Tatlong buwan na ang nakakalipas simula ng maidaos ang libing ni Sean. At ang pamamalagi ko sa North Korea.
Mababait ang mga tao rito, at kahit papano ay nakakatulong din si Min na pagaanin kahit papaano ang loob ko. Inari na akong isang tunay na anak ni Mr Kang, na syang ama ni Min.
Ang nais pa nga sana ni Min ay iarrange marriage ako sa kanya, na madiin kong tinutulan. Wala ako sa matinong pag iisip para pumayag sa isang kasal. Gayon pa man ay nirespeto ng Heneral ang aking pagtanggi sa inaalok na kasal ni Min bagamat alam ko sa aking sarili na nasaktan ko si Min dahil rito, na pilit nyang kinukubli sa kanyang loob.
Tatlong buwan na ang nakakalipas, ngunit waring sariwa parin sa aking alala ang pagkamatay ng mga kaibigan. Gustuhin ko mang muling bumalik sa Pilipinas ay hindi ko pa kaya.
Sapagkat napakaraming masasakit na alala alala ang dulot sa akin ng sariling bansa.
Sa ngayon ay iginugugol ko na lamang ang sarili ko sa araw-gabing pag eensayo. Nang makarating sa akin ang isang balita.
Nag raise daw ang Japan ng digmaan sa North Korea. At dahil wala naman akong pakialam sa politika, ay hahayaan ko na lang sana, nang malaman ko kung sino ang hahawak sa tactician commandant ng Japan.
Agad akong napangisi, saka nagpasyang hawakan ang tactician commandant ng North Korea, na agad namang sinang ayunan ng lahat, knowing my History.
Im not just an assassin, but also a tactician.
Isang linggo ang inihanda para sa pagpeprepara para sa digmaan. Malakas ang loob ko ngayon dahil hindi tulad nuon ay wala na akong pinoprotektahan.
Wala ng mas mahalaga para sakin kung hindi ay ang makapag higante sa grupo ng Red Fangs at kay Aiko Suzumiya na syang may hawak sa Japan.
Japan had really gone nuts asking for an assassins help.
Sa loob ng isang linggo ay ginugol ko ang aking oras sa pag iisip ng tactics. Hindi lang isa o limang klase ng creative tactics ang inihanda ko para tapusin ang Red Fangs, kundi sampung tactics na nagsusuporta sa kahit ano mang taktika na sisimulan ko kung sakali mang hindi ito umepekto.
Hindi pa man nakakarating ang mga hapon sa base ay may mga tao na akong ipinadala bilang espiya. Hindi ito simpleng labanan lang ng bawat bansa, dahil ang digmaan na ito ay labanan ng assassin sa assassins.
Bago pa man mangyare yun, ay nagawa ko nang malaman ang lokasyon ng espiyang ipinadala ni Aiko, na walang kahirap hirap naming napalitan. At gamit ang sariling tao, ay ginawa naming pagsuotin ng isang silicon mask ang tao ko, na syang pinabalik namin sa kuta ng mga hapon para magpakilalang kakampi nila.
Our men was trained by me to give out false information na nakalap nila samin.
Nang sumugod ang mga hapon sa North, ay sya naman naming pagkilos papasok sa base ng kalaban. Habang ang Heneral ang inatasan kong libangin ang mga kalaban sa klase ng tactic na sinabi sa kanila ng espiya namin.
Nakasuot ako ng damit na katulad ng sa damit ng mga hapon, I even got to know their pass code.
"ponta." saad ko sa guard na nagbabantay sa gate. Kaya agad naman ako nitong pinapasok.
THIRD PERSON POV
Habang abala sila Aiko at ang mga hapon sa pakikipaglaban sa front war, ay walang kahirap hirap na nakapasok sila Rinleigh sa base ng kalaban.
Naiwan ang ilan sa mga kasamahan ni Rinleigh papunta sa mga hapon na naka assign sa aircrafts, at pinagpapatay ang mga ito ng walang nakakalam.
Habang ang dalagang si Rinleigh ay kalmadong naglalakad papunta sa mismong head quarters nila Aiko. Nagawa na nya at ng espiya nyang paslangin ang lahat ng assassin mula sa Red Fangs, habang busy ang lahat sa digmaan.
Samantala, si Min Jae naman na naatasan para sa pag install ng napakalaking Signal Jam sa base ng kalaban ay nagawa ang kanyang mission ng walang kahirap hirap.
"nan geunyeoga anjeonhagil balae" kausap ng binata sa sarili na tinutukoy ay si Rinleigh na nasa kuta na ng kalaban.
(I just hope that she is safe)
Nagtaka ang mga hapon dahil hindi nila macontact ang head quarters ni Aiko, gayon pa man ay nagpatuloy parin sila sa madugong pakikipag laban sa grupo ng mga taga North Korea.
Habang masayang masaya ang dalagang si Aiko dahil sa nakikitang takbo ng digmaan. Walang kaalam alam na umiikot na sya at ang buong kasamahan nya sa palad ng dalagang si Rinleigh na ngayon ay nasa harap na ng pinto ng head quarters habang ang kasuotan ay maraming talsik ng dugo mula sa mga Red Fangs assassins na nagbabantay sa headquarters. Ang isang kamay nito ay may hawak hawak na malaking galyos. Habang hinihila ang mga ulong magkakahugpong na nakatusok sa mahabang galyos.
