ndi mapakasal sa lalaking ndi ko mahal pero itong si annie tinataguhan ang kanyang tito para maisalba ang kanyang buhay at bigla akong sinalakay ng awa para sa kanya at parang ang daming niyang pinagdaanan at parang dami nitong kinakaharap na problema at ang dami nitong sinuong na problema at tama ang hula ko ng una ko itong nakita na marami ito tinatagong sikreto at ilang segundo lang ako naman ang nagtanong

"si john bakit mo tinataguan" tanong ko dito ulit at hindi ito umimik at bigla naman ito umiyak

"siya ang ama ng anak mo, tama ba ako?"at ayaw mo siyang maipit sa gulo kaya minabuti mong takasan siya at iwan" sabi ko dito kasi yun ang aking hula at ganoon ang pakabigla ko ng biglakong maaninag sa kanya ang galit na mababakas sa kanynag mukha at lungkot sa kanyang mga mata

"oo siya ang ama ng aking anak at---------" sabi nito at bigla naman ito umiyak at bigla nalang ito naging hangulngul at ng maimasmasan ito sa kakaiyak doon ko ito tinanong

"At siya ang ano" tanong ko dito kasi nabitin ako sa kwento nito kanina

(abangan ang kwento ni Annie at John sa Stupid Heart sana loobin mahalin po ninyo ang kanilang kwento)

"siya ang naatasan na papatay sa akin" sabi nito at agad kong natakip ang aking bibig sa sinabi nito dahil sa aking pagkakabigla at nakita ko din ang aking pinsan na nabigla sa sinabi nito at bigla akong naiyak sa kanyang sinabi kaya pala may nakikita akong maitim na awra na bumabalot sa katawan ni John at may lihim din pala itong tinatago kaya pala mainit ang dugo nito kay annie yun pala ang dahilan nito at kaya pala noon madalas ko itong nakikitang nakatingin kay annie kaya nga binubugaw o pinatrtripan ko ito kay John at ganoon nalang ang aking pagkakabigla ng maalala ko halos magkakasabay ang pagdating namin sa mansyon ng mga dela munoz dahil pala may reason itong si john dahil sinusundan nito si annie at parang biglang sumakit ang aking ulo sa narinig ko ngayon at paano nangyari iyon at ibig bang sabihin noon amo nito ang tito ni Annie, paano nalaman ni annie ang katotohanan na iyon at ang sakit naman ng katotohanan natuklasan ni annie at kung ako ngayon ay nasaktan sa katotohanan na natuklasan ko mas lalo sigurado para kay annie dahil sobrang sakit ng katotahan na natuklasan nito at ganoon na lang ng maglaglaga ang aking balikat at nanlaki ang aking mata sa sinabi nito kasunod at hindi ako makapaniwala at bigla ko natanong ang aking sarili kung totoo ba ang aking narinig?o nabingi lamang ako?