"PUTANG INA! Anong nangyayare?" galit na turan ng dalaga na napahampas pa sa lamesang bakal sa harapan nya, ng wala syang makuhang matinong signal para malaman ang nangyayare sa gyera.
"Watashi wa genzai no sensō no messenjā to shite koko ni imasu" ani ng isang mensahero sa likod.
(i am here as the messenger on the current war.)
Ang dalagang mensahero ay nanatiling nakatungo, na hindi normal sa mga sundalong hapon. More like ang mensahero ay isang assassin tulad ng Red Fangs. Nakasuot ito ng itim na face mask, na tumatakip sa kalahati ng kanyang muka. Ang tanging makikita lamang ay ang magaganda nitong mata na nagliliyab sa galit.
"Genzai sensō de okotte iru koto?" ang turan ni Aiko na hindi mapakali sa kanyang pwesto.
(what's happening currently to the war?)
May kakaibang kaba ang kanyang nararamdaman sa biglang pagkawala ng signal. Kinukutuban na rin sya na napasok na sila ng kalaban. Ngunit imposibleng mangyare yun, dahil nasa labas ang lahat ng kanyang mga tao. Bukod rito ay masyadong tahimik ang paligid, at wala naman syang narinig o naramdamang bakas na napasok na sila.
"Anata no kokumin wa sudeni shinde iru yōdesuga, nihonjin wa karera no shi no beddo ni mukatte imasu" nakangising saad ng mensahera na nakapagpalingon kay Aiko rito.
(it seems like your people is already dead. while Japanese is heading to their death bed)
"Nani tte itta no?" nanlalaki ang mata na turan ni Aiko saka lumingon sa nakangising si Rinleigh.
(What did you say?)
Tinanggal ni Rinleigh ang takip sa kanyang muka, saka nakangising hinarap ang gulat na gulat na si Aiko.
"Ima shinu junbi wa dekite imasu ka?" mapang asar na turan ng dalagang mensahera.
(ready to die now?)
"Ritoruratto! Where is my girls?" galit na tanong ng babae sa nakangising si Rinleigh.
Tumalikod naman ito saka binuksan ang nakasaradong pintuan. At mula sa labas ay ipinasok nito ang nagmistulang kwintas ng isang higante, kung saan magkakahugpong ang ulo ng lahat ng Red Fangs assasins sa isang mabang galyos.
"here."
Nakangising ibinato ni Rinleigh ang ulo ng lahat ng kasamahan ni Aiko.
Huli na bago pa makareact ang dalaga, dahil sa sobrang bilis ng pangyayare, bago pa man sya makakilos upang depensahan ang sarili, ay nagawa na syang mabaril ni Rinleigh sa noo, na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang buhay.
Agad na binuksan ni Rinleigh ang earpiece na mukang hikaw na itim sa kanyang tenga, at ibinigay ang signal kay Min na muling patayin ang Signal Jam upang maibalik ang signal ng mga hapon.
"Subete no yunitto ga watashi no shiki o torimasu! Subete no yunitto wa enpeitō ni susumimasu" saad ng dalagang sa isang radio kung saan nagtetake ng command ang mga battalion commanders at Generals mula sa head quarter.
(all units, take my command! All units should proceed to the Yeonpyeong Island)
Malawak ang ngisi sa muka ng mga hapon sa pag aakalang ito na ang sinasabing ambush ni Aiko sa kanila. Agad nilang tinalima ang order mula sa headquarter.
Mas lalo pang lumawak ang ngiting tagumpay ng mga ito, ng makita ang mga helicopter at aircrafts na humuhugong sa dami na papunta rin sa Yeonpyeong.
Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay ang mga taong lulan ng kanilang sariling sasakyan ay walang iba kundi ang mga skilled assassin soldiers ni Rinleigh. Wala rin silang kaalam alam na bago pa sila makapag ayos ng pang ambush rito ay naroroon na ang grupo ni Mr Kang na nag aantay sa mga hapon.
Kaya bumaba ng husto ang moral ng mga sundalong hapon ng magsimulang atakihin ng sariling aircrafts ang kapwa nila, lalo na ng lumabas mula sa pinagtataguan ng mga ito ang mga sundalo ng North Korea, na may dala dalang mga sniper guns sa taas na bahagi ng Isla.
Walang natira sa mga hapon sa naging ambush ng North. Habang lulan ng isang helicopter, ay malungkot na nanood ang dalagang dahilan ng pagkapanalo sa gyera ng North Korea.
Bagamat sya ang utak ng lahat, ay ramdam nya sa kanyang puso na kahit pa nagawa nyang tuparin ang pangako sa mga kaibigan, at ang success ng plano, pati narin ang paghihiganti ay hindi pa din nito maalis ang sakit na kanyang nararamdaman sa kanyang puso nang mamatay ang pamilyang tinuring nya sa loob ng impyerno ng Dark Claws